Share

Chapter 54

Nakangiting mag-isa si Louie habang nakaharap sa labas ng bintana ng kanyang opisina dahil sa kanyang binabalak. Imbes na sa factory ay dito siya sa Del Rio Tower dumiretso. Sinadya niyang papuntahin dito si Elyssa para makahingi ng tawad dahil sa ginawa ni Tracy. Nasasaktan siya para sa dalaga dahil sa panlalait dito ng fiancee niya kaya siya na mismo ang hihingi ng tawad dito. Katatawag lang ng sekretarya niya at sinabing nakapasok na nga raw si Elyssa sa building. Sumulyap siya sa maliit na salamin na nakapaskil sa dingding malapit sa bintana na kaharap at sandaling inayos ang sarili. Sinuguro niyang maayos ang hitsura niya sa paghaharap nila ni Elyssa.

Stop it, Louie! Saway niya sa sarili. Nagpapapogi ka? ‘Di ka na papansinin no’n! Tumahip ang kaba sa puso niya nang makarinig ng katok. Iba talaga ang dating sa kanya ni Elyssa. Nawawala ang disiplina niya sa sarili.

Nanatili siyang nakatalikod sa pintuan at patuloy na nagmamasid sa labas ng bintana na wala naman ibang view kundi ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status