Share

Chapter 77

Pagdating namin sa malapalasyong bahay ni Alpha Zenon ay agad kaming sinalubong ng mga tagapaglingkod. Kinuha nila ang mga gamit na hawak namin at nakayukong pumunta sa likod namin habang sinusundan kami sa paglalakad.

Nagkalat ang mga kawal sa paligid ng malaking bahay at mahigpit ang kanilang pagbabantay. Mahahalata na meron talagang importanteng mangyayari ngayong araw na ito at sa mga susunod pa na mga araw.

"Ako pa lang ba ang nandito?" tanong ni Dean kay Alpha Zenon habang binabaybay namin ang mahabang pasilyo.

Tumango ito. "Maaga pa naman. At kung sakali man na hindi sila dumating ay tayo na lang ang mag-uusap. Nakuha mo man ang loob ni Alpha Keith  pero hindi ako sigurado kung aapak siya dito sa teritoryo ko."

Habang nasa daan kami kanina ni Dean ay nabigyan niya ako ng kaunting impormasyon tungkol sa mga Alpha. Normal lang na hindi sila nagpapansina at walang pakialam sa iba pero si Alpha Keith at Alpha Zenon daw ang meron talagang hidwaan s

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status