Share

Chapter 2 Contract

“Sumama ka sa akin sa office ko,” sabi sa akin ng matanda at sumunod naman na ako.

“Ano ang gusto mong ipagawa sa akin? Hindi kita ko masasabi sa’yo na mababayaran kita kaagad,” sabi ko sa kanya habang papasok kami sa office niya.

“Ano ang plano mo sa buhay?” Unang tanong niya sa akin.

Ano ba ang plano ko sa buhay ko? Syempre wala!

Dapat go with the flow sa buhay!

Ang buhay ay ine-ejoy lang iyan!

“Hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa mo. Baka ikaw pa ang sanhi ng pagkamatay ko,”

Grabe naman si tanda sa akin.

Mamamatay kaagad? Hindi ba pwedeng aatakihin muna?

“Azaria! Ikaw na bata ka! Bakit ganyan ka lumaki, huh?! Problema ang dulot mo sa pamilya na ito! Hindi ka magtatanda hangga’t hindi ka natuturuan ng leksyon!” Galit na sigaw na sa akin pero nilalabas ko lang sa kabilang tenga ang mga sinasabi niya.

Sumimangt ako sa harapan niya pero sinita niya ako.

“Umuwi na ang magaling mong apo, noh?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Matanda na ako at kapag namatay ako ay wala na mag-aaruga sa’yo,” ma-dramang sabi niya.

“Ang mga magulang mo ay ayaw na din sa’yo dahil problema ang binibigay mo sa kanila.”

Hindi ako nakikinig sa kanya.

“Kailan ka ba mag-aayos, ah? Pati ang kaibigan mo ay inutangan mo. Hindi ka na nahiya! Bigyan mo naman ng kahihiyan ang pamilya natin! Dahil sa’yo nag back out ang isa sa mga investor sa kumpanya, at mabuti na lang ay magaling si Nick,”

I rolled my eyes ng ibida na naman niya sa akin ang ampon niya.

Hampaslupang ampon!

Hmmph!

“Wala ka ng ginawang tama!”

Grabe naman siya.

“Pwede ba matulog muna? Pagod ako,” palusot ko.

Babawiin ko ang mga nawala sa akin. Sa ngayon ay kailangan ko munang makabangon.

Kawawang hampaslupa na ako.

“I want you to marry Nikolai.”

Naging seryoso ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

“Ano?!”

“Wala ka talagang respeto!”

Hinampas niya ako sa braso.

“Anong sabi mo?!” Tanong ko at hindi ko pinansin ang paninita niya sa akin.

“Marry Nikolai,” matigas na sabi niya.

Mabilis na nagbago ang expression ko.

“Ayaw ko!” Mabilis na tanggi ko.

At bakit ko papakasalan ang hampaslupang ampon na iyon?!

Kinuha niya ang lahat sa akin.

Pinalaki kasi siya ni lolo na bida-bida.

Lahat ng mga tao gusto siya.

Pinagmamalaki siya ng lahat.

Gustong-gusto sa kanya ng mga hampaslupang haciendero na kagaya niya kasi magaling daw siya at madaming alam.

Nakita lang naman siya sa tae ng kalabaw kaya inampon siya ni lolo.

Hindi ko papakasalan ang lalaking iyon.

“Bakit umuwi na ba siya?”

Hindi niya pinansin ang tanong ko.

Mabuti pa ang lalaking iyon ay pinadala sa ibang bansa para mag-aral.

Kalaro ko siya noong bata pa kami, at close kaming dalawa. Pero nu’ng napapansin ko na mas marami ang binibigay sa kanya na atensyon kesa sa akin. Mas nagalit ako sa kanya nang nalaman ko na ipapadala siya sa ibang bansa para doon mag-aral.

Masyadong favoritism ang mga tao dito.

Matalino daw kaya sa ibang siya mag-aaral.

Hindi naman ako bobo, slight lang.

Matalino nga ako dahil may na-scam ako.

“Kapag namatay ako ay wala ng magtatanggol sa’yo. Gusto ko siya ang pakasalan mo bago ako mawala.”

“Ayoko nga!” Mabilis na tanggi ko.

“Papakasalan mo siya o ibabalik kita sa kulungan?” banta niya sa akin.

“Madami ka ng atraso sa akin,” he added.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Masyado ka namin na-spoiled kaya ka ganyan umasta. Ngayon ako ang masusunod, pakasalan mo si Nikolai at wala ka ng magagwa sa bagay na iyon. Kapag may problema ka ay siya ang matatakbuhan mo. Hindi habang-buhay ay nasa tabi mo ako.”

Ano ba ang pinagsasabi ng matandang ito?

Ayaw ko tumakbo sa lalaking iyon dahil para ko na din tinaggap na mas lamang siya sa akin.

“Iba na lang ang ipagawa mo at huwag ang bagay na iyon! Twenty-five pa lang ako!” Inis na sagot ko sa kanya.

Gusto ko lang sa buhay ay magpakasaya. Magparty, gumala, at manlalaki.

Wala akong plano magpakasal.

Madami akong ex-fling.

Muli niya akong hinampas sa braso gamit ang stick niya.

“Wether you like it or not ay ikakasal kayo sa madaling panahon,” pinal na sabi niya.

“Tangina! Ayoko!” Mura ko at sinamaan ko siya ng tingin.

“Wala ka na magagawa sa disisyon ko Azaria. Para sa’yo itong ginagawa ko, para sa kinabukasan mo. Gusto ko mapunta ka sa lalaking aalagaan ka at hindi pababayaan. I want to secure your future,”

“At, iyung ampon mo ang naisipan mo na ipakasal sa akin?!”

Inis na ako.

Galit ako sa lalaking iyon dahil kinuha niya ang lahat sa akin.

Kumpanya namin ay nasa kanya.

Mga business ni lolo ay siya din ang humahawak. Simula ng may ibenta akong hacienda ay ibinigay na sa kanya ang lahat, at simula nu’n ay wala na akong maibenta, o magalaw sa mga properties namin.

Hindi ko makakalimutan ang galit ng mga tao sa akin nang malaman nila na nabenta ko ang isang hacienda. Hinahanap nila sa akin ang pera, pero wala na. Nagastos ko ang mga milyones sa apat na buwan.

Iyung mga pera ay napalitan na na ng mga resibo.

Madamot ang lalaking iyon.

Ang last na pag-uusap namin ay ang paghingi ko sa kanya ng mga papel sa isang resort namin sa Davao. Nasa ibang bansa siya noong tinawagan ko siya.

Nagising pa nga siya sa tawag ko.

“Nasaan ba ang ampon mo?! Alam ko nakauwi na ang lalaking iyon!” Matapang na tanong ko sa kanya.

“Azaria!” Tawag sa akin na matanda nang lumabas ako ng office niya.

Susugurin ko ang lalaking iyon.

Baka nga sa kanya unang sinabi ni lolo na magpakasal kami.

Alam ko nauna pa niyang nalaman ang bagay na ito. Palagi naman siya ang nauuna sa lahat.

“Manang! Pumunta na ba dito si Nikolai?! Alam ko nakauwi na iyon,”

Madami akong naririnig sa lalaking iyon noong umuwi siya. Hindi ko na din maalala kung kailan siya umuwi dahil wala naman akong pake.

“Ay oo ma’am, nandito po siya kahapon at umalis din po kanina,” sagot niya sa akin.

“Alam mo ba kung saan siya nagpunta?” Usisa ko.

“Alam ko lang po na pinupuntahan ni sir ay iyung hacienda at ang kumpanya. Nakapag work outfit po siya kanina. Baka po pumasok sa work ma’am,”

Hindi na ako sumagot sa kanya at iniwan ko na siya.

Bastos talaga ako kausap. Ganoon ako pinalaki.

“Good afternoon, ma’am,” bati sa akin ng mga tao sa kumpanya pero hindi ko sila pinansin.

Nagpahatid lang din ako sa driver ni matanda dahil ayaw niya ako pahiramin ng kotse niya.

Kilala ako sa kumpanya.

Sino ang hindi makakakilala sa akin sa dami ng issue ko. Lahat ng mga ginawa ko ay alam ng lahat.

Sanay na din akong pag-usapan ng mga tao. Nakukumpara na din ako sa kapatid ko.

“Nasaan ang boss mo?!” Matapang na tanong ko sa secretary ni Nikolai.

“Good afternoon po, ma’am. Inform ko lang po si sir na may bisita siya,” magalang na sabi niya sa akin.

Hindi ako nakinig sa kanya at pabalang ko na binuksan ang pinto ng office ni Nikolai.

Nadatnan ko siya na may pinipirmahan.

My world suddenly stopped when I saw him.

He is wearing a black corporate attire at ang buhok niya ay bagsak.

His broad chest and sharp jaw make me weak.

Nag tama ang tingin namin at mukha pa siyang nabigla pero mabilis din nakabawi.

May kung anong expression ang dumaan sa mukha niya.

Mas naging pogi siya.

For how many years ay ngayon ko lang siya nakita.

“Alam mo na ba ang plano ni lolo?!” 

Tinaasan niya ako ng kilay.

Itinabi niya ang kanyang pinipirmihan at hinarap niya ako.

I like his necktie, may kung anong clip ang nakaipit sa necktie niya.

“Why are you here?”

Ang lalim ng boses niya.

“Tangina, ah!” Mura ko.

“Alam ko may kinalaman ka sa plano ni lolo! Gusto niya na pakasalan kita! Ano ka sinuswerte?!” Asik ko sa kanya.

“It’s his decision, not mine,”

Aba!

“Eh! Bakit ka pumapayag?! Sabihin mo sa kanya na ayaw mo akong pakasalan! At saka, wala ka bang girlfriend, huh?! Sabihin mo kay lolo na huwag niya akong ipakasal sa’yo. Pilitin mo siya ngayon din!” Parang boss na utos ko sa kanya.

“I don’t have time for that. If you want, do it,” balewalang sabi niya sa akin.

“Akala mo ba hindi ko alam na kaya pumayag ka din na pakasalan ako ay para mas maka-access ka sa kayamanan namin!? Para mapunta sa’yo lahat ng mga kayamanan?!”

Hindi siya sumagot at tumingin lang siya sa akin.

“Pati kumpanya namin kinuha mo! Akin yan, eh!” I added.

“I know your plans. Sige! Papayag ako makasal ako sa’yo pero sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo!” I smirked.

Hindi ako kilala ng lalaking ito.

Parents ko nga hindi ako kinaya, siya pa kaya?

“I need money kaya ako pumayag! Gipit lang ako! Hmmhp!” Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

“It’s not what you think,” sabi niya sa mababang boses niya.

Hindi ko na siya pinansin at umalis na ako.

Alam ko hindi naman business ang kinukuha niyang course. Huling dinig ko ay nag shift siya ng business management.

Chismosa kasi ang mga tao sa mansion kaya na-uupdate ako sa mga nangyayari.

Sisiguraduhin ko na ibabalik niya ako kung saan ako nanggaling. Siraulo pa naman ko.

“Alam mo na ba ang chismis, teh? Nakulong ang apo ni Don.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status