Share

Chapter 23

Ganoon lang nangyari sa buong party. Nag-inom lang kami roon kasama ang mga dating kaibigan. Sumama rin ang grupo ni Marcus sa amin dahil magkakaibigan naman kaming lahat doon. Kahit nagkakasiyahan kami roon ay limitado pa rin ang pag-inom ko. Pakiramdam ko kasi ay may mangyayari na namang hindi maganda kapag nagpakalasing ako sa gabing 'yon.

"Shot mo," sabi sa akin ni Marcus.

Napatingin naman ako sa hawak niyang baso na may laman na alak. Hard drinks na ang iniinom nila ngayon at nasa isang lamesa lang kaming lahat. Napailing naman ako at inilayo ang kamay niya sa harap ko.

"Wow. Tumatanggi ka na ngayon?" tanong niya pagkatapos ay natawa.

"Mukhang nagbago na nga talaga siya," sabi naman ni Liam na nasa tabi ko rin.

Nakagitna ako sa kanilang dalawa ni Marcus ngayon at abala ang mga kaibigan namin sa pagkukwentuhan. Halos kompleto nga sana kami roon kaya lang ay wala kasi si Stella at Caroline.

"Yeah. Baka pinagbawalan ng boyfriend niya na 'wag uminom ng marami ngayong gabi," sag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status