SA ISANG iglap, hinawakan ni Beckett si Jeremy sa buhok nito bago inuntog ang ulo ng lalaki sa sahig nang paulit-ulit. The sound of Jeremy’s bones cracking reverberated in the area, but it was not enough to stop him.“You will fucking die in my own hands, and even in the afterlife, you will regret who you messed up with,” nanggigigil na saad ni Beckett habang walang tigil sa paghampas sa ulo ni Jeremy sa sahig.“P-Puro ka lang s-salita…G-Gawin mo ‘yang…mga sinasabi…mo…” Pinilit tumawa ni Jeremy upang asarin si Beckett sa kabila ng hirap na nararamdaman. “Y-You will be a killer…like your parents’ murderer—”Hindi na natapos ni Jeremy ang sasabihin nang bigla siyang sinuntok ni Beckett sa lalamunan, dahilan upang umubo ito ng dugo at mahirapan sa paghinga. Beckett panicked as he saw blood, but the rage inside him was overbearing his fear.Beckett cracked Jeremy’s arms and legs, and it was something he never thought he was capable of doing. Kahit kailan ay hindi siya naging brutal sa iba
“BECKETT CLAINFER’S popularity reached a new peak again, winning another award from America for his breathtaking photoshoot in California!”“Dahil sa mga nangyari, mas lalo lang pinatunayan ni Beckett kung bakit siya ang isa sa pinakamagaling at pinakasikat na model sa bansa! Talagang pinanindigan niya ang mga tawag sa kan’ya bilang ‘Nation’s Perfect Guy!’”Bago pa man makapagsalita ulit ang reporter ay pinatay na ni Vivianne ang TV. Gumagawa siya ng dokumento sa kan’yang opisina nang makaramdam siya ng pagkabalisa, kaya binuksan niya muna ang TV para malibang. Pero hindi niya inaasahang puro si Beckett pa rin pala ang magiging laman ng balita.“Ang tagal na rin mula nang magbalik siya sa showbiz industry. Wala na ba silang ibang mabalita?” frustrated na bulong ni Vivianne bago umiling. “Mas lalo lang tuloy akong nawala sa concentration.”Napabuntong hininga siya habang tinitingnan ang mga dokumentong inaasikaso niya. It was all of the transactions she needed to deal with on the Allam
“WITH Beckett Clainfer po?” pag-uulit ni Joan. Napakurap pa ito nang ilang beses dahil sa gulat. “Pina-block n’yo po ang pangalan niya sa newsletters kanina, at nagawa ko na po iyon. Bakit nagpapa-schedule ka ng appointment sa kan’ya ngayon?” “At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan kuwestiyunin lahat ng ipagagawa at gagawin ko?” tanong ni Vivianne sa kan’ya pabalik, may bahid ng inis ang tono ng boses nito. “Hindi porket ikaw ang paboritong tauhan ni Alfred ay gagan’yan ka sa akin. Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang anak niya—Ang tagapagmana ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Natahimik naman si Joan doon. Nakaramdam siya ng inis sa pananalita ni Vivianne, pero tama naman ito. Kahit ano’ng gawin niya ay mananatili lang siyang tauhan. “Pasensiya na po, Ma’am Vivianne,” paghingi na lang niya ng paumanhin. Umirap si Vivianne at umismid. Hindi man siya nakikita ni Joan ay alam niyang iyon ang ginawa ng amo. “Do it as soon as possible. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling
SAMANTALA, pumunta na si Vivianne sa Allamino Mansion. Pagpasok niya pa lang sa sala ay nandoon na si Alfred sa sofa, nagbabasa ng diyaryo at tila hinihintay ang pagdating niya. “Alam mong darating ako, ano? Ang bruhang Joan na naman ba ang nagbalita sa ‘yo?” ani Vivianne bago umupo sa couch katapat ni Alfred. “Mas maayos siyang kausap kaysa sa’yo, kaya huwag mo siyang pagsalitaan nang gan’yan,” sita naman sa kan’ya ng ama. “Kung siya lang sana ang naging anak ko, hindi na magiging ganito kahirap sa akin ang lahat,” dagdag pa nito. Umismid si Vivianne at umirap. “E’di ibigay mo sa kan’ya ‘yong kumpanya at ang mafia. Akala mo ba ay maghahabol ako rito sa yaman mong nakuha naman sa kasamaan?” “Yamang nakuha ko sa kasamaan pero ginagamit mo rin at ng nanay mo, Vivianne,” sagot ni Alfred. Malalim at nakatatakot ang tono ng boses nito. “Kung wala itong pera ko ngayon, akala mo ba ay mapagagamot mo si Ella? Kahit umiyak ka ng dugo ay hindi mo kakayaning makuha ang halaga para mapanatilin
THERE’S no use crying over spilled milk.Iyan na lang ang paulit-ulit itinatatak ni Vivianne sa isip habang pilit ginagawan ng paraan ang problemang kinahaharap. The situation is not getting any better. Hindi man lang sila ine-entertain ng client, at mas lalo lang dumadagdag ang disappointment ni Alfred sa kan’ya.Dinadagdan pa ito ng panggagatong ni Joan sa ama tungkol sa kakayahan ni Vivianne pamahalaan ang Mafia. Paulit-ulit itong pinakikiusapan si Alfred na baka kailangan nito ng makakatulong sa pamamahala, at alam naman ni Vivianne na ang sarili nito ang irerekomenda niya sa oras na pumayag ang ama.“No need. My daughter needs to handle this alone, or else, she will rely on someone kada mahihirapan siya sa mga problema. Mag-focus ka na lang sa trabaho mo, at sundin ang mga iuutos sa ‘yo ni Vivianne,” saad ng ama habang naglalakad ito at chine-check ang ibang operasyon sa loob ng warehouse.Napangisi si Vivianne na nasa likuran lang ng ama matapos marinig ang tinuran nito. Napatin
“MA’AM Fiona…” mahinang pagtawag ni Vivianne sa dating katrabaho.Hindi na niya alam ang sasabihin pagkatapos no’n. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang ayaw ni Fiona sa kan’ya noon pa man. Siguro dahil alam nito kung ano ang gagawin niya… na sasaktan niya lang din si Beckett pagdating ng panahon.‘Kung galit man siya sa akin, wala naman akong magagawa roon,’ pakunsuwelo ni Vivianne sa sarili. Alam niya namang wala na siyang lugar dito sa Syneverse sa umpisa pa lang.Pero hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari. Mabilis na lumapis sa kan’ya si Fiona at niyakap siya nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya at hindi kaagad nakagalaw.“M-Ma’am Fiona?”“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Beckett, at ayoko rin naman siyang tanungin. Alam kong gusto niyang pinagdadaanan ang mga bagay-bagay nang mag-isa…” ani Fiona. May lungkot sa tono ng boses nito. “Pero alam mo ba kung gaano kapariwara ang buhay ni Beckett nang mawala ka?”Vivianne was not even surprised upon hea
TILA NAPASO ang buong katawan ni Vivianne sa tingin na ‘yon, pero kaagad niya ‘yon iwinaksi sa isip.“Alam mo kung bakit.” Umupo si Vivianne sa couch at nagdekuwatro. “You’re not usually like this. Artista ang clients mo madalas, pero hindi naman artista ang top client namin. Marami ka na rin namang client sa dami ng koneksyon mo, pero bakit kailangan mong kunin ang sa akin?”“It’s because business is business, Vivianne,” sagot ni Beckett bago tinapik ang lamesa gamit ang mga daliri niya. “Hindi ba at sa ‘yo ‘yon galing? Trabaho lang at walang personalan.”“Nagtatagalog ka na?” tanong ni Vivianne, tila gulat na gulat sa narinig. “Infairness, ha. Mas maganda ang accent mo ngayon kaysa noon.”“And I believe it is none of your business, Miss Allamino,” ani Beckett sa malamig na tono. “Anyway, I didn’t expect you to know that it was me who stole your client that fast. But I was more shocked, seeing that you know about my illegal business. You’re stalking me. You’re still into me.” Bigla
“OW. FUCK!” reklamo ni Beckett nang bigla na lang inuntog ni Vivianne ang noo sa lalaki. Napangiwi siya, at ganoon din si Vivianne. That move was really a double-edged sword, but it was effective. “Shit, are you okay—”“Huwag ka lalapit sa akin!” biglang sigaw ni Vivianne at inangat ang mahabang payong na nakita niya sa tabi ng couch, dahilan para hindi matapos ni Beckett ang sasabihin. “I swear, ihahampas ko ‘to sa ‘yo! Huwag mo isiping n-nagbibiro ako!”Pero imbes na matakot ay mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Beckett. Napatawa pa nga ito nang bahagya dahil sa ginawa ng dalaga. “Damn, baby. Mas lalo yata akong natu-turn on kapag nagagalit ka—”Itinaas ni Vivianne ang hawak na payong kasabay ng matalim nitong tingin. Napahalakhak na lang muli si Beckett bago itinaas din ang magkabilang kamay, tila sumusuko na. “Fine. I’ll shut up, baby.”“‘Yong client ko, Beckett,” ani Vivianne, muling ibinabalik ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito, at siguradong hindi ‘yon para tugunan