Share

3

“AYAW mo talagang kumain sa restaurant?” tanong ni Roy kay Sylvie habang naghahanap siya ng makakain sa isang paresan.

“Alam ko naman na may kaya ka sa buhay pero hindi ko talaga gusto ngayon na kumain sa resto. Maybe next time. Huwag ka mag-alala, sa susunod na gusto mong doon kumain, hindi ako hihindi. Gusto ko lang talaga kumain ng pares ngayon,” saan nito habang namimili sa menu.

“Ate, dalawang pares overload nga po—”

“T-teka. ‘Di kasi ako kumakain ng pares. Ikaw na lang siguro. Busog pa rin naman ako dahil kumain ako ng samgyupsal kanina sa office.”

“Ikaw ang bahala. You didn’t know what you were missing.”  

Nagtungo sila sa isang mesa at naupo. Mausok, maalikabok, at maingay dahil nasa gilid sila ng kalsada. Kung para kay Roy ay nakakairita ang pwesto nila, kay Sylvie ay hindi. Gustong-gusto niyang kumakain sa mga karinderya at turo-turo sa gilid ng kalsada.

“Sinabi ko na nga pala sa bahay na ipapakilala kita sa kanila,” natutuwang saad niya habang hinihipan ang kinakain.

“Really? Ano’ng sabi nila?”

“Wala naman. Excited lang sila na makita ka. Diyos ko, ilang taon magmula no’ng nagpakilala ako ng lalaki sa bahay.”

“Alam na no’ng best friend mo? Is he going to attend your birthday party?” Halos mabulunan siya sa tanong nito.

Sino ba namang hindi mabubulunan kung si Cedrick ang pag-uusapan nilang dalawa? Bukod sa ayaw nitong maipakilala kay Roy bilang best friend niya, dalawang linggo na rin itong walang paramdam sa kanya—sa tawag man o sa social media.

Sanay siyang hindi siya tinatawagan nito pero hindi ganito katagal. Noon nga, thrice a week ito kung makatawag sa kanya para lang kumustahin siya. Minsan, magagalit pa ang lalaki kung hindi niya sinasagot ang tawag nito at text.

Ang nakakainis pa, alam niyang iniiwasan siya nito dahil tinaon ng lalaki na umalis papuntang Malaysia sa araw mismo ng birthday niya.

“I-I don’t know. Parang hindi…”

Nagsalubong ang kilay ni Roy. “Why? Ayaw niyang makilala ko siya?”

“No. Of course, he wants to,” pagsisinungaling niya pa. “Nataon lang kasi na may business meeting siya sa Malaysia that time.”

“I see. I was hoping to meet him.”

“Marami pa namang time. At saka, bakit gusto mo ba siyang makilala?”

“He’s important to you that’s why. He’s your best friend, right? Gusto ko rin naman siyang makilala dahil siya lang ang lalaking meron ka before me.”

Eh, hindi mo nga sure kung ganyan talaga setup namin, eh.

***

NAKATANGA si Cedrick sa glass wall ng kanyang opisina. Tinatanaw niya ang naglalakihang building sa harap ng kanyang gusali. Makailang buntonghininga pa ang kanyang narinig mula sa sarili bago nagbukas ang pinto.

“You look so dry today,” natatawang puna ng sekretarya niyang si Simon.

“Yep. Two weeks na akong dry kaya please shut your mouth and do your thing here.”

“Napakasungit mo naman. Bakit? Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka? Ang init-init palagi ng ulo mo. Nag-away ba kayo ni Nina? Hindi ka na naman ba natuwa sa performance ni Shanty?—”

“Stop! Alam mo naman na wala na akong koneksyon diyan sa mga binabanggit mo.” Umismid siya bago luwangan ang neck tie at pabagsak na inupo ang sarili sa sofa.

“What? Wow.” Huminto ito sa ginagawa at naupo sa katapat na sofa. “Hindi ko alam ‘yan. Mukhang bago ‘yan, ah. In love ka na ulit?”

“Ano’ng in love ka riyan? Matagal na akong hindi tumitikim ng ibang babae except for—”

“For? Ginie? Helga?”

“Sylvie! Si Sylvie, Simon. Please stop enumerating women. Lalo akong nauuyam sa sinasabi mo.” Umiling-iling pa siya kasabay ng paghilot sa sintido.

“Si Sylvie? Siya na lang tinira mo?”

“Correction, pinili kong mag-stay? Okay? Ang sagwa ng term mo.”

“So, ano’ng problema n’yo ni Friend with Benefits since 2021?” Natawa pa ang lalaki.

“Wala akong problema. Siya ang meron.”

“Oh, bakit? Care to tell what happened? Sa pagkakatanda ko, sa kanya mo kino-compare ang mga naging girls mo dati dahil wala kang problema sa kanya. Tapos ngayon para kang nalamangan diyan.”

“She is dating someone.”

“So what?”

“Gusto niya akong ipakilala as her best friend!”

“Eh, ano’ng pinuputok ng butchi mo d’yan? Alangan naman sabihin niyang gumagawa kayo ng milagro pero hindi naman kayo.”

Mas lalong makikita ang pagkairita sa kanyang mukha.

“Ayokong ipakilala niya ako. ‘Di mo ba gets ‘yon?”

Mapanuri siyang pinagkatitigan ni Simon.

“Man, I think you have a problem.”

“At ano na naman ‘yon?”

“Are you jealous?”

“Of course not!”

“Hmmm.” Pilyo itong tumango.

“Hindi nga! You know that I am no longer into relationships. Alam na alam mo ‘yan.”

“Eh, ba’t ka nga ganyan maka-react? Ayaw mo na lang kasi aminin na special si Sylvie sa ‘yo…sexually. Gusto mo, sa ‘yo lang siya eh, ‘di naman pwede ‘yon, dude. Kung gusto mong maging exclusive siya sa ‘yo, ligawan mo rin. Makipag-date ka sa kanya.”

“Why would I do that? Alam mo kung ano’ng nangyari sa amin ni Camilla—”

“That was three years ago. Then, after a year, you found Sylvie. Alam mo bang tuwang-tuwa sina Tita Tess no’n kasi siya lang ‘yong babaeng nagpatawa sa ‘yo nang gano’n. Akala niya nga no’n, girlfriend mo na si Sylvie, eh. Kaso, hindi pala.”

He sighed and stood up. “I am not ready.”

“Eh, ‘di kung hindi ka naman pala ready, wala kang karapatang uminit ang ulo dahil lang sa ipapakilala ka niya as a best friend. Tanggapin mo na magkaka-love life ‘yong tao. ‘Di ka naman selfish na tao, ‘di ba?”

Hindi siya umimik at muling nagtungo sa swivel chair. Kunwari’y binabasa ang mga documents na napirmahan niya na.

“I know you, Ced. Alam kong hindi naging maganda ang breakup n’yo ni Camilla pero sana ma-realize mo na hindi lahat ng babae kagaya niya. Huwag mong i-generalize lahat ng babae, manloloko.”

Hindi siya umimik.

“Alam ko, ready ka na ulit, eh. Pero kung hindi pa talaga, let her be happy. Okay?”

Hindi na nito hinintay ang sagot niya at umalis na sa kanyang opisina. Sumandal siya sa swivel chair at muli, napuno ng buntonghininga ang buong silid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status