Share

Chapter 3 Mosang

<Azaria>

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko iyon.

“Nasa news nga eh. Pinerehan niya ang mga investor. Ang laki ng utang niya,” sabi ng isa.

“Nasa kulungan siya ngayon. Ang daming kaso ang sinampa sa kanya.”

Mas lumapit ako sa kanila para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila.

“Kababaeng tao nakakahiya siya.”

Tatlo silang nag-uusap nang may nakisali na isa.

“Iyung apo ng may-ari ng kumpanya ay tinakasan niya ang mga investor niya. Meron siyang investing scam company. At heto ang dyaryo. Basahin niyo.”

May ibinigay ang babae na dyaryo sa mga kasama niya na nag chi-chismisan.

“Heto pa ang chismis. Nabalitaan niyo na ba na itinakwil na siya ng mga magulang niya? Hindi totoong apo si sir Nikolai at sa kanya binigay ang mga business nila kasi iyung tunay na apo ay walang magandang magawa sa buhay.”

“Ay true mare! Palagi ko nga nakikita sa bar iyon. Iba-iba ang lalaking kasama niya. Siguro laspag na iyon.”

Doon na nagpintig ang tenga ko.

“Sinong laspag?” Inis na tanong ko sa kanila.

Sabay na tumingin sa akin ang apat na Mosang.

“Tangina niyo ah! Pinag-uusapan niyo ako! Kanina pa ako nakikinig sa inyo. Pinapa-sweldo ba kayo para pag chismisan ako?!” Sigaw ko sa kanila.

Nakakuha na ako ng atensyon.

“Masyado kayong chismosa! Mga walang magawa sa buhay! At ikaw! Itinuro ko ang pangong babae na mukhang p****k dahil sa kulay ng buhok niya.

“Tangina ka! Kakasuhan kita ng defamation! Pinagkakalat mo na nakulong ako!” Sigaw ko sa kanya.

Kinuyom ko ang kamao ko.

Aware silang warfreak ako.

“S-sorry po ma’am,” kinakabahan paumanhin nila sa akin.

“Nakita ko po kasi sa dyaryo na nasa kulungan ka. Heto nga po, eh.”

At ang walanghiya ay pinakita pa niya sa akin ang dyaryo.

Uminit ang ulo ko at sinabunutan ko siya.

At dahil may galit sa akin ang mga kasama niya ay pinagtulungan nila ako.

May mga umawat.

“Guard! Guard! Guard!”

May humila sa  buhok ko, pero hindi ako magpapatalo at mas hinila ko ang buhok ng dalawang babaeng pangit.

“What the fuck!”

Isang malakas at nakakatakot na boses ang nagpatigil sa amin.

May mga guards na dumating at hinila nila ang mga dalawang babae na kinakalbo ko.

Hinding-hindi ako magpapa-api.

Akmang sasabunutan ko ang dalawa nang may humablot sa kamay ko.

“Azaria,” madiin na banggit ni Nikolai sa pangalan ko. Mahigpit din ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

“What are you doing?!” Sigaw ni Nikolai sa dalawang babae.

“Sir, si ma’am po ang nauna! Sinabunutan po niya ako!” Sumbong ni matabang p****k.

Napapalibutan na kami ng mga chismosang employees.

“How dare you to hurt you?!” Galit na sigaw na Nikolai sa kanya habang nanaliksik ang mga mata niya.

“Sir, siya po kasi ang naunang nanakit! Gumanti lang po kami!” Laban ng isa.

“Kayo ang nauna! Pinag chi-chismisan niyo ako! Kung ano-ano ang sinasabi niyo sa akin! Hindi kayo pinapaswledo para magchismisan!” Laban ko.

“The four of you are fired!” Galit na sigaw ni Nikolai sa kanya.

“How dare you to lay your finger on her!” Sigaw ni Nikolai sa kanilang apat. Nakakatakot pala magalit ang lalaking ito.

Akmang mag re-react sila nang hinila na ako ni Nikolai.

Nagpahila ako sa kanya at dinala niya ako sa office niya. Magulo iyung buhok ko at mukha akong bruha.

“What did you do?” Kalmadong tanong niya sa akin, at binitawan niya ang kamay ko.

Amoy sandalwood siya.

“Ano aawayin mo din ako dahil inaway ko ang mga pangit mong employees? Sila ang nauna, ah! Pinag chi-chismisan nila ako na nakulong daw ako! Hindi naman ako nakulong! Napaka chismosa ng mga employees mo!” Reklamo ko sa kanya.

“You shouldn’t attack them! You are in my company, Azaria. Huwag mong gamitin dito ang pagiging warfreak mo,” banta niya sa akin at sinamaan niya ako ng tingin.

Ano ba ang nagustuhan ng mga tao sa kanya? Ang sama ng ugali niya.

Kitams sinisigawan niya ako.

“How dare you shout at me?!” Balik na sigaw ko sa kanya.

“I defend myself! Anong gusto mo? Magpa-api ako sa mga pangit na iyon?!” 

“Hindi mo kailangan patulan lahat ng mga sinasabi sa’yo!” Stress na sabi niya.

“Ano ba ang alam mo sa akin, huh?! Alam mo dapat hindi ka na lang umuwi! Hindi ko matanggap na ikakasal ako sa’yo! And worst pinagtatanggol mo ang ibang tao kesa sa akin!” Hinid makapaniwalang sabi ko.

“Ikaw lalaki ka! Huwag mo akong tatalikuran!” Gigil na banta ko sa kanya nang talikuran niya ako.

Naglakad siya sa table niya.

“You’re inside my company and should follow the rules.”

Anong rules ang pinagsasabi ng lalaking ito?

“This is not my bar, so stop making a scene,” he added.

“Hindi nga bar pero mukha naman p****k ang mga employees mo!” Laban ko.

Ang exotic kasi ng mga pagmumukha ng mga employees niya. Meron akong nakita na ang dami niyang tattoo sa buong katawan.

Umiling siya.

“I didn’t expect that you have a sharp tongue. Grandpa is right, and you’re a spoiled brat. I heard a lot about you when I was in State. And, I guess the rumours about you were true.”

“Wala akong pake sa sinabi mo. Ihatid mo ako ngayon sa mansion,” utos ko sa kanya.

Gusto ko na umuwi.

Walanghiya iyung driver ni lolo dahil pagkahatid niya sa akin dito ay umalis na siya.

“You came here alone, so probably you can go home alone.”

Napaka gentleman naman.

Ganitong lalaki ang gustong ipakasal ng matanda na iyon sa akin?! Wala man lang care. Hindi pa kami kasal pero ang hayop na ng ugali niya sa akin.

“Ihatid mo ako dahil iniwan ako nu’ng driver! Wala akong car!” Malakas na sabi ko.

Umupo ako sa sofa habang siya ay may ginagawa sa laptop niya.

“Later,” sabi niya habang ang atensyon ay nasa laptop,

“Ngayon na!” Pagpupumilit ko sa kanya.

“Kapag hindi mo ako inihatid ngayon ay uupakan kita sa harapan ng mga employees mo!” Banta ko.

“I have meeting,” maikling sagot niya sa akin.

So, paghihintayin niya ako?

“Nikolai, kapag hindi mo ako hinatid ngayon ay makikita mo talaga! Isusumbong kita na inaapi mo ako!” Pananakot ko sa kanya.

“After my meeting, I’ll send you home,” kalmadong sabi niya.

“Ngayon na!” Ulit ko.

Mas mahalaga pa ba ang meeting niya kesa sa akin?

Nagmaktol ako at hindi na niya ako pinansin.

Sa aming dalawa ay ako ang walang magawa. 

Ang tagal niya mag meeting. Wala pa naglakas ng loob na paghintayin ako.

Ako ang hinihintay!

“You borrowed money to granpa?” Biglang tanong niya.

“Paano mo nalaman?” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pa ako nakapagkilay kasi bigla na lang naghahablot kanina ang mga pulis, at kakagising ko lang nu’n.

“He told me early. Grandpa called and planned to give you 25% shares if you agree to marry me. The other 25% will be mine,” he explains.

Malaki ang 25%, ilang bag kaya ang mabibili ko?

Kapag nagkaroon ako ng shares ay magkakaroon ako ng karapatan sa kumpanya. Ngumiti ako ng palihim.

“If you behave yourself, I’ll give you my 25% share. And according to the money you borrowed from grandpa. You wouldn’t need to pay it once we get to have a son,”

Lumuwa ang mata ko sinabi niya.

Kapag nakuha ko din ang sa kanya, ay pwede ko na siya patalsikin? Hihi. Brainy, Azaria.

“Bakit hindi niya sinabi sa akin iyan kanina?!” Sigaw ko sa kanya.

“At anak?! Ulul! Wala akong planong magka-anak sa’yo! At saka, isa pa sisiguraduhin ko na ikaw ang makikipaghiwalay sa akin!”

Pahihirapan ko siya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

“He called and told me about these. I don’t know why he didn’t tell you. Grandpa wants us to get married after two days,”

Mas lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.

Bakit ang bilis naman!?

“Puta! Ayoko!” React ko.

“I owe him, and I’m doing a favour.”

Inikutan ko siya ng mata ng magtama ang paningin namin.

“Wala akong pake sa dahilan mo,” pagsusungit ko sa kanya.

“Grandpa paid the money you borrowed from Mrs. Cruz and Ms. Farrah,”

Lumunok ako, at umasim ang mukha ko.

Bakit sa kanya sinasabi ang mga iyan? Dapat sabihin din sa akin kasi ako ang may atraso.

Iniwan ko na siya sa office niya, at may nakasalubong ako na babaeng papasok sa kanyang office.

Lahat ng mga chanak na nadadaanan ko ay pinagtitinginan ako.

I roamed around the building at nang ma-bored ako at mapagod ay naisipan ko kumain at mag coffee.

Nasa exit na ako nang bumalik ako.

Nakalimutan ko na wala akong pera. Napagod ako kaka-ikot sa buong building.

May free coffee sa loob, pero ayaw ko iyon. I wanna buy and stay at a coffee shop, take a picture of me and I’ll upload it in my I*******m. Para may kainggitan na naman sa aking ang mga tao.

Deserve nilla na mainggit sa akin kasi wala silang madaming pera.

Humagikgik ako sa mga naiisip ko.

Dapat mag trabaho para magkapera, hindi iyung isa kang hampaslupang palamunin sa pamilya mo!

Tapos kapag nagka-anak ipapa-ako sa parents iyung responsibilidad. Nagpapakasarap ang anak, samantalang ang mga magulang ay napapagod kakakayod. Dagdag palamunin.

May mga nadaanan ako na mga employees na nag chi-chismisan. Huminto ako para makinig sa usapan nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status