Share

Chapter 54

Brianna

Walang kibo lamang ako habang nagbibiyahe kami ni Dean pauwi sa aking bahay. Pinapakiramdaman ko siya kung babanggitin pa ba niya ang tungkol sa sinabi niya kanina na bagay na hindi ko pag-aari ngunut aksidenteng napunta sa akin. Ngunit hanggang sa nakarating kami sa tapat ng bahay ko ay hindi na niya inulit pqng banggitin kaya naisip ko na siguro ay walang kinalaman sa usb ang kanyang tinutukoy kanina.

"Salamat sa paghatid mo. At tungkol sa bayad sa ospital ay ipapasok ko na lamang sa account mo ang pera. Isulat mo na lamang ang bank account mo para maipasok ko bukas bago ako magpunta sa police station," kausap ko sa kanya nang huminto na siya sa tapat ng bahay ko.

Bumuntong-hininga si Dean ng malalim na para bang may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya masabi-sabi. Tumitig lamang siya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ng noo.

"Bakit hindi ka kumuha ng makakasama mo sa bahay mo nang hindi ka nag-iisa, Brianna?" mayamaya ay tanong niya sa akin. "I mean,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status