Share

CHAPTER 2

AUTUMN FELICITY...

"Tonight is our formal engagement party honey, are you ready?" nakangiting tanong ng kan'yang kasintahan.

Nasa isang mall sila para magpaayos. Matapos ang proposal nito ay nagpa organize ito ng party para sa formal na engagement nila.

Ayaw n'ya na sana ngunit mapilit si David kaya wala na rin s'yang nagawa kundi ang magpatianod na lang.

"K-Kinakabahan ako David sa totoo lang," tapat na sagot n'ya sa kasintahan. Hinalikan s'ya nito sa ulo at nginitian.

"Don't be honey! Tonight is our big night kaya dapat ay wala kang iniisip na iba kundi ako at ang engagement natin, ok?" malambing na sabi nito. Tipid s'yang ngumiti at tumango.

"Thank you David, thank you for loving me. Mahal na mahal kita," naluluhang sabi n'ya sa kasintahan. Ngumiti lang ito at hinaplos ang kan'yang buhok. Sa loob ng apat na taon na relasyon nila never n'yang narinig mula kay David ang tatlong kataga na palagi n'yang sinasabi rito ngunit hindi na big deal sa kan'ya iyon dahil ipinapakita naman ng binata sa kan'ya through actions ang pagmamahal nito sa kan'ya.

Apat na taon na din nitong inuungot ang isang bagay na gusto nitong mangyari ngunit pilit n'yang pinapaintindi dito na kapag kasal na sila dahil hindi s'ya komportable na gagawin nila iyon na hindi pa sila kasal.

At nagpapasalamat s'ya na naintindihan ito ng kasintahan at willing itong maghintay hanggang sa makasal sila. Marami s'yang naririnig na mga usap-usapan na may babae ang kan'yang nobyo ngunit hindi s'ya naniniwala sa mga ito.

Alam n'yang hindi magagawa ni David ang bagay na ito at patunay lang ang pag propose nito sa kan'ya bilang maging asawa.

"So ano, iiwan na muna kita dito honey, ipapasundo na lang kita mamaya sa driver ko. Doon na tayo magkita sa venue dahil may mga aayusin pa ako, ok ba yon?" tanong nito sa kan'ya.

"Yeah! Ok lang David, I will message you na lang kapag tapos na ako rito," malambing na sagot n'ya sa kasintahan.

"Good! I'll see you later honey," malambing na sabi ng binata at nagpaalam na aalis na. Nag wave lang s'ya rito at nginitian ito bago nawala sa kan'yang paningin.

"That's David Reyes right?" narinig n'yang tanong ng isang babae na inaayosan ng isang bakla sa hindi kalayuan sa inuopoan n'ya.

"Yes madam! Hinatid yata ang girlfriend n'ya para ayusan,"narinig n'yang sagot ng bakla. Patay malisya lamang s'ya at umaktong walang naririnig.

"Girlfriend? Oh my gosh, may girlfriend pala s'ya? Siguro iyon yong kasama n'ya sa convention last week. I saw him with a woman last week, she's very elegant and sophisticated. Good for him at nakapag-isip na s'ya na mag seryoso," sagot ng babae na ikinatigil n'ya.

Nagulat s'ya sa sinabi nito at hindi nakahuma ngunit ng mahimasmasan ay kinalma n'ya rin ang sarili. Baka business partner lang ni David ang kasama nito and besides convention naman pala ang pinuntahan ng kasintahan at hindi sa kung saan.

Magdududa lang s'ya kung hindi business related ito at may kasamang babae. Nagpakawala s'ya ng hangin at kinalma ang sarili.

Being David's Reyes fiancee is quite challenging. Kailangan mong maging matatag at malakas lalo na sa mga naririnig mo sa paligid tungkol sa boyfriend n'ya.

Hindi n'ya na lang pinapansin ang mga naririnig n'ya sa paligid. Nagsimula na s'yang ayusan ng bakla na mag-aayos sa kan'ya.

"Grabe ang ganda mo na madam, parang hindi na kailangan pang ayusan. Mukhang barbie na tong feslak mo eh," papuri sa kan'ya ng bakla. Namumula ang kan'yang mukha na ngumiti rito.

Hindi pa rin s'ya sanay na nasasabihan na maganda s'ya. Katunayan ay hindi naman s'ya interesado sa mga papuri sa kan'ya.

Para sa kan'ya ang ganda ay panlabas na anyo lamang, what important is the character of a person inside and out. Kahit gaano ka pa kaganda kung masama ang ugali mo ay wala pa rin.

"Salamat," tipid na pasasalamat n'ya rito.

"Ang humble mo naman madam. Ang swerte ng fiancee mo sayo," dagdag pa nito.

"Mas swerte ako sa kan'ya," nakangiting sagot n'ya. Napatakip naman ito sa bibig na parang nagulat at maya-maya pa ay tumili ng matinis dahil sa kilig.

Napatingin sa kanila ang ibang tao na naroon kaya natatawang sinaway n'ya ito.

"Sorry na madam, ikaw naman kasi eh."

"Makatili ka naman kasi. Nakakahiya sa mga makakarinig," dagdag na saway n'ya sa bakla.

Hindi na ito sumagot ngunit mababanaag pa rin ang kilig rito na ikinatawa n'ya na.

Nagsimula na itong ayusan s'ya at s'ya naman ay nagpaubaya sa ginagawa nito sa kan'yang mukha. Ilang oras din s'yang inayusan nito at ng matapos ay halos mapanganga s'ya ng makita ang kan'yang mukha sa salamin.

"What do you think madam? Ok ba sayo ang make up mo?" nakangiting tanong ng bakla.

"A-Ako ba to?" mahinang tanong n'ya habang nakatulala na nakatingin sa salamin sa harap. Hindi s'ya makapaniwala sa kan'yang nakikita. Ang ganda n'ya, para s'yang artista sa kan'yang make-up.

Ilang minuto n'ya pang tinitigan ang mukha bago natanggap na s'ya nga talaga ang nasa harapan ng salamin.

"T-Thank you! Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ito. Ang ganda ko! Grabe ang kamay mo parang may magic," tuwang-tuwa na puri n'ya sa bakla at proud naman itong humarap sa kan'ya sabay pilantik ng kamay.

"Syempre ako pa ba," sagot nito sa kan'ya. Napailing na lamang s'ya habang may matamis na ngiti sa mga labi.

"Magbibihis ka na madam, tara tulongan kita. Baka kasi ma late ka sa party n'yo," aya sa kan'ya ng bakla.

Inalalayan pa s'ya nito na makatayo at iginiya patungo sa dressing room bitbit ang isang paper bag na may lamang damit na isusuot n'ya.

Pumasok s'ya sa loob at agad na nagpalit ng damit. Isang cherry red ang kulay ng dress na susuotin n'ya. Mahaba ito na hanggang talampakan at may mahabang slit na abot sa kan'yang hita.

Kitang-kita ang mahahaba at makinis na biyas n'ya. She is five and nine inches in height at para sa babae ay matangkad na ito. Balingkinitan ang kan'yang katawan and she was blessed with a big tits and butt.

Marami ang nagsasabi na papasa s'ya bilang isang modelo. May mga nagsasabi din na bagay sa kan'ya ang sasali sa mga beauty pageant.

Sa ganda ng mukha at katawan ay panigurado daw ang mga ito na mananalo s'ya.

Pero wala s'yang pakialam dito. Ni hindi pumasok sa isip n'ya ang bagay na ito dahil ang nasa isip n'ya ay kung paano makapag-ipon ng pera para may panustos s'ya sa kan'yang pamilya at mga kapatid na nag-aaral.

Marami ang nanliligaw sa kan'ya na mga mayayaman ngunit tanging si David lamang ang nakakuha ng kan'yang attention.

Mabait kasi ang lalaki at magalang. Napaka maalaga din nito at napaka thoughtful kaya nagugustohan n'ya ang ugali nito and later on na develop sa pagmamahal ang pagkakaibigan nila.

David offered a friendship first bago ito nanligaw. Kumbaga nakilala na nila ang isat-isa bago pa naging sila at naging big factor ito sa kanilang relasyon na naging dahilan din ng pagtagal ng kanilang pagiging mag nobyo at nobya ng apat na taon.

Hindi n'ya nakikita ang kan'yang sarili na ikinakasal sa iba kundi kay David lamang. And she will forever greatful for having David in her life.

Matapos s'yang makapag bihis ay lumabas na s'ya ng dressing room at napanganga ang bakla na naghihintay sa labas ng makita s'ya.

"Oh my gosh, anghel ka ba sa past life mo madam?" bulalas nito ng makita s'ya.

Napahagikhik s'ya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito.

"Sira! Itikom mo yang bibig mo dahil ako lang to,"pagbibiro n'ya rito.

Matapos s'yang mag-ayos ay agad n'yang tinawagan ang nobyo. Sinagot naman agad ni David ang tawag n'ya at sinabing papunta na ang driver nito pata sunduin s'ya.

Nagpaalam sila sa isat-isa at hinintay n'yang dumating ang kan'yang sundo. Hindi naman nagtagal at pagkatapos ng halos kinse minutos ay dumating ang driver na ipinadala ni David para sunduin s'ya.

Inihatid na s'ya nito sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang engagement. Maraming mga tao sa labas ng dumating s'ya. Pinagbuksan s'ya ng pinto ng driver at inalalayan na makababa sa sasakyan.

Pumasok s'ya sa loob ng hotel at hinanap ang function hall. Dito gaganapin ang engagement party nilang dalawa ni David.

Iginiya s'ya ng isang staff patungo sa function hall at bumungad sa kan'ya ang napakaraming tao.

Nakaramdam s'ya ng kaba ng makita ang mga kilalang personalidad. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid para hanapin si David ngunit hindi n'ya ito namataan.

"Look who's here? May basurang nakapasok," nakangiti ngunit puno ng pang-iinsulto na sabi ng napaka sopistikadang ginang na papalapit sa kan'ya.

The woman is no other than Diana Reyes ang matapobre at mapagmata na ina ng kan'yang kasintahan.

"M-Magandang gabi po ma'am," magalang na bati n'ya rito. Sinipat s'ya nito mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"I'm sure my son spend a lot of money para bihisan ka! How disgusting isn't it? Bakit mo ba ipinagpilitan ang sarili mo sa amin Ms. Miranda? Dahil ba sa pera ng anak ko? We'll I just want you to know na kahit asawahin ka pa ng anak ko ay wala kang mahihita sa kan'ya and I will make sure na kahit isang kusing ay wala kang makukuha," pang-iinsulto nito sa kan'ya.

"Ahmmm, mawalang galang na po ma'am pero hindi naman po pera ni David ang habol ko. Mahal ko po ang anak ninyo at hindi dahil sa pera n'ya kundi sa kabutihan ng kan'yang puso," magalang at kalmanting sagot n'ya rito.

Hangga't maaari ay ayaw n'yang makapagsalita ng hindi maganda rito. Malaki ang respeto n'ya sa ina ng kan'yang kasintahan at hindi maganda kung babastusin n'ya rin ito katulad ng pambabastos nito sa kan'ya.

Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Ruelan Ebia Mailyn
magand xa super...
goodnovel comment avatar
Nelia Blanco
walang pinxg aralan xng biyenzn to be nya at bastis
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
mayaman ka nga bastos ka naman matanda ka
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status