Share

Bastarda Series-One My Beloved Mr Eutanes
Bastarda Series-One My Beloved Mr Eutanes
Author: J.C.E CLEOPATRA

Kabanata-1 Journey

POV- Issa

"Yes, yes!" wooohh, nakapasa ako sa exaaammm!" tuwang-tuwa kong sigaw habang nagtatalon-talon ako, at winawagayway ko ang hawak kong papel.

Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng aking mga ka klase at ng aming guro. Basta ako ay masaya dahil ang pangarap kong makapag-aral sa Manila ay matutupad na, gusto kong makapag tapos ng pag- aaral para makahanap ng magandang trabaho.

Mahirap kase dito sa probinsya kong wala kang sakahan na pagkukunan ng pang araw araw na pagkain mamatay kang dilat ang mga mata. Mabuti na lang ang mayor namin dito sa probinsya ay mabaet at binigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na makapag-aral sa Manila ng libre at wala kang gagastosin kahit singko.

Bakasyon ngayon kaka graduate ko lang ng highschool nong nakaraan buwan lang sa edad kung dalawampu.

Patigil tigil kase ako ng pag aaral dahil kelangan kung magtrabaho para may maipambili ng gamit at uniform sa school.

Si mama naman ay hirap makakuha ng labada kaya tumutulong ako sa hanap buhay para may makain kami sa araw araw, ng matanggap akong Saleslady sa mall sa kabilang bayan, ay nakaipon ako at nag aalaga na lang ng hayop na kambing si mama kaya kahit papaano may napag kukunan kami ng pang gastos namin sa araw araw.

Umuwi ako ng may ngiti sa aking mga labi, gusto kong sorpresahin si mama, hindi n'ya kase alam itong ginawa ko sana matuwa siya sa ibabalita ko para sa kanya.

"Mama, mama nandito na po ako nandito na ang pinaka maganda mong anak sa balat ng lupa," malakas kong sigaw maya maya ay lumabas si mama sa knyang kwarto.

"Oh!" anak bakit ka naman sumisigaw ano nangyayari sayo? At bakit pawis na pawis ka? Sinong humabol sayo? May nakakaaway kaba? Sunod sunod na tanong sakin ni mama.

"Ito naman si mama, isa isang tanong lang wala po sa aking humabol na kong sino.

"Oh!" bakit pawis na pawis ka at hinihingal ka?

"Ganito kase yon ma' nakapasa ako sa exam for scholarship, makakapag aral na ako sa Manila. Matutupad na yong pangarap kong maging Architect," masaya kong sabe kay mama.

"Ah ganun ba nak? Congratulation, masaya ako para sayo matutupad mona ang pangarap mo.

"Bakit? Parang malungkot ka naman mama, hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko para sayo?" malungkot kong sabi kay mama.

"Naku!" anak hindi ano kaba naman iniisip ko lang na kapag nasa manila kana sino mag-aasikaso saiyo hindi mo ako makakasama doon.

"Hayysssst!" si mama malaki na ako kaya ko na ang sarili ko hindi na ako ang baby mo noon, na hinuhugasan pa ang aking pwetan kapag jumigebs ako pwede na nga akong magbuntis hahaha," biro ko kay mama.

"Aray!" ko naman mama. Bakit ka nangungurot sa singit hindi kana mabiro? pinapatawa lang kita.

"Oo na, kumain kana ba? may niluto akong paborito mong ulam tinolang manok.

"Wow!" talaga sege ma, kain na tayo tamang tama gutom na ako.

"Kelan pala luwas mo ng Manila nak? Mag iingat ka don ha!"

"Ang sarap mo talagang mag luto ma," hmm baka po sa makalawa lumuwas na ako ng manila. Kayo rin po dito mag-iingat hayaan mo po ma," kapag nakahanap ako don na pwede kong maging trabaho susunduin po kita dito para magkasama parin tayo.

"Paano naman itong bahay naten nak? Kung iiwanan naten ito, sayang naman to kong walang magbabantay. Bibisitahin na lang kita don kapag may pera ako para kahit papaano hindi ka malungkot don," ani ni mama.

Mga ilang sandali pa ay natapos n kaming kumain.

"Sege na nak? magpahinga kana o kaya mag impake ka na ng dadalhin mo sa manila bago ka lumuwas, ako na bahalang maghugas ng pinagkainan natin.

"Sege po mama, salamat maiwan na po kita dito.

Pagkarating ko ng aking munting kwarto ay kinuha ko sa ilalim ng aking katre ang luma kong maleta. Binili pa namin ito ni mama sa ukay-ukay tamang tama magagamit ko narin sa wakas. Kinuha ko lahat ng mga gamit ko at inilagay kona sa maleta.

Sumapit ang araw ng aking pagluwas ng manila. Lahat ng importanteng dukomento na dadalhin ko ay nilagay kona sa aking maleta. Sa katunayan nandito na kami ni mama sa bus station kong saan patungong Manila ang destinasyon.

"Basta anak yong bilin sayo ni mama ha!" mag iingat ka don, hwag mong pabayaan ang sarili mo, ingatan mo yang kalusugan mo don. Tawag ka lang kay mama kapag gusto mo ng umuwi, susunduin kita don ha.

"Ito naman si mama dapat ako nagsasabe nyan sayo, hindi ako yong sinasabihan mo ng ganyan ma. Tsaka malaki na ako, basta pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para kapag nakapagtapos na po ako ng kurso na gusto ko, ipaparenovate ko po yong bahay naten, tapos kukunin kita para magkasama na tayo at kukuha na lang ako ng mag babantay sa bahay naten, pero syempre kelangan ko mona mag apply ng trabaho para matupad yong pangarap kong bahay naten, di naman pupwedeng diploma lang tas nagkaroon agad tayo ng bahay na maganda haha," biro ko kay mama.

Para kahit papaano hindi sya malungkot sa pag-alis ko.

"Ikaw talagang bata ka!" kahit kelan puro ka kalokohan.

"Aalis na po ang Bus byaheng Manduloyong? Sino pang pasahero ang nandito sa labas? Aalis na po tayo limang minuto na lang, sigaw ng driver.

"Sege na mama sakay na po ako," habang magkayakap kami.

"Basta yong bilin ko sayo ha? wag mong kakalimotan umuwi ka agad kapag ayaw mona don.

"Opo mama!" I love you po, kayo rin po mag- iingat don sa bahay? Paalam ko kay mama.

"Kaya ko ito, kaya mo yan Issa, ikaw paba? matibay ka diba? at matatag, kausap ko sa aking sarili," maya maya ay umusad na ang bus.

Habang nasa byahe nag sountrip ako sa luma kong cellphone para hindi ako mainip.

"The Journey Lyrics by LEA SALONGA"

Half the world is sleeping. Half the world's awake. Half can hear their hearts beat. Half just hear them break I am but a traveler, in most every way. Ask me what you want to know

What a journey it has been. And the end is not in sight. But the stars are out tonight. And they're bound to guide my way.

When they're shining on my life. I can see a better day. I won't let the darkness in. What a journey it has been.

I have been to sorrow. I have been to bliss. Where I'll be tomorrow. I can only guess.Through the darkest desert.Through the deepest snow. Forward always forward, I go.

What a journey it has been. And the end is not in sight. But the stars are out tonight. And they're bound to guide my way.

When they're shining on my life. I can see a better day. I won't let the darkness in. What a journey it has been. Forward, always forward. Onward, always up. Catching every drop of hope. In my empty cup.

What a journey it has been. And the end is not in sight. But the stars are out tonight.

Eksakto pagkatapos ng huling kanta na pinakinggan ko ay ang sakto din pag hinto ng bus. Umunat ako ng kamay at paa.

"Hayyst grabe ang ngalay sa pwetan ang umupo sa matagal na pagbyahe," bumaba na ako ng bus, pag baba ko nag lakad lakad ako.

Magtatanong tanong ako, kong saan ang address na binigay sakin? Ang hirap pala ng ganito yong first time mong tumapak sa syudad, nakakahilo ang mga gusali ang tatayog.

"Ay kabayong bundat!" tili ng babae.

"Ay sorry Miss diko sinasadya" paghingi ko ng paumanhin, tutulongan ko na sanang tumayo kaso," tinapli ang kamay ko.

"Sa susunod Aling bundat. Tumingin ka sa daraanan mo, hindi yong kong saan saan ka nakatingin daig mo pa yong ngayon lang nakatapak sa syudad.

Pag tataray sa akin ng babaeng mukhang bisugo, hindi ko nalang pinatulan baka ngayong araw makapatay pa ako ng babaeng kinulang sa manners.

"Anong sabe mo paki-ulit nga? Akala mo ba hindi ko nababasa yang nasa isip mo? Sinong mukhang bisugo at walang manners ha? Eh ikaw itong tatanga-tanga kong saan saan nakatingin. Probinsyana ka ano? Ang pangit kase ng suot mo? Mukha kang, ay never mind na lang parang inamin kona rin sa sarili ko na wala akong manners.

Sabay ikot ng mga mata ng babae sa akin.

Kay sarap dukatin lang ng kanyang mata at ipakain sa aso o kaya ay sa pusa na pagala gala dito sa kalye, kung makatirik ng mata akala mo ikinaganda nya, at ano daw nababasa nya ang nasa isip ko, ano? manghuhula lang kamag-anak yata ito ni madam Auring hahaha. Kausap ko sa aking sarili at sabay tawa ng mahina, pero hindi nakaligtas sa pandinig nya.

"Hoy probinsyana, tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin mukh...

"Sege na po Kuyang Guard baka po hiring pa dito. Kahit Janitress lang, kelangan ko lang po talaga ng trabaho, para may maipakain lang ako sa mga kapated ko."

Pareho kaming dalawa na naibaling ng tingin sa baba

e nahabag naman ako sa kanya.

"Hayst buhay."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status