Share

Chapter 02

Chapter Two

"Handa ka na ba, Beelzebub?"

Hindi maipinta ang mukha ni Beelzebub habang nakaharap sila nina Endemion sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao, ngayong araw ang alis nila sa demon realm at maraming mga alagad nila ang nasa kanilang likuran upang tingnan ang pag-alis nila.

"Hindi ko pinaghahandaan ang pag-alis na ito, Endemion, alam mong ayokong umalis sa demon realm para umapak sa mundo ng mga tao.."ani na reklamo ni Beelzebub na humalukipkip pa sa kinatatayuan niya bago nilingon ni Endemion si Belial na nakatayo sa likuran ng amo nito.

"Hindi ko inakala na isasama mo ang alaga mo sa pag-alis natin ngayon."kumento na ani ni Endemion na malamig ang tingin ni Belial na lumingon sa kaniya.

"Naroon ako kung nasaan ang kamahalan, ako ang tagabantay niya."sagot ni Belial na bahagyang ikinangiti ni Endemion ditoo.

"Ako ang itinalagang bantay ng prinsipe ng kaniyang ama, alaga ka lang ni Beelzebub."pahayag ni Endemion na agad ikinapalit ni Belial sa orihinal na itsura nito na marahas na ikinabuga ng hangin ni Beelzebub at nilingon ang dalawang kahit kailan ay hindi nagkasundo.

"Itigil niyo na ngang dalawa ang pagtatalo, madalas nga kayong magkita sa demon real pero pag nagkaharap kayong dalawa, walang gustong magpatalo. Parehas ko kayong isinama para mapabilis ang paghahanap natin kay Ahriman, kaya pakisamahan niyo ang isa't-isa habang magkasama kayo."sitang Singhal ni Beelzebub sa dlawa na ikinabalik ni Belial sa anyong tao nito.

"Patawad kamahalan."yukong ani ni Belial na bahagyang ikinabuntong hininga ni Endemion na nagpalit na siya ng anyo ng isang tao na ikinagulat ng mga demonyo sa likuran nila.

Itim na buhok na hanggang leeg at may suot na salamin, nakasuot ng itim na suit, na ikinatitig ni Beelzebub dito.

"Aish! Mukha kang tao, nakakainis makakita ng ganiyang itsura."angal na reklamo ni Beelzebub na ikinalingon niya kay Belial ng mag-anyong tao at damit tao na ito.

"Kakaiba ang itsura ng mga tao…"kumento ni Belial na ikinaingos ni Beelzebub.

"Hindi kanais-nais ang mga itsura nila, hindi ko talaga nagugu----Anong tingin ang binibigay mo sa akin Endemion?"ani ni Beelzebub na hindi ikinatuloy ng sasabihin niya dahil sa klase ng tingin na binibigay ni Endemion sa kaniya.

"Magpapalit anyo ka din naman bilang tao, wala kang magagawa dahil hindi ka naman pwedeng magpakitta sa kanila sa ganiyang itsura."saad ni Endemion na ikinaingos ni Beelzebub sa kaniya.

"Tss! Matagal ka na dito demon realm, Endemion, pero hindi ka pa ganap na kaisa namin. Nababasa ko ang isipan mo, prinsipe ako ng demon realm malamang na panget ang lumalabas sa bibig ko."pahayag na singhal niy.

"Magpalit anyo ka na mahal na prinsipe, hindi dapat tayo nagsa-sayang ng oras."pag-iibang ani ni Endemion na na walang nagawa si Beelzebub kundi ang magpalit ng kaniyang anyo.

Nawala na ang sungay sa kaniyang ulunan, naitago na rin niya ang kulay ng kaniyang mga mata, ang suot na niya ay isang itim na polo shirt na bukas ang apat na butones na napapakita sa matipunong dibdib niya. Mahaba pa rin ang buhok niya tanging ang kaniyang mahabang buntot na buhok ang nakatali, na ikinapamulsa niya sa pants na suot niya, na rinig nilang ikinagulat ng mga alagad nila.

"Sa mundo ng mga tao, isa kang kaakit-akit na nilalang sa kanila, Beelzebub."ngiting kumento ni Endemion na ikinasimangot ni Beelzebub.

"Anong kaakit-akit sa ganitong itsur---Anong tinitingin-tingin niyo ha?! Bakit ba kayo narito?! Masilayas nga kayo dito?!"sigaw ni Beelzebub na dumagundong sa kinalalagyan nila na mabilis na ikinalapad at ikinatakbo palayo ng mga alagad nilang demonyo.

"Maging mabait ka sa mga alagad mo, Beelzebub."kumento ni Endemion na naiinis na ikinasuntok ni Beelzebub sa hangin.

"Demonyo ako, Endemion, bakit kailangan kong maging mabait."singhal ni Beelzebub na ikinatapik ni Endemion sa kaniyang balikat.

"Dumating na ang oras para umalis tayo, hihintayin mo bang silipin ka ng hari?"saad ni Endemion na ikinatabig ni Beelzebub sa kaniya.

"HIndi ko hinihintay ang matandang 'yun, tara na!"singhal ni Beelzebub na mahina pang napamura na nauna ng humakbang papasok sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao na agad ikinasunod nina Endemioon at Belial.

Nang makalabas na sina Beelzebub sa demon realm at ang kanilang mga talampakan ay nakaapak na sa mundo ng mga tao, ay tumambad na sa kanilang mga mata ang nagdadanang mga tao sa kalsada na agad ikinatakip ni Beelzebub sa kaniyang ilong dahil ayaw niya sa amoy ng mgga tao.

"Bakit kailangan kong makihalubilo sa mga maduduming nilalang na ito."'naiinis na sambit ni Beelzebub habang pagkadisgusto sa mga tao ang makikita sa mga mata nito.

"Kailagan mong sanayin ang sarili mo, Beelzebub, hanggat hindi natin nakikita si Ahriman, mananatili tayo sa mundong ito."pagbibigay alam ni Endemion na mas lalong ikinainis ni Beelzebub.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil sanay ka Endemion, magsimula na tayo sa paghahanap sa traydor na 'yun!"

"Mas mapapabilis ang paghahanap natin kung maghihiwalay-hiwalay tayo, magkita nalang ulit tayo sa lugar na 'to."saad ni Endemion na ikinalingon ni Beelzebub sa kaniya.

"Hindi ka lalakad ng mag-isa, Endemion, kayong dalawa ni Belial ang magsama sa paghahanap."saad ni Beelzebub.

"Kamahalan, hindi po kayo pwedeng lumakad ng mag-isa."saad ni Belial na ikinapamulsa ni Beelzebub.

"Kaya ko ang sarili ko, Belial, hindi dapat tayo mag-aksya ng panahoono dahil hindi ko kayang magtagal sa mundong ito."saad ni Beelzebub na ikinatalikod na nito sa kaniya.

"HIndi mo parin ako pinagkakatiwalaan, Beelzebub."ani ni Endemion na bahagyang ikinalingon ni Beelzebub sa kaniya.

"Hindi marunong magtiwala ang mga demonyong kagaya ko, Endemion, dapat alam mo 'yun."seryosong sagot ni Beelzebub na ikinalakad na niya upang kumilos habang muling Makita sa mukha niya ang pagkadisgusto sa mga taong nadadanan niya sa daan habang papalayo na siya kina Endemion at Belial.

"Sa oras na mahanap kita, Ahriman, talaga namang susunugin muna kita bago kita iuwi kay ama."inis na pahayag ni Beelzebub nang may bumangga sa kaniya na hindi nakaepekto sa kaniya pero nakita niya ang isang babaeng paupong bumagsak sa sahig sa harapan niya na d*******g sa pagkakabagsak nito.

"Ang balakang ko…."rinig ni Beelzebub na d***g ng babaeng nakayuko sa kaniya.

"Oy tao! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?!"singhal na sigaw ni Beelzebub sa babae na bahagyang nagitla at dahan-dahan na tumayo at yumuko sa gilid nito at hindi sa harapan niya.

"Pa-pasensya na, hindi ko sinasadya."mabining ani nito na ikinataas ng isang kilay ni Beelzebub.

"Nang-iinsulto ka ba ha?! Bakit diyan ka yumuyuko eh narito ako sa harapan mo!"singhal ni Beelzebub dito na nangangapang ikinahanap ng babae sa kaniya nang mahawakan siya nito sa braso niya na hindi nagawang ikaimik ni Beelzebub.

"Pasyensya na, hindi talaga kita nakita kasi wala akong paningin. Hindi ko sinasadya na mabunggo ka, pasensya na ulit, mauna na ako."saad nito na ikinabitaw nito sa pagkakahawak sa kaniya at pakapa-kapa sa hangin na naglakad na habang humihingi ng pasensya sa mga nabubunggo nito, na ikinabaling ng tingin ni Beelzebub sa bulag na babae nang makita niyang may katandaang babaeng lumapit dito at pinaghahampas ito na wala namang magawa ang babae kundi ang humingi ng pasensya.

"Mga nakakaawang nilalang."ani ni Beelzebub na ikinalingon niya sa kaniyang braoos na nahawakan ng bulag na babae na ikinapagpag niya bago nagsimula na muling maghanap sakailangan niyang mahanap.

"Ahramin, magpakita ka sa akin!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status