Share

Chapter 6

Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad ang pamilyar na kotse. Hindi naman kalakihan ang parking lot dito kaya 'di na ako nahirapang hanapin ang sasakyan ni Lace

Nag suot lang ako ng black shorts at white hoodie jacket dahil malamig na sa labas. Itinali ko rin ang buhok ko para umaliwalas ang mukha ko

Nang nasa tapat na ako ng sasakyan niya ay kinatok ko ang bintana ng nasa driver seat. Tinted ang sasakyan niya kaya 'di ko siya makita sa loob

Nang buksan niya ang bintana ay sumilay agad sa'kin ang ngiti niya. Ayan nanaman ang mga mata niya!

"Ang ganda naman ng pulubi" sabi niya

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, did he just called me a beggar?!

"Ano?!" inis na tanong ko ngunit tumawa lamang siya

"Ay akala ko hihingi ka ng barya" pang aasar niya kaya pinandilatan ko naman siya at pinag krus ang kamay ko

"Balik na 'ko sa taas" sabi ko at maglalakad na sana nang lumabas siya ng sasakyan at hinawakan ang braso ko

Dahil sa simpleng hawak niya ay parang may dumaloy na kuryente mula sa braso ko patungo sa buong katawan ko. Dahil sa naramdaman ay bumitaw ako sa pagkakahawak niya at pinandilatan siya

"Hey, I'm just kidding" malambing na sabi niya, kaya unti unting nawawala ang inis na nararamdaman ko

Nakita kong napangiti siya kay tinignan ko naman siya "Tara?" tanong niya

"K" tipid na sabi ko saka nilampasan ang sasakyan niya

"Wait where are you going?" biglang tanong niya kaya nilingon ko siya, hindi parin umaalis sa pwesto niya

"Edi ministop, 'di ba mag ka cup noodles ka?" tanong ko

"Yeah but aren't you going to ride?" tanong niya

Natawa naman ako "Luh awit ka malapit nalang dito ang ministop, pwede nang lakarin. Mahihirapan ka pa kung saan ipapark yang sasakyan mo" paliwanag ko

Napakamot naman siya sa batok niya saka tumango. Kinuha niya lang ang wallet niya at saka ang susi ng kotse niya

Habang nag lalakad kami ay nahalata ko ang suot niya, naka jersey short siyang blue kaya kitang kita ang haba ng legs niya, white shirt na tama lang sa hulma ng katawan niya at rubber shoes na parang bawal maapakan dahil mukhang mamahalin! Saan naman galling 'to?

"Ba't ganyan suot mo?" 'di ko na napigilan ang pagtanong

"Oh I came from training, kakatapos lang kanina" sagot niya kaya napatango nalang ako

Ilang minuto rin kaming natahimik ng muli siyang magsalita

"Ahm, sa UNC daw first game namin. Its two weeks from now. I hope you'll watch" sabi niya

Napalingon naman ako sakanya "Siguro makakapanuod talaga ako niyan, baka i-require kami ng prof namin sa PE" sabi ko

"Woah, that's great" sabi niya at ngumiti nanaman ng napakalaki kaya napangiti na rin ako

Nang makarating kami sa ministop ay kaunti lang ang tao kaya nakaupo kami agad. Hinayaan ko lang siya ang kumuha ng kakainin niya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang kakainin ko

Habang nag iisip ng kakainin ay nagulat nalang ako ng umupo na si Lace sa harapan ko. Sa hawak niyang tray ay may dalawang seafood cup noodles at dalawang hot choco. Inilagay niya sa tapat ko ang tag isang cup noodles at hot choco kaya napakunot ang noo ko. Malaki ang ngiti sa labi niya ngunit nawala nang makita ang reaksyon ko

"Hey, are you okay? 'Di mo gusto?" nag aalalang tanong niya

"Dapat kanina mo tinanong kung anong gusto ko" mataray na sabi ko

Parang namutla siya sa sinabi ko kaya natawa naman ako sa loob loob ko. This kid!

"S-sorry ahm.. gusto mo ba b-bilhan kita ng-" 'di ko na siya pinatapos sa pag uutal utal niya ng salita

"But good choice. I like this" sabi ko sabay turo sa pagkaing nasa harap ko

Agad lumiwanag ang mukha niya at nabalik ang kaninang ngiti na hindi na maalis sa labi niya kaya nginitian ko na rin siya saka umiling

Kumain lang kami ng tahimik at talagang hindi maalis ang ngiti sa labi ng lalaking nasa harap ko. Na weweirdohan na 'ko sa lalaking 'to ha

Nang matapos ay hinayaan ko lang ang mata kong tignan ang tanawin sa labas, nasa may wall glass kami kaya nakikita namin ang mga sasakyang dumaraan

At the moment of silence, Lace cleared his throat kaya napalingon ako sakanya. Nakita ko ulit ang mga ngiti sa mata niya at tinignan ako ng seryoso

"Binibini, alam mo ba kung pa'no nahulog sa'yo" napataas ang kilay ko ng bigla nalang siya kumanta, ngunit sapat lang ang lakas nito para kami lang ang makarinig

Natawa muna siya saka ipanagpatuloy ang pagkanta "Naramdaman lang bigla ng puso.. Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito.. Kaya sabihin mo sa'kin"

Gumagawa siya ng tunog gamit ang pagpukpok niya sa mesa at sinasabayan ang beat ng kinakanta niya

Ako naman ay ibinalik ang tingin sa labas at tinignan ang langit na parang malakas na ulan ang ibabagsak nito. Ramdam ko pa rin ang malalalim na titig saakin ni Lace habang kumakanta siya, napangiti nalang ako. Parang ang saya naman ng puso ko ngayon

"Ang tumatakbo sa isip mo, kung mahal mo na rin ba ako?"

Nang napalingon ako sakanya ay sakto ang pagbagsak ng malakas na ulan. Dahil sa malalalim niyang titig ay nadala na rin ako. Kasabay ng kilig na nasa puso ko ang ulan at ng malamig na hangin na nararamdaman ko, kilig sa puso ko ng dahil sa mga mata ng lalaking kaharap ko

"Tara, ligo tayo sa ulan" biglang sabi ko saka tumayo at handa nang lumabas sa convenience store

"Ha? Seryoso ko? Magkakasakit ka n'yan!" pagtatanggi niya ngunit tinarayan ko lang siya

"Ang killjoy mo naman pala" sabi ko saka siya tinalikuran at dire-direstso na akong lumabas. Naramdaman ko agad ang lamig sa may paanan ko dahil naka shorts lang ako. Naramdaman ko ang pag sunod saakin ni Lace

"Are you really serious, Yvonne?" tanong niya ulit pero hindi ko na siya sinagot dahil hinatak na ako ng ulan. Itinaas ko ang kamay ko para mas madama nito ang mga patak ng ulan.

Ngiti ang dumaloy sa labi ko, masaya ako ngayon. Masaya ang nararamdaman ko ngayon

Napalingon ako nang nasa tabi ko na si Lace. Nauulanan na din siya, dumadaloy sa maganda niyang mukha ang ulan na galing sa buhok niya. Napangiti ako, sinamahan niya ako. Sinamahan niya akong maramdaman ang saya ng pagligo sa ulan

"Masaya ako kapag naliligo ako sa ulan" sabi ko kay Lace

"I'll take note of that, baby" nakangiting sabi niya

Pareho naming itinaas ang kamay namin at saka umikot ikot. Wala na kaming pakialam sa makakakita saamin o kung tawagin man kaming baliw. We're having fun!

Naputol ang pagtawa ko nang kunin niya ang dalawang kamay ko. Nagulat ako ngunit hinayaan ko lang siyang hawakan ito. Malalalim ang tingin saakin ng magaganda niyang mata

Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa magkabilang braso niya. Kahit gulat ay hindi ko inalis ang kamay ko sa pinaglagyan niya. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang bewang ko

Alam kong nakikita niya ang gulat sa mga mata ko kaya binigyan niya ako ng ngiti. Ngiti na nakakahawa

"Isayaw mo ako, sa gitna ng ulan mahal ko" ipinagpatuloy niya ang pagkanta niyang naputol kanina

Habang patuloy ang pagtulo ng tubig ulan sa mukha ko at 'di ko mapigilang mapaluha. Dahil ba 'to sa sayang nararamdaman ko? Alam kong hindi ito dahil sa lungkot sapagkat wala akong nararamdamang lungkot ngayon

"Kapalit man nito'y buhay ko.. Gagawin ang lahat para sa'yo"

Napapikit ako ng mata dahil nararamdaman ko na ang pagpatak ng luha ko. Lace, bakit mo ako pinapasaya ng ganito?

Napamulat ako ng hawakan at iangat ni Lace ang ibaba ng mukha ko. Saktong nagtama ang mga paningin namin at nakita ko kung gaano siya nagulat sa naluluha kong mata. Shit!

"H-hey what's wrong?" nag aalalang tanong niya

Inalis ko ang kamay ko sa magkabilang braso niya at pinahid ang luha sa mga mata ko. Bakit ba kasi ako naiiyak?!

"W-wala! masakit lang sa mata yung tubig ulan" pag sinungaling ko

Medyo humihina na ang ulan kaya ang ibang tao ay nagsisilabasan na rin sa ministop

"Uwi na tayo?" tanong niya at saka ko siya sinang ayunan

Pumasok muna si Lace sa loob ng ministop para kunin ang naiwan naming cellphone doon.

Nawala na ang ulan habang naglalakad kami pabalik sa apartment. Pareho kaming basa ngayon kaya para kaming mga basing sisiw na naglalakad

"Kapag nagkasakit ka dahil sa pagpapaulan natin, ako mag aalaga sa'yo ha" seryosong sabi niya at natawa naman ako

"Katulong ba kita? Kaya ko naman ang sarili ko. 'Di na kailangan ng taga alaga" sabi ko

"Kahit na, basta ha" sabi niya

Sasangayonan ko na sana siya ng biglang mag ring ang cellphone ko. Malapit na rin naman kami sa apartment. Nang makitang si Mama ang tumatawag ay ipinakita ko kay Lace kaya tinanguan niya naman ako

"Ma, bakit po?" tanong ko nang maisagot ang tawag

Ngunit bigla nalang akong kinabahan ng marinig ang hikbi ni Mama "Yna, anak.. ang Papa mo.. he's in critical c-condition right now.."

Para akong binagsakan ng isang mabigat na bagay dahil sa narinig ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko at napatigil sa paglalakad. Dahil doon ay tumigil din si Lace at nang makita ang luha sa mata ko ay nanlaki ang mga magaganda niyang mata na ngayon ay puno ng pag aalala

"P-po?" dahil nag poproseso pa saakin ang sinabi ni Mama ay hindi ko alam ang sasabihin ko

"Please anak, pumunta ka rito we need you. Your Papa needs you" sabi ni Mama at hindi pa rin siya matigil sa pag iyak

Parang dinudurog ang puso ko, si Papa in critical condition at si Mama, umiiyak. Hindi ko kayang nahihirapan ang Papa ko at makitang umiiyak ang Mama ko.

Nang maibaba ni Mama ang tawag ay bigla ko nalang nabitawan ang cellphone ko at natulala sa kawalan habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata ko

"Yvonne what's wrong?!" pasigaw na tanong saakin ni Lace

Doon ako nataohan at bigla ko nalang siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya saakin, saka ako umiyak sa dibdib niya. Basang basa na ang mukha ko dahil sa luha, naramdaman ko ang paghalik ni Lace sa buhok ko

"Shh, baby tell me what's wrong?" malambing na tanong ni Lace

Hinarap ko siya at pinunasan ang mga luha sa mata ko "Si P-papa, k-kailangan kong pumunta ng h-hospital" nauutal na sabi ko at mabigat pa rin ang pakiramdam

Nakita ko ang pagtango ni Lace at hinawakan ang kamay ko "I'll go with you. We'll go to your Papa, but before that change your clothes first. Matutuyuan ka, magkakasakit ka niyan" sabi niya saakin

Napailing lang ako at tinignan siya sa mata "No, I need to go there. Papa needs me" sabi ko at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko

"Please baby, change your clother first. We'll go there immediately after you change, I promise. 'Di kita iiwan" dahil sa malambing at malumanay na boses ni Lace ay napa tango nalang ako

'Di ko alam ang mararamdaman ko. Kung kanina lang ay masaya ako, ngayon ay iba na. Kabaliktaran na. Ang bilis naman magbago, Lord. Bakit kaunting minuto ko lang naramdaman ang gano'ng saya.

Sa kabila noon ay alam kong malalabanan ko ang lungkot na nararamdaman ko. I have Lace in my side. He told me he'll go with me and not leave me. I have his eyes on me..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status