Share

CHAPTER 4

BROOK XAVIER...

"Brook!" dumadagundong ang boses ng kan'yang ama na tinawag ang kan'yang pangalan. Namumula ang pisngi nito sa galit.

Nag-uusap silang dalawa,no hindi— nagsisigawan pala. Pinauwi s'ya nito sa Pilipinas para daw sa isang mahalagang bagay.

At ang mahalagang bagay na sinasabi nito ay ang pagpapakasal n'ya sa anak ng kasosyo nito sa negosyo.

Ayaw n'ya ngang umuwi ng Pilipinas para pamahalaan ang engineering firm nila tapos ipapakasal pa s'ya nito sa kung sino.

No! Hindi s'ya nito kayang diktahan. May sarili s'yang isip at desisyon. He has his own company to run for at hindi kasama ang kompanya ng ama n'ya.

Matagal na s'yang umalis sa kanilang bahay dahil sa pagiging manipulative nito. Kung ang mga kapatid ay natitiis ang ugali ng ama pwes hindi s'ya.

He ran away from home and started his new life in America. He started from scratch at ngayon ay namamayagpag na ang negosyo n'ya sa buong mundo.

Nakita ito ng ama kung kaya pinakikialam na naman s'ya nito by asking him to come home at e take over ang Carson's Engineering at dumagdag pa sa request nito ang pagpapakasal n'ya sa anak mg kaibigan nito at kasosyo sa negosyo.

"I'm not gonna marry that woman dad. Bakit ba pati ang pag-aasawa ko ay pinakikialaman mo? Wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo?" nang-uuyam na sagot n'ya rito.

"Brook Xavier Carson! Watch your words young man! Do you think hindi kita kayang pabagsakin dahil namamayagpag na ang negosyo mo ngayon? Try me Brook, try me!" nangangalaiti sa galit na sigaw ng ama sa kan'ya.

"Why the fvck I need to marry that woman? I can take over the company but marrying a woman na hindi ko gusto is a big no for me dad!" matigas na sagot n'ya rito.

Ang mag take over sa kompanya nila ay matatanggap n'ya pa pero ang ipakasal sa babaeng hindi n'ya gusto, it's a no.

" Sa ayaw at sa gusto mo, papakasalan mo si Charlotte. Her father and I are already agreed with this at kayong dalawa ay ikakasal sa lalong madaling panahon. We will arrange the engagement party para sa inyong dalawa at binabalaan kita Brook. Don't you dare go against my decision and will dahil pagagapangin kita sa lupa, naintindihan mo?" malamig na banta ng ama sa kan'ya sabay alis sa silid kung saan sila nag-uusap.

Galit na galit n'yang ibinato ang lahat ng mga gamit na nakikita ng kan'yang mga mata.

"This is a fvcking hell! Bakit ba s'ya ang naging ama namin, ha? He is an evil, hindi n'ya man lang kami nakita bilang mga anak. He see us as his toy na pwedeng paglaruan kung kailan n'ya gusto!" galit na sabi n'ya sa sarili at malakas na sinipa ang isang upoan na malapit sa kan'ya.

Tumilapon ito at naglikha ng malakas na tunog.

"Brook what happened?" ang nag-aalalang boses ng kan'yang ina ang sunod n'yang narinig.

Humahangos ito na pumasok sa silid at napaawang ang mga labi na inilibot ang tingin sa paligid.

"What happened Brook?" mahinahong tanong ng ina sa kan'ya.

"That idiot father of mine is starting the hell on me again mom! Kailan ba s'ya mapapagod sa pagmamanipula sa mga buhay namin? We are big enough, kaya na namin s'yang labanan pero kahit ganon ay nirerespeto pa rin namin s'ya..., pero putang'ina, s'ya ay walang respeto sa amin," galit na sumbong n'ya sa kan'yang mommy.

Lumapit ito sa kan'ya at agad s'yang niyakap. Hinagod nito ang kan'yang likod para pakalmahin s'ya.

"How can you stay with him for this long mom? Hindi ka ba napapagod?" wala sa sariling tanong n'ya sa kan'yang nanay.

"Anak kapag mahal mo ang isang tao ay ganon talaga. Gusto mo mang bumitaw pero hindi mo magagawa dahil pinipigilan ka ng pagmamahal mo sa kan'ya," mahinahong sabi ng kan'yang ina.

"That's crazy mom. Love is not only one sided, ikaw iniintindi mo s'ya sa lahat ng oras pero ikaw naiisip ka ba n'ya?" galit na tanong n'ya rito.

"Don't talk to your dad like that Brook. Ang nakikita n'yo lang kasi ay ang pagiging manipulative n'ya. Hindi n'yo nakikita ang kabutihan ng puso ng daddy n'yo. Lahat ng ginagawa n'ya ay para sa kabutihan n'yong magkakapatid."

"Kabutihan? Eh naglayas na nga kaming lahat dito sa bahay dahil hindi na namin malunok pa ang mga pinagagawa sa amin ni dad! Nahuli lang ang mga kapatid ko dahil mataas ang tolerance nila sa tinatawag na pagtitiis," nang-uuyam na sagot n'ya sa ina.

"Kung hindi dahil sa pagiging manipulative ng daddy n'yo, wala kayo sa kinatatayuan n'yo ngayon. Have you been realize that? Of course hindi dahil ang nakatatak na sa puso at isip n'yo na masamang ama ang daddy n'yo!" galit na sermon sa kan'ya ng ina bago ito tumalikod para iwan s'ya.

"Fvck!" mariing mura n'ya at pabagsak na naupo sa sofa habang sapo ang ulo.

Nang magsawa sa ginagawa ay nagpasya s'yang lumabas ng bahay. Suot ang kan'yang aviator, cap at facemask ay lumabas s'ya.

Ngayon na lang s'ya nakabalik rito at ayaw n'yang pag pyestahan ng mga media kapag namataan s'ya o nakilala bilang isang Carson.

Mainit sa publiko ang imahe nila at kaunting bagay lang na nakikita ng mga tao sa kanila ay magiging trending agad sila sa buong mundo.

Carson's scream money and power! Kilala sila sa pinakamayamang pamilya sa alta sosyudad kaya hindi n'ya maintindihan kung bakit gusto pa s'yang ipakasal ng ama sa anak ng kasosyo nito, eh mas mayaman pa naman sila sa pamilya ng kaibigan nito.

Pumasok s'ya sa kan'yang sasakyan at pinaharurot ito paalis. Naghanap s'ya ng coffee shop na pwedeng tambayan.

May nadaanan naman s'ya kaya nagpasya s'yang itigil ang sasakyan at bumili ng kape.

Medyo malayo ang pinag parkingan n'ya ng sasakyan dahil hindi s'ya pwedeng mag park sa harapan ng coffeeshop dahil daanan ito ng mga pampublikong sasakyan.

Bumaba s'ya at naglakad patungo sa coffee shop na nakita kanina. He is Brooke Xavier Carson kaya kapag nakilala s'ya ng mga tao ay paniguradong pagkakagulohan s'ya ng mga ito.

Isinuot n'ya ng mabuti ang aviator, cap at facemask para hindi gaanong makilala.

Nilakad n'ya na ang direksyon ng coffee shop ng biglang may bumangga sa kan'ya na isang babae. Hindi kasi ito nakatingin sa daan at ang mga mata ay nasa hawak na cellphone kaya medyo nainis s'ya rito.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?" supladong sita n'ya sa babae. Nakatulala lang ito na nakatingin sa kan'ya kaya napailing na lamang s'ya na nilampasan ito at nagpatuloy sa pagpunta sa coffee shop ngunit hinabol s'ya ng babae at sinabihan na pangit.

Lihim s'yang natawa dahil para itong bata na nakikipag-away sa kan'ya. Tumigil s'ya sa paglalakad at binalikan ito.

Dahil sa pagtawag nito ng pangit sa kan'ya ay napilitan s'yang hubarin ang suot na aviator at facemask para ipakita rito ang kan'yang gwapong mukha.

"Now tell me kung pangit ako woman? Hindi mo nga maisara yang bibig mo eh," nang-uuyam na sabi n'ya rito ng makita ang pag-awang ng mapupulang labi ng dalaga ng makita ang kan'yang gwapong mukha

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda talaga ng mga story nyo otor
goodnovel comment avatar
Angel Rañeses
nice story
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Anu ba Yan tatay mo Brooke mayaman na kayo pero gusto ka pang ipagkasundo,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status