HAILEY ROMESHELL...The proposal day had passed at parang nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam n'ya. Malapad ang ngiti at panay ang tingin n'ya sa kan'yang daliri kung saan kumikinang ang suot na singsing.Hindi n'ya inaasahan na gagawin ni Henry ang pag propose sa kan'ya sa mismong anniversary nila. Limang taon silang naging magkasintahan at hindi n'ya pa naman naisip na magpo-propose si Henry dahil masaya naman sila pareho sa kanilang relasyon.At isa pa ay pareho din silang busy sa buhay na hindi na nila namalayan ang paglipas ng mga taon. No dull moment sa relasyon nila at masasabi n'yang isang ulirang kasintahan si Flinn.Never s'ya nito binigyan ng sakit ng ulo at never nito pinaramdam sa kan'ya kahit minsan na nawawalan ito ng gana. Simula ng maging opisyal na sila ay walang nagbago sa pakikitungo ni Flinn sa kan'ya bagkus ay mas lalo pa s'yang minahal nito at mas naging sobrang maalaga pa ng binata sa kan'ya.They are already engaged and soon ay magiging legal na mag-asawa na
HAILEY ROMESHELL...She was holding her tears while walking in the aisle. Looking at the handsome man in front na nagpapahid din ng kan'yang mga luha habang nakatingin sa kan'ya na naglalakad palapit rito.The man who has a very long patience sa pag-uugali n'ya. The man who chose to stay with her kahit pa ang sama ng trato n'ya rito simula pagkabata. The man who understands her and the man who loves her the most.Ang nag-iisang lalaki sa buhay n'ya.Henry Flinn Sanchez Carson her man and her soon to be husband. Parang kailan lang ay puro galit pa ang nararamdaman n'ya rito. Ngayon ay napalitan na ng sobra-sobrang pagmamahal sa lalaki.Henry is her karma— a good and the best karma indeed! Ang karma na hinding-hindi n'ya pagsisisihan, ang karma na pinakagusto n'ya sa lahat.The wedding song he picked for her entourage is the same song that he sang when he asked her if he could be his girl.Kaya memorable sa kan'ya ang kantang ito dahil ito ang kauna-unahang kanta na ipinarinig sa kan'ya
HAILEY ROMESHELL...Natapos ang kanilang kasal na masaya ang lahat. Dumiretso din agad sila sa reception kung saan ay nakakalula na naman ang garbo ng mga dekorasyon.Hindi n'ya napansin kanina na sobrang elegante pala ng kasal nila ni Flinn dahil nasa asawa ang kan'yang buong atensyon.Wala s'yang alam na ikakasal na pala sila at ang lahat ng preparasyon ay ang kan'yang mga magulang at ang mga magulang ni Henry ang nag-ayos dahil ayon nga sa asawa n'ya ay surprise wedding daw sana ngunit nabuko n'ya ito ng minsang nag galit-galitan s'ya rito.Napaamin ito ng wala sa oras dahil sa takot na baka tuloyan s'yang magalit dahil sa hindi nito pag-uwi ng ilang araw kung saan ay nasa bahay pala nito para tumulong sa preparasyon sa kanilang kasal.Ito din ang pumili ng gown na isusuot n'ya at muntik pa s'yang himatayin ng malaman ang presyo. Parang ayaw n'yang isuot dahil sa takot na baka masira n'ya ito.Inilibot n'ya ang tingin sa buong reception at napailing na lamang s'ya dahil sa hitsura
HENRY FLINN..."Henry lumayas ka rito, ang baho-baho mo!" sigaw ng asawa sa kan'ya habang pinagbabato s'ya ng mga unan at pinapalayas sa kanilang kwarto. Hindi n'ya alam kung bakit bigla na lamang ito naging ganito sa kan'ya.Ayaw s'ya nitong makita sa bahay at ayaw din s'ya nitong nasa malapit lalo na kapag maamoy nito ang kan'yang amoy. Wala naman s'yang putok o amoy sa katawan pero pakiramdam ni Hailey ay masusuka ito kapag nasisinghot ang amoy n'ya."Baby ano ba ang nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong n'ya rito."Get out! Huwag mo akong bwesitin Henry, lumayas ka!" naiiyak na taboy nito sa kan'ya. Gusto n'ya man itong lapitan ngunit nag-aalala s'ya na baka mas lalo pa itong magalit kaya lumabas na muna s'ya at bumaba.Pabagsak s'yang naupo sa sofa at inihilamos ang palad sa mukha. Hindi n'ya na alam ang gagawin. Limang araw ng ganito si Hailey at hindi n'ya alam kung bakit. Wala naman s'yang ginawang kasalanan rito.Baka ganito talaga ang ugali ng mga babae. Sa una lang sweet sa
HAILEY ROMESHELL..."Ahhhhhh!" malakas na hiyaw n'ya habang mahigpit na nakakapit sa gilid ng kama ang mga kamay. Sobrang sakit ng kan'yang t'yan at halos mawalan na s'ya ng boses sa kakasigaw.Pawis na pawis din s'ya at parang panawan na ng ulirat dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi n'ya inakala na ganito pala kasakit ang manganak.Nasa delivery room s'ya at kasalukoyang umiere para mailabas ang kanilang panganay ni Henry. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay naglilihi pa s'ya ngayon ay ilalabas n'ya na ang kanilang panganay.Hindi n'ya pinasok ang asawa sa delivery room dahil baka mawalan na naman ito ng malay katulad sa nangyari dito noong malaman nila na buntis s'ya.Matapang na agent ng FBI pero hinimatay ng malaman na buntis s'ya. Pinagtatawanan ito ng pamilya nila lalong-lalo na ang nga pinsan nito ng malaman ang nangyari rito."Isang ere pa Hailey," utos sa kan'ya ni Lucy na s'yang doctor n'ya ngayon. Ayaw ni Flinn ng lalaking doctor at gusto pa nitong magwala
AUTUMN FELICITY...."Omg! Girl is this for real? Talagang nag propose na sayo ni David? My gosh! I'm so happy for you!" masayang bulalas ng kan'yang kaibigan na si Dhea ng ipaalam n'ya rito ang pag propose ng kan'yang nobyo kahapon.David is her boyfriend for four years at sa loob ng apat na taon ay masaya s'ya sa piling ng kasintahan.Mahal na mahal n'ya ito kahit pa ayaw ng pamilya nito sa kan'ya dahil isang hamak na secretarya lamang s'ya sa isang kompanya na pag-aari ni Bob Carson.David is from a well known family. Mayaman ang mga magulang nito at may iba't-ibang negosyo sa bansa samantalang s'ya ay lumaki sa hirap at isang kahig, isang tuka lamang.S'ya ang panganay sa tatlong magkakapatid at ang tanging naghahanap-buhay sa kanilang pamilya.S'ya ang breadwinner at hindi n'ya ikinakahiya iyon. Tatlong taon na s'yang nagtatrabaho sa Carson Engineering bilang isang sekretarya ng matandang Carson. Strikto ito pagdating sa trabaho at malamig sa mga empleyado.Pero kahit ganon ang uga
AUTUMN FELICITY..."Tonight is our formal engagement party honey, are you ready?" nakangiting tanong ng kan'yang kasintahan.Nasa isang mall sila para magpaayos. Matapos ang proposal nito ay nagpa organize ito ng party para sa formal na engagement nila.Ayaw n'ya na sana ngunit mapilit si David kaya wala na rin s'yang nagawa kundi ang magpatianod na lang."K-Kinakabahan ako David sa totoo lang," tapat na sagot n'ya sa kasintahan. Hinalikan s'ya nito sa ulo at nginitian."Don't be honey! Tonight is our big night kaya dapat ay wala kang iniisip na iba kundi ako at ang engagement natin, ok?" malambing na sabi nito. Tipid s'yang ngumiti at tumango."Thank you David, thank you for loving me. Mahal na mahal kita," naluluhang sabi n'ya sa kasintahan. Ngumiti lang ito at hinaplos ang kan'yang buhok. Sa loob ng apat na taon na relasyon nila never n'yang narinig mula kay David ang tatlong kataga na palagi n'yang sinasabi rito ngunit hindi na big deal sa kan'ya iyon dahil ipinapakita naman ng bi
AUTUMN FELICITY...Para s'yang kakapusin ng hangin dahil sa pagpipigil na huwag masagot ang ina ni David. Marami pa itong mga masasakit na salita na ibinato sa kan'ya at alam ng Dyos kung paano n'ya pinigilan ang sarili na hindi masagot ito.Hindi s'ya nito tinantanan hangga't hindi s'ya nag excuse dito. Kita n'ya pa ang matagumpay na hitsura nito ng magpaalam s'yang aalis na.Umalis s'ya ng function hall para tawagan ang kasintahan ngunit hindi man lang ito sumasagot sa kan'yang tawag.Kanina n'ya pa ito hinahanap ngunit hindi n'ya man lang namataan kahit anino ni David sa function hall. Kung sana nandoon lang ang binata ay hindi sana n'ya nainsulto ng ina nito ng ganon-ganon na lang.Mabait ang ina ni David kapag nasa paligid ang kasintahan. Ang ipinapakita nitong kabutihan sa kan'ya kapag nasa paligid ang nobyo ay kabaliktaran kapag silang dalawa na lamang.Kaya para mapakalma ang sarili ay naglakad s'ya sa hallway at hindi alam kung saan patutungo. Naninikip ang kan'yang dibdib