Share

Chapter 73

Kaming dalawa lang ni Sebastian ang nagsalo sa agahan. Pagkatapos kasi na mawalan ng malay si Jacob ay agad siyang nagpatawag ng mga kasamahan nila sa first division upang dalhin si Jacob sa kanilang pribadong isla. Hindi na nila ipinagpabukas pa dahil baka makawala pa si Jacob sa paningin nila.

Sumama rin si Sebastian at kami lang ni Leon ang natira doon sa dalampasigan kaya napagpasyahan namin na umuwi na rin. Si Leon na rin ang nagmameho pauwi sa Wrangler ni Jacob.

"Nakahanda na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Sebastian.

"Yep. Mga dalawa o tatlong araw lang naman kami doon kaya kaunti lang ang dinala kong mga gamit. Siguro ay nakauwi na rin si Jacob sa mga araw na iyon," sagot ko.

Nakatanggap kasi ako kagabi ng mensahe galing kay Dean. May kawal na nanggaling sa palasyo at may dalang sulat kung saan naglalaman ang kanyang mensahe.

Ayon sa nakalagay sa sulat ay lalakad daw kami papuntang Ursul dahil sa pagpupulong na magaganap sa pagitan ng liman

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status