Share

5

NAGISING si Sylvie nang maramdamang tumatama sa kanya ang liwanag na nangggagaling sa glass wall ng kwarto. She’s still sore on one of the most amazing nights of her life with Cedrick. That was the very first birthday sex she had with him.

“Good morning…”

Napalingon siya nang makita ang lalaking nakasuot ng kulay navy blue na shirt at itim na jogging pants. Nagsusuklay ito ng buhok habang may kape sa bed side table.

“Mag-jog ka na?” tanong niya at saka dahan-dahang naupo.

“Nope. My flight is at one o’clock in the afternoon. Ano’ng oras ang celebration ng birthday mo?”

“Mamayang gabi pa. ‘Di ka talaga pupunta?” tanong pa niya at saka tinali ang mahabang buhok.

“You know that I wanted to. Pero, this is important, Syl. I am really sorry.”

“Iniiwasan mo ba ako?”

Umiling agad ang lalaki. “Why would I do that?”

“Ayaw mo bang may makipag-date sa akin?” tanong pa niya.

“Of course, not! Alam mo bang masaya ako kasi naka-move on ka na? I just want the best for you. Bakit ba ganyan ka magtanong?” anito habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Tumayo siya. Hinayaan niyang malaglag ang puting kumot na naging tanging tapis niya mula pa kagabi at saka lumapit sa lalaki.

“Ilang araw kang nasa Malaysia?”

“Hmm…maybe two weeks?”

“Oh, c’mon, Ced. What happened? May problema ba kayo sa inyo kaya ang tagal mong aalis?”

“Ano ka ba? Why are you thinking that way?”

“Nakakapanibago ka kasi…” nakasimangot niyang tugon.

“Don’t mind me, okay? At saka, you already have your special person now. Focus on him. H’wag sa akin. Alam mo naman na nandito lang ako kapag kailangan mo ako.”

“Eh, wala ka nga mamaya.”

“Kailangan mo ba ako mamaya?” Hinarap siya ng lalaki.

This is the first time na nakatingin lang ito sa kanyang mga mata kahit na wala siyang saplot sa katawan.

“M-maybe, I need you…”

“Why?” Tell me…” Isinandal nito ang likod sa isang wooden cabinet at hinintay ang kanyang sagot.

“What if this fails?”

“Who said that? Your instincts? Why don’t you trust him?”

“Pa’no kung ‘di niya magustuhan ‘yong kadaldalan ni Ate Minerva? Pa’no kung ma-off siya kasi may tatay akong PWD? Pa’no kung—”

“Shh…” He sighed and hugged her as he noticed her panicked. “If ever na mangyari ‘yan, call me.”

“Eh paano nga? Nasa Malaysia ka na mamaya.”

“Just call me. You know that I am one call away, right? At saka, wala namang kaso if your family has flaws because all of us have that.”

“Wala ngang kaso sa ‘yo pero kay Roy…”

“Stop.”

“Cedrick…” Napangiti ang lalaki nang marinig niya ang pagtawag nitong tila atungan. He always finds it cute.

“Do you want me to help you take a bath or let’s have breakfast first?” pilyong tanong nito nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.

“I am still sore, Ced. I am going to take a bath. Please, huwag kang aaligid sa pinto. Sinasabi ko talaga sa ‘yo.”

Natawa lang ang lalaki sa pag-irap niya at saka nagtungo sa banyo.

***

CEDRICK is making his version of their breakfast. Lahat ng paboritong almusal ni Sylvie ay niluto niya. Tuyo, malasadong sunny-side up, nakahiwang kamatis na natanggalan ng buto, itlog na maalat, at syempre, sinangag na maraming bawang.

“Grabe, hanggang banyo amoy ‘yong sinangag!” natutuwang saad ng babae habang nagpupunas ng buhok. Wala itong ibang saplot sa katawan kundi ang bath robe na ginamit niya kanina.

“I bought you some clothes there,” sabi niya at saka nginuso ang isang paper bag sa sala.

“Ayaw mong ito ang isuot ko?”

Umiling siya ngunit pilyong ngumiti. “Wear that or I’ll take you here…right now.”

“Ito naman ‘di mabiro, eh. Magbibihis na nga.”

Padabog nitong kinuha ang paper bag at bumalik sa loob ng kwarto.

“Oh my, Cedrick!”

Nang marinig niya iyon, napangisi siya. Matagal nang pinag-iipunan ni Sylvie ang branded dress na iyon ngunit hindi nito mabili-bili. Isang beses, nakita niya ang babae na nakatingin lang sa polo dress na iyon sa isang mall kaya binili niya iyon bago pa man dumating ang araw na ito.

Look, malandi siyang lalaki pero kay Sylvie lang. Hindi naman siya ganoon dati. Siguro, iba talaga ang naging impact sa kanya ng pakikipagbreak ni Camilla. When he met Sylvie, she had this kind of aura that he can’t resist. Actually, hindi niya rin alam kung bakit pumayag ang babae sa setup nilang ganito. Ayaw niya na tanungin. Ayaw niya nang malaman pa.

“Pa’no mo nalaman?” natutuwang tanong nito sa kanya nang lumabas ng kwarto.

“Ano’ng pa’no ko nalaman? I just bought that randomly. Did you like it?”

“No! I love it, Ced. Thank you so much!” Nagulat pa siya nang yakapin siya nito mula sa likuran.

You don’t do cuddles, right?

“Tara, kumain na tayo at baka—”

Paupo pa lang silang dalawa nang marinig ang pagtunog ng cellphone ni Sylvie.

“Who’s that?”

“Si Roy. Please excuse me…” Nagmamadali itong tumayo at nagtungo sa living room.

“Yeah. Let’s meet at 4:00 P.M. Susunduin mo ba ako?”

Nakita niyang tumango-tango si Sylvie.

“Sige. Sa K-Mart na tayo magkita. Okay. Bye.”

Umayos siya sa pagkakaupo nang makitang palapit sa dining area ang babae.

“Are you okay?” tanong niya pa habang sinasadukan ito ng sinangag.

“Yeah. Red flag na ba sa ‘yo kapag ‘di niya ako sinundo sa bahay?”

“Bakit mo sa ‘kin tinatanong ‘yan?”

“Wala lang. Lalaki ka, eh.”

“Marami kasing possibilities kung bakit hindi ka niya masusundo. Nasabi niya ba sa ‘yo?”

“Sabi niya, medyo busy raw siya kaya magkita na lang daw kami sa K-Mart,” nakangusong tugon nito habang kumukuha ng kamatis.

“Hmm…gusto mo bang sunduin ka niya?” tanong pa niya habang kumakain.

“Gusto ko. Kaso, okay lang naman kung magkikita kami. Wala namang kaso ‘yon.”

“Hayaan mo na. Once lang naman ‘yan nangyayari. Hindi naman kada magkikita kayo. Kumain ka na.”

“Are you not going to stay?”

“Are you in love with me, Sylvie?” natatawang tanong niya ngunit kinakabahan siya sa magiging sagot ng babae.

“Of course, not! My God, Ced. Kumain ka na nga. Kung anu-anong pinagsasasabi mo.”

“Yeah, right? Silly of me. Did you like my cooking?”

“Oo naman. Thank you. Na-appreciate ko ‘to kasi lahat ng paborito ko sa almusal. Pa’no mo nalaman?”

“Ayan ka na naman. Puro ka tanong. Kumain ka na nga lang. Kailangan ko pang mag-ready sa flight ko.”

Nakita niya pang umismid ang babae bago ito nagpatuloy sa pagkain. Siya naman, naka-focus sa kinakain. He’s thinking about being torn between leaving and staying for her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status