Ay, feeling boyfie HAHAHAHAHAH K. Bye, Benrick HAHAHAH
BENRICK ILANG na nagpabalik-balik ako sa telepono kong naka-charge. Hindi na nag-chat si Ruth. Baka mamaya iniisip nitong nagalit nga ako. Hindi ko naman magawa kung tutuusin. Hindi ko siya kayang tiisin. Bigla lang kasing namatay ang telepono ko pagkatapos kong magsalita. Saktong nasa r***k ako ng inis pa naman. Tinanggal ko muna sa pagkakasaksak at nagtipa ulit ng mensahe kay Ruth. Sinabi ko ring tatawag ako at may sinabi akong oras. Basta hindi ako matutulog ngayon nang hindi ko siya nakakausap. Nagpasya akong umidlip mayamaya. Sabi ko, mga isang oras lang para may lakas akong kausapin si Ruth. Siguradong tapos naman na siguro ang kasal. Imbes na isang oras, inabot ng limang oras ang aking tulog. Parang gusto kong magwala dahil nag-reply si Ruth na hihintayin niya ang tawag ko. Pero anong ginawa ko? Tinulugan ko siya. Napagod kasi ako sa maghapon ko dito sa San Jose. Pagkatapos ng dalawang meeting ay sinundo ko pa ang isa sa kambal naming bunso sa Meadowlands na ilang araw nan
RUTH’S POVSIMULA nang makita ko si Benrick at ang babae na iyon ay hindi na nawala sa isipan ko kaya minsan wala ako sa sarili. Kung hindi pa gugulatin ng dalawang bata ay hindi babalik sa kamalayan.“Tita Ruth, may sinasabi po si Daddy.”“Huh?” Tumingin ako kay Sir Kyrie na noo’y nakakunot ang noo.“Are you with us, Ruth?”“O-opo.” Napakagat ako ng labi kapagkuwan.“Magdala ka na lang extra damit ng mga bata dahil may dinner tayo mamaya.”“S-sige po.”Akmang tatalikod si Sir Kyrie nang may naalala. “Nga pala, ilang araw na kitang hindi ma-contact. Nasaan ang phone mo?”Ang totoo niyan, naka-off ang telepono ko para hindi ako tawagan ni Benrick. Buti na lang hindi siya pumupunta dito sa bahay.“Um, nawawala po ang simcard. Bibili na lang po ako mamaya pagkahatid po namin sa dalawa.”“Okay. Tawagan mo ako para malaman ko ang number mo.”“Sige po, Sir.”Bahagyang kumunot ang noo ni Sir Kyrie. “Kyrie, Ruth. Call me Kyrie. Ilang beses ko nang sinabi ‘yan.”Tumango ako. “K-Kyrie.”Natakot
RUTH’S POV NAHIHIYANG naupo ako sa upuan. Nakatingin sa akin si Sir Kyrie. “A-ang tagal mo sa banyo,” “Um, nagpahangin lang ako pagkatapos.” Gusto kong ngumiwi, nagsinungaling kasi ako. Si Benrick ang kasama ko doon at hindi ako lumabas para magpahangin. “Okay.” Ngumiti si Sir Kyrie. Sana maniwala siya. Nakakahiya kapag nalaman niyang si Benrick ang kasama ko ng mga oras na iyon. Akala ko, hindi magpapakita si Benrick sa amin. Wala pang sampung minuto nang lumapit siya sa amin at binati ang dalawang bata, na tuwang-tuwa naman. Pero si Sir Kyrie, seryoso lang na nakipag-usap kay Benrick. Saka parang may kakaiba sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Unlike before na nagbibiruan pa. Kinandong ko si Jam para may maupuan si Benrick dahil mukhang magtatagal. May pinag-uusapan sila at tungkol naman sa business kaya wala akong imik. Tumayo si Jam at lumapit sa Daddy niya kaya napaayos ako ng upo. Akang iaangat ko ang kamay ko nang naramdaman ang kamay ni Benrick na humawak sa akin. Naitago
RUTH’S POV NAPALABI ako nang maramdaman ang kamay ni Benrick na masuyong humahaplos sa aking katawan. Wala na kaming suot na dalawa noon. At tanging liwanag na nagmumula sa lampshade ang ilaw namin. Sapat naman para makita namin ang isa’t isa. Ramdam ko ang init na hatid ng kamay niya nang muling naglakbay iyon. Kaya naman parang napapaso ang aking katawan na ikinakapitlag ko. “It's a pleasure to see your beautiful body, Ruthy,” anas niya kapagkuwan habang pinagsasawa ang tingin sa akin. “B-Ben,” ani ko sabay hila ng kumot. Parang nahulasan ako bigla. “Don’t,” pigil niya sa akin. “N-nahihiya ako, Ben.” “You don’t have to, baby.” Sinabayan niya nang halik na masuyo sa aking labi nang ipagpantay niya ang sarili sa akin. Tinugon ko iyon kaya muling naghinang ang aming labi. Akmang baba ang labi niya sa aking leeg nang makarinig kami nang sunod-sunod na katok at boses ng isang kasambahay. “T-tinatawag ka, B-Ben. Labasin mo muna baka importante.” “I think so. Last time na kumatok
RUTH’S POV “ANG ganda naman dito sa farm niyo, Ben.” “Yeah. Super. Nakaka-relax pa ang paligid.” “Kaya nga, e. Ang presko pa ng hangin.” “Kaya isa 'to sa paborito kong place. Umuuwi ako dito kapag stressed ako o 'di kaya nalulungkot ako. ” Napatitig ako sa kanya. “So, stressed at malungkot ka ngayon?” aniya. “Nope. Noon ‘yon.” Ngumiti siya sa akin. “Nandito ako para ipakita ito sa 'yo ang isa sa mga haven ko at para mabago naman ang environment mo, baby.” “Okay. Akala ko malungkot ka nang sagutin kita.” Ngumiti siya sa akin. “Malungkot talaga, Ruthy.” Napaharap ako sa kanya. “At bakit, huh?” “Dinatnan ka, e. Hindi man lang ako pinaisa,” natatawang sabi niya. “Grabe ka, Ben! ‘Yan lang pala ang habol mo sa akin. Sana hindi na lang kita sinagot!” Pinaghahampas ko ang braso niya, hinayaan lang niya. Pero nang tumigil ako dahil sa pagod ay kinabig niya ako. “Nagbibiro lang ako, baby. Ang cute mo kasing asarin.” “Tse! ‘Wag mong sinasamantala ang kainosentehan ko.” Ang malas
RUTH’S POV AKMANG pipindutin ko ang button ng elevator nang may humila sa kamay ko. “B-Ben… Bitawan mo nga ako.” Hindi niya ako pinakinggan. Hinila lang niya ako pabalik ng opisina niya. Hindi ko maiwasang mapalabi dahil nakatingin sa amin ang halos na nandoong empleyado. Ngumiti lang sa akin ang sekretarya. Pagkapasok namin sa loob ng opisina ay binitiwan niya ako pagkuwa’y ni-lock ang pintuan. “B-Benrick,” tawag ko sa pangalan niya nang bigla niyang higitin ang beywang ko. “Nakalimutan ko palang sabihin sa ‘yo na hindi ikaw ang masusunod sa relasyon na ito, Ruthy. Ako.” Tinuro pa niya ang sarili. “Para sabihin ko sa ‘yo, baby, mahirap na kumawala sa akin. Kaya kahit na sabihin mo pang break na tayo, hangga’t wala akong sinasabi, hindi pa tayo break. Maliwanag? Akin ka lang, Ruth,” seryosong sabi niya sabay diin ng daliri niya sa ibabang labi ko. Wagas kung mang-angkin. Pero binaliwala naman niya ako. “Pero tama bang baliwalain mo ako, huh? Alam mo bang nag-aalala ako kung nak
RUTH’S POV“HINDI ka naman daw ilalabas ng customer, anak. Table table lang daw sabi ni Boss. Nakita niya kasi ang litrato mo sa cellphone ko kaya sabi niya bagay ka doon.”“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ‘Tay? Nakalimutan niyo po bang galing ako sa kumbento?” Hindi ko na naiwasang tumaas ang boses nang mga sandaling iyon.“Para naman ito sa atin, anak. Gusto mo bang makulong ako?”Napatitig ako kay Tatay. “Gusto mo rin ba akong mapariwara, ‘Tay?”“A-anak…”“Kung ‘yan lang po ang sasabihin mo, kailangan ko nang umalis.” Tumayo ako kapagkuwan.“Alam na nila kung tayo nakatira, anak. Kaya mahirapan tayong hindian sila.”“Tatay ko po kayo at malaki ang respeto ko sa inyo. Pero kung itutulak niyo ako sa kasalanang ginawa niyo, hindi ko po kayo mapapatawad. Masama pero kung kinakailangan para maprotektahan ang sarili ko, gagawin ko.” Sabay kuha ko ng telepono ko sa mesa.Hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita si Tatay.“Binabalaan kita, Ruth. Baka mas malala pa ang pupuntahan mo kapag
RUTH’S POV“MAY nangyari bang hindi maganda?” Napatingin ako kay Kyrie nang tanungin niya ako. Kaka“O-okay lang ba kung hindi kita masagot ngayon? Mabigat lang kasi sa dibdib,” malungkot kong sabi.“I’m sorry, Ruth.”Hindi na nga si Kyrie umimik hanggang makarating kami ng bahay niya. Hinatid pa niya ako sa tapat ng aking silid.“Maraming salamat, Kyrie. Kung wala ka, baka kinabukasan pa ako makakauwi.” Gusto ko sanang sabihing baka hindi na sakto ang pamasahe ko kung sasakay pa ako.“Walang anuman, Ruth. Pero kung kailangan mo nang kausap, nakahanda akong makinig.”“Sige, Kyrie.”“Good night, Ruth.”“Night, Kyrie.” Humakbang na ako papasok ng aking silid. Pagkasara ko ay bigla na lang akong napahagulhol. Naiuntog ko pa ang ulo ko sa pinto nang dalawang beses. Akala ko, okay na ako. Pero hindi pala. Ganito pala ang masaktan. Ibang-iba sa sakit na nararanasan ko noon. Kung alam ko lang na ganito pala ang magmahal, sana hindi ko na sinubukan. Sana, hindi na lang ako nagpadala sa narar