Share

CHAPTER 3

AUTUMN FELICITY...

Para s'yang kakapusin ng hangin dahil sa pagpipigil na huwag masagot ang ina ni David.

Marami pa itong mga masasakit na salita na ibinato sa kan'ya at alam ng Dyos kung paano n'ya pinigilan ang sarili na hindi masagot ito.

Hindi s'ya nito tinantanan hangga't hindi s'ya nag excuse dito. Kita n'ya pa ang matagumpay na hitsura nito ng magpaalam s'yang aalis na.

Umalis s'ya ng function hall para tawagan ang kasintahan ngunit hindi man lang ito sumasagot sa kan'yang tawag.

Kanina n'ya pa ito hinahanap ngunit hindi n'ya man lang namataan kahit anino ni David sa function hall. Kung sana nandoon lang ang binata ay hindi sana n'ya nainsulto ng ina nito ng ganon-ganon na lang.

Mabait ang ina ni David kapag nasa paligid ang kasintahan. Ang ipinapakita nitong kabutihan sa kan'ya kapag nasa paligid ang nobyo ay kabaliktaran kapag silang dalawa na lamang.

Kaya para mapakalma ang sarili ay naglakad s'ya sa hallway at hindi alam kung saan patutungo. Naninikip ang kan'yang dibdib at nahihirapan s'yang huminga.

Sobrang sakit ng mga ibinato nitong salita sa kan'ya at pinaparatangan s'ya ng kung ano-ano hanggang s'ya na mismo ang sumuko at nagkusang umalis.

Nag desisyon s'yang lalabas muna para makalanghap ng hangin. Nilakad n'ya ang kahabaan ng hallway na walang katao-tao ngunit natigilan s'ya ng may marinig na parang halinghing at mga ungol.

Nanayo ang kan'yang mga balahibo at biglang nangatog ang kan'yang mga tuhod. Hindi n'ya alam kung bakit kinakabahan s'ya ng sobra.

Parang kung may anong nagtulak sa kan'ya na sundan at hanapin ang pinanggalingan ng mga ungol at halinghing na naririnig.

Kahit nangangatog ang mga tuhod ay pinilit n'ya ang sarili na maihakbang ang mga paa para hanapin kung saan nanggaling ang mga naririnig na tunog.

Natagpuan n'ya ang sarili na nakatayo sa isang pinto. Mas lalong lumakas ang naririnig n'ya habang nakatayo sa labas ng pinto kaya napagtanto n'ya na dito galing ang mga ungol.

Nanginginig at namamawis ang kan'yang mga palad na hinawakan ang seradura at pinihit iyon. Sobrang lakas ng kaba ng kan'yang puso habang dahan-dahan na pinihit ang seradura.

Maingat n'yang itinulak ang pinto at mas lalo pang naging malakas ang tunog at may kakaibang tunog pa na dumagdag sa naririnig n'ya. Tunog na parang nagsasalpukan na kung ano.

Itinulak n'ya pa ang pinto para makita ang loob ng kwarto at ganon na lang ang pamumutla n'ya ng bumungad sa kan'ya ang dalawang tao na hubot-hubad na nasa ibabaw ng kama at mariing umuulos ang lalaki sa ibabaw ng babae na s'yang malakas na umuungol.

Ngunit ang mas lalo pang nagpaguho sa kan'yang mundo ay ng makilala ang lalaking hubot-hubad, pawis na pawis at marahas na umuulos sa ibabaw ng babae na malakas na umuungol sa tuwing sinasagad ng lalaki ang katawan rito.

Mas lalong sumikip ang kan'yang pakiramdam at nanigas ang kan'yang buong katawan sa nasaksihan.

"D-David!" nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng kasintahan. Mukhang narinig naman s'ya nito at nabaling sa pintoan ang tingin ng kasintahan at ganon na lang ang gulat na rumehistro sa mukha ng lalaki ng makita s'ya.

"H-Honey," nauutal na tawag nito sa kan'ya at agad na umalis sa ibabaw ng babae para lapitan s'ya ngunit umiling s'ya rito habang paatras na humahakbang palayo.

Hilam sa luha ang kan'yang mga mata at halos himatayin s'ya dahil sa sobrang sakit ngunit nilabanan n'ya ang lahat at pinatatag ang sarili. Hindi s'ya pwedeng bumigay sa lugar na ito dahil magiging kawawa lang s'ya.

"Honey wait! Let me explain," tawag sa kan'ya ni David at akmang hahabulin s'ya ngunit mabilis n'yang nahamig ang sarili at mabilis na kumaripas ng takbo paalis ng hotel.

Paglabas n'ya ay may isang sasakyan na huminto sa harapan. Wala sa huwesyo na pumasok s'ya rito habang hilam sa mga luha ang mga mata.

"Manong pahatid po sa bar na malayo rito," umiiyak na sabi n'ya sa driver. Hindi man lang s'ya nag-abala na tapunan ito ng tingin kaya hindi n'ya nakita ang pagsalubong ng noo nito at pag-igting ng mga panga na sinilip s'ya salamin.

"Please manong, ilayo n'yo po ako rito. Ayoko po dito, please ilayo n'yo po ako," pakiusap n'ya sa driver habang umiiyak.

Walang imik naman nitong minaniubra ang sasakyan at nilisan ang hotel. Inilabas n'ya ang lahat ng sakit sa dibdib sa pamamagitan ng pag-iyak. Hindi n'ya inakala na mauuwi ang lahat sa ganito.

Kailan pa s'ya niloloko ng kasintahan? Dahil lang ba sa hindi n'ya naibigay dito ang bagay na matagal na nitong hinihingi? O kaya siguro nakaya nitong hindi s'ya galawin sa loob ng apat na taon dahil may iba naman itong babae na sinisipingan.

Napahagulhol s'ya ng iyak ng maisip ang lahat. Ang akala n'ya ay totoo ang lahat ng ipinapakita ni David sa kan'ya. Ang akala n'ya ay mahal s'ya nito ngunit puro pagkukunwari lang pala ang lahat. Niloko s'ya ng kasintahan at sobrang sakit para sa kan'ya ang ginawa nito.

Sa araw pa mismo ng engagement nila. Hindi man lang ba nito naisip na masasaktan s'ya? O baka matagal na itong ginagawa ng lalaki at ngayon n'ya lang nahuli. Matagal na rin s'yang nakakarinig ng mga hindi maganda tungkol sa binata ngunit patay malisya lamang s'ya at hindi naniniwala sa mga usap-usapan ng iba tungkol sa nobyo n'ya.

Napahagulhol s'ya ulit ng iyak dahil sa sakit. Naging mabuti naman s'yang kasintahan. Hindi naman s'ya nagkulang rito maliban na lamang sa isang bagay na hinihiling nito sa kan'ya na hindi n'ya naibigay rito hanggang ngayon.

Hindi n'ya na napansin ang panaka-nakang pagtingin ng driver sa kan'ya at ang pag-igting ng panga nito sa tuwing sinisilip s'ya sa salamin. Masyado s'yang nasaktan sa natuklasan at nakita kanina para mapansin pa ang ibang bagay.

Hindi n'ya rin alam kung gaano katagal ang naging byahe nila. Nahimasmasan na lang s'ya ng tumigil na ang sasakyan na sinasakyan n'ya at ng silipin n'ya ang lugar ay nakita n'yang nasa harapan s'ya ng isang bar.

Kumuha s'ya ng pera sa kan'yang purse at inabot sa driver.

"Salamat manong," pasasalamat n'ya sa lalaki without looking the face of a man na s'yang naghatid sa kan'ya dahil nahihiya s'ya rito ng maisip ang kan'yang pag-iyak sa buong byahe.

Dali-dali s'yang bumaba at naglakad patungo sa entrance ng bar. Hindi n'ya na napansin ang mariin na tingin ng lalaking naghatid sa kan'ya.

Dumiretso s'ya sa bar counter at naupo roon. Hindi alintana ang mga tingin ng mga tao sa kan'ya.

Sino ba ang hindi? Eh naka gown lang naman s'ya na pumasok sa naturang bar at parang wala sa sarili. Ang gusto n'ya lang ay ang makalayo sa lugar kung nasaan ang kan'yang manloloko na fiancee.

Nag order s'ya ng inumin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok s'ya sa ganitong lugar. Tanging trabaho at bahay lang s'ya madalas at paminsan-minsan ay lumalabas naman sila ni David ngunit sa mga matitinong lugar sila pumupunta at hanggang sa pagkain lang ang ginagawa nila.

Never n'ya pang naranasan na pumasok sa bar o makatikim ng alcohol sa tanang buhay n'ya.

Ngunit dahil sa nangyari ay ito s'ya ngayon. Handang magpakalunod sa alak para lamang matakasan at makalimutan ang sakit na nararamdaman n'ya ngayon dahil sa pagkahuli sa panloloko ng kan'yang nobyo sa kan'ya.

Nasusuka s'ya sa tuwing naalala ang nakita kanina. Hindi naman s'ya inosente sa mga ganitong bagay ngunit hindi n'ya pa naranasan na makakita ng mga ganito kahit sa internet lamang.

And how she wished na sana sa internet lamang ang nakita n'ya kanina at hindi sa totoong buhay.

Hindi totoo na ginagawa ito ng kan'yang fiancee kasama ang ibang babae dahil parang sasabog ang dibdib n'ya dahil sa sobrang sakit.

Sunod-sunod na tinungga n'ya ang alak sa baso at maya-maya pa ay nakaramdam na s'ya ng pag-ikot ng kan'yang paningin at pagkahilo.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
explain mo mukha mo david kaya pala hindi ka makita sa function hall dahil nasa ibang silid ka nagpapasarap buti na lang at nahuli ka ng fiance mo
goodnovel comment avatar
Tinted_black
let me explain ka jan anung explain mo eh caught in the act na shuta
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status