Share

Chapter 48

BRIANNA

Halos mag-iisang Linggo na ako sa bahay ni Dean at nakakalakad na rin ako ng maayos kaya nagdesisyon akong bumalik na sa aking bahay. Siguro naman ay hindi na ako babalikan pa ng mga lalaking iyon dahil ilang araw din akong wala sa bahay ko. Mamaya ay magpapaalam na ako kay Dean na babalik na ako sa bahay ko at magpapasalamat na rin ako sa pagtulong niya at pagpapatira sa akin sa bahay niya.

Sa loob ng anim na araw na pananatili ko sa bahay ni Dean ay tatlong beses ko lamang siya nakita ngunit hindi ko siya nakausap ng matagal. Nagtanong lang siya sa aking kalagayan tapos umalis agad. Alam kong nagtataka si Aling Lena kung bakit hindi kami nag-uusap masyado ni Dean ngunit hindi na lamang ito nagtanong. At sa loob ng pananatili ko rito ay hindi ko nakitang nagpunta rito si Bridget. Kaya hindi ko alam kung alam ba nito ang bahay ni Dean o hindi?

Habang naghihintay ako sa pag-uwi ni Dean ay tinulungan ko na muna si Aling Lena na magluto ng dinner ng binata. Mamaya na rin kasi it
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status