Share

Chapter 01

Chapter One

MALAKAS na nagpalabas ng itim niyang apoy si Beelzebub at ipinatama 'yun sa isang malaking bato na malakas na sumabog at ikindurog-durog nito sa mga piraso dahil sa galit niya sa kaniyang ama, matapos nitong ibigay ang isang utos na kailangan niyang umakyat sa mundo ng mga tao upang hanapin ang isa nilang alagad na nagtraydor sa kanila at tumutulong sa kalaban nilang si Hades na taga underworl realm.

Nagtatago naman sa malalaking batong nakapalibot kina Beelzebub ang ilang alagad nilang demonyo dahil natatakot sa galit na nakikita nila kay Beelzebub.

"Bakit hindi ka muna kumalma, Beelzebub? Kahit pasabugin mo ng itim mong apoy ang mga bato dito at durugin mo, wala kang magagawa kundi sundin ang pinag-uutos ng Hari."ani ni Endemion na nakaupo sa isang bato habang pinapanuod si Beelzebub na mag release ng galit na meron ito.

"Bakit ako?! Alam ni ama na ayoko sa lupa ng mga tao, ayokong tutuntong sa mundo nila?!" galit na bulyaw ni Beelzebub na makikita ang gigil sa pag-igting ng panga nito.

Una palang ay ayaw na talaga ni Beelzebub sa mundo ng mga tao, galit siya sa mundo ng mga itto dahil doon namatay ang kaniyang ina at mga tao ang kumitil sa buhay ng kaniyang ina. Gumagawa siya ng makakasama sa mga tao para madevour niya ang mga kaluluwa nito at mahila sa demon realm pero kahit kailan ay hindi siya tumuntong sa mundo ng mga ito dahil sa galit meron siya para sa mga ito. Si Beelzebub ang bunso at ikatlo sa anak ng Hari ng demon realm, hindi maipagkakaila ang kagwapuhan nito kaya maraming mga babaeng demon ang gusto siyang maging asawa. Matikas siya sa kaniyang mga kapatid, may mahabang paikot na itim na sungay, may itim na itim na mahabang buhok na may buntot na buhok na aabot hanggang bewang niya, at merong pulang magagandang mga mata na namana nito sa kaniyang ama.

"Hindi ko din alam ang nasa isip ng hari, Beelzebub, pero sa mundo natin batas ang mga utos niya. Kahit ikaw ang bunsong prinsipe, wala kang magagawa kundi sundin ang utos niya,. Isa pa, kung gusto mong makabalik agad dito sa mundo natin, kalaldkarin mo na agad pabalik si Ahriman dito."pahayag na payo ni Endemion sa kaniya na ikinakuyom ng dalawa niyang kamay at kitang-kita ni Endemion ang galit na nakikita niya sa mata ng kaniyang prinsipe.

"Dahil sa traydor na 'yun aapak ako sa mundo ng mga tao, bago ko siya ibalik dito sa demon realm papahirapan ko muna siya sa kamay ko."gigil na ani ni Beelzebub na ikinatayo ni Endemion sa kinauupuan niya.

"Hindi mo siya pwedeng patayin, mahal na prinsipe."bilin ni Endemion na gigil na sigaw na muling nagpakawala ng itim na apoy si Beelzebub at ipinasabog iyon sa isang mataas na bato kung saan nagtalsikan ang demons na nagtatago doon, na ikinailing ni Endemion.

"Huwag mong ibaling sa mga alagad mo ang galit mo, Beelzebub."

"Kasalanan ko ba kung nagtatago sila sa mga tangnang bato na 'yan? Nilalabas ko ang ang galit ko, Endemion!"Singhal ni Beelzebub na ikinatango ni Endemion.

"Nauunawaan ko, pero ipapaalala ko sayo. Hindi ka pwedeng manakit ng tao sa oras na umakyat ka doon, ayaw mo naman sigurong magkaroon ng gulo sa pagitan ng demon realm at ng nasa itaas. Pabor kay Hades kung mangyayari 'yun, ang misyon mo langg ay hanapin si Ahriman at ibalik dito sa demon realm."pahayag na paalala ni Endemion kay Beelzebub na pinipigilan ang sarili.

"Susubukan ko, kinamumuhian ko ang mga tao."

"Huwag mong subukan mahal na prinsipe, gawin mo."ani ni Endemion na ikinaingos nalang ni Beelzebub at nagpamewang.

"Kailan ang pagpunta mo sa mundo ng mga tao?"

"Bukas, inangal ko 'yan sa matandang 'yun pero siya daw ang masusunod. Tsaka hindi lang ako ang aalis bukas, kasama ka Endemion."pahayag ni Beelzebub na ikinalakad na nito paalis na bahagyang ikinabuntong hininga ni Endemion.

"Inaasahan ko na 'to."'saad ni Endemion na ikinatingala niya mula sa itaas.

Naglalakad si Beelzebub pabalik sa kaniyang chamber upang doon nalang magpahinga dahil alam niyang masisira niya lang ang kinalalagyan nila ni Endemion kanina kung mananatili siya doon at ibunbunton ang galit na nararamdaman niya. Hindi talaga gusto ni Beelzebub na tumuntong sa mundo ng mga tao, pero dahil sa ibinigay na utos sa kaniya ay wala siyang magagawa kundi ang pumunta doon at anng mas ikinagagalit niya ay kailangan niyang magpanggap na tao upang hindi malaman ng pakay niya na si Ahriman ang pagpunta niya sa mundo ng mga tao para kaladkarin niya pabalik sa demon world.

"Bakit kasi sa munod pa ng mga tao naisipang magtago ni Ahriman?! Pagnakita ko siya susunugin ko siya ng itim kong apoy!"inis na pahayag ni Beelzebub ng matigilan siya ng may lumingkis na isang babaeng demonyo sa kaniyang kanang braso na ikinalingon niya dito habang mapang-akit na nakatitig ito sa kaniya.

"Kanina pa kita hinihintay, Beelzebub."mapang-akit na saad nito sa kaniya.

"Hindi ba at sinabi ko na sa'yo Antaura na huwag ka ng lalapit sa akin?"seryosong saad ni Beelzebub dito na mapang-akit na ngiting lumipat sa may matipuno ninyang dibdib at hinaplos doon ang kanang kamay nito.

"Hinahanap ko ang mga haplos mo Beelzebub, hindi naman siguro masama kung aangkinin ulit natin ang isa't-is---"

Hindi natuloy ni Antaura ang sasabihin niya ng sa isang kisapmata lang ay nakalutang na siya sa ere at nahihirapang huminga dahil sa mahigpit na pagsakal ni Beelzebub sa leeg niya.

"Beel---"

"Sa oras na guluhin mo pa ako Antaura, magliliyab na ang buong katawan mo sa itim na apoy ko. Hindi porke't nasipingan kita ng isang beses ay maghahangad ka ulit ng kasunod, alam mong pag nagamit ko na, tinatapon ko na. Pasalamat ka anak ka ni Tievel na kanang kamay ng aking ama, dahil kung hindi baka abo ka na."pahayag ni Beelzebub na malakas niyang ikinatilapon kay Antaura na pagulong na humandusay sa lupa, bago nagsimula na muling maglakad si Beelzebub pabalik sa kaniyang chamber.

Pagkarating ni Beelzebub sa kaniyang chamber ay agad niyang Nakita ang kaniyang alagang argoths na itsurang dragon pero kasing laki ng isang kabayo na may mahabang sungay, mahabang buntot, may matitilos na pangil at may tatlong pares ng paa na may matitilos na kuko ang naglakad palapit sa kaniya.

"Maligayang pagbalik, kamahalan."bati ng malalim na boses ng kaniyang alaga na biglang nagtransform bilang isang demonyo na itsurang tao sa harapan ni Beelzebub at yumuko.

"Maghanda ka para bukas, Belial, aakyat tayo sa mundo ng mga tao."bored na pagbibigay alam ni Beelzebub na pabagsak na ikinahiga niya sa kaniyang higaan na ikinalingon ng kaniyang alaga sa kaniya.

"Sa mundo ng mga tao, pero ayaw niyong itungtong ang inyong mga paa sa maduming mundo na 'yun."saad ni Belial na kaniyang alaga na ikinaingos ni Beelzebub.

"Utos ng Hari kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod, kailangan natin maibalik sa demon realm ang talinpandas na traydor na si Ahriman."ani ni Beelzebub na ikinataas niya ng kanang kamay niya at naglabas ng itim na apoy kung saan nakikita niya ang mga tao sa mundo ng mga ito na pagkamuhi ang dumaan sa mata ni Beelzebub habang nakating sa itim niyang apoy ang kaniyang alaga.

"Mundo ng mga tao, mga maduduming nilalang."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status