Chapter twenty-six
"Magiging maayos lang siya. Ano ka ba, 'wag ka ngang masyadong mag-isip."
Nakakapit ako sa braso ni Cin at nakasandal naman ang ulo sa braso niya habang nag-lalakad pabalik sa hotel namin. Iniisip ko pa rin kung anong mangyayari kay Alexandria. Kung anong klaseng disiplina ang gagawin sakanya ng babaeng may masamang ugali.
"Paano ako hindi mag-iisip? Nakita mo ba kanina, galit na galit ang babae, Cin! Pwede niyang saktan si Alexandria!" Singhal ko.
Tumigil kami sa paglalakad at hinarap niya ako sakanya.
"Nag-aalala ang mommy? Edi, gagawa ng paraan ang Daddy para hindi masaktan ang Baby." Ngisi niya at hinagkan ako sa pisnge. "Gagawa ako ng paraan. Hindi siya masasaktan, baby. 'Wag ka nang mag-alala."
Nakauwi kami ng hotel gabi na. Pareho kami ni Cin na walang cellphone na dala kaya hindi namin ma-contact ang mga kaibigan. Halos dumugin kami ng mga ito nang makarating kami.
"Hoy! Saan kayo galing, a
Chapter twenty-sevenWala na. Wala na ang plano. Kakalimutan ko na ang planong 'yon. Napagtanto kong lumagpas na ako sa harang na ginawa ko. Hindi na ako pwedeng magpanggap na may gusto ako kay Cin dahil nagkatotoo na. Kinain ko lang lahat ng pangako ko sa sarili.Mahal ko si Cin.Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya? Kahit isip-bata, nakakakilig pa rin. 'Di ko nga na-imagine noon na kikiligin ako, eh. Jusko, ang puso ko!Habang nag-eempake, may ngiti ako sa labi kaya kung makatitig sa akin si Farrah para akong baliw. Baliw na ata talaga ako. Ngumingiti ako kahit wala namang nakakatuwa. Kahit pilitin kong sumimangot, talagang lalabas 'yong ngisi ko!Kainis na, ah?!"Girls, ready na kayo?" Katok sa amin ni Ram sa labas.Nagkatinginan kami ni Farrah. Bahagya pa siyang napatalon sa tingin ko at pasimpleng humawak sa dibdib."Problema mo?" Tanong ko."Ikaw? Problema mo?! Na-engkanto ka ba?! Ngisi ka na
Chapter twenty-eight"O, kamusta naman ang bakasyon niyo, Amber?" Biglang tanong ni Verna pagpasok ko ng kusina.Nakasunod sa likod ko si Odette na parang ayaw akong iwan. Kahit anong pagkain o tubig ang hawakan ko, tinatapon niya at hindi naman ako nagtatanong. Tahimik niya lang ang mga itong pinapalitan ng bago.Ngumisi ako. "Medyo hindi maganda. Amoy plastik minsan at maraming higad sa paligid." Pagpaparinig ko sa tahimik na si Vicky.Ewan ko kung nasaan na ang ibang anak ni Verna. 'Di na ang mga ito nagpapakita sa akin. Siguro, iniwan na siya dahil sa pagiging bruha.Sinulyapan ko si Odette at sumenyas na lalabas na. May pasok na kami ngayon kaya maaga akong nagising. Akmang tatalikod na ako nang matigil dahil sa pagsasalita ni Vicky."Bakit hindi ka muna umupo? Kumain ka. Maraming niluto ang cook ngayon. Masarap." Pinakita niya pa sa akin kung paano niya sinubo ang bacon na nginisihan ko."No, thanks. Diet ako. Try mo
Chapter twenty-nineNagising ako kinabukasan na bangag. Ang dami kong tanong kagabi na hanggang ngayon, walang sagot. 'Yong pag-alis ng dalawang anak ni Verna, ang lipstick sa collar ni Cin, kung sino ang babae nito! Nababaliw na'ko kakaisip sa dami ng tumatakbo sa isip ko! 'Buti na lang walang klase ngayon dahil weekend. Siguro uubusin ko na lang ang oras ko kakahanap ng sagot.Bago dumiretso ng banyo, binuksan ko muna ang cellphone at sunod-sunod na messages galing kay Cin ang natanggap ko. Nagmamakaawa pa ito, akala ata galit ako. Galit naman talaga ako kaya ayaw ko muna siyang replyan. Naku! 'Di pa nga kami nagtatagal, may gano'n na. Ang sakit sa puso, ah.Ang huling message ang galing kay Tito Ninong. Naisip ko kaagad ang pabor na hinihingi ko. Napatayo ako sa kama at binaba ang cellphone sa bedside table.Humingi ako ng pabor sakanya. Nagpaalam ako kung pwede ko bang makita ang CCTV footage sa parking lot noong araw na naaksidente si Mam
Chapter thirtyNagising ako kinabukasan na magaan ang pakiramdam. Sumagi ulit sa isip ko ang mukha ng mag-ina kagabi. Galit na galit na mukha ni Verna at Vicky habang isa-isang pinupulot ang mga damit nilang nagkalat sa kalsada. Bumaling ako sa kwintas na nasa bedside table.Noong nakita ko sila kagabi, noong nakita ko si Verna kagabi bigla na lang kumulo ang dugo ko. Noon pa naman kumukulo ang dugo ko kapag nagkikita kami pero iba 'yong nararamdaman ko kagabi.Bumaba ako ng hagdan at dumiretso ng kusina. Kumuha ako ng tubig pero mabilis 'yong tinabig ni Odette. Nabitawan ko ang baso at nabasag. Gumawa 'yon ng ingay at kumalat ang bubog.Hindi ako nakagalaw at tumitig sa basong basag na nasa sahig."M-mam, 'wag po kayong uminom o kumain ng mga pagkaing nandito sa loob ng ref."Hindi ako gumalaw at pinagsabihan ang isa pang katulong na linisin ang kalat. Pinagmasdan namin ang katulong na nanginginig ang kamay na ginawa ang utos ko
Chapter thirty-oneMagang-maga ang mata ko nang magising kaya halos maiyak nanaman ako ulit. Kung ano-anong kaartehan na ang nilagay ko sa mata ko para man lang matakpan ang maga pero wala. Hindi umeepekto kaya nagdesisyon na lang akong um-absent. Masama rin kasi ang pakiramdam ko, ayokong makakita ng Gago ngayon."Mam, hindi po ba kayo papasok?""May papasok bang naka-pajama? Syempre, wala kaya hindi. Hindi ako papasok." Masungit kong saad. "Tawagan mo si Farrah. Sabihin mo, may sakit ako."Pumunta ako ng living room at doon muna tumambay. Tumaas ang kilay ko nang may nakitang bulaklak sa center table. Tamad ko 'yong inabot at sininghot.Sinuri ko ang bulaklak at may nakitang note na nakaipit."I'm sorry. I love you."Binaba ko ang bulaklak at sumimangot. I love you? Pero mas naniwala sa kaibigan kaysa sa jowa? Anong klaseng love 'yon. Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila.Mas lalong kumunot ang noo ko sa
Chapter thirty-twoBuong buhay ko, namuhay ako sa lungkot. Namuhay ako nang puno ng galit sa puso. Namuhay ako na ang iniisip lang ay kung paano makakaganti sa mag-ina. Hindi ko alam na aabot ako sa puntong gagamit ako ng tao para magawa ang plano ko.Hindi ko alam na magmamahal ako. Sakanya ko naramdaman ang saya, kilig at pagmamahal. Akala ko nga, magtatagal 'yon pero hindi. Agad ding natapos ang kasiyahang 'yon.Ayokong maging makasarili kaya mas mabuting tapusin na lang namin ang relasyon na 'yon. Hindi ako magiging masaya kapag nagsama kami habang may anak siya kay Vicky. Gusto kong lumaking may pamilya ang bata. 'Yon lang 'yong gusto ko."Bakit mo ginawa 'yon?"Hindi ako naka-imik sa tanong ni Farrah. Malamig ang boses niya kaya alam kong galit siya. Nakatanggap agad ako ng tawag sakanya pagkatapos kong paalisin sila Vicky at Cin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang ginawa ko sa dalawa pero sigurado naman akong hindi magsasalita s
Chapter thirty-threeNo'ng gabing 'yon, dumating si Tito. Agad akong dinala sa hospital at nag-stay doon ng isang linggo. Walang bumisita sa akin bukod kay Tito at Odette. Kahit si Farrah, hindi nagpakita.Sinabi ko kay Tito ang nangyari, ang mga nabasa ko sa sulat ni Verna kaya galit na galit siyang umalis para asikasuhin ang kaso laban sa babae. Binilin kong si Verna na lang ang kunin at 'wag pakealaman si Vicky. Hindi siya pwedeng masaktan.Pinagpatuloy ko ang pag-aaral habang inaasikaso namin ang kaso. Wala nga akong ginagawa, eh dahil si Tito ang kumikilos. Pinangako niya sa akin na bago ako makaalis ng bansa, nasa kulungan na si Verna.Plano ko nang umalis pagkatapos ng graduation para magpahinga saglit o kung magustuhan ko, doon na lang ako forever. Sa Canada muna ako tatambay. Hindi nakakatulong sa akin ang mukha ni Cin. Parati kaming nagkakasalubong sa school pero parang hindi niya ako kilala. Hindi naman siya umiiwas, hindi niya lang
Chapter thirty-fourNaalimpungatan ako nang makarinig ng ingay. Naiinis na tinakpan ko ng unan ang tenga at malakas na sumigaw."Odette! Tanggal ka na!"Hindi pa rin tumitigil ang ingay kaya inis akong napa-upo sa kama. Ginulo ko ang buhok at mariing pumikit. Lagot talaga sa'kin ang babaeng 'yon. Ang aga-aga kung mang-istorbo! Nilingon ko ang bedside table at kinapa ang alarm clock ko para tignan kung anong oras na pero wala akong nahagilap.Kumunot ang noo ko at napamulat. Bakit ba ang sakit ng ulo ko? Ano bang ginawa ko kahapon? Parang tubig na umagos sa memorya ko ang mga alaalang nangyari kahapon. Nanigas ako at agad inangat ang kamay, wala naman akong nakitang tali. 'Buti na lang kasi baka magkasugat ako, 'no!Suot ko pa rin naman ang suot ko kahapon pagkatapos ay inangat ang tingin para ilibot ang tingin sa buong kwarto. Maliit ang kwarto, walang aircon at gawa sa kahoy ang bahay.Dahan-dahan akong bumaba at naglakad patungo sa i