Share

Chapter 7

Natapos ako magpalit ng damit at nakita kong hinihintay na rin ako ni Lace. Naka black tshirt na rin siya ngayon, siguro ay mayroon siyang extra shirt na nasa kotse niya lang

Pinagbuksan niya agad ako ng pinto at saka ko sinabi sakanya ang pangalan ng hospital kung nasaan si Papa. Halos isang oras ang byahe dahil sa lugar namin ang hospital, na labas pa ng Naga

Hindi ako umimik buong byahe dahil ang nasa isip ko lamang ay si Papa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nawala siya saamin.

Buti at hinayaan lang ako ni Lace na manahimik. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ngayon si Lace. Sa gantong oras ay wala nang byahe papunta saamin, kaya kung wala ang kasama ko ngayon ay malabo na makapunta ako agad kay Papa

Nang marating namin ang hospital ay parang gusto ko nang tumalon at tumakbo para puntahan si Papa. Panibagong luha ang nag babadya sa mga mata ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.

Hindi ako iniwan ni Lace, sinamahan niya parin ako sa loob para hanapin ang kwarto ni Papa. Nang masabi saakin ng nurse na nasa ICU si Papa ay lakad takbo ako papunta roon.

Nakita ko si mama na nakaupo sa upoan at nakayuko habang may hawak na rosaryo. Nang maramdaman ang presenya ko ay tumakbo agad ako sakanya at niyakap ko siya. Patuloy na dumaloy ang luha sa mata ko habang tinitignan ang kwarto ni Papa. Inalo ako ni mama at hinaplos ang malalambot kong buhok

"Mama anong n-nangyari kay Papa?" I swallowed hard before my Mama wipe my tears

"Inatake ang Papa mo, n-nahirapan dahil isang o-oras na siyang walang m-malay nang maabutan ko sa k-kwarto" paliwanag ni Mama kaya umiyak nanaman siya, hinalikan niya ang kamay kong hawak niya at saka ako tinignan

"I'm sorry anak, k-kung sana ay nakarating agad ako sa b-bahay ay hindi ganito ka lala ang P-papa mo"

Napailing ako sa sinabi ni Mama at mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya

"Shh no Ma, wala kang kasalanan, magiging maayos si Papa" alo ko sakanya at saka ko siya niyakap ulit

Pinauwi ko muna si Mama kasama ang driver namin para makapagpahinga siya. No'ng una ay ayaw niya pa ngunit napilit ko din siya at naalala niya rin si Loi na nasa bahay

Nang makaalis si Mama ay saka ko hinarap si Lace na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng upoan at nakasandal ang ulo sa pader habang pikit ang kanyang mga mata

Nakonsensya ako lalo na ng makita ko ang oras. Mag aalas tres nang umaga, pero narito parin siya at sinasamahan ako

"Lace" tawag ko sakanya kaya napamulat naman agad siya ng mata at saka tumayo nang makita ang presensya ko sa harapan niya

"Yvonne" sagot niya at saka inayos ang damit niya

Napangiti ako nang makita ang magaganda niyang mata na antok na "Kaya mo pa bang umuwi? Makakapagmaneho ka pa ba?" tanong ko

Tumango naman siya ng tatlong beses saka ngumiti "Okay ka lang dito? Papauwiin ko na talaga ako?" tanong niya

"Alam kong pagod ka, galing ka pang training pero sinamahan mo pa rin ako dito. Magpahinga kana Lace" sabi ko

"Okay, ikaw din, you should rest too Yvonne"

Tumango lamang ako "Thank you, Lace. Sobra"

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi at mga mata niya "Always" tipid na sabi niya kaya nginitian ko lamang siya

Nang makapagpaalam ay saka niya ako tinalikuran at naglakad paalis. Nang nakakalayo na siya ay papasok na sana ako sa kwarto ni Papa ng tawagin niya ang pangalan ko at nang napalingon ako ay tumatakbo na siya papunta saakin

"Bakit?" tanong ko

Nakita ko ang pag iwas ng tingin niya saakin "Ahm, can I see you again tomorrow?" seryosong tanong niya

Binigyan ko siya ng ngiti "Hindi muna ako papasok bukas sa school. Babantayan ko si Papa" sabi ko

Napatango naman siya at binigyan din ako ng ngiti "Oh, yeah ahm so bye again"

"Bye, ingat ka" sagot ko

"Sure, ikaw din"

Nang mag alas otso ng umaga ay napag desisyonan kong bumili ng pagkain sa canteen ng hospital. Nakaramdan ako ng gutom at hindi rin ako nakatulog sa pagbabantay kay Papa. Hindi parin nagigising si Papa at may apparatus pang nakakabit sakanya

Natawagan ko na rin si Isha at sinabi ang kalagayan ni Papa kaya hindi ako makakapasok ngayon. Nalungkot siya para kay Papa at sasabihan niya nalang daw ang mga prof namin. Salamat naman at may kwenta rin naman pala si Isha

Nang makabili na ako ay pumunta agad ako sa kwarto ni Papa at doon na ako kakain. Hindi ko kayang iwan ng matagal si Papa. Si mama naman ay hapon pa makakapunta dahil may mga outpatient pa siya at hindi na ma i-reschedule

Habang kumakain ay nakatanggap ako ng mensahe sa twitter galing kay Lace. Habang binabasa ang mensahe ay naramdaman ko nalamang ang sarili kong nakangiti na parang tanga

Lace: Goodmorning baby, did you take some sleep? Eat your breakfast okay?

Agad kong sinampal ang sarili ko dahil sa nararamdaman. Kung dati ay naiirita ako kapag tinatawag niya akong baby, bakit parang ngayon gusto ko na?

Argh! Ano ba Alyanna! Umayos ka nga!

Natigil lamang ang pag iisip ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong pumasok ang doctor. Agad akong lumapit kay Papa ng i-check nito ang kondisyon ni Papa

Nang harapin ako ng doctor ay binagay ko sakanya ang atensyon ko

"What's your relationship with the patient?" tanong nito

"I'm his daughter, Doc" sagot ko naman

"Okay, I'll be honest. Your father's heartbeat is still weak, but I assure you that little by little he'll recover" seryosong pahayag ng doctor

Napayuko ako at tinignan ang mukha ni Papa na parang mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang kamay ni Papa at humarap ulit sa doktor

"Salamat po, pagalingin niyo po ang Papa ko" sabi ko

"We'll do our best, hija" sagot nito saka lumabas ng kwarto

Nang dumating ay hapon ay narito na rin si Mama sa hospital. Ako naman ngayon ang pinauwi niya pero hindi ako pumayag at gusto ko muna bantayan si Papa.

Habang pinupunasan ni Mama si Papa ay tahimik ko lang silang tinitignan. Alam kong nasasaktan si Mama sa kalagayan ngayon ni Papa pero nilalakasan niya lamang ang loob niya

Bata palamang daw si Papa ay mahina na ang puso niya. Hindi ito ang unang beses na inatake si Papa, kaya ilang beses na rin siyang lumaban.

Nagpaalam ako kay Mama na magpapahangin lang ako sa labas at pumayag naman siya. Pumunta ako sa garden ng hospital at umupo sa malapit na bench. Walang ibang tao dito ngunit ako lang. Huminga ako ng malalim at hinayaang dumaloy ang malamig na hangin sa aking mukha at tangayin ang ilang hibla ng buhok ko.

This is peace.

Habang nakapikit ang mata ay biglang pumasok sa isip ko si Lace. Ano ba talaga para saakin si Lace? Ano ba ang magiging papel niya sa buhay ko? Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na gusto niya ako, o gusto niya nga ba talaga ako? Ilang araw pa lamang kaming magkakilala, pero bakit kapag kasama ko siya ay parang matagal ko na siyang kilala. Masyado na akong komportable sa kanya.

Kung ibang lalaki siguro ay hindi ko ito kakausapin, hindi ko sasamahan kumain ng lomi, hindi ko sasamahan kumain ng cup noodles. Pero bakit kapag siya, na hindi ko rin inaasahang darating sa buhay ko, ay parang ang bilis kong mapa oo.

Nagpakawala ako ng buntong hininga sa iniisip. Dapat ngayon ay si Papa lang ang iniisip ko ngunit, sumasapaw pa ang gunggong

Napailing na lamang ako saka tumingin sa madidilim na langit. Parang nakikisabay ang langit sa nararamdaman ko. Walang bituin at ang buwan ay nakatago sa likod ng makakapal na ulap.

Nakita ko kung gaano kalakas ang ulan na ibabagsak nito.

Naalala ko ang nangyari kahapon. Kung paano ako samahan ni Lace para maligo sa ulan. I love rain, I really love the weather if it's raining. Noong bata palamang ako hanggang high school ay hindi ko naranasang maligo sa ulan, dahil ayaw ni Mama at magkakasakit daw ako. Sinubukan ko pa noong tumakas sa yaya ko para maligo sa ulan ngunit hindi rin natuloy nang maabutan ako ni Mama.

Noong nag college ako, doon ko naramdaman ang kalayaang maligo sa ulan. Dahil malayo ako sa magulang ko ay nagkaroon ako ng tyansa na maligo sa ulan. Noong unang subok ko ay napakasaya ko, kaya tuwing umuulan ay kahit naka uniporme pa ay maliligo ako rito.

Noon ay palagi akong mag isa kapag naliligo sa ulan, kahit anong yaya ko kay Isha ay hindi siya pumayag dahil siya naman ay ayaw sa ulan. Kaya kapag naaalala ko 'yung nangyari kagabi ay parang sumasaya ang puso ko. Unang beses na may nakasama ako sa pagligo sa ulan at si Lace iyon. Ang lalaking hindi ko inaasahang makakasama ko sa isa sa mga paborito kong gawin

"Ano ba ako sayo at ano ba ikaw saakin?" tanong ko sa kawalan

Napailing ako at bahagyang natawa. Nahihibang na ako, ito ang tanong na ngayon ay hindi ko alam ang sagot

"Yvonne" natigilan ako sa pagtawa ng marinig ang malalalim na boses ng kilala kong lalaki

Nang napalingon ako ay nagulat ako nang nasa likod ko na siya. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya at ang mga mata niya ang malalalim ang titig saakin

"L-lace" gusto kong sampalin ang sarili ko sa pagkakautal ko

Napataas ng kilay si Lace nang mahalata ang pagkakabalisa ko sa presensya niya

"Are you okay?" tanong niya

"Kanina ka pa d'yan?" tanong ko rin, at binalewala ang tanong niya saakin

Binawi niya ang malalalim na tingin saakin "Ah, no. Kakarating ko lang" seryosong sagot niya

Napatayo na ako sa kinauupoan ko para harapin siya. Doon ko mas nakita kung gaano katipuno ang katawan niya. Naka maroon shirt siya at gray jacket at fitted na black pants.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, inalis sa isip ang cool niyang itsura at porma ngayon

Napakamot siya sa batok niya saka ako binigyan ng nahihiyang ngiti "Ahm, dinner tayo?" tanong niya

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, did he just go here to ask me for a dinner?

"Wala ka bang pasok?"

"Ahm, tapos na kaninang 4 pm"

"Training?" taas kilay kong tanong sakanya

"I have" sagot niya ngunit biglang nanlaki ang mata niya matapos sabihin iyon saakin "I m-mean I don't h-have" nauutal na bawi niya sa sagot niya kanina

Napakunot naman ang noo ko at nahalatang nagsinungaling siya "Meron kang training, bakit ka nandito?"

Nagpakawala siya ng buntong hininga at tumingin saakin "I ditched the training" sagot niya

"Bakit?"

"Wala, I just ditch-"

"Bakit nga?"

"It doesn't matter-"

"Isa! Bakit nga? Ayan nanaman si matter-"

"I want to see you!"

Natigilan ako. Nakita ko rin kung paano nabigla si Lace sa sarili niyang sagot. Nagpakawala siya ng buntong hininga at napayuko. Ako naman ay nakaawang pa rin ang labi dahil sa biglaang sagot niya na hindi ko inaasahan

"I.. can we.. I mean.. do you want to eat dinner?" tanong niya, halata ang pagkabalisa at hindi makatingin saakin

Ako naman ay natauhan na at tumango sakanya ng ilang beses "S-sure! Saan ba?"

Napatingin siya saakin at sumilay sa mga labi ang kanyang ngiti "Fastfood?" tanong niya at napatango nalamang ako at hindi ko na alam ang salitang sasabihin pa sakanya

Pumunta kami ng parking lot at tinext ko nalamang si Mama na kakain lang ako na sinang ayonan niya naman. Habang papunta kami sa fastfood chain na kakainan namin ay pareho kaming walang imik.

Siya ay seryoso sa pagmamaneho at paminsan minsan ay nararamdaman kong mapapatingin siya saakin. So pumunta siya dito para makita ako? Nag paliban siya ng training para makita ako?

Nang makarating kami sa Mcdo at ipapark na sana ang sasakyan ni Lace ay nakita namin ang maraming tao sa loob nito. Dahil sa glass wall ay nakikita namin ang kumpol na tao at halatang wala nang mauupoan

Napa singhap si Lace kaya napalingon ako sakanyan "Ah, may iba pa bang Mcdo dito?" tanong niya at napailing naman ako

"Is it okay if mag drive thru nalang tayo? And eat here inside the car?"

Napaisip ako sa tanong niya. Sa dami ng tao sa loob ay malabo na makaorder agad kami at makahanap ng mauupoan. Napalingon ako sakanya "Sige" simpleng sagot ko

Ipinaandar niya ulit ang sasakyan niya at pumila sa drive thru. Nang kami na ang mag oorder ay napalingon siya saakin

"What do you want?" malambing na tanong niya

"Chicken fillet. Ala king" sagot ko

Napangiti naman siya at saka tumango "That's my favorite" sabi niya

Namilog naman ang mata ko "Ako din!" napangiti ako at tinignan ang magaganda niyang mata na nasaakin din ang atensyon

"But, I have my bagong favorite na now eh" maarteng sabi niya at hindi inaalis ang mga titig niya saakin

Tinarayan ko naman siya "Ang conyo mo girl! Hindi bagay" natatawang sabi ko kaya natawa na din siya sa kalokohan niya

Nang makapag order kami ng sandamakmak na pagkain na akala mo naman ay next day bibitayin na kami, ipinarada niya ang sasakyan niya sa malapit na park sa tapat lang ng hospital.

Wala na kaming sinayang na oras at inumpisahan na namin ang pagkain. Nagutom agad ako sa amoy ng ala king sauce!

Habang abala ako sa pagkain ay nakarinig ako ng tunog ng camera. Nang tignan ko si Lace ay balisa niyang tinatago ang cellphone niya. Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon niya at alam ko na agad kung anong ginawa niya

"Hoy ano 'yun? Pinipicturan mo ba 'ko?!" tanong ko

Ilang beses naman siyang napailing "N-no hindi k-kaya" nauutal na saad niya

Natawa naman ako sa pamumutla niya "Sus, kung iwo-wallpaper mo 'ko sa cellphone mo 'yung maayos naman dapat ang mukha ko" sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain

Hindi agad siya nakapagsalita ngunit hindi ko nalang pinansin at mas inintindi ang masarap kong pagkain

"Y-youre beautiful here. Iwo-wallpaper ko 'to" sabi niya

Natawa naman ako "Edi inamin mo rin na pinicturan mo 'ko, baliw!"

"I'm sorry, should I delete it?" seryosong tanong niya

Napatingin naman ako sakanya "Bakit mo ide-delete? Wo-wallpaper mo nga di'ba?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at kinuha niya ulit ang cellphone niya at saka may pinindot. Seryosong seryoso ang mukha niya kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at sa cellphone na hawak niya.

Matapos ang ilang segundo ay iniharap niya ang screen ng cellphone niya saakin. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko nang makita ang mukha ko sa screen ng cellphone niya. Medyo nakayuko ako at seryosong nakatingin sa pagkain ko habang may ngiti sa labi.

Ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko na sumasabay sa init ng pisngi ko.

'Yung litrato ko na ang wallpaper niya!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status