Share

Billionaire's Obsession
Billionaire's Obsession
Author: aaytsha

Chapter 1 Accounts Payable

<Azaria>

“Tangina kasi! Babayaran ko din kayo!” Sigaw ko sa mga investor ko.

Ilang weeks na nila akong sinisingil at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad ko sa kanila.

Hindi lang naman sila ang na-scam kung hindi ako din.

“Kapag hindi mo pa kami binayaran next week ipapakulong ka namin!” Sigaw niya pabalik sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin habang papalayo siya sa akin.

Tangina kasi!

One month na nila akong sinisingil at hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera.

Iyung malaking pera na ininvest nila sa akin ay kinuha ng mga kasama ko.

May kasama ako na nagtayo ng investing company, pero ginago ako.

Hindi ko alam kung paano mababayaran ang mga nag invest sa akin. Hindi ko alam kung paano mababalik ang mga pera nila.

Nabenta ko na din ang mga gamit ko pero it’s not enough.

Malaking pera ang kailangan ko, at kailangan ko ng maibalik ang pera nila.

Isa akong malaking kahihiyan kapag nakulong ako.

Alam ko na pagtatawanan ako ng mga taong nakakakilala sa akin kapag hindi ko naresolba ang problema na ito.

350 Million ang kailangan ako at saan ko kukunin iyon?

“Tangina! Paano mo mababayaran ang mga utang mo?! Azaria ano ba kasi ang ginagawa mo?! Bakit nagkaganu’n ang business mo?” Katak sa akin ng kaibigan ko.

Nasa niya ako at nakaupo ako sa sofa. Habang siya ay nakapameywang sa harapan ko.

Malilintikan ako apag nalaman ito ng parents ko.

Ayaw kong pagtawanan ako ng ibang tao, at malaking kahihiyan kapag nakulong ako.

“Tulungan mo ako,” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Hindi naman kasi scam iyon,” I added.

It spread na gumawa ako ng investing company scam.

Ang alam ng lahat ay nang scam ako, pero hindi.

Binansagan nilang investing scam company ang business ko.

“Gumawa ako ng system na mas malaki ang pera na kikiktain at mas madali. Hindi ko naman alam na tatalikuran ako ng mga kasama ko. Ninakawan ako, at hindi ko alam kung saan sila hahanapin. Ninakawan ako ng mga kasama ko na gumawa ng Az Coins. Tangina! Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari! Hindi ko na mabayaran ang mga pera nila kasi ninakaw sa akin ang mga ininvest nga mga chanak na iyon,” paliwanag ko habang naiiyak na.

Hindi na ako makakain dahil nag-iisip ako ng paraan.

Tinulungan na din ako ni Hailey, pero hindi kaya ng powers naming dalawa.

“Bakit mo kasi naisipan na gumawa ng ganoong business?!” Asar na tanong niya.

Stress na siya sa akin.

Yumuko ako.

“Eh, kailangan ko ng pera sa mga luho ko. At gusto ko patunayan sa mga parents ko na mayaman ako, at kaya ko magpatayo ng business without anyone’s help.”

Tumingin ako sa kanya nang sinabi ko ang dahilan ko, kung bakit ako nakaisip ng ganoong investment.

“Tapos iyung company namin ay nakay Nikolai. Ang lalakimg iyon ang nagpapatakbo ng kumpanya namin! Anak naman din nila ako. Ako ang tunay na anak! Bakit hindi nila sa akin pinaubaya yung kumpanya namin?!” Sigaw ko sa kaibigan ko.

Mukhang nainis si Hailey sa sinabi ko.

“Paano ka pagkakatiwalaan ng parents mo sa mga ginagawa mo?! Ninakawan mo sila ng pera para may pang waldas ka. Palagi kang nasa bar. Jusko, hindi ka na rin umuuwi sa inyo. Tapos binenta mo ang isang hacienda niyo para lang bumili ng bag na nagkakahalaga ng milyones! Tangina! Mabuti na lang hindi ka itinakwil ng mga magulang mo dahil sa mga kalokohan mo!”

Tumingin ako kay Hailey na nagmamakaawa.

Marami pa akong worst na bagay na ginawa.

I didn’t spend my money rights.

Dahil sa sama ng loob ko nakagawa ako ng investing company, pero hindi naging maganda ang kinalabasan.

“Gusto ko ipamukha sa lahat na kaya ko. At nagkamali ang mga parents ko na hindi nila ipinagkatiwala sa akin ang company.”

Competitive akong tao.

“Hays! Iyang isip mo kasi baluktot!”

“Kasalanan mo iyan!” Inis na sabi niya at umupo sa harapan ko.

Nababalliw na ako.

Ayaw ko makulong.

“Hailey,” nagmamakaawa at nababaliw na tawag ko sa pangalan niya.

“Umutang ka na lang sa lolo mo! Hindi ko na alam kung paano ka tutulungan dahil binenta ko na ang condo ko para lang may pangbayad ka,”

Gusto ko na umiyak.

Wala na din akong condo at kotse dahil nabenta ko na.

“Ayaw ko umutang du’n! Kapag nagpatulong ako sa kanya sasabihin na naman niya na kesyo mas magaling ang ampon niya. Bakit hindi ko gayahin ang ampon niya!” Bwisit na sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung umuwi na ang ampon niya. Pinag-aral niya iyon sa ibang bansa, samantalang ako ay dito lang.

Mas favorite nila ang lalaking iyon compare sa akin.

Pero ang narinig ko sa mga kasambahay ay nakauwi na ang hampaslupang ampon na iyon. Pero hindi ko pa siya nakita, at ayaw ko makita ang pangit niyang pagmumukha!

Dapat hindi na bumalik ang lalaking iyon!

“Napaka ma-pride mo talaga! Anong gusto mo? Makulong ka?! Edi go! Wala na ako maitutulong sa’yo, Azaria!”

Nagsisigawan na kaming dalawa.

“Hailey,” iyak ko.

Ang bobo ng mga taong iyon, sa tingin ba nila makakahanap ako ng ganoong kalaking pera in just one week?!

Anong tingin nila sa akin? Tumatae ng pera?!

I stomped my feet sa inis.

“Napaka spoild brat kasi,” bulong niya.

Dumaan ang isang linggo at wala akong nahanap na pera kahit na isa.

Pati ang pagkain ko ay galing kay Hailey.

“Hailey! Tawagin mo si lolo!” Sigaw na sabi ko sa kanya habang kinukuha ako ng mga pulis palabas ng bahay niya.

“Bitawan niyo ako!” Sigaw ko ng hawak pa rin ako ng mga pulis papasok ng prisinto.

“Fill in mo mga ‘yan,” utos sa akin ng isang pulis at may ibinigay sa akin na papel at ballpen.

Hindi ako makapaniwala na makukulong ako.

“Kung hindi mo kayang kumuha ng laywer ay ang government na ang tutulong sa’yo.”

“Teka lang, pwedeng hintayin na muna natin ang kaibigan ko? Kasama niya ang lolo at babayaran ko ang mga taong iyon,” pakikiusap ko sa mga pulis.

Binigyan ko sila ng mga nagmamakaawang mukha.

Hindi ko na din mapigilan na maiyak.

Bakit nangyayari sa akin ang mga ito?

Sa kagustuhan ko magapera at mabili ang mga gusto ko ay naging ganito ang lahat.

“Pwede din ba makitawag?”

Gusto ko ng update kung napuntahan ni Hailey ang lolo ko.

Ayaw ko makulong.

Ayaw kong pagtawanan.

Less than thirty minutes lang ay nandito na si Hailey at lolo.

Lumapit si Hailey sa akin at niyakap niya ako.

My grandfather saw, and I saw the disappointment in his eyes.

“Lolo, please, palabasin mo ako dito,” pagmamakaawa na sabi ko sa kanya.

“Can you give us privacy to talk?” Mahinahon na paki-usap niya sa mga tao.

“Why are you here?”  Seryosong tanong niya sa akin.

“Tulungan mo ako makaalis dito. Pyansahan mo ako,” umiiyak na sabi ko sa kanya.

“Nag drugs ka ba kaya ka nakulong?”

Umiling ko sa kanya bilang sagot.

“Kailangan ko ng pera,” panimula ko.

“Tinabakbuhan kasi ako ng mga business partner ko. Nag invest siya sa sa akin pero hindi na niya finund ang business ko. Tapos may naging business partner ako na pinautang ako ng malaking pera to fund my business. Hanngang sa hindi ko na kayang bayaran lahat,” amin ko sa kanya.

“Humingi ka ng tulong sa mga magulang mo. Nagsawa na ako kakatulong sa’yo.”

Napatuwid ako ng upo dahil sa naging sagot niya.

Wala siyang balak na tulungan ako.

Mas lalo akong naiyak.

“Tulungan mo na ako,” pagmamakaawa ko sa kanya.

“Palabasin mo na ako. Pangako ko sa’yo na gagawin ko ang gusto mo. Kahit na anong sabihin mo susundin ko,” desperadang sabi ko.

“Paano mo ako mababayaran? Mga business ng parents mo ay binenta mo. Binenta mo din ang isang hacienda ko. Sa tingin mo pagkakatiwalaan pa kita? Nagsawa na ako kakapangaral sa’yo, Azaria.”

“Hindi na kita kinakaya,” he added.

“Sige na. Palabasin mo na ako dito. Pangako, last na ito,” I riase my hand to make a promise.

“Ikaw ang sutil sa lahat. Hindi naman ganyan ang nanay mo noong pinalaki ko siya -” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng pigilan ko siya.

“Palabasin mo na ako dito, at sa bahay na natin pag-usapan ang gusto mo. Kapag hindi ako sumunod ay ipakulong mo ako,”

Ayaw ko dito ang daming lamok at mainit.

Hindi ako bagay sa mga lugar na ito.

“Sige na! Ang baho dito, gusto ko na umuwi!” Parang batang sabi ko.

“Promise, kapag nakabawi ako ay babayaran kita,”

Umiling lang siya at wala ng sinabi.

Alam ko na tutulungan niya at hindi niya ako matiis. Iiyakan ko lang siya ay bumibigay niya.

Siya din ang nagtatanggol sa akin noong inaaway ako ng mommy ko dahil sa mga ginagawa ko.

Pinag pyansa niya ako at nakausap niya din ang mga investor ko na babayaran niya ang mga ito ngayong araw.

“Sumama ka sa akin sa mansyon at may pag-uusapan tayo.”

Hindi ako sumagot sa kanya.

Hindi na namin kasama si Hailey dahil aasikasuhin niya ang library spa niya.

Tumingin ako sa daan.

Wala na akong utang, pero hindi pa rin ako masaya. Malungkot ako dahil nabenta ko lahat ng meron ako.

Mga damit na lang ang meron ako. Wala na din akong pera ni isa.

Sa kalsada na ako yata ako pupulutin.

May isa pa akong condo, pero wala sa akin dahil kinuha ng parents ko.

Binawi nila ang condo na iniregalo nila sa akin.

“Dito muna ako tumira, ah,” sabi ko sa kanya nang nasa loob na kami ng mansyon niya.

“Sir Nikolai!” Dinig ko na sigaw ng isang kasambahay pero hindi ko na pinansin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status