Ayan na ang isa HAHAHAHAHAH FLASHBACK po yan, ha? HAPPY NEW YEAR HAHAHAHAHAH
KING “DADDY, hindi na po ba babalik si Mommy Asha dito?” Natigilan ako sa naging tanong ng anak ko. “Miss ko na po si Mommy at Halina, Daddy,” ani na naman niya sa malungkot na sabi. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Busy lang siya sa bago niyang work, anak, kaya hindi pa siya makakabalik sa ngayon. Tawagan mo na lang nang madalas si Halina kung gusto mo siyang makausap, ‘yon lang talaga ang paraan ngayon para magkausap kayo.” “Sige po. Bakit po kasi biglang nawala si Mommy kanina? Sabi mo po nakita mo siya. Gusto ko lang po siyang itanong kung bakit hindi siya nagpakita sa akin sa ospital.” Lalong hindi ko alam ang isagot sa anak ko nang mga sandaling iyon. Kaya nagkunwari na lang akong tulog. Sa loob-loob ko, nasasaktan ako sa mga naging tanong ni Kalei pati sa mga nangyayari ngayon. Nakokonsensya ako dahil may kasalanan naman ako kung bakit hindi sila nagkita nang araw na iyon. Nang araw na dinala sa Maynila si Kalei ay siya ring labas nang resulta ng mga pinaimbestiga k
AYEISHA Two months later… KASALUKUYAN akong nagtatrabaho sa monitor ko nang pumasok si Daddy sa aking silid. Dahil sa mga anak ko, nagpasaya akong dito na muna mag-opisina sa bahay matutukan ko sila sa paghatid-sundo. “Anak, nasa labas si King. Gusto ka raw kausapin tungkol sa–” “Busy ako, Dad.” Ibinalik ko sa screen ng touchscreen monitor ang atensyon ko. Muli akong gumuhit gamit ang touch pen para sa aking panibagong disenyo ng mga damit na ilalabas ng aking A&K Couture. Sa totoo lang, wala akong panahon sa bisita, lalo na kung si King 'yan. “Kanina pa siya sa labas sabi ng guard. Hindi ka ba naawa–” Marahas akong napabuntonghininga. Bumaling ako kay Daddy. “Paulit-ulit na lang tayo dito, Dad. Ako ba kinaawaan niya noon? Hindi nga po, ‘di ba?” Alam kong ramdam ni Daddy na naiinis na ako. “O-okay.” Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nandoon nga si King, nakasandal sa sasakyan niya. Nakatingin siya banda sa aking silid kaya umalis ako kaagad. “Bukas, kapag bumalik siya, baka
AYEISHA “ARE you sure?” ulit ko kay Ben nang sabihin niyang may binigay na ticket para sa akin para sa gaganaping Miss Universe. “Yes, sis. Ipapadala ko na lang diyan. Nakalimutan yata na bumalik ka na.” Sa kan’ya kasi pinapadala kaya hindi ko alam. “Sakto pala. Sa San Francisco ako next month para sa surgery.” “Oo nga pala ano. So, iiwan mo ang mga bata?” “Uhuh. Pero alam mo kung anong bawal.” Bawal lumapit si King sa mga bata nang hindi ko alam. Bisita siguro puwede. Pero ang hiramin? Big no. Mahigit sampung buwan na mula nang mag-usap kami sa tapat ng bahay namin. Naging busy na rin siya, maging ako. Hindi ko nga pansin na ilang buwan na ang lumipas. “Kapag ako ang bantay, bawal. Kapag sila Daddy, ‘yon lang.” “Pinagsabihan ko na sila. P’wede niyang mabisita, pero ang hiramin, bawal.” “Wow. Nag-level up. Paano kung ikaw naman dalawin next time, payag ka?” “Ben!” “Biro lang. So, ipapadala ko na lang diyan?” “Yes, please.” Bihira na kasi ako lumalabas mula nang tumira kam
AYEISHA NAKANGITING hinagod ko ang aking sarili sa tapat ng malaking salamin ng tinutuluyan kong bahay dito sa Los Angeles. Malapit lang ito sa venue, mga sampung minuto lang ang drive. Nga pala, pinaghandaan ko ang isusuot ko ngayon. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, ang pleasing ko tingnan. Talagang gumawa ako ng isang magarang mask para sa aking pisngi. Ang bahagi ng may malaking peklat lang ang aking tinakpan. Dinaan ko na lang sa makeup ang ibang p’wedeng takpan. Hindi pa kasi ako nakapag-undergo ng surgery, ngayon palang. Sinadya kong tapusin muna ang mga proyekto ko sa malaking kliyente ko na siyang may hawak sa delegate ng Pilipinas ngayong Miss Universe. Naimbitihan ako dahil ako lang naman ang designer ng halos sa suot niya mula nang manalo siya hanggang sa mismong pageants. Kaya sobrang proud ako sa achievement ko at ng aking kompanya. Napatingin ako sa bintana nang makarinig ng sasakyan. Dahan-dahan kong sinilip kung si Owen na ba ang dumating. Kinuha ko siyang e
KING's POV“K-KING,” nautal na sambit ni Ayeisha matapos kong sabihin iyon.Napatitig ako sa mapupulang labi ni Ayeisha kapagkuwan. Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang kumibot ang labi niya.Napasunod siya nang tingin nang dahan-dahan kong ibaba ang mukha ko para mahalikan siya. Iniwas niya ang sarili niya pero sinapo ko ang batok niya at pinaharapa sa akin.Singhap ang sumunod na narinig ko nang mapusok kong sakupin ang labi niya. Good, God! Na-miss ko ng sobra ang nakakaakit niyang labi.Hindi ko napigilang panggigilan kahit na hindi siya tumutugon. Wala akong pakialam basta maiparating ko lang sa kan'ya ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.Dinig ko ang pagdaing niya nang isandal ko siya sa dingding. Diniinan ko rin ang aking sarili sa kan'ya na lalo niuang ikinadaing. Alam kong dama niya ang aking baba dahil pinayakap ko sa kaing bewang ang isang hita niya."God damn it!" sambit ko nang maghiwalay saglit ang aming labi. Hindi ko siya hinayaang makapagsalita, muli kong s
AYEISHA 9 months later… “KAILAN ba ang balik mo, anak?” “Sa susunod na Linggo po kasabay ng mga bata.” “Oh, okay. Nga pala, wala pa ba sila hanggang ngayon?” Tumingin ako sa maraming taong papalabas. Ilang minuto pa lang bago lumapaga ang plane. “Kakarating lang, Mommy. Pero hindi ko pa sila nakikita. Nakausap ko si Halina kasi kaya ko nasabi.” “Gano’n ba, anak. O siya, ‘wag kalimutan ‘yong mga kapatid mo.” “Yes, Mom.” Kakababa ko lang ng telepono ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Kaagad na hinanap ko ang pinagmulan niyon. “Halina! Anak!” excited kong sambit nang makita siya. Pero natigilan ako nang makilala ang isang lalaking may pangko na bata. Mukhang tulog na tulog si Kalei. Nagtama ang aming paningin nang mapatingin siya sa gawi ko. Matagal na din simula nang huli kaming magkita. Hindi na ako magtataka kung naiinis siya sa akin hanggang ngayon. Pero ginawa ko lang ang sa tingin ko na nararapat. Kasal siya, hindi maiiwasang makarinig ng kung anuman ang mga anak
AYEISHA’S POV MAAGA akong nagising kinabukasan para mag-jogging, though may equipment naman sa bahay. Mas gusto ko kasing mag-jogging sa labas, nalilibang pa ako sa mga nadadaanan ko. Napangiti ako nang mapansing masarap pa rin ang tulog ng dalawa. Nagising sila kaninang madaling araw para kumain tapos natulog din kaagad. I’m sure, tanghali sila magigising. Balak kong ipasyal sila mamaya paggising nila. Pabalik na ako sa bahay noon galing sa pag-jogging nang makasalubong si King. Nag-ehersisyo din pala siya. Pawis na rin. Para bang nakailang ikot na siya dito. Hindi ko siya napansin kung kanina pa nga siya nag-jogging. Pero teka, iniwan niya ang dalawa? Mabilis akong naglakad papasok ng bahay. Dumeretso ako sa silid ng dalawa. Nakahinga ako nang maluwag nang makita silang naglalaro. “Good morning, Mommy!” Sabay na bati ng dalawa. “Good morning too, mga anak!” Hay, buti na lang hindi sila umalis sa kwarto. “Nag-jogging din po si Daddy,” “Yeah, nakita ko nga.” “Sabi niya po
KING'S POV NAPANGITI ako nang malingunang nagpatiuna ang dalawang bata na bumaba. Nagpatiuna pa sa ina na bumaba na para salubungin sana sila. Nasa tapat kami ng Happy Hollow Park & Zoo ngayon, kararating lang namin. Papunta ako ngayon sa parking area kaya nauna na sila. Pagka-park ay lakad-takbo kong tinungo ang kinaroroonan ng mag-iina ko. Pero hindi pa man ako nakakarating nang makatanggap ng tawag mula sa aking sekretarya. Sinabi niyang dumaan si Jena, may hinatid na gamit ko. Pinalitan ko na kasi ang passcode ko sa lahat kaya hindi na niya alam. Hindi rin siya makapasok sa bahay dahil wala na siyang susi, naibigay na sa akin lahat. Masaya ako ngayon dahil matutuonan ko na nang pansin ang aking mga anak pati si Ayeisha. Sa wakas nga nagkasundo kami ni Jena para sa annulment. Ilang buwan ko din siyang hinabpl dito. Ayokong lumapit kasi kay Ayeisha na walang good news na dala. Alam ko namang pinipigilan ni Ayeisha ang sarili nang huli kaming mag-usap dahil kay Jena. Alam kong ma