Share

Chapter 41

NAGMAMADALI NA LAMANG nagtungo si Evie sa baba at dumiretso sa gym room kung nasaan ang asong si Steve.

Nilapitan at naupo siya sa tabi ng asong nagpapahinga na. Hinaplos niya ito habang nanlalabo na ang paningin dahil sa mga luhang pilit na bumubulag at nais kumawala mula sa kanyang mga mata.

Ngayong napag-isa na siya, hindi na niya napigilan ang sarili na maibuhos na ang kanina niya pang sinusubukang pigilan na emosyon. Sa pagkawala ng kanyang kinikimkim na sakit, nagising niya ang aso dahil sa lakas ng hinagpis at pagtangis niya. Pilit siyang nilapit nito kahit pa hindi pa masyado makakilos kaya hinipo niya si Steve upang hindi na ito makalapit sa kanya.

Matinding pagbuhos ng mga luha niya at hindi niya maiwasang humikbi at magtangis. Parang may lumalamukos sa puso ni Evie na nakakapanikip ng dibdib, nakakaramdam na rin siya ng sakit sa tiyan dahil sa malalalim na hikbi. Tila bumabalik na naman sa kanya ang lahat ng sakit na pinagdaanan na niya noon.

Bakit? Bakit na naman ganito? Akala ko magiging maayos na sa amin ang lahat sa pangalawang pagkakataon pero bakit ganito? Sinusubok na naman ba kami? O baka hindi pa rin talaga pwede?

Patuloy ang pag-iyak ni Evie kahit pa halos malagutan na siya ng hininga. Napahiga na siya sa tabi ng aso niya at doon isinubsob ang sarili sa sahig at ibinuhos muli ang emosyon.

Samantalang, napapasuntok na lamang si Silver sa mga pader ng guest room kung saan siya naiwan ni Evie. Labis siyang nagsisisi at nasasaktan rin sa nangyari.

Hindi niya ito ginusto noon pa man, ang tanging intensyon niya lang ay maging malinis na siya mula sa nakaraan niya sa paningin ni Evie. Simula ng nakilala niya ito, ninais na siyang ituwid ang buhay niya. Mas nagsumikap siya para sa future nila ngunit sa sobrang ambisyon niya, nawala naman sa kanya noon ang pinakamamahal niya.

At ngayong natagpuan at napasakanya muli ito, nanganganib na naman itong mawala sa kanya dahil lang sa bagay na hindi pa niya mapatunayan din kahit sa sarili.

Malaki ang takot niyang mawala na naman ng tuluyan si Evie sa kanya dahil rito. Hindi niya sigurado kung matatanggap ni Evie ito dahil siya mismo ay hindi niya matatanggap kung masasaktan na naman ito ng dahil na naman sa kanya.

"Aargh!" malakas pa niyang pagsuntok sa pader at napasandal siya roon. Napadausdos siya hanggang sa maupo sa sahig.

Tumutulong na rin ang mga luhang kanina pa rin pinipigilan, hindi niya lubos maisip na tila kakasimula pa lamang nila muli ni Evie, tila nanganganib na naman ang relasyon nila.

MAKALIPAS ng ilang oras, sinubukan bumaba ni Silver at hinanap kung nasaan si Evie. Una siyang naglibot sa labas hanggang sa beach front dahil alam niyang kailangan nitong magpahangin ngunit ni walang bakas doon ng dalaga.

Huli na ng maisip niyang baka naroon ito kung nasaan ang alagang aso dahil naalala niyang kay Steve noon tumakbo si Evie noong umiiyak.

Tinungo niya kaagad ang gym room at naka-lock nga ito mula sa loob. Mabuti na lamang at nasa bulsa niya pa ang master's key kaya nabuksan niyang muli ang silid.

Bumungad kaagad sa kanya si Steve na tila natuwa ng nakita siya dahil pumaangat ito at nagwagayway ng buntot niya. Nakita niya rin kaagad si Evie na tila nakapadapa sa sahig katabi ni Steve, halatang nakatulog na ito roon.

Dahan-dahan siyang lumapit at pumaluhod sa gilid ng dalaga, hinawi niya ang buhok na nakakalat rito at tumatakip sa maganda nitong mukha. Tila nahihimbing na ito ngunit mamasa-masa pa ang pisngi at labi na namumula ang ilong.

"Sorry Steve, nasaktan at napaiyak ko na naman ang mommy mo. Pero mahal -- mahal na mahal ko siya." pagpipigil muli ni Silver ng maiyak.

Maingat niyang binuhat ito at pinangko na gaya sa bagong kasal.

"Good night, Steve."

Kinarga nga ni Silver ang natutulog na si Evie at pinanik sa kwarto nila. Inilapag niya ito sa kama at iniayos ng higa.

Hinubad niya pang itaas at pantalon nito at sinuutan niya ng t-shirt niya lamang para mas komportable itong matulog. Siya naman ang naghubad ng damit niya at tanging boxer niya lang ang iniwan niya saka tumabi rito sa kama.

Hinahawi-hawi niya ang buhok nito upang mas makita niya ang tila maamong mukha nito na mahimbing na natutulog habang nakahigang patagilid sa tabi nito.

"I'm sorry mommy. I promise, masusulusyunan rin natin ito. Gagawin ko ang lahat. Mapapatunayan kong -- wala tayong dapat ipangamba." hinalikan pa nito ang noo ni Evie saka umayos ng higa at pumayakap rito.

Mahigpit niya itong niyakap na para bang baka ito na ang huling yakap na magagawa niya rito. Labis siyang nasasaktan isipin ito ngunit hindi niya maiwasan.

Kinabukasan, nagising si Evie na may pagkabigla dahil napagtanto niyang nasa kwarto na nila siya ni Silver, kaagad siyang napalingon sa tabi ngunit wala ang binata sa tabi niya. Hindi niya malaman kung bakit pareho niyang hinihiling na sana wala at naroon rin ang binata.

Napabangon siya at paling sa may side table ng kama, nakita niya kaagad ang isang kulay pula na bulaklak ng Daisy. Bago niya iyon kunin, nakita na niya ang kapiraso ng papel na nakapailalim doon kaya kinuha na rin niya ito.

I'm so sorry.

I love you, mommy

Hindi niya malaman kung bakit imbes na kiligin at mangiti siya, humalam ang mga luha sa mata niya hanggang sa tuluyang bumagsak ang mga luha niya rito.

*sobs

Hindi na niya pinipigilan ang sarili sa pag-iyak habang hawak ang bulaklak at ang note ni Silver para sa kanya.

"Mahal na mahal kita, daddy. Wala akong karapatan husgahan ka, pero sana -- gayun ka rin sa akin."

Tila pagkausap niya sa sarili habang bumubuhos pa rin ang mga luha niya.

Humugot na si Evie ng malalim na hininga saka tinuyo ang mga luha sa mata niya. Inayos niya ang sarili at napansin rin niyang iba na ang kasuotan niya ngunit hinahayaan na lamang niya iyon. Kahit pa naka-large shirt lang siya ni Silver na hanggang hita niya at walang pang ibaba, lumabas siya ng silid at bumaba sa kusina.

Pumasok siya ng kusina at gaya ng inaasahan niya, naroon si Silver na may ginagawa sa island counter. Nakapaharap ito sa kanya kaya mabilis nitong napansin ang presensya niya. Napaangat ito ng tingin sa kanya ngunit parehas silang walang emosyong pinapakita.

"Upo ka na, tapos na ko dito."

Gayun na lamang din ang ginawa ni Evie at hindi na siya muling gumalaw. Ni hindi siya kumuha ng kape nila o di kaya ay maghiwa ng prutas. Tila nakatulala siya sa malayo habang iniintay hainan siya ni Silver ng almusal nila.

Ilang sandali pa ay nilapagan na siya nito ng club house na hiniwa ng patatsulok. Naglapag na rin ito ng nahiwang mansanas at peras sa mesa nila ngunit hindi pa ito nauupo kaya hindi pa niya magalaw ang pagkain. Sandali pa ay naglapag rin ito ng mainit na kape sa tabi niya na nanunuot sa ilong niya kaya tila nabuhayan na siya.

Naupo na rin si Silver sa pwesto at napansing natutulala pa rin si Evie sa pagkaing hinanda niya para rito.

"Ka -- kain ka na." nagaalangan pang saad niya rito at ilang segundo pa bago ito kumilos para kunin ang sandwich at kagatan sabay lapag ulit sa plato nito. Gayun na lamang din ang ginawa niya ngunit hindi niya maalis ang atensyon kay Evie na halatang wala sa mood.

Naging tahimik man ang pagaalmusal nila, nakakain pa rin naman sila parehas ng maayos.

"Galit ka pa ba?" panimula ni Silver habang nakatingin kay Evia na hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha.

"Hindi ganun kadaling palagpasin yun." baritonong sagot naman nito na hindi man lang tinitingnan si Silver.

Napabuntong hininga na naman si Silver at napayuko bago bumalik ng tingin kay Evie.

"That's why I'm really sorry."

"Your sorry won't solve any of it." sumimsip naman muna na ito ng kape, inilapag niya nag mainit na tasa ng kape saka napalingon na kay Silver sa wakas. "Paano mo malalaman ang katotohanan?"

Kahit pa tila masakit para kay Evie, napagisipan na niya ito at kailangan na rin niyang harapin kahit napakabigat sa damdamin niya.

Napapatulala naman si Silver ngunit nagiiwas rin ng tingin na nila napapaisip. Huminga na muna siya ng malalim bago tumingin muli sa dalaga.

"I hired a private investor na to find her."

Payak na napatawa si Evie ngunit napailing. "Wow? Sa kanya nakapag-hired ka ng private investor para mahanap. Samantalang sa akin noon, wala." tila pasaring ni Evie bago kumagat ng sandwich.

Gustong kutusan ni Silver ang sarili dahil tinamaan siya sa sinabi nito sa kanya.

"Siya na lang rin ang gagawa ng paraan para makakuha ng sample ng specimen ng bata -- kung sakaling mahanap na niya."

Napataas na lamang ng dalawang kilay niya si Evie habang sumisipsip ng kape niya.

"You don't have to worry --"

"Not to worry? Are you saying that -- I shouldn't be worried until its positive, ganun ba?" tila sarcastic pang tugon nito.

"It won't be posi --"

"How can you say so?!" pagharap na nito kay Silver. "Nakita mo na ba yung bata?"

"Hi -- hindi pa."

"Kahit sa pictures man lang ba o --"

"Wala, tinatago nga niya ang bata di ba? Dahil noong tinangka niya muling manghingi sa akin, nagmatigas na ako ng kailangan ko muna ng DNA results namin kung totoong anak ko ba yung batang pinagpipilitan niyang akin!" paggiit naman na nito.

"So kinontak ka na pala niya ulit?!" halos hindi na naman makapaniwala si Evie. "Akala ko ba --"

"Oo, kalalabas ko lang sa ospital noon at nakontak niya akong muli. Nanghihingi ng sustento sa bata pero -- pero giniit kong magpa-dna muna kami ng bata. Kagaya nung naunang katwiran niya, papayag siya kapag nagbigay muna ako pero hindi ako kumagat. Wala naman na siyang maipananakot sa akin eh."

"Anong nangyari?"

"Sinabihan ko siyang -- ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng bata kung mapapatunayan sa DNA testing na anak ko yun. Pero kung hindi -- kakasuhan ko siya." seryosong saad ni Silver na tila nakapagpaisip ng malalim kay Evie.

"So yun na nga ang gagawin mo kung -- anak mo yun?" tanong rin kaagad ni Evie bago kumagat ng sandwich. Masakit para sa kanya ang binitiwang tanong ngunit nais niyang malaman mula kay Silver kung sakali man ito nga ang mangyari.

Napatingin naman si Silver sa kanya ngunit tila napipi ito. Napapaisip ito ngunit hindi siya sigurado. Bumaling na si Evie sa kanya ng tingin at ngayo'y mata sa mata na sila na tila nagkakasukatan na.

Pilit tinatago ni Evie sa nagmamatapang niyang tingin ang sakit na kinikimkim. Hindi niya rin akalain na magkakaroon sila ni Silver ng ganitong suliranin din. Napapabuntong hininga na lamang si Silver na tila hindi malaman ang tamang isasagot rito na matatanggap ni Evie.

"Eh ikaw? Anong gagawin mo -- kung sakaling -- anak ko yun? Ma -- matatanggap mo ba?" gusto bumasag rin ng tinig ni Silver sa tanong niyang ito.

Tila napasa naman kay Evie ang hot seat at ito ang napipi sa tanong ni Silver sa kanya.

"Hindi ko alam." yun lamang ang sinagot niya kaagad at nagiwas na ng tingin.

May kurot kay Silver ang sagot ni Evie sa kanya. Bumigat ang bawat paghinga niya.

Tila natahimik sila parehas at lumalim ang mga iniisip.

"So it would change, does it?" pagbasag kaagad ni Silver sa katahimikan nila.

Nananatiling tahimik si Evie na napasandal na lamang sa kinauupuan, hindi na rin niya nagalaw ang kinakain.

Payak na napatawa si Silver at napapailing habang nakapayukong tingin sa plato niya.

"Iiwanan mo ulit ako kung -- kung sakaling nagkaanak nga ako sa iba?" ito ang tanong na labis niyang kinakatakutan malaman ang kasagutan.

Biglang tumayo na si Evie at napatingin na lang siya rito.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung sakaling ako ang nadisgrasya?" papaalis na si Evie sa hapag ng hawakan ni Silver ang pulsuhan niya kaya natigilan siya.

"Mahal kita, mommy." sagot naman ni Silver rito kaya napatingin sa kanya si Evie.

Gustong humalam muli ang mga luha ni Evie at tila nanlalambot na siya sa hina ngunit napabuntong hininga na lamang siya bago nilingon si Silver na nakatingala na sa kanya.

Isa pang malalim na buntong hininga ang sinagot lang niya kay Silver saka binawi ang kamay niya at tuluyang alisan ito.

MAGHAPONG hindi nagkikibuan at iniiwasan ni Evie si Silver. Mukhang ayaw din naman siyang kausapin at kulitin ni Silver dahil alam nitong parang walang patutunguan dahil magtatalo lang sila.

Simula kaninang umaga na nag-walkout siya rito noong nagaalmusal sila, pumanik na siya at naligo para makapagpalit ng damit. Kaagad rin bumaba sa gym room kung nasaan si Steve at inabala ang sarili sa pagaalaga sa aso niya. Ni hindi pa siya lumalabas ng silid kahit pa inaya siya ni Silver kumain ng tanghalian na tinanggihan naman din niya.

Tila hindi siya nakakaramdam ng kahit na ano kung hindi pananamlay at kalituhan.

Masakit man, ngunit hindi maalis sa isip ni Evie ang mga katanungan nila ni Silver sa isa't isa. Walang oras na hindi na naokyupado ng isip niya ang tungkol rito. Hindi nito nasagot ang tanong niyang ano ang gagawin nito kung sakaling totoong anak niya ang bata, bagkus ibinalik kaagad ni Silver ang tanong sa kanya kung ano ang gagawin niya kung sakaling anak nga nito ang bata?

Tila tumigil ang pintig ng puso niya rito, bigla siyang na-mental block kaya ni hindi siya nakasagot kaagad. Ngunit maigi niya pa rin itong pinagiisipan pagkasahanggang ngayon.

Ano nga ba? Ano nga bang gagawin ko kung -- kung sakaling anak nga ni Silver iyong batang iyon?

Napapaiyak siya sa tuwing sasagi ito sa isip niya. Dahil hindi niya alam ang sagot. Hindi niya alam ang dapat na isagot o gawin. Hindi niya alam kung dapat ba niyang tanggapin ito o manindigan na hindi dahil labis siyang masasaktan. Ngayon pa lamang napakasakit na, ano pa siguro kung kumpirmado na?

Habang nasa duyan naman si Silver sa may garden at nakatingin sa kung saan, tila lutang na lutang ang pagiisip niya.

Bigla rin pumasok sa isip niya kung ano nga kayang gagawin ni Evie kung sakaling maging totoong anak niya ang batang iyon? Iiwanan na naman ba siya nito or is she really love her enough to accept it?

Naniniwala naman si Silver na mahal siya ni Evie, ngunit nagawa na rin nitong iwan siya noon kahit pa labis pa rin siyang minamahal nito dahil sa nagawa niyang hindi rin maganda.

Bumabalik sa kanya ang lahat ng takot at pangamba na naman dahil sa pangyayaring ito.

Masakit sa kanyang isipin na baka iwanan siyang muli ni Evie dahil tila hindi na niya kakayanin. Ngunit kung ano man ang naisin ng dalaga, kailangan naman niya itong respetuhin.

Tila napakunot ng noo si Silver ng may naririnig na pagtunog ng door bell sa kanyang main gate. Hindi niya pinapasok ang magasawang katiwala muna kaya bumalilwas siya ng pagkakahiga sa duyan upang tingnan kung sino ang nagdo door bell na ito.

"Ma?" tila hindi niya inaasahang makita ng buksan na niya ang gate.

Pinapasok na niya ang ina na tila seryoso lang ang ekspresyon ng mukha. Tila walang gana na lamang din niya itong hinayaan makapasok na sa kanyang bahay.

"Oh? Nasaan -- nasaan yung si Evie?" kaagad na sita nito ng hindi nasisilayan ang dalaga. Prenteng naupo na ito sa solo sofa.

"Nagpapahinga lang yun." prontong sagot naman ni Silver sa ina-inahan at naupo na rin siya sa dulo ng mahabang sofa upang magkaharapan sila ng iba sa gawin kaliwa niya.

Napapabuntong hininga naman ang ginang habang sinusuring mabuti si Silver na tila wala sa mood.

"Oh bakit? Nagaway kayo noh?!" napatingin naman sa kanya si Silver ngunit hindi sumagot.

"Nakita mo na? Akala ko ba -- hinding-hindi mo gagayahin ang ama mo?! Pero ano? May anak ka na raw? Totoo ba?!"

"Hindi pa kompirmado."

"Eh paano kung anak mo nga? Kagaya ka rin ng tatay mo! Walang pakialam sa mararamdaman ng iba, basta makapatol lang kung kanino, eh kita mo ngayon?! Nakadisgrasya ka na!"

Tila napapabuntong hininga na lamang si Silver at napasandal na sa sofa dahil nagpipigil ng inis sa sermon ng ina.

"Pinapulis mo raw sina Gina at Georgia? Bakit?"

"Sumugod silang mag-ina rito kagabi at pinagtulungan si Evie."

"Oh tapos ngayon kayo naman ang magkaaway dahil hindi niya matanggap na may anak ka sa iba?!"

"Hindi pa nga kompirmado! Nagtatago yun dahil takot malaman ang katotohanan, dahil baka makasuhan ko siya kung nagsisinungaling siya."

"Kahit na! Eh paano kung anak mo pala talaga yun? Matatanggap ba niyan ng pinagmamalaki mong babae ha?!"

Napatagis bagang naman si Silver dahil hindi niya rin alam ang sagot sa tanong na ito.

"Iiwan ka rin niyan kapag napagtantong hindi niya kayang tanggapin ang pagkakamali mo noon!" tila may kung anong tumusok sa dibdib ni Silver sa narinig. "Mabuti pa si Georgia, matagal na raw tanggap yun. Pati yang sakit mo pa nga di ba?!"

"Yan ka na naman sa pagpilit mo sa pangit mong reto." preskong sagot naman na ni Silver at tila napahiya ang ginang.

"O -- oy! Propesyunal naman yung tao! Galing sa matinong pamilya! Eh yang Evie mo? Sekretarya lang!"

"Huwag mong nila-lang yun! Kahit ikaw hindi mo kaya ang ginagawa niya." tila pagtatanggol pa ni Silver sa kasintahan dahil nagpapantig na ang tainga niya sa ina-inahan.

"Nakakahiya kina kumpare! Nakarating pa kayo sa pulisya kagabi!"

"Mas nakakahiya ang ginawa nilang mag-ina! Para silang mga walang pinagaralan para sugurin ang bahay ko at awayin ang asawa ko! Sobrang bitter naman nila?!"

"Kung hindi ka sumira sa napagkasunduan, hindi hahantong sa ganito! Ano na lang sasabihin ng ibang --"

"Ikaw ma?" napalapit na si Silver sa ina at napapatong ang mga braso sa tuhod nito. "Hindi ka ba nahihiya na ikaw ang nangutang sa kanila at ako ang gusto mong ipangbayad?!"

Tila hindi naman makasagot ang ginang. Tila nanggagalati ito ngunit nagpipigil rin.

"Babayaran ko na nga ang utang niyo para tigilan niyo na akong lahat! Tigilan niyo na kami ni Evie!" bilang tayo pa nito. "Makakaalis ka na ma, gusto kong magpahinga. Nakakaistorbo kayo." walang buhay pa nitong saad.

"Makikita mo, iiwan ka rin ng babaeng yan!" pagtayo at nanggagalit na pagduro nito kay Silver ngunit hindi ito nagpakita ng anumang reaksyon sa kanya.

"Kahit iwan niya ako, hindi pa rin ako papayag sa gusto niyo!" paggiit muli ni Silver rito.

"Ewan ko sayo! Parehas kayo ng ama mong walang hiya!" singhal pa nito sabay pag-walkout na.

NANG makaalis ang ina-inahan ni Silver, sinara niyang mabuti ang gate at binunot ang door bell upang wala ng makapangistorbo sa kanila.

Napapabuntong hininga na lamang siya at minamasahe ang sintido habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay.

Dumiretso siya sa kusina upang makainom ng tubig dahil tila tumaas yata ang dugo niya sa inis sa ina-inahan.

Ngunit sa bungad pa lang ay natigilan siya dahil nakita niya si Evie na nagsasalin ng tubig sa baso mula sa hawak nitong pitsel. Napatingin rin ito sa kanya ngunit kaagad na magiwas ng tingin. Tila naalala ni Silver ang Evie na una niyang nakilala noong unang beses pa lamang sila nagkita ng personal.

Tahimik na lang din siyang kumuha ng baso niya at iniintay si Evie na matapos sa ginagawa. Nang inilapag nito ang pitsel ay kaagad niya rin itong inabot para salinan naman ang baso niya.

"Dumating si mama." panimula naman ni Silver.

"Alam ko." baritonong sagot nito matapos makainom.

"Nachismis na siguro sa kanya."

"Hmm.."

Sabay ngayon silang umiinom ng tubig. Nakapasandal si Evie sa may kitchen counter habang halos katapat niya si Silver na nakapasandal sa island counter.

"Kumain ka na muna."

"Wala akong gana."

"Masamang nagpapalipas ng --"

"Anong oras tayo babyahe bukas?" diretsong tanong pa nito habang nakatingin na kay Silver.

"Ahm, kahit -- after breakfast. Kamusta na si Steve?"

"Okay naman na siya. Kaya na niyang bumyahe." inubos na ni Evie ang tubig sa baso niya at inilagay sa lababo. Papaalis na sana ito ngunit pinigilan na naman siya ni Silver sa paghawak ng pulsuhan niya kaya napatingin siya rito.

Tila nainip naman si Evie dahil hindi naman nagsasalita si Silver at nakatitig lang sa kanya kaya sinubukan niyang bawiin ang kamay niya ngunit nagmatigas ito.

"Ano ba Silver? Gusto kong magpahinga." may iritasyon sa tono nito na tila walang gana.

"Mahal mo ba talaga ako?"

Hindi malaman ni Evie kung nagsusumamo ba ito o kinukwestyon ba talaga ang nararamdaman niya para rito.

"Ikaw? Mahal mo ba talaga ako?!" ganti niya rito na tila taas noo niyang tanong rin.

"Kung hindi, hindi na ko naghabol at humingi ng second chance."

"Second chance na pinaniwala mo na naman sa akin na ayos lang ang lahat? Na puno ka na naman ng kasinungalingan at lihim?"

Hindi naman makasagot si Silver kaagad.

"Tell me, mayroon pa ba? Baka mayroon ka pang tinatago dyan? Baka may another nag-claim pa na anak mo? Baka kasal ka na pala talaga? Baka drug lord ka? Ano? Sabihin mo na kaagad! Para hindi naman ako nabibigla na naman!" bulyaw pa nito na tila naghumahangos para makalma ang sarili.

"Wa -- wala na. Hindi ko naman gustong ilihim sayo yun eh. Sasabihin ko rin naman. Pero gusto ko sana -- yung sigurado na kong hindi ko nga anak yun --"

"Eh papaano nga kung anak mo?! Saka mo pa lang din sasabihin sa akin noh?!" irita na nitong saad sabay pag-irap na lang kay Silver. Buong lakas na niyang binawi ang kamay at umalis ng kusina.

Minasdan na lamang ito ni Silver na makaalis saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Gusto niyang mangatwiran ngunit alam niyang hindi rin yun tatanggapin pa ng dalaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status