Share

6

TAHIMIK sina Cedrick at Sylvie habang nasa sasakyan. Parang ayaw pa ni Sylvie na paalisin ang lalaki ngunit nakita niya ang mga bagahe nitong nilagay noon sa compartment ng kotse.

Makailang ulit siyang nagbuntong-hininga. Hindi makukumpleto ang birthday niya nang wala si Cedrick. Mula noong nag-break sila ng karelasyon niya, ang lalaki ang naging dahilan para makabangon siya ulit.

“Ced, aalis ka talaga?” pangungulit niya habang nasa kahabaan sila ng traffic.

“Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ‘di ako aalis.”

“Kasi birthday ko.”

“Nice try, Syl. But no. I know this day is important to you but we’ve already celebrated your birthday last night and early this morning.”

“Eh, kahit na.”

“So bakit nga ayaw mo akong umalis. Do you want us to go somewhere? We still have time.”

“Hindi. ‘Di naman sa gano’n. Gusto ko lang sanang kumpleto lahat ng importanteng tao sa birthday ko.”

“Syl, I am not an important person. Ano ka ba?” Natawa pa ito. “I just want to help that is why I am here for you but I am no special, okay? Kaya, celebrate your birthday with them. Mag-send ka na lang ng picture.”

“Mag-cha-chat ka ba kapag nasa Malaysia ka na?”

“Alam mo ang sagot diyan?”

Nanahimik na siya kasi ‘no’ ang sagot sa kanyang katanungan.

“Why are you so clingy these days?” out of nowhere na tanong nito sa kanya.

“Actually, hindi ko rin alam. Siguro dahil ngayon ka lang aalis ng ganyan katagal. Wala lang.”

“Sus. Para kang timang. Two weeks lang ‘yon—”

“Or more, ‘di ba? Sabi mo?”

“’Di ka sure,” saka ito humagalpak ng tawa.

Sumama ang tingin niya sa lalaki na tila ba enjoy na enjoy siyang asarin. 

“Napakasama mo. Umalis ka na nga kung aalis ka.”

Dahan-dahan nitong p-in-ark ang sasakyan sa labas ng gate nila.

“Just tell me why you don’t want me to go then I will not go.”

Gusto niyang sabihin na huwag na itong tumuloy sa pag-alis pero sino ba siya? Hindi naman siya ang girlfriend nito. Hindi rin kaibigan. Friends lang naman sila—with benefits nga lang pero wala namang espesyal doon…sa kama nga, wala.

Charing lang ‘no. Umalis ka na kung aalis ka bago pa uminit ulo ko sa ‘yo.”

Nakangiti ang lalaki na pinagbuksan siya ng pinto.

“Gentleman, ah,” puna pa niya bago bumaba.

“Ngayon lang ‘yan. Bukas o sa makalawa, ‘di na.”

“Kuya Cedrick!”

Napalingon silang dalawa nang makita si Pius na patakbong patungo sa gawi nila.

“Ang aga naman gumising ng batang ‘to,” saad pa ng lalaki at saka kumaway.

“’Di ka pa nasanay. Kapag maagang nagbunganga si Ate Minerva, paniguradong maagang magigising ‘yan.”

“Highblood pa rin ba ate mo sa asawa niya?”

“Don’t ask. Alam mo na kung ano ang sagot.”

“Kaya ayokong mag-asawa, eh.”

“Hoy. Alam kong makakahanap ka ng babaeng para sa ‘yo. Iba ka kay Ate. Si Ate, nahanap niya ang katapat niya,” tugon niya sabay tawa.

“How are you, kiddo?” tanong ni Cedrick sa bata nang yumakap ito.

“Ayos lang ako, Kuya. Saan kayo galing ni Ate? ‘Di ‘yan umuwi dito kagabi.”

Nagtinginan silang dalawa.

“Ewan ko ba rito sa ate mo. Kung saan-saan nagpupunta, may bahay naman.”

Siniko niya ang lalaki. “Umalis ka na nga,” bulong pa niya.

“Cedrick!” Napatingin sila sa pinto nang marinig ang bunganga ni Minerva. “Sa’n mo na naman dinala kapatid ko. Nai-treat mo na ba ‘yan sa ano?” natatawa pang tanong nito.

“Diyos ko. Nakakahiya talaga si Ate. Ang kalat.”

Binuhat ni Cedrick si Pius at saka sila lumapit.

“Sa’n ka natulog? Kina France—”

“Do’n sa bahay ko,” mabilis na sagot ni Cedrick nang takpan ang tainga ng bata.

“Kapag nabuntis talaga ‘tong kapatid ko, pananagutan mo talaga, Ced,” natatawang iling pa ng babae habang kinukuha ang anak sa lalaki.

“For your information, dinadala ko sa clinic ‘yan every contraceptive shot niya. I also use protection. Grabe ka naman sa akin.”

“Nakakahiya kayong mag-usap dalawa. Papasok na ako sa loob. Ikaw, umalis ka na. Baka ma-late ka pa sa flight mo.”

“Hindi ka pupunta mamaya, hijo?” tanong ni Fred na nasa likod na pala nila.

Nagmano pa ang lalaki bago sumagot, “May flight po ako pa-Malaysia, Tito. I’ve already made some breakfast for Sylvie before we go here.”

“So, nakailang rounds kayo?”

“Ate!” saway niya. “Pwede bang manahimik ka na? May bata, oh.”

“I prefer not to answer that. Anyway, I gotta go. Happy birthday, Syl. Enjoy tonight.”

Tumango lang siya habang tinitingnan ang lalaki na papasok ng kotse.

“Ano’ng nangyari? May nangyari, ‘no?” tanong ni Minerva habang paalis ang kotse ni Cedrick.

“Wala. Ayoko rin naman na ‘di siya paalisin since business matter ‘yon. At saka, hello? Hindi ako ang girlfriend niyan. Okay na kami sa ganitong setup.”

“Pero, mahal mo?” panunudyo pa ng ama niya nang makapasok sa loob ng bahay.

“’Pa, alam n’yo naman na patikim-tikim lang kami niyan ni Ced. No more, no less. At saka, ipapakilala ko sa inyo si Roy mamaya.”

“Katulad ba siya ni Cedrick?” pang-uuusisa pa nito.

“Hay naku, ‘Pa. Magugustuhan n’yo ang personality niya.”

“Kahit sino namang lalaki na nagugustuhan mo ay welcome dito sa bahay…basta hindi ka sasaktan.”

“So, paano kayo niyan ni Ced?” Si Minerva naman ang nagtanong.

“Actually, ‘di ko rin alam. Ayoko naman na nakikipag-date na ako tapos ‘yon pa rin ang setup namin, ‘di ba? Para naman akong nakakaloko ng tao no’n. Ayokong maramdaman ng ibang tao ‘yong naramdaman ko dati.”

“’Di na po magpupunta dito si Kuya Cedrick?” tanong ni Pius na paiyak na.

Nagkatinginan silang tatlo. Tumikhim siya at ngumiti saka lumuhod upang hawiin ang buhok ng pamangkin.

“Syempre, pupunta ‘yon dito.”

Sana magpunta pa.

“Eh bakit umuwi na siya? Ayaw niya dito?” tanong pa ng bata.

“Hindi. May pupuntahan kasi siya. Halika, samahan mo na lang ako bumili ng gulay para sa kare-kare mamayang gabi. Punta tayo sa palengke.”

Nagkatinginan lang sina Minerva at Sylvie bago sila umalis.

Magmula noong magkaroon silang setup na ganito ni Cedrick, naging open siya sa kanyang pamilya. Open-minded rin naman ang mga tao sa bahay nila kahit na medyo walang preno ang mga bunganga nito.

She really likes Cedrick’s company. Kahit sa pamilya ng lalaki ay legal ang setup nilang dalawa. Pero kung sa ibang tao, paniguradong may mga masasabi sa kanya.

At iyon ang ayaw niyang malaman ni Roy. Ayaw niyang para siyang isang p****k sa mukha ng dini-date ngunit hindi rin naman niya pwedeng ipagkaila na naging magkaibigan sila dahil sa sex.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status