Share

Chapter 84

Nang bumagsak ang huling Rogue ay biglang tumahimik ang lahat. Umuusok pa ang dulo ng baril  dahil sa sunod-sunod kong pagpapaputok.

Huminga ako ng malalim at nang makalma ko na ang mabilis na pintig ng aking puso ay bumaba na ako sa likod ni Jacob.

Agad na nagsilapitan sa amin sina Sebastian at Leon habang ang mga mamamayan ay maang at hindi makapaniwala na nakatingin sa mga lobo na kasama ko.

Nagsimula na silang magbulong-bulongan.

Mula sa loob ng Capitol ay lumabas si Koko. Duguan ang damit niya at may sugat ang kanyang mukha.

"Lauren.." Agad niya akong niyakap. Nang maramdaman ko ang mainit na likido sa balikat ko ay mahigpit kong niyakap pabalik si Koko.

"It hurts.. I thought we're done," aniya sa paos na boses.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Papano ko sasabihin sa kanya na ako ang dahilan kung bakit nangyari ito? Sila at ang mga inosenteng mamamayan ng Asthad ang nagbayad imbes na ako.

Kumalas na si Koko na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status