Share

Chapter 40

LAHAT SILA AY humahangos at tila mga nagpipigil pa rin ng galit. Nanlilisik ang mga tingin ng mag-inang Georgia at Gina kay Evie at gayun rin ito sa kanila.

Nakapayakap pa rin si Silver kay Evie na tila pinoprotektahan ito habang galit at hindi makapaniwalang nakatingin rin sa mag-ina.

"Tama na! Bakit ba kayo nagkakagulo?!" halos humangos din si Silver dahil sa galit.

"Yang babae mo Silver! Masyadong bastos!" pagduro pa ng ginang na mukhang cockatoo na ang ulo dahil sa taas-taas nitong buhok.

"Kayo ho ang bastos para sabihan akong parausan lang ni Silver!" nanggagalit pang sigaw ni Evie na inaawat ni Silver.

"Malandi ka lang talaga! Mangaagaw!" sabat pa ni Georgia kaya siya naman ang tinuunan ni Evie.

"At least hindi ko in-offer ang virginity ko at naghahabol! Desperada!"

"Tama na!" sigaw pa ulit ni Silver at sinasamaan na ng tingin ang mag-ina. "Seriously, tita Gina?! Nakisali pa kayo rito?"

"At bakit hindi ha? Ginalaw mo ang anak ko tapos ano?! Tatakbuhan mo lang? Hindi mo pananagutan?!" nanggagalaiti pa rin nitong pagpupumilit.

"Hindi ko po pinilit ang anak niyo! Siya ang nagpupumilit sa akin! Lasing po ako nun at hindi ko alam kung papaano rin yun nangyari!" paliwanag pa ni Silver. "Kung nasa tamang pagiisip lang po ako nun, pagtatabuyan ko ulit siya kagaya ng palagi kong ginagawa!"

"Ugh?!" napaawang na lamang ng bibig ang ginang sa hindi makapaniwalang reaksyon.

Bumaling naman si Silver ulit kay Georgia na masama ang tingin kay Evie.

"At ikaw Georgia! Hindi ba't sinabihan na kita? Sa oras na manggulo at saktan mo ulit si Evie, kakasuhan na kita!" pagduro niya pa rito kaya kaagad na tumayo si Georgia at tila nagsumamo.

"Huwag mong gawin sa akin toh Silver! Huwag mo akong iwan sa ere! Mahal na mahal kita eh!" pagtangkang hawak pa nito kay Silver ngunit iniiwas ni Silver ang braso niyang mahawakan nito.

"Malaki ang pagkakautang ng nanay mo sa amin! Baka nakakalimutan mong kaya ko rin siyang ipakulong kapag pinakulong mo si Georgia!" sabat pa ng ginang.

"Huwag po kayong magalala, babayaran ko na lang po ang pagkakautang ni mama sa inyo! At pareho ko po kayong sasampahan ng kaso!" pagduro pa ni Silver sa mag-ina.

"You can't do this to us!"

"Watch me!"

Bumaling naman na si Silver kay Evie na humahangos pa rin ngunit mas kalmado na ngayon. Bakas rito ang galit at panggigigil sa nangyari. Nais niyang maawa dahil mukhang napagtulungan pa ng mag-ina.

Hinawi niya ang magulong buhok nito at inayos ang pagkakasuot ng lumaylay ng damit. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito na labis na namumula at gayun rin ang sa may leeg at dibdib na marami ring gasgas. Tiningnan niya rin ang mga namumula at naghahabaang kalmot nito sa braso.

"Ayos ka lang ba, mommy?" labis pa pagaalala na ni Silver rito.

"Ayos lang ako daddy." baritonong sagot lang ni Evie na labis pa ring nagpipigil. Nangingilid na rin ang mga luha sa mata niya dahil sa galit na mas nakakapagpula ng labis sa kanyang ilong at pisngi.

"Sir! Sir Silver! Nariyan na po ang mga pulis." nananakbo pang saad ni manong Obet pagkapasok ng bahay.

Labis na nagulat ang mag-ina at lahat sila ay napalingon sa bukana ng pintuan. Pumasok rin naman doon ang apat na kalalakihang nakauniporme ng pulis.

"Magandang gabi ho!" bati ng pulis na nangunguna sa kanila.

"Silver! Don't do this to us!" sumamo naman na ni Georgia.

"Kakasuhan din kita ng physical injury!" pagtayo at pagduro pa ng ginang kay Evie.

"I'll see you at the court!" sagot naman ni Evie rito.

"Magandang gabi ho, chief! Pakidampot niyo na lang po ang dalawang ito. Magkita na lang po tayo sa police station." tila utos ni Silver at tuluyang inilayo si Evie sa kanila.

Lumapit naman ang mga kalalakihan at isinasama ang mag-ina.

"Hali ka na po, huwag na po kayong manlaban."

"Bitawan niyo ako!" pagpalag pa ng ginang at hinahawi ang mga kamay ng mga pulis.

"Huwag niyo kong hawakan!" pagtulak pa ni Georgia sa isang pulis ngunit nahawakan siya nito sa pulsuhan.

"Huwag na po kayong pumalag, Ma’am! Madadagdagan lang po ang kaso niyo! Sumama na lang po kayo ng matiwasay."

Inilabas na ng mga pulis ang mag-ina na wala rin namang nagawa kung hindi sumama sa kanila.

Napayakap namang mabuti si Silver kay Evie at gayun din ang ginawa sa kanya.

"I'm sorry, mommy. Nasaktan ka na naman nila."

"Okay lang ako daddy. Bago pa nila maSira ang mukha ko, wasak na yung kanila." tila pagsigurado pa nito.

NAGBIHIS na muna sila Evie at Silver bago nagtungo na rin ng police station.

Nasa detention area ang mag-ina na mas kalmado na ngayon ngunit mga nagmamataas pa rin. Magkahawak kamay namang pumasok sina Evie at Silver na dumiretso na sa detention area.

Nakaupo sa may kahabaang mesa ang mga ito, sina Evie at Silver sa gawing kaliwa, at ang mag-ina ay nasa gawing kanan. Nasa dulo naman ng mesa ang chief na mamamagitan sa kanila.

"Magandang gabi po sa inyong lahat, ano ho bang naging problema at nauwi sa sakitan itong pagtatalo niyo?" panimula naman ng chief.

Tila walang nais sumagot rito dahil tinatarayan lang ng tingin ng mag-ina si Evie.

"Ang dalawa pong ito chief, sumugod sa bahay at inaway na ang asawa ko!" sagot naman na ni Silver rito.

"Yang babaeng yan ang nagsimula! Kung hindi siya sumagot-sagot ng --" sabat kaagad ng ginang at dinuduro pa si Evie.

"Kayo ho ang nagsimula! Kayo ho ang nambastos! Kayo ho unang nanakit!"

"Pinatulan mo naman ang mama ko! Wala kang modo!"

"Kayo ang walang modo! Pilit kayong pumasok sa bahay ng may bahay tapos manggugulo lang kayo?!"

"Tama na po yan! Wala po tayong maaayos rito kung patuloy po tayong magsisigawan." pagawat pang muli ng hepe.

"Kakasuhan kitang babae ka! Slightly physical injury at oral defamation!" pagduro pa rin ng ginang kay Evie sabay baling nito kay Silver. "Kakasuhan ko rin ang nanay mo ng e****a!"

"Sige lang ho, magkaso kayo. Kakasuhan rin namin kayo ng trespassing, physical injury, oral defamation, alarming scandal. Magpa-file rin kami ng temporary restraining order sa buong pamilya niyo!" mariin ding sagot ni Silver rito na kinaawang lang ng bibig ng mag-ina.

"Ahm, mga Ma’am at Sir, baka pupwede na po muna natin pagusapan ito at magaregladuhan na lang kaysa mauwi sa kasuhan. Mapapagaatos at mas malaking abala po."

"Paparating na po ang attorney ko, siya na lamang po ang kausapin niyo. Pero tuloy ang restraining order ko against these people."

"Kayo ho ba, misis? May attorney --"

"Lawyer ako! Paparating na rin ang asawa ko." tila pagmamalaki pa ng ginang.

Dumating na attorney ni Silver at gayun din ang ama ni Georgia. Humarap rin sila sa hepe ng istasyon kasama ang iba pa.

"Silver, baka pupwede na lamang natin itong pagusapan?" kalmado namang pakiusap nito.

"Tito Rigor, makikipagareglo po kami, pero may retraining order pa rin po kayo sa amin." mas kalmado na rin si Silver ngayon. "Kung magkano po ang inutang ni mama noon, kahit tubuan niyo na lang, babayaran ko po. Yun din naman ang offer ko sa inyo noon pa man pero ayaw niyong pumayag, mas gusto niyong pakasalan ko ang anak niyo."

"Ah, ahm.. Huwag na natin pahantungin sa kaso ito."

"Ibigay niyo ang kabuuang breakdown at mga patunay ng utang ni mama sa inyo, at babayaran ko po. Matapos nun, huwag na huwag niyo na kaming guhuluhin ng pamilya ko!" mariing saad ni Silver sa mga ito.

Pinagbigyan na ni Rigor ang kagustuhan ni Silver kahit pa ayaw pumayag ng asawa nito at ni Georgia ngunit na ayon na rin sa utos ng hepe ng pulisya ito. Nakapag-hain na rin sila ng TRO laban sa buong pamilya nila Georgia. Ang attorney na lamang ni Silver ang umaasikaso ng mga ito dahil ayaw na niyang magtagal roon at makipagusap pa sa mga ito.

Nagmamadali naman ng lumabas ng police station sina Silver at Evie ngunit pumapatakbong hinahabol ni Georgia si Silver dahilan ng paghinto ng dalawa sa paglalakad palabas palang nang mahigit ni Georgia ang braso ni Silver.

"Silver, wait!" kaagad na napatingin ang dalawa rito ngunit mabilis na binawi ni Silver ang brasong hawak ni Georgia. "Please, pagusapan natin ito. Ituloy na lang kasi natin ang kasal." tila pagsusumamo pa rin nito kay Silver.

Napailing na lang si Evie rito dahil hindi pa rin makapaniwala sa pagkadesperada ni Georgia.

"Georgia, please rin? Huwag mo ng ipilit. Hindi kita pakakasalan dahil yun ang kagustuhan ng magulang mo at ni mama. Hindi kayo ang magdedesisyon para sa akin."

"Gagawin ko ang lahat! Tanggap ko naman ang lahat eh! Yung sakit mo, yung anak mo --"

"Anong sabi mo?" biglang humarap rito si Evie ng marinig ang sinabi ni Georgia kaya tila nagkatinginan sila. Hindi naman niya mapaliwanag kung bakit biglang may kung anong kaba siyang nadama.

"Ano ba yang pinagsasasabi mo, Georgia?!" halos hindi rin makapaniwala si Silver sa narinig.

"Hindi ba? Ikaw ang tinuturong ama ng anak ni Tin?" tila walang alintanang saad pa ni Georgia na kinamaang ni Evie.

"Hindi ko anak yun! Hindi niya kayang patunayang anak ko yung bata dahil ni ayaw niyang pumayag magpa-dna test kami." paliwanag naman kaagad ni Silver.

"Totoo ba?" nanginginig at nanlalamig kaagad si Evie, tila bigla siyang nanghina. Sinusubukan niyang kalmahin ang sarili habang nakatingin kay Silver.

"Look mommy, matagal na yun! Hindi pa kita kilala nun." paghawak pa niya sa kamay ni Evie ngunit mabilis itong binawi ng dalaga.

"Pero tatlong taon pa lang din ang bata. Ang pagkakaalam ko, lumalapit sayo noon si Tin para sa sustento noong nagbubuntis pa lang siya at binigyan mo rin naman." sabat pa ni Georgia.

Napaisip si Evie at sinamatutal ang mga panahong nabanggit, napagtanto niyang yun ang mga panahong sila pa ni Silver.

"Kailan nangyari yung pag-claim niyang anak mo ang dinadala niya? Tayo pa nun di ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" nagsisimula ng humalam ang mga luha sa mata ni Evie habang nanginginig pa rin.

"Mommy, hindi pa kita kilala noong sa amin ni Tin. Lasing lang din ako nun, pero alam kong gumamit ako ng proteksyon. Kaya ko siya binigyan dahil sabi niya pumapayag na siyang ipa-dna ang bata pero hindi niya ginawa."

"Bakit hindi mo -- sinabi sa akin?" halos mabasag na ang tinig ni Evie at nananakit na rin ang kanyang lalamunan sa pagpipigil ng maluha.

"Mommy, I just don't want any trouble. Alam kong -- baka iwan mo ko noon kung sakaling malaman mong may ganitong issue. Alam kong ayaw mo sa may sabit."

"Kahit na! Sana sinabi mo sa akin! Tapos ngayon ni hindi pala sigurado kung totoo bang anak mo yun o hindi?!" hindi na napigilan kumawala ng mga luha sa mata ni Evie. Hindi niya malaman kung bakit siya nasasaktan, pakiramdam niya ay pinaglihiman at pinagsinungalingan na naman siya ni Silver.

"Hmm? Hindi mo pala alam?" tila pagmamalaki pa ni Georgia kaya napatingin sa kanya ang dalawa.

"Pwede ba Georgia tumigil ka na?!"

"Bakit? Tinulungan pa nga kita para makumbinsi si Tin na ipa-dna test na ang bata pero tinatago niya."

Hindi naman malaman ni Silver kung ano pang sasabihin, he seems caught off guard.

"Paano mo nakilala yung babae?" diretsong tanong ni Evie kay Georgia.

Napatingin naman si Georgia kay Silver pa tila nanghihina na.

"Nakita ko sila noon ni Silver sa bar kasama ang ilang barkada rin ni Silver na kilala ko. Sa kanila ko rin kasi -- nalaman kung nasaan si Silver. Sila rin ang nagsabi sa akin na nabuntis mo raw si Tin, kaya -- kaya inalam ko kung totoo ba yun. Kinontak ko si Tin. Pero ayaw niya ngang ipa-paternity test ang nasa sinapupunan pa lang niya. At nalaman ko ngang papayag siya kung magbibigay muna si Silver kaya yun nga ang ginawa ni Silver dahil -- dahil kilala ka rin ni Tin." pagtukoy pa nito kay Evie.

"Kilala niya ako?"

"Oo, na ikaw ang girlfriend nga ni Silver noon at balak niyang sabihin sayo na nabuntis daw siya ni Silver."

Nagtitimpi si Evie at pinunasan kaagad ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya. Tila nasa state of shock pa siya at hindi malaman kung ano ang dapat ireaksyon o sasabihin dahil sa nalaman.

"Inilihim mo na naman sa akin ito?"

"Mommy -- ayoko lang maSira tayo noon." pagabot niya sana ulit sa kamay ni Evie ngunit iniiwas pa rin nito.

Tiningnan lang ng masama ni Evie si Silver, pinipigilan niya ang pagkunot ng labi niya na tila naiiyak na naman siya kaya napapatagis bangang na lamang siya. Punong-puno ng kalituhan ang pagiisip niya ngayon, nabibigla pa rin siya sa nalaman. Maraming katangunan ang gusto niyang malaman pero hindi niya alam kung saan at papaano magsisimula. Labis siyang nakaramdam ng takot at lungkot.

Inalisan na lamang niya ito at dumiretso na sa kotse nilang nakaparada sa labas ng police station.

"Mommy!" papasunod na rin sana si Silver rito ngunit hinigit na naman ni Georgia ang braso niya kaya siya napahinto.

"See? Hindi niya pala matatanggap kung sakaling anak mo yung bata. Inilihim mo yun sa kanya kasi alam mong baka iwanan ka niya dahil lang doon? Tss? Mahal ka ba niya talaga, Silver?!"

"Tumahimik ka." pagpapakalma pa ni Silver sa sarili.

"Samantalang ako Silver, tanggap ko lahat! Tanggap kita! Lahat sayo!"

"Wala akong pakialam!" sigaw na nito at mabilis tinaboy si Georgia para tumakbo pasunod kay Evie.

"Silver!!"

NANAKBO si Silver para maabutan si Evie na papasakay rin naman na ng kotse.

"Mommy!" pero hindi siya pinansin ni Evie at sumakay na sa kotse. Bagsak balikat na lamang din siyang sumakay sa driver's seat ng kotse niya.

Nakita niyang seryoso ang ekspresyon nito na diretso lang ang tingin matapos ikabit ang seat belt, naka-crossed arms din at tila malalalim ang paghinga.

"Mommy.."

"Bilisan mo, gusto ko ng umuwi."

Yun lamang ang sinabi nito kaya yun na lamang din ang ginawa ni Silver. Nagmaneho na siya at naging tahimik lang ang byahe nila hanggang sa makauwi sa beach house.

Hindi pa namamatay ang makina ng kotse ay mabilis ng bumaba si Evie mg kotse at mabilis na naglalakad papasok ng bahay. Binilisan na rin naman ni Silver ang kilos para masundan kaagad si Evie.

"Mommy! -- mommy wait!" pagtawag niya pa rito ngunit dire-diretso lamang ito hanggang sa nakaakyat na ito ng hagdanan.

"Sir, maghahapunan na po ba kayo?" pagharang naman ni manang Joy kay Silver nang makapasok ito ng bahay.

"Ahm, hindi po muna manang, pakitabi na lang po yung mga pagkain. Pwede na po kayong umuwi."

"Sige po, Sir."

Kaagad naman din pumanik si Silver at nagtungo sa guest room, alam niyang dito tutuloy si Evie. Sinubukan niya itong buksan at naka-lock nga ito kaya kinatok na niya muna.

"Mommy? Mommy? Please? Can we talk?" pagsandal pa niya sa pintuan habang kinakatok ito. Walang response na natanggap si Silver kaya muli siyang kumatok at tinawag ito. "Mommy please? Let's talk about this."

Wala pa ring response na natanggap si Silver kaya nagpasya siyang kunin na ang master's key at sinusian na ang guest room.

Narinig ni Evie na bumukas na ang pinto habang nakatayo siya sa bintana ng kwarto at nakatanaw sa seaside view mula roon. Alam niyang kanina pa kumakatok at tumatawag sa kanya si Silver pero ayaw niya itong pagbuksan. Hindi niya kasi malaman kung papaano ito haharapin pa dahil sa mga nalaman niya.

Nakapasandal siya sa bintana habang nilalaro ng isang kamay ang pendant ng kwentas at nakatingin sa malayo.

"Mommy? Can we talk please?"

Hindi pa rin ito sumagot o gumalaw man lang. Lumapit na si Silver kay Evie at ngayo'y parehas silang nakatanaw sa dagat.

"Mommy please, listen. --"

"Listen on what Silver? On your another lies? The excuses you'll make to patch up some things?" she fiercely said as she faced him.

"No, mommy." napapabuntong hininga na lamang si Silver dahil sa bigat ng nadarama, hindi niya rin malaman kung papaano magpapaliwanag kay Evie. "Yes, tinago ko yun kasi -- kasi alam kong kapag nalaman mo yun, iiwan mo kaagad ako."

"And who are you to judge?!"

He sarcastically smirk. "Because you told me so! Ayaw mo sa may sabit di ba? Ekis kamo kaagad kapag may anak na o sabit. Ano sa tingin ang iisipin ko ha?"

Tila hinihabol naman ni Evie ang hininga dahil sa pagtitimpi, totoong paninindigan niya noon yun. Alam niyang maraming babaeng nagdaan kay Silver noon bago sila nagkakilala kaya natatakot siya na baka balang araw ay may nadisgrasya ito ng hindi niya alam.

"Nagawa ko yun kasi hindi ko kayang mawala ka sa akin! I don't wanna lose you just because of that --"

"Cut the bullshit, Silver! Iniwan mo nga ako ng walang dahilan eh! Ang sabihin mo, natatakot kang maSira sa paningin ko!"

"Of course because I don't want fucking lose you!"

"It happened!"

"Saka, I doubt na anak ko yung bata dahil ni hindi niya magawang ipa-dna test. Oo nga't nahuthutan niya ako, pero isang beses lang yun! Dahil tinakot niya akong sasabihin niya sayo at nangako siyang kapag binigyan ko siya, papayag na siya ipa-paternity test na yung dinadala niya pero nagtago na siya! "

"Didn't you try to find her?"

Napabuntong naman si Silver at napapahilamos ng mukha.

"I -- I don't know where to start to. And why do I have to? Kung totoo ang sinasabi niyang anak ko yung bata, which is confident naman akong hindi --"

"Eh paano nga kung totoong anak mo di ba?!"

"Eh di sana noong una pa lang mas naghabol na siya! Pero matapos ko siyang mabigyan, bigla na lang siyang nawala! I don't know where to find her because -- I don't really know much of her, we're not even close!"

"Tapos ano? Kung nalaman mo pala noon na anak mo yun, ano? Ililihim mo na lang din sa akin para hindi tayo magkaSira ganun ba?!"

"No -- no! Of course, I'll tell you about it."

"Eh di ganun din! MagkakaSira pa rin tayo!"

"Kaya nga sinusulusyunan ko na noon para mas sigurado akong wala akong magiging problema! Kaso pinagtataguan niya ako kaya hindi ko na alam noon kung papaano ko mapapatunayan --"

"That's bullshit! Do you even know how it feels like na baka isang araw pala may kumatok sa pintuan natin at mag-claim na anak mo siya?! Do you even realise what it will makes me feel huh?!" hindi na napigilan ni Evie ang mga naguunahang luhang nais ng kumawala sa mga mata niya pero wala na siyang pakialam. Napuno siya ng galit at pagkadismaya.

"That's why I tried to fix it on my own! Inaapula ko na kahit usok pa lang."

"Then you shouldn't play with the fire in the first place!" mariing singhal na rin ni Evie rito. Napalakad siya palabas na sana ng silid ngunit kaagad nahigit ni Silver ang braso niya.

"Look, gusto ko rin mapatunayan na hindi akin ang batang iyon."

"What if sayo?"

Napabuntong hininga na lamang si Silver at napabagsak balikat dahil hindi niya rin alam ang tamang isasagot kay Evie.

"Would it really make a change kung anak ko yung bata?" seryosong tanong naman niya kaya Evie na tila humahalam na rin ang mga luha sa mata niya.

Nagkatitigan sila ng mata sa mata na kahit pa nanggagalit at nayayamot rin sa sitwasyon nila ngayon, labis pa rin silang nasasaktan.

"I don't know." sagot naman ni Evie at binawi rin ang brasong hawak ni Silver.

"Please mommy, don't do this to me. Don't do this to us."

"Ikaw ang may kagagawan nito Silver? Ikaw ang naglihim na naman sa akin ng ganitong bagay!"

"I'm sorry! I really am! I was just so -- so afraid to lose you again."

"At sa tingin mo ba magiging maayos at masaya rin ang pagsasama natin kung puno ng lihim at kasinungalingan ang lahat? Na ano? Kung kailan kasal na tayo at nagsasama saka mo palang ipapaalam sa akin?"

"Hindi sa ganoon, mommy --"

"But you know what? I don't have any rights naman to judge and to react about it, tingin mo lang naman talaga sa akin noon pa man balewala lang. Kaya kahit anong nangyayari o issues sayo, balewala lang din, hinding-hindi mo yung ipapaalam sa akin kahit pa naaapektuhan na ko. You rather making up excuses than to tell me the whole goddamn truth!"

"Hindi ka balewala sa akin, okay?"

"Oh ang sarap pakinggan!" she answered sarcastically.

"Because you are not worthless! I fucking love you so bad that I would do everything for you not to see something in me that will drive you off!"

"But you didn't see that taking me for granted and putting at least in your priorities doesn't makes me feel bad about you? That it won't disappoint me at you?!" muling nababasag ang tinig ni Evie sa bawat sinambit. "You left me! You choose to let me go because you were so indecisive and selfish!"

Kahit nananakit na ang lalamunan, pinilit itong sabihin ni Evie kahit pa nakakapagpadurog din ito sa kanyang puso. Tila bumabalik na naman ang lahat ng sakit na nadama noon.

"That's not true! I was just also hurt and troubled that how did I hurt someone so bad that it means a lot to me?! I regret each day since I lose you! I fucking blaming myself!"

Hindi tumitigil ang pag-agos ng mga luha ni Evie kahit pa anong pigil niya rito. Dumiretso na lamang siyang lumabas ng silid at naiwan si Silver na nakatayo roon habang minamasdan mawala ang imahe niya.

Labis na nalulungkot at naiinis si Silver dahil sa nangyari. Totoo ang lahat ng binulgar ni Georgia at ang mga sinabi na rin niya kay Evie. Totoong kinakatakot niya na baka dahil rito ay iwanan siya noon ni Evie at mukhang ngayon ay nanganganib na naman ang bagong sibol lamang nilang relasyon muli.

Bakit kung kailan naging maayos na sa amin ang lahat, saka pa nangyari na naman ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status