Share

Chapter 68

Nagsimulang umalog ang balikat ng kawal. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang mga mahihina nitong pagtawa. Hindi tawa ng isang lalaki kundi tawa ng isang babae. Ang tawa nito ay nakakapanghilakbot at ang ilan sa aking mga balahibo sa braso ay nagsisipagtayuhan na rin.

Nakaramdam ako ng isang itim na aura na lumalabas galing sa kanya. Gustuhin ko mang tumakbo palayo ay hindi ko iyon magagawa, hindi ko ito matatakasan lalo na at hindi normal na tao ang kaharap ko.

Ngunit isang bagay ang nasisiguro ko, hindi ito isang lobo dahil alam ko sa sarili kong ibang klaseng nilalang ito.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit at paano ito nakapasok sa teritoryo ng Magnuth sa kabila ng higpit ng ginagawa nilang pagbabantay sa bawat border.

Sino siya? Ano ang kailangan niya sa akin?

Dahan-dahan na gumalaw ang kabayo at humarap sa akin.

Literal na naestatwa ako sa aking pwesto sa nakikita na tagpo sa aking harapan. Patuloy pa rin ang kawal sa pagtawa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status