Share

BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE
Author: Siobelicious

CHAPTER 1

AUTUMN FELICITY....

"Omg! Girl is this for real? Talagang nag propose na sayo ni David? My gosh! I'm so happy for you!" masayang bulalas ng kan'yang kaibigan na si Dhea ng ipaalam n'ya rito ang pag propose ng kan'yang nobyo kahapon.

David is her boyfriend for four years at sa loob ng apat na taon ay masaya s'ya sa piling ng kasintahan.

Mahal na mahal n'ya ito kahit pa ayaw ng pamilya nito sa kan'ya dahil isang hamak na secretarya lamang s'ya sa isang kompanya na pag-aari ni Bob Carson.

David is from a well known family. Mayaman ang mga magulang nito at may iba't-ibang negosyo sa bansa samantalang s'ya ay lumaki sa hirap at isang kahig, isang tuka lamang.

S'ya ang panganay sa tatlong magkakapatid at ang tanging naghahanap-buhay sa kanilang pamilya.

S'ya ang breadwinner at hindi n'ya ikinakahiya iyon. Tatlong taon na s'yang nagtatrabaho sa Carson Engineering bilang isang sekretarya ng matandang Carson. Strikto ito pagdating sa trabaho at malamig sa mga empleyado.

Pero kahit ganon ang ugali ng kan'yang boss ngunit hindi n'ya kayang iwan ang trabaho dahil malaki magpasahod si Bob Carson at kumpleto sa benepisyo para sa kan'yang mga empleyado.

"Oo nga! Nag propose s'ya kagabi at syempre oo agad ang sagot ko. Matagal ko ng pinangarap na maging asawa ni David bff kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa," masayang sagot n'ya sa kaibigan.

"Sana all! Pero ok ba sa pamilya n'ya? Baka mamaya ay api-apihin ka lang ng mga matapobre n'yang pamilya Autumn," nag-aalalang tanong nito. Ngumiti s'ya rito at tinapik ito sa balikat.

"Hindi naman siguro D, kahit papaano ay may mga pinag-aaralan naman sila. Hindi naman siguro ganon kasama ang ugali nila. At isa pa, hindi naman kami titira sa isang bobong. Ang sabi ni David ay magbubukod kami pagkatapos ng kasal namin," sagot n'ya sa kaibigan.

Nagpakawala ito ng hangin at parang napanatag ang loob ng marinig ang kan'yang sinabi.

"Mabuti naman kung ganon Autumn, nag-aalala lang talaga ako sayo. Sobrang bait mo pa naman at hindi marunong lumaban," pairap na sagot nito na ikinatawa n'ya ng mahina.

"Thanks D, thank you for being a good friend," taos pusong pasasalamat n'ya sa dalaga.

"Ano ka ba? Syempre tayong dalawa lang naman ang nagdadamayan palagi no?"

"Sabi ko nga, kambal tuko tayo," natatawang sagot n'ya na ikinatawa na rin ng kaibigan.

Malaki ang pasasalamat n'ya na nagkaroon ng kaibigan na katulad ni Dhea. Magka pareho sila ng sitwasyon, parehong mahirap at breadwinner ng pamilya ngunit pareho ding lumalaban sa buhay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang kaibahan lang nila ay mas palaban si Dhea kaysa sa kan'ya. Tahimik s'yang tao at mas pipiliin na manahimik na lang sa sulok kaysa makipag argumento.

Nagtatrabaho si Dhea bilang sales assistant sa isang malaking mall sa kanilang lugar. Kakasimula pa lang nito matapos mag resign sa trabaho bilang isang call center agent dahil hindi nito kinaya ang panggabing trabaho.

S'ya naman ay nanatili sa Carson Engineering simula ng makapag graduate s'ya bilang accountant. Hindi pa s'ya kumuha ng board exam kaya hindi pa s'ya nag apply bilang CPA sa mga kompanya.

Ok na rin naman s'ya bilang sekretarya ni Bob Carson. Malaki din ang kan'yang sahod at napagtustosan n'ya ang pag-aaral ng kan'yang dalawang kapatid at ang gamot ng kan'yang ina sa sakit nito sa puso.

Wala na silang ama dahil maaga itong binawian ng buhay kaya ang nanay n'ya ang nagtaguyod sa kanila hanggang sa makatapos s'ya ng pag-aaral.

Working student s'ya ng nag-aaral pa lamang s'ya at lahat ng raket para mabuhay ay pinasok n'ya para makatulong sa ina na araw-araw ay halos makuba na sa pagtatrabaho para lang maitaguyod silang tatlo.

Nagpapasalamat s'ya sa Dyos na ang ina ang naging nanay nila. Napakatapang nito sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Kahit hirap na hirap na ito ay hindi ito sumuko sa kahirapan. Kaya bilang panganay ay ginawa n'ya rin ang lahat para makatulong sa ina hanggang sa makapag tapos s'ya.

Ngayon ay pinapahinga n'ya na ito sa bahay. Nagpatayo s'ya ng maliit na tindahan at bigasan para may paglibangan ito habang nasa bahay.

Kilala n'ya ang kan'yang ina, hindi ito mapakali kapag walang ginagawa at dahil sa katandaan na nito ay ayaw n'yang magtatrabaho pa ito sa ibang tao.

Kaya ginawa n'ya ang lahat para makaipon ng pampuhunan para sa maliit na tindahan nila.

Naging maayos naman ang kanilang buhay kahit kinakapos lalo pa at dalawang kapatid n'ya ang nag-aaral sa kolehiyo.

Graduating na din sa kursong nursing ang sumunod sa kan'ya na si Ihna at ang kanilang bunso na si Jehovah ay nasa second year college na sa kursong civil engineering.

Malaki din ang pasasalamat n'ya dahil mababait ang mga kapatid at mga matatalino. Katunayan ay parehong dean's lister ang dalawa kaya medyo hindi mabigat ang binabayaran n'yang tuition ng mga ito dahil may mga scholarship ito sa university na pinapasokan.

"Mabuti na lang bff at malaki ang sahod mo sa kompanya na pinagtatrabahuan mo, pero teka lang Autumn, wala ka bang balak na kumuha ng board exam para maging isang ganap na CPA ka? Sayang ang pinag-aralan mo bff," si Dhea sa kan'ya.

Pareho silang walang trabaho ngayon dahil linggo at nasa isang coffeeshop sila na malapit lang sa kanilang bahay nakatambay at nag-uusap.

"Siguro kapag tapos na si Ihna sa kan'yang pag-aaral. Ok pa naman ako bff, masaya naman ako sa sahod ko ngayon kaya mag stick muna ako bilang sekretarya ni Mr. Carson," sagot n'ya.

"Ohhh! Kung sabagay, pero di ba malapit ng mag resign ang matandang Carson? Sino ang papalit sa kan'ya bilang CEO ng Carson Engineering?"

"I don't know. Ang bali-balita na ang anak daw nitong lalaki na nasa America ang papalit pero hindi pa naman sigurado. May usap-usapan din kasi na ayaw pamahalaan ng anak nito ang kompanya nila dito sa Pilipinas," kwento n'ya sa kaibigan.

"Ay bakit naman? Malaking kompanya ang Carson Engineering at hindi lang naman ito sa Pilipinas sikat hindi ba? Maging sa ibang bansa ay sikat ang kompanya na pinagtatrabahuan mo," si Dhea sa kan'ya.

"Oo nga! Mas lalo pa itong lumaki ngayon dahil sa naganap na partnership sa Evans Architectural Firm at sa Lewis Construction. Alam mo naman kung anong reputasyon mayroon ang dalawang kompanyang ito kaya mas lalong naging malaki at matatag ang Carson Engineering," sagot n'ya.

"Grabe no? Kapag nagsanib pwersa ang mga malalaking kompanya ay mas lalo lang yumayaman ang mga mga may-ari nito."

"Hindi ka naman papansinin kung hindi kilala ang kompanya mo. Kaya mas lalo silang lumalaki dahil pareho na silang mga mayayaman tapos nagsanib pwersa pa sila," dagdag n'ya pa.

"Tama! Sana balang araw at makapag trabaho din ako sa mga gan'yan kalaki na kompanya bff," nangangarap na sabi nito. Hinawakan n'ya ang palad ng kaibigan at pinisil.

"Hayaan mo Dhea kapag may hiring sa kompanya ng mga Carson na fit sa kurso mo, I will personally refer you," nakangiting sabi n'ya sa kaibigan.

Namilog ang mga mata nito at nagliwanag ang mukha sa narinig mula sa kan'ya.

"Totoo bff?" tuwang-tuwa na tanong ng kaibigan.

"Oo naman! Ako ang bahala sayo, sagot kita," pabirong sagot n'ya rito na pareho nilang ikinatawa.

Matapos nilang mag-usap ay nagpaalam na sila sa isat-isa. Kailangan nila pareho na umuwi ng maaga dahil kinabukasan ay may mga trabaho pa sila.

Naghiwalay sila ng landas ni Dhea,sumakay ito ng taxi dahil may kalayuan pa ang apartment nito.

S'ya naman ay naglakad sa gilid ng daan patungo sa sakayan ng tricycle. Maaliwalas ang kan'yang mukha habang naglalakad. Kinuha n'ya ang kan'yang cellphone sa bag para magpadala ng mensahi sa kasintahan ngunit nagulat s'ya ng bigla s'yang tumama sa matigas na bagay.

Nang tingalain n'ya ito ay nakita n'ya ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na cap at sunglasses at may suot na facemask sa mukha.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?" supladong sita nito sa kan'ya. Hindi man lang s'ya nakahuma ng marinig ang baritonong boses nito

Hindi n'ya makita ang buong mukha ng lalaki dahil sa suot na cap, sunglasses at facemask.

"Tsk!" narinig n'yang sabi ng lalaki bago s'ya nito nilagpasan at tinalikuran. Doon lang s'ya nataohan at biglang hinabol ang lalaking antipatiko.

"Hoy! Mister! Sandali, akala mo kung sino ka magsalita ah, eh ang pangit-pangit mo naman!" sigaw n'ya rito.

Natigil sa paghakbang ang lalaki at lumingon sa kan'ya.

"What did you say?" malamig na tanong nito. Nakaramdam s'ya ng panginginig ng tuhod ng marinig ang malamig na boses nito ngunit ng makabawi ay tinarayan n'ya ito.

Ewan ba n'ya at hindi naman s'ya ganito pero sa lalaking kaharap ay lumalabas ang pagka amazona n'ya.

"Sabi ko parang kung sino ka magsalita eh ang pangit mo naman," pag-uulit n'ya sa sinabi rito kanina.

Naglakad ito pabalik sa kan'ya at tinanggal ang suot na sunglasses at face mask at ganon na lang ang pag-awang ng kan'yang labi ng masilayan ang napaka gwapong mukha ng lalaki.

"Now tell me kung pangit ako woman? Hindi mo nga maisara yang bibig mo eh," nang-uuyam na sabi nito sa kan'ya at tuloyan na s'yang tinalikuran at iniwan na nakanganga na nakatayo dahil sa pagkagulat.

"H-Hindi ka pangit! I-Ikaw ang pinakagawapong nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko," mahina at wala sa sariling sabi n'ya habang nakatulala na sinundan ng tingin ang lalaking papalayo.

Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
hahhaha nice story
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hahaha biglang bawi Autumn ng sinabi mo pangit Siya
goodnovel comment avatar
Sheila Mae Alkhzaimi
nyahahahha nimala subrang late kuna ngayun pako start mg basa ............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status