ISANG ORAS at kalahati nang naghihintay si Sylvie kay Roy sa K-Mart ngunit hindi pa rin niya nakikita ni anino ng lalaki. Nakailang beses na rin siyang tumawag ngunit dinidiretso lang siya nito sa voice mail.
“Ano kayang nangyari? Tawagan ko kaya si Ced?”
Mayamaya pa’y nakita niya ang kulay maroon na sasakyan nitong nagpa-park sa labas ng K-Mart kaya naman lumabas na siya ng convenience store.
“I am really sorry, babe!”
Sinalubong siya nito at nagbeso sa kanyang pisngi. Ikinagulat niya pa ang gesture na iyon ng lalaki dahil ngayon na lang ulit may humalik sa kanyang pisngi matapos mag-sorry.
“Kanina ka pa ba rito?”
“H-hindi. Medyo thirty minutes pa lang,” pagsisinungalning niya sabay ang pilit na ngiti.
“Here. This is for you.”
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking bouquet ng pulang rosas na halos hindi niya mahawakan ng isang kam
“NASAAN ka ba?!” Halos maitapon ni Cedrick ang cellphone na hawak nang marinig niya ang boses ni Minerva noong sagutin niya ito.“Why? What happened? Is she in trouble?” sunod-sunod niyang tanong habang aligagang inaayos ang kanyang gamit.“Wala! Sinagot niya na si Roy! Bakit kasi wala ka dito?!” Nakakarindi ang boses nito ngunit alam niya nag-aalala lang ito sa kapatid.“Ate, hayaan mo siya. We’re just friends—”“With benefits! Wala ka bang pagmamahal sa kapatid ko?”He sighed. “I love her as her partner in bed. Pero, Ate, hayaan na natin siya. ‘Yan ang gusto niya. Maging masaya na lang tayo. Saka na lang natin resbakan kapag pinaiyak niya na si Syl. Okay?”Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.“Ano ba kasing nangyari? ‘Di ka naman tatawag ng ganyan kung wala lang.”“Hindi ko siya gusto para kay Sylvie,”
THREE WEEKS nang walang paramdam si Cedrick kay Sylvie. Kahit saang social media app nito ay wala man lang itong update. Nakatingin siya ngayon sa huling message na sinabi niya sa lalaki matapos niyang sagutin si Roy ngunit nag-heart react lang ito.Kapag tinatanong naman niya ang secretary nitong si Simon ay hindi rin alam kung nasaang lupalop ng Asya ang lalaki.Napabuntong-hininga siya dahil napakarami niyang gustong ikwento kay Cedrick. Liban kay France, si Cedrick lang ang lalaking walang ibang reaksyon kapag magkukwento siya. Talagang makikinig lang ito unless gusto niya itong magbigay ng opinyon.“’Di ka pa mag-lunch, Sylvie?” tanong sa kanya ng katrabahong nadaanan siya sa bay.“Mamaya na ako. Hinihintay ko pa si Roy, eh.”“Ha? Kanina pa sila naka-lunch. Kasama niya ‘yong mga investors pagkatapos ng meeting nila. ‘Di ba nagsabi sa ‘yo?”Unti-unting nawala ang pagkakangiti sa
ILANG araw pang naging hindi maganda ang pakikitungo ni Roy kay Sylvie. Madalas na ang mga naging pagtatalo nila. Dumarating na rin sa puntong naitutulak siya ng lalaki na ikinabibigla niya.“Roy, mag-break na lang tayo kung ganito lang din naman ang gagawin mo sa akin,” aniya habang pinipigilan ang luha sa mga mata.Nasa kotse sila ng lalaki at hinihintay na mag-go ang traffic light. Simple lang naman ang pinag-awayan nilang dalawa ngayong araw. Tinanong niya lang naman kung sino iyong babaeng kasama ni Roy na lumabas sa conference room.“Baby, don’t do this to me. You know how much I love you, right?”“Para kasing hindi na nag-wo-work ‘tong relasyon natin. Konting kibot lang, nagagalit ka kaagad. Masama na bang magtanong ako sa ‘yo? ‘Di ako nagseselos, Roy. Gusto ko lang naman malaman kung sino ‘yon?”Hindi na ito umimik.“She’s just one of the new investors we h
HINDI rin natiis ni Cedrick na umuwi agad ng Marikina nang malaman niya ang sitwasyon ni Sylvie. Sa makalawa pa dapat siya uuwi ngunit may kung anong nag-usig sa kanya at bumulong na umuwi siya as soon as possible.Malayo ang naging byahe niya mula isla pauwi ng Marikina upang tunguhin ang trabaho ng babae. Ikinataas niya ng kilay nang makita ito sa isang kotse na hindi maipinta ang mukha. Base sa buka ng bibig at mga mata nito, mukhang may hindi magandang nangyayari. Kaya naman nai-park niya ang sasakyan silang bloke ang layo sa parking space ng dalawa sa may coffee shop.Lumabas siya ng sasakyan. Tumayo sa may sidewalk at hinintay ang susunod na mangyayari base sa kilos ng dalawa. Agad siyang naglakad nang makita niyang tila ba mas matindi ang pagtatalo ng dalawa.This was the only time that he saw the fear in her eyes. Hindi naman siya papayag sa ganoon kaya mas binilisan niya ang paglalakad. Saktong akma nitong susuntukin si Sylvie ay hinampas niya ang harap
HINDI makapaniwala si Cedrick sa dami ng tao nang tunguhin niya ang Dominican Bar. Who would have expected his bar to go crazy like this especially this time? Alas tres y media na ng madaling araw ngunit para bang maaga pa para sa mga taong naroon.Masaya pa siya habang binabangga ang kanyang katawan ng mga taong nasa dance floor. Masikip. Maingay—ngunit iyon ang gustong-gusto niya.Pag-akyat niya sa second floor ay doon mas lalong nag-abot tainga ang kanyang ngiti. Overcrowded mula sa bar counter hanggang sa mga VIP areas. Habang pinapanood kung paano magkaroo ng good time ang mga taong naroon, sinimsim niya ang baso ng whiskey.“Sabado nights,” aniya pa at saka napangisi. Sinasabayan niya pa ng finger tapping ang saliw ng Beautiful Girls ni Shawn Kingston na pinatugtog ng kaibigan niyang DJ.“Ced!”Agad siyang napalingon nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ng isang babae. Hindi siya umimik. Sa lagkit pa lang ng titig nito ay hindi niya na kailangan pang lumapit.Sylvie is one of
“REALLY? Sinabi mo kay Cedrick na nakikipag-date ka?” Nanlalaki ang mga mata ni France habang nasa isang coffee shop silang dalawa.“Oo naman! Bakit naman ‘di ko sasabihin sa kanya. Tama lang naman na malaman niya, ‘no?”“Ano’ng sabi niya?”Nagkibit-balikat siya. “Wala. Para namang may sasabihin ‘yon. Baka nga matuwa pa ‘yon dahil mababawasan ‘yong mga babaeng isipin niya,” sabi niya pa.“’Di ka nanghihinayang?”Tumaas ang kilay niya. “Aba, ‘di naman ako pokpok ni Cedrick para manghinayang, ‘no. Nandiyan siya kapag kailangan ko siya, gano’n din naman siya sa akin pero ‘di lang naman ‘yon ang kailangan ko, France. Kailangan ko ng lalaki na pahahalagahan ako bilang ako, hindi bilang Sylvie sa kama lang.”Tumango-tango ang babae. “May point ka naman. Pero wala ba talagang real score sa inyo ni Ced? I mean, ‘di talaga naging kayo?”Kuntodo ang iling niya. “Sa lalaking ‘yon, ‘di uso ang commitment. Siguro naiintindihan ko siya sa sitwasyon niya ngayon kasi nag-fail ‘yong relationship na ak
“AYAW mo talagang kumain sa restaurant?” tanong ni Roy kay Sylvie habang naghahanap siya ng makakain sa isang paresan.“Alam ko naman na may kaya ka sa buhay pero hindi ko talaga gusto ngayon na kumain sa resto. Maybe next time. Huwag ka mag-alala, sa susunod na gusto mong doon kumain, hindi ako hihindi. Gusto ko lang talaga kumain ng pares ngayon,” saan nito habang namimili sa menu.“Ate, dalawang pares overload nga po—”“T-teka. ‘Di kasi ako kumakain ng pares. Ikaw na lang siguro. Busog pa rin naman ako dahil kumain ako ng samgyupsal kanina sa office.”“Ikaw ang bahala. You didn’t know what you were missing.” Nagtungo sila sa isang mesa at naupo. Mausok, maalikabok, at maingay dahil nasa gilid sila ng kalsada. Kung para kay Roy ay nakakairita ang pwesto nila, kay Sylvie ay hindi. Gustong-gusto niyang kumakain sa mga karinderya at turo-turo sa gilid ng kalsada.“Sinabi ko na nga pala sa bahay na ipapakilala kita sa kanila,” natutuwang saad niya habang hinihipan ang kinakain.“Reall
“HINDI ko alam kung ano’ng problema ni Cedrick,” ani Sylvie na nasa Dominican Bar ngayon kasama si Simon at France.“Eh, ba’t ‘di mo kausapin ‘yang sekretarya niya?” Nginuso pa ng babae si Simon na nasa gitna nilang dalawa.“Believe me, hindi ko rin siya ma-gets. Para siyang babaeng may buwanang dalaw this week. Nakakapagod siyang kausap. Ang hirap intindihin,” kamot-ulong tugon ni Simon.“Wow, ha? Parang alam na alam mo ugali ng mga babae, ha?” panunudyo naman ni France.“Ang weird niya kasi.”“Wala ba siyang nababanggit sa ‘yo?” tanong pa ni Sylvie.“W-wala naman. ‘Di nga kami nakakapag-usap nang maayos, eh,” pagsisinungaling nito.Hindi na umimik pa si Sylvie. Maniniwala na lang siguro siyang sobrang busy ng lalaki this past few days kaya hindi sila nagkikita nito.“Happy birthday, Sylvie!” malakas na sigaw ng dalawa niyang kaibigan sabay taas ng basong may alak.“Tanga, ‘di pa! Five minutes pa!” natatawang sabi niya.She’s going thirty-two years old. Wala siyang ibang wish ngayong