Share

XV. A Delightful Breakfast

Friday night Trisha was preparing to sleep and scanning her f******k account when she got a chat from Marsden. Ganito sila palaging nagcha-chat… kahit na ano lang ang topic, about their work and other nonsense. Bago lang din niya nalaman na may-ari pala si Marsden ng Construction and Engineering Company, Engineer din pala ito.

»Hey pretty! Whats up?

She laid in her bed and replied:

»Hey pretty!😝 Still getting prettier each day.

»Same here girlie.hahaha

»Hahahaha.  Hey man how’s your day?

»I’m not going to reply until you call me handsome.

»(rolling my pretty eyeballs here)

»Com’on  I’ve called you pretty (I’m sulking here)

Trisha laughed, para talaga itong bata.

»Okay fine Mr. Handsome, how’s your day?

»Yeeh! I won!

»👶🏻👶🏻👶🏻you’re such a baby

»Hahahaha. loser!  I’m fine, medyo busy sa office kaya dito ako sa condo natulog.

»Have you eaten yet?

»Are you going to cook for me if I havent?

»Lucky much!

»Ouch! It hurts, I really missed your cooking

»Hahaha…Well, you can eat here anytime you want.  How about Wednesday night?  Chloe and I have this tradition that we ate together every Wednesday night, youre very welcome to join us, unless of course you have a night life.

Trisha’s phone rang.

“Really? You’re inviting me?”

“Siyempre,  I don’t wanna deprived you of my delicious cooking.”

He laughed.  “ I don’t want to intrude in your girls’ night.”

“Ano ka ba, it is friends’ bonding and you’re my friend so you’re always welcome to join.  Agreed? Wednesday night?”

“Agreed! I’ll put it in my schedule.”

Trisha yawned, “See you on Wednesday then, goodnight handsome!”

He chuckled “Goodnight gorgeous,” and the call ended.  Trisha can’t help the itch creeping in her face with the words gorgeous uttered by Marsden, made her heart to skip a beat.

Kaumagahan Trisha was preparing breakfast nang may kumatok sa pinto.  Nang buksan niya ito, Marsden was there broadly smiling, dimples and all.  Prepared na ito patungong trabaho wearing a blue striped white shirtsleeve that was folded baring his well muscled arms.  

Sexy. Naibulong niya sa sarili.

“Good morning!”

“Good morning!”

“Hmmm…smells good. Made me hungry,” turan nito nang sundan siya sa kitchen. 

Umupo ito sa table and looked at her while she cooked.  Nang maluto ang itlog, she placed it in front of him at nagtoast ng bread.  Nagluto rin siya ng hotdog at nagsimula na silang kumain.  Hindi ito ang unang beses na sabay silang magbreakfast.  Minsan pagkagaling nito sa isang malaking park upang magjogging  na nagkataong  malapit sa village nila,  dito ito nag-aalmusal and they always ate comfortably.

“Do you have plans for tomorrow?” tanong nito nang matapos nguyain ang malaking chunk ng bread with hotdog and egg.

“Wala, pero may nabili akong bagong libro and I planned to read it tomorrow for the whole day.  Bakit?”

“Well, my friends wanted to give me a welcome party and I wanted you to come with me.”

“Ayoko nga!” Hindi siya sanay makihalubilo ng ibang tao, especially hindi niya kakilala.  And looking at Marsden tiyak na ang mga friends nito mga upper class.

“Com’on Trish, I need you there! Please…” Kinuha nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. “You’re like a talisman, you always calmed me.”

Trisha bit her lower lip and played with it with her teeth.  Marsden suddenly let go and he continued eating with gusto.  Naguguluhan si Trishang nagpatuloy na rin ng pagkain.

“Okay, I’ll go.  Okay lang ba talaga na kasama ako?”

“Siyempre naman.  I can bring whomever I want.  If I wanted to bring all the animals I saw in the street, they don’t have any choice…I’m the main guest,” pagyayabang nito with a smirk.

“Ang lakas naman ng hangin, yabang ah!” aniyang natatawa pa rin.  “Gawin mo kaya,”  pabirong mungkahi niya dito.

“Brilliant idea!  It could pissed them off…you’re very smart,” papuri nito sa kanya.

She laughed and thrown a tidbit of egg na nahulog kanina nang ipinalaman niya ito sa kanyang toasted bread.

Natatawa itong umilag.  “That’s bad!”

Tinaman pa rin ito sa balikat.  Mabuti na lang at hindi ito nagmantsa.  Inirapan niya ito at ipinagpatuloy ang pagkain. “Ayaw kong sumama sa’yo.  Madadamay pa ako sa kalokohan mo.  I’m a good girl.”

“Kaya nga kailangan kita eh.   You inspire me to behave,”  he said with a lapsided smile.

“Okay talo na ako.  I’ll go so promise me you’ll behave.”

“Cross my heart and hope to–” natigilan ito “–live!” saad nito.

Natatawa na lamang si Trisha at tinapos ang pagkain.  “Ewan ko sa’yo.”

Nang matapos na silang kumain nag-offer si Marsden na ihatid siya sa trabaho.  Ito pala ang may-ari ng Zion Engineering and Construction Company na isa rin sa mga malalaking kompanya na ang main office ay nasa Business Center din just around the corner from their office. 

Nagmamadali siyang nagbihis at lumulan sa sasakyan nito.  She made herself comfortable at medyo kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na ihahatid siya nito.  It’s already more than a month after she and Drake broke up.  Kilala ng mga kaibigan si Marsden in  name only dahil hindi pa niya ito napapakilala ng personal. 

“Oi Mars,  tama na siguro ‘yong pa-Pixies mo.  Nasasanay na kasi ang mga kaibigan ko,” pati na rin ako and I shouldn’t have.  “At tsaka lumalaki na ‘yong tummy ko,” sabay tapik sa tiyan.

He chuckled.  “Okay.”

“Ang dali mo namang kausap.  Pwede rin naman once every three months,”  aniyang nangingiti.  Siyempre Pixies Delights ‘yon.  Kung sa gadget pa, parang Apple, high in.

Natawa ito.  “Fine, pwede rin naman once a month.”

“’Wag na! Masyadong magasto.  Alam ko mayaman ka but still, enough na ‘yong makatikim kami once every three months diba,” pangungumbinsi niya dito.

“Fine!  By the way it’s a beach party,” anito tungkol sa pupuntahan nila bukas.

“I like beaches, lalo na ngayon ay ssumme.”  She’s excited kahit na medyo kinakabahan dahil finally makikilala na niya ang mga kaibigan nito.

“You’ll love it there, it’s a private place you can swim to your heart’s content.”

Sandaling natigilan si Trisha dahil sa isip niya tiyak na mga sophisticated ang mga kaibigan nito…siguro mga modelo at mga sexy.  Hindi siya sanay magbikini kung kasama ang ibang tao.  She was blushing and fixed her attention outside the window of the car.  Marsden will see her in a bikini.  Naalala niya tuloy ‘yong time na  lasing na lasing siya and he undressed her making her blush even more.

“Thank you.  Ingat!” aniya nang pababa na ng sasakyan sa harapan ng building nila.

“See you tomorrow,” saad nito bago tuluyang umalis papunta sa opisina nito.

Nang naghihintay si Trisha na bumaba ang elevator sa ground floor ay nagulat siya nang may biglang humawak sa mga braso niya.

“Oh my God Trisha!” kinikilig na turan ni Abby.  “Is that him?” pabulong nito nang may dumating na sasakay din ng elevator.

“Yup!” Bumukas na ito at magkasabay silang lumulan dito.

Pinigilan muna ni Abby ang curiousity dahil maraming mga tsismosa sa paligid.

Ngunit nang makarating na sila sa kanilang opisina sunud-sunod ang tanong nito.  Maaga pa kaya naman silang dalawa pa lamang ang tao dito.

“Ano, naglevel-up na ba?  Hah?”  kinikilig nitong tanong.

“Ano bang pinagsasabi mo, kaibigan lang talaga kami.”  Sinimulan na niya ang pag-on ng kanyang computer.

“Sayang naman.  So aside from the chocolates, hatid-sundo ka na rin?”

“Nagkataon lang na nadaanan niya ako sa bahay.  At tsaka wala pa akong planong magboyfriend.  Focus muna ako sa trabaho,” pangungumbinsi niya dito.

Totoong ayaw niya muna ng relationship ngayon but it doesn’t mean that she already gave up on love.  She just wanted to prepare herself when the right man comes along.

“Sige na nga! Oi dalahin mo siya sa birthday ni Jay hah para naman makilala namin.”

“I was actually planning to.”

“Good girl!” at nagsimula na rin itong magtrabaho.

Next week pa ang birthday ni Jay.  She was already planning to invite him para naman makilala rin ng mga kaibigan.  Sana available ito.  Minsan nakakalimutan niyang isa itong CEO ng sarili nitong kompanya at partly owner din dahil half-brothers nito ang current chairman at director ng White Marz Hotel.  Napakadown to earth at humble kasi nito.  Hindi rin maarte at iginiit rin nito sa kanya na siya pa rin ‘yong Marsden na kaibigan nila noon.  Nang malaman niya na ganito kataas ang status nito medyo nag-alangan siya sa pakikipagkaibigan dito.  Ngunit, naalala niya ang batang lalaki na palaging nasa bahay nila dahil palagi itong mag-isa. ‘Yong batang naglalaro sa kalsada, pinagpapawisan, naiinitan.  ‘Yong batang walang kiming kumain ng mumurahing gum na binigay niya dito.  Natawa siya nang may maalala–‘yong Marsden na sarap na sarap ang kain kahit na anong lutuin niya.   Naisip niya hindi hadlang ang pagiging mayaman nito sa pagkakaibigan nila.

Hindi siya sigurado kung ang mga kaibigan nito ay tulad kay Marsden.  She might not belong to their circle, they might not like her but she will be there to support him because she knew he needed it.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status