Share

Chapter 108

Mabilis na lumipas ang mga araw at madami na ring mga pagbabago ang nangyari. Patuloy pa rin sa pagtatraining ang mga estudyante at halos bihasa na silang lahat.

Simula rin ng gabing iyon ay hindi ko na muli pang nakita si Jacob ngunit alam kong nandito pa rin siya sa Magnuth. Nakausap ko si Sebastian kahapon at hindi ko napigilan na hindi siya tanungin kung kamusta na si Jacob. Ayon sa kanya ay malimit na lang itong magsalita at sa border at kwarto na lang daw ito laging naglalagi. Sinabihan ako ni Sebastian na huwag raw muna ako magpapakita sa kanya para hindi ito masyadong mahirapan.

Sana nga ay maging maayos na rin siya. Gustuhin ko man siyang kamustahin pero hindi iyon maaari. Sasayangin ko lang ang ginawa naming sakripisyo ng gabing iyon.

"Asan nga pala si Liam? Hindi ko na siya nakikita ah," tanong ko kay Dean na nasa tabi ko na nagluluto.

Pagkatapos kong putulin ang ugnayan namin ni Jacob ay halos araw-araw na nandito si Dean sa tinutuluyan ko. Na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status