"We're going Lauren," ani Jacob.
Tanghali na at nasa bukana kami ng Centro. Babalik na kasi sina Jacob sa Magnuth. Gusto pa sana nilang magtagal at tumulong dito pero hindi na kailangan. Sobrang laki na ng naitulong nila sa amin. Kami na ang bahala sa mga gawain dito. Kailangan din nilang bumalik agad sa Magnuth dahil madami rin silang gawain doon. Hindi ko na sila pwede pang abalahin ng sobra-sobra. Paniguradong alam na ito ni Dean at ayaw kong pumunta pa siya dito upang pagalitan ako sa pagsama ko sa kanila at pagdamay ko sa problema ko.
"Maraming maraming salamat sa inyo, Jacob, Sebastian, Leon," wika ko at tiningnan sila isa-isa.
Jacob patted my head, Leon pinched my cheeks while Sebastian nodded his head.
"Ikinalulugod namin na tulungan ka Lauren at ang bayan na pinagmulan mo," ani Jacob.
"Basta yung usapan na ililibre mo ako pagbalik mo ng Magny ah?" ani Sebastian.
"Oo na," tawa ko.
"How about me Lauren? A date will do," wika na
Matapos ng pag-uusap namin na iyon ni Koko ay itinuloy na namin ang naudlot na lakad namin. Habang nasa daan kami ay tahimik lang kaming dalawa at may kanya-kanyang iniisip.Ang daan na tinatahak namin ay patungo sa mga kulungan na ginawa pa ng mga kastila noon sa kapanahonan nila. Mas matanda pa iyon kaysa sa akin pero gawa sa mga purong bakal ito at kahit pinaglumaan na ng panahon ay sobrang tibay pa rin ng mga iyon. Hindi na iyon ginagamit dahil bukod sa meron namang kulungan sa prisinto, lahat ay natatakot na pumunta doon dahil meron daw nagpapakita na mga multong kastila.Inayos ko na ang aking sarili nang namataan ko na ang lumang light post kung saan iniilawan nito ang harapan ng kulungan.Bumaba na kami ni Koko ng sasakyan. Habang pinagmamasdan ko ang kulungan na nasa aking harapan ay hindi ko masisisi ang mga mamamayan kung bakit sila natatakot na magpunta dito. This place is really creepy. Lumalangitngit pa ang mga bakal na duyan kahit na wala na
Pagkalabas ko ng gusali ay sinipa ko ang nakita kong trash bin na katabi ng pintuan. Umalingawngaw iyon at gumulong sa lupa. Nagagalit ako pero hindi ko alam kung kanino ko dapat ibaling ito. Tapos na rin naman ang lahat. Wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang lahat dahil hindi na maibablik pa ang nakaraan.Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay biglang nagring ang aking cellphone.Kinuha ko ito. Unregistered ang number pero sinagot ko pa rin."Hello?" bungad ko."Ma'am Lauren! Come back here in the hospital!" aligagang turan ng isang babae. Base sa boses nito ay alam ko na kung sino ito. Ito yung nurse na pinagalitan ako dahil sa kasisigaw ko kahapon.Agad akong ginapangan ng kaba. Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone."B-Bakit? May problema ba?" tanong ko."You're father had an heart attack!" sigaw niya sa hinihingal na boses.Pinatay ko na agad ang tawag at halos patakbong nilapitan ang sasakyan ni Koko. Sa nangingi
Magtatanghali na ng makauwi ako sa mansyon. Dahil sa nakita kong dami ng mga nagkamatay na mga hayop sa hacienda ay tumulong na rin ako sa pagsusunog sa mga ito. Halos wala ng kalahati sa mga hayop ang natira at nakaisolate. Nabakunahan ulit sila at umaasa akong sana ay makaligtas ang mga ito. Ang karamihan sa mga trabahador namin dito sa hacienda ay pansamantala na munang umuwi dahil sa nangyari at sa kawalan na ng aasikasuhin dito sa hacienda.Maayos din ang kalagayan ng mga katiwala dito sa bahay na naiwan."Ma'am Lauren, dito po ba kayo magpapalipas ng gabi?" tanong ni Sherly na ngumunguya.Kasalukuyan kaming nagtatanghalian ngayon. Salo-salo kaming lahat dito sa hapag kainan ayon na rin sa utos ko. Ayaw pa nila sa una pero pinilit ko sila. Ngayon na lang ako ulit umuwi at baka matagalan na naman bago ako bumalik."Hindi," iling ko. "Kailangan ko rin agad bumalik sa hospital para bantayan si Dad. Kukunin ko lang ang mga pinapakuha ni Aling Rosing," sa
Malalim na ang gabi pero karamihan pa rin sa mga tao ay gising na gising pa at isa na ako doon. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa rooftop ng hospital at nakatingin sa lawak ng Centro.Si Tita Eliza ay nagpasyang dito na sa hospital magpapalipas ng gabi, dahil bukod sa pagod siya sa biyahe ay mahahalata rin sa kanya na sobrang namiss niya ang kanyang asawa.Nakapag-usap na kaming tatlo kanina nina Koko. Gaya ng inaasahan ay umuwi siyang walang dalang magandang balita. Wala siyang napala sa pagpunta niya sa ibang bansa upang mangalap ng mga data. Ayon sa kanya ay hindi lang iisang bansa ang kanyang pinuntahan kundi marami.She just wasted a lot of time for nothing. But she only did that in hope that my father will get better.Kung nalaman ko lang ng mas maaga ang katotohanan ay sana pinigilan ko na siya sa pag-alis niya noon.Ang mahalaga ay nandito na siya para may kasalitan din naman si Aling Rosing sa pagbabantay kay Dad at para mayrong katulung
"Mabuti at gising ka na," wika ko sa babae. Nagkakape ako ngayon at nakaluto na rin ako ng almusal namin. Alas singko na ng umaga. Medyo madilim pa sa labas at sakto lang na sisikat ang araw pagkatapos naming kumain.Umupo ang babae sa kaharap kong upuan. Ngayon na nagkaroon na siya ng sapat na pahinga ay mukhang matino na siya. I treated her wounds while she's asleep. Ako na rin ang nagpalit sa damit niya para komportable naman siyang matulog."I supposed that you are Lauren," aniya habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato."How come you know my name? Ngayon lang tayo nagkita," wika kong nagtataka. Imposible naman kasi na nabanggit ako ni Koko sa kanya.Saglit siyang natigilan pero sumagot din. "Don't underestimate my knowledge," aniya.Naglagay na rin ako ng pagkain sa aking plato at nagsimula na ring kumain. "After this meal, I'm leaving. And it's better for you to leave this place as well," wika ko na nakatingin sa aking pagkain."I
"Jacob Lauren has arrived!"Nandito ako ngayon sa border ng Magnuth at kaharap ang mga borders na pang-umaga. Nang makita nila akong palapit ay agad nila akong pinapasok at wala ng tanong-tanong pa."Jacob!" sigaw ulit ng mga border.Hays. Bakit pa nila kailangang sumigaw at tawagin si Jacob? Magkikita rin naman kami ah.Mula sa itaas ng malaking puno ay tumalon si Sebastian doon pababa.Malawak ang pagkakangiti niyang humarap sa akin."Yow Lauren. Akala ko ay matatagalan pa bago ka bumalik dito. Mabuti naman dahil merong isa diyan na hindi makatulog simula ng bumalik kami," tawa niya.Tumingin kami sa itaas nang makarinig kami ng kaluskos doon. Mula sa makapal na mga dahon ng puno ay lumabas doon si Jacob."Stop spreading lies Seb. Hindi ka nakakatuwa," aniya at bumaba."Eh totoo naman ah. Look at yourself, para kang nanganak ng sampong bata," wika pa ni Sebastian na tumatawa.Pinagmasdan ko si Jacob.
Henry and Melvin didn't shift. Nasa tabi ko lang sila at sinasabayan ang bilis ng takbo ng aking kabayo. Hindi nila ako kinakausap na siyang lubos na ipinagpapasalamat ko.Kahit papaano ay natatandaan ko pa ang daan kung asan ang bahay ng mangkukulam na nagngangalang Esperanza. Walang kasiguraduhan kung nasa bahay nga niya ito pero nagbabakasakali akong sana nga ay umuwi na ito. I badly need her help. Kung sakaling wala siya ay baka mapilitan na akong lumapit sa iba pang mga mangkukulam na pwedeng tumulong sa akin.Buong araw ay hindi natanggal sa isip ko ang mga salita sa sulat na bigay ni Charlie. Lahat ng mga nandun ay gusto kong malaman ang kasagutan pero sa ngayon ay ito muna ang uunahin ko dahil mas importante ito.Itinigil ko na ang kabayo nang nasa tapat na kami ng bahay ng mangkukulam. Walang ilaw sa loob at labas ng kahoy na bahay. Ang tangi lang na umiilaw ay ang kulay asul na tubig na nakapalibot sa buong kabahayan."Si Madam Esperanza ang sad
Mabilis akong nagpaalam kay Madam Esperanza. Hindi ko na binigyang pansin si Henry at nagtuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Wala na rin akong pakialam kung narinig niya ang lahat ng mga pinag-usapan namin. Nasa sa kanya na kung ipagkakalat niya ito sa kanyang mga kasamahan.I can not explain the anger that I'm feeling right now. All along, Dean was really playing with me. Halos mabaliw ako araw-araw sa kakaisip sa aking ama at sa kalagayan niya. Ang dami kong ginawa pero lahat iyon ay wala man lang akong nakuha.Bakit ganun siya? Bakit kailangan pa niya akong paglaruan ng sobra-sobra?Sumampa agad ako sa likod ng aking kabayo at mabilis itong pinatakbo."Sandali!" tawag nila Henry sa akin pero hindi ko na sila nilingon pa.My vision is blur because of my non stop tears. Hindi na mafocus pa ang tingin ko sa daan dahil sa pag-iyak ko.Sari-saring mga emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, galit, sakit, at panghihinayang.Hindi ko