Share

Chapter 109

Masama ang tingin na sinundan ko si Samantha habang paalis. Kung makapang-insulto ay akala mo naman kung sino. Ngayon na napapansin na niya ang pagiging malapit namin ni Dean ay unti-unti na niyang pinapakita ang kanyang kulay.

Bago pa tuluyan na masira ang araw ko ay umalis na ako nang makapagpahinga na rin para mamayang gabi.

Tinawagan ko si Koko at ayun sa kanya ay nakalabas na raw ng hospital ang aking ama at kasalukuyan itong nagpapagaling ngayon sa bahay. He was very upset when he saw the current state of the hacienda. Pinaghahanap niya raw si Samantha para kausapin pero hindi raw nila ito mahagilap. Ngayon ay si Tita Eliza na ang nag-aasikaso sa hacienda at sa aking ama habang si Koko ay sa bayan naman.

I think I need to make time to visit him one of these days. Hindi naman ako magtatagal at papayagan naman ako siguro ni Dean.

Naghanda na ako papuntang palasyo. Normal lang na damit ang sinuot ko dahil wala namang sinabi na dress code.

Gamit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status