"DOC, bumalik na po ang heart rate ng pasyente."
Saka lang nakahinga ng maluwang si Andrea Mikaela nang marinig iyon sa isa sa mga nurse na nag-assist sa kaniya sa loob ng operating room.
She's currently operating the patient, para alisin ang brain tumor nito nang bigla na lang huminto ang heart rate nito. Kaya kinakailangan nila muna itong i-revived at pabalikin sa normal ang tibok ng puso nito bago niya ipagpapatuloy ang operasyon dito. And thank God, the old woman’s heart rate came back.
Hindi lang din naman siya ang nakahinga ng maluwag, pati na rin ang mga kasama niyang nasa loob ng operating room. After a couple of an hour, the operation was done, and it was successful.
"Thank you so much, Dra. Del Rio," puno ng pasasalamat na sabi ni Mr. Gregorio Villanueva nang sabihin niya rito na successful ang operasyon ng asawa nitong si Mrs. Evangeline Villanueva.
"She will be transferred at the recovery room, kung magtuloy-tuloy ang response ng kalusugan niya."
"Thank you so much, Doc." ani ng babaeng anak nito, na kasamang naghihintay rito sa labas ng operating room.
She just nodded her head at them, at kaagad ng nagpaalam. Masaya siyang may nailigtas na naman siyang buhay ng isang pasyente sa tiyak na kamatayan. And hopefully, tuloy-tuloy na ang paggaling ni Mrs. Villanueva.
This is not the first time she operated a patient with brain tumor. Pero kahit na pangatlo na si Mrs. Villanueva sa inu-operahan niya sa utak sa loob ng isang taon bilang isang neurologist, naroon pa rin ang takot niya na baka—
Agad niyang ipinilig ang ulo at binura sa isip niya ang nangyari noon. Pinapangako rin naman niya na hindi na niya hahayaan pa na maulit iyon. Na may mamamatay ulit sa kamay niya. Not under her watch.
Nang makapasok siya sa loob ng kanyang opisina ay nahahapong kaagad siyang sumalampak sa kanyang swivel chair. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa sandalan ng kaniyang upuan at pumikit.
Hindi biro ang naramdaman niyang takot kanina. Akala niya hindi na niya maibalik ang pasyente at hindi niya ito mailigtas.
Mrs. Evangeline Villanueva had a stage 3 brain tumor. At bihira iyon para sa isang pasyente na makaligtas pa lalo na at may edad na rin ang ginang. Pero mukhang malakas yata si Mrs. Villanueva sa may Likha.
Wala sa sariling napangiti na lang siya at tahimik na umusal ng pasasalamat sa Kanya.
Napadilat siya ng mga mata nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng kanyang desk. Dinampot niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Dhie's Calling...
Kaagad siyang napangiti nang makita niyang ang kanyang ama ang tumatawag.
"Yes, Dhie," nakangiti at masiglang sagot niya. Pero mas lumawak pa ang ngiti niya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina sa kabilang linya.
"How was the operation? Was it successful?" tanong nito kaagad nito sa kaniya. Napangiti na naman siya. Alam kasi nito na may o-operahan siyang pasyente ngayong araw.
Hindi man nito sinasabi sa kanya pero alam niyang palagi itong nagdarasal para sa kaligtasan ng mga pasyenteng hinahawakan niya.
She was in her first year as a resident doctor at Del Rio Medical Center when her first patient died on her hands. Hindi man siya ang nag-o-opera but still, she was part on that operation.
At hindi maganda ang naging epekto niyon sa kanya. She was down to the point that she wanted to quit being a doctor and don't want to pursue as a neurologist. Umabot din sa puntong tinanong niya ang sarili kung bakit isa siya sa mga nag-top sa board exam kung hindi naman talaga siya magaling?
At iniiyakan iyon ni Mhie. Naroon ito at si Dhie sa tabi niya. Pinapaintindi ng mga ito sa kanya na may mga gano'n talagang cases na kahit gaano pa niya kagustong iligtas ang isang pasyente kung talagang oras na nito, mamamatay talaga ito.
"Yeah, Mhie," sagot niya, hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi.
"Oh, thank God!" sambit nito, tila nakahinga rin ng maluwag sa naging sagot niya. "Narinig mo ang sinabi ng prinsesa natin, Andrew? Ligtas na ang pasyente niya."
Narinig pa niyang sumbong nito kay Dhie. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang matawa.
"Yes, baby."
Mas lalo siyang napangiti sa narinig niyang sagot ni Dhie sa kaniyang ina. She always admired how her father loves her mother so much. And ever since, nangangarap na rin siya na makatagpo ng lalaking kagaya ni Dhie na mamahalin din siya ng sobra.
Ang kaniyang ama ang batayan niya sa lalaking mamahalin niya. Kung hindi kagaya ng Daddy niya, mas mabuti pang tumandang dalaga.
She chuckled at her own thought.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pinagdaanan ng kaniyang ina noon kay Dhie. Her mom was just a substitute bride, at matagal din itong nagdurusa sa piling ni Dhie. Umalis si Mhie pero hindi tumigil si Dhie sa paghahanap hanggang sa matagpuan sila nito. Sobrang mahal na ni Dhie si Mhie. Naging buo at masaya ang kanilang pamilya pero dahil sa trahedyang iyon ay bigla na lang nagbago ang lahat.
Unti-unting nawala ang pagkakangiti niya.
But despite of what happened, si Dhie pa rin ang number one sa puso niya, ang hero niya.
"Now, can I talk to our princess?" Napakurap siya nang marinig niya ulit ang boses ni Dhie sa kabilang linya at ilang saglit pa ay ito na ang kausap niya. "Addie, can you go home before six in the evening?"
Nang umuo siya ay kaagad na itong nagpaalam. Nakipag-usap pa siya saglit kay Mhie bago siya nagpaalam dito.
"Okay, Addie. Take care. We'll wait for you here. I love you."
Napangiti siya. "I love you too, Mhie." aniya saka ibinaba ang phone sa table niya.
Sobrang busy niya at halos buong oras niya ay nasa hospital siya. She's too dedicated on her chosen profession and she's happy with it.
Napatingin siya sa may pinto ng kanyang opisina nang marinig niya ang tatlong magkasunot na pagkatok mula roon. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang kanyang secretary.
"Yes, Miss Clemente?" Napahinto naman ito, isang pulgada ang distansya mula sa kanyang lamesa.
"Doc, the CEO of Montreal Pharmaceutical wants to have an appointment with you."
Agad naman na kumunot ang noo niya sa sinabi ng kaniyang sekretarya.
Why so sudden when they already declined her proposal?
Noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng problema sa supply ng mga gamot ang Del Rio Medical Center. Sa dami ng mga pasyente nila ay hindi na kakayanin kung sa iisang pharmacy lang sila kukuha ng mga gamot kaya naghanap siya ng ibang pharmacy na kakayanin ang demand ng DRMC.
And Montreal Pharmaceutical is one of the biggest pharmacies in the country, even abroad. At nakasisiguro siya sa mga gamot na binebenta ng mga ito, that's why she wanted to have a deal with the CEO, pero ang siste ay tinanggihan sila nito.
"They already declined my proposal, so why he wants to talk to me now?" she asked coldly. Nakita naman niya ang pagngiwi ni Kalilah.
"Sabi kasi ng secretary ni Mr. Montreal, Doc, na hindi naman daw ito ang nagbasura no'ng proposal niyo sa kanila." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
"Is he fooling me? Kung hindi siya, sino?" May bahid ng galit ang boses niyang tanong sa babae. Napaka-unprofessional naman kung gano'n. At hindi ba sole owner iyon ng pamilya? Bakit may ibang nakikialam?
"Hindi sinabi, Doc. Pero nang panahon daw na iyon na nagpa-set ka po ng appointment sa CEO, ay nasa ibang bansa po raw noon si Mr. Yohan Everett Montreal at ang nakatatandang kapatid daw nito ang acting CEO noon."
Nahahapong napasandal siya sa kanyang upuan. She closed her eyes in frustration.
Damn it!
"Set the appointment on Friday. Dinner time." aniya sa sekretarya nang magmulat siya ng mga mata.
Kaagad naman itong napatango. "Yes, Doc." Akmang tatalikod na sana ito nang tawagin niya ito ulit.
"Po, Doc?"
"You can go home after. Uuwi naman na ako." aniya, nakita naman niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng dalaga.
"Thank you po, Doc." masayang sabi nito at mabilis na lumabas ng kanyang opisina.
Sinundan na lang niya ito ng tingin. Lira Clemente, her innocent 19-year-old secretary. Maganda ito at mabait. Nakilala lang niya ito nang naging pasyente ang ina nito rito sa Del Rio Medical Center.
Naghihingalo na ang nanay nito nang isinugod ito rito sa Del Rio Medical Center. Umiiyak ang babae na nakikiusap sa mga doctor na asikasuhin ng mga ito ang ina kahit wala raw itong perang pang-down payment.
Sa awa niya ay kaagad niyang inutusan ang isa sa mga resident doctor ng hospital na asikasuhin ang tiyahin nito at siya na ang bahala sa gastos.
Sobrang nagpapasalamat naman ang babae sa kanya nang maligtas ang ina nito at gusto nitong bayaran ang mga nagastos niya kahit paunti-unti.
Noong una ay ayaw niya dahil kusang loob naman niya ang pagtulong sa ina nito but the woman insisted. So, she offered her to be her secretary.
Binigyan din ito ng scholarship ng Mommy niya sa YDU nang malaman niya na gusto nitong makapagtapos sa kolehiyo at nag-iipon ito para doon. Kaya nag-aaral ito sa gabi at nagtatrabaho naman bilang sekretarya niya sa umaga hanggang alas kuwatro ng hapon. Pero dahil Sabado ngayon kaya hanggang alas cinco ng hapon ang duty nito.
She admired her. Napakasipag, wala nga yata sa bokabularyo nito ang salitang pagod.
"Magandang hapon, Ma'am." Bati sa kanya ng kasambahay nila, pagkapasok pa lang niya ng mansion.
Tumango lang siya at hindi na nag-abalang batiin ito pabalik. Nasanay rin naman ang mga ito sa ganoong pakikitungo niya.
'Till now, hindi pa rin niya na-overcome ang takot niya pagdating sa mga kasambahay. Pakiramdam kasi niya, anumang oras ay tatraydurin siya ng mga ito.
Kagaya ng Nanny Elena nila noon.
"Addie, you're here."
Napakurap siy at napatingala sa may tuktok ng staircase, nang marinig niya ang malambing na boses ng kaniyang ina.
Napangiti siya at huminto sa paglalakad nang kaagad itong bumaba ng hagdanan. Agad naman siya nitong niyakap at hinalikan sa pisngi nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.
"Where's Dhie?" she asked, nang kumalas siya mula sa pagkakayakap niya rito.
"Nasa library. Pero pababa na iyon. Magbihis ka na muna, ‘nak. Amoy alcohol ka pa." biro nito na ikinangisi niya.
Napatitig naman ito sa kanya pagkuwa'y hinaplos nito ang pisngi niya.
"N-Namiss ko ang pagngiti mo, Anak." sabi nito na may luhang sumungaw sa mga mata nito. Bahagya pang pumiyok ang boses nito kaya niyakap na lang niya ito ulit.
Mula nang mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya nila ay bihira na lang siyang ngumiti. She's stiff and cold to everyone, except to her family most especially to Lucas.
Nang bumaba si Dhie ay nag-usap muna sila.
"Your Mhie and I need to go to Europe. May problema kasi sa Impero." ani Dhie.
Agad namang kumunot ang noo niya. "Why? Where's Andrei? Shouldn't he be the one to fix it if there's a problem?” sunud-sunod niyang tanong sa ama.
“He’s in Greece.” Dhie answered. Mas lalong nalukot ang noo niya. Ano’ng ginawa ng kapatid niya roon kung wala naman silang negosyo roon? “Let your brother heal his soul, princess.” Ani ng ama nang makita nito ang confusion sa mukha niya.
Heal his soul or chase his heart? Gusto sana niya iyon isatinig pero piniling 'wag na lang.
She sighed. Pagkatapos ay nakakaunawang tumango na lang siya.
"Kaya makiusap sana ako na ikaw na muna ang haharap sa prospect investor natin." Kita niya ang lungkot sa mga mata nito.
Hindi lingid sa kaalaman niya ang kinakaharap na krisis ngayon ng Impero Del Rio Associatti at kailangan nilang makahanap ng investor.
"Sure, Dhie." Pagsang-ayon kaagad niya.
Kinabukasan din ay umalis sina Mhie at Dhie papuntang Europe. Inihatid niya ang mga ito sa Airport bago siya nagtungo sa Impero Del Rio para humingi ng update kay Karenina tungkol sa ginawa nitong proposals para sa President ng L.A Group.
Kailangan niyang pag-aaralan kung ano ang mga dapat niyang sabihin sa harapan ng magiging investor nila.
She's not into business, but in times like this, her father can rely on her skills to convince someone.
Pero mas nakakahanga talaga ang galing ni Andrei pagdating sa negosyo. Hindi man maganda ang pinagdaanan nito ngayon pero naniniwala siya na babalik din ito sa dati. Na makaka-move on din ito sa walang kuwentang pagmamahal nito sa babaeng iyon.
AFTER Andrea's encounter with Mr. Brixton Alessandro Sanford, the new investor of their company, she felt like she wants to see him again and talk to him despite with his attitude towards her.Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. He's arrogant and very full of himself but why she felt like—she felt like she wanted to know him more. Kahit napaka-arogante nito, may bahagi pa rin ng puso niya na gusto niya itong makasama.Damn! Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya para sa lalaking iyon? Shit! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon! This is absurd!"Okay lang po ba kayo, Dra. Del Rio?"Napakurap siya at nilingon niya ang katabi na si Dra. Venice. Pero ininguso lang nito ang mga kasamahan nilang doctor. Kaagad namang natuon ang pansin niya sa mga kasama niyang doctor sa loob ng meeting room.They had a meeting regarding the decreasing stock of medicines inside the hospital. At kailangan nila iyong masolusyunan bago pa man maubos ang mg
ANDREA was seating quietly in front of a large, triangular shaped conference table. Nakikinig lang siya sa mga board members na kanina pa naghahayag ng kanilang mga opinion at suggestions patungkol sa crisis na kinakaharap ngayon ng hospital.Ang lolo Alexander naman niya ay tahimik lang din na nakikinig sa mga ito. Pero hindi rin nagtagal ang pananahimik nito at nagsalita na rin.“This hospital remains as it is no matter what.”Natahimik ang lahat ng mga board members sa pinalidad ng boses ng kaniyang abuelo. Lalo na sina Dr. Villa at Dra. Seraspi na kanina pa iginigiit ang kagustuhang ibalik ang DRMC sa dating estado nito.Nasa Italy ang Abuelo kasama ni lola Annaliese para magbakasyon. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tuwing wedding anniversary ng mga ito ay umuuwi talaga ang lolo Alexander niya sa bansa kung saan ito ipinanganak.Pero dahil tinawagan ito ni Dra. Seraspi tungkol sa problema ng hospital kaya heto ito ngayon sa harap nila. Hindi man lang pinalipas ng isang araw mula
NANG HUMINTO ang sasakyan ni Andrea Mikaela sa tapat ng sampung palapag na building ng Montreal Pharmaceutical ay agad niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan.Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay taas noo siyang naglakad papunta sa entrada ng building. Agad namang binuksan ng guard ang double glass door pagkatapat niya roon."Good morning, Ma'am." bati nito sa kaniya.Isang tango lang ang isinagot niya sa guwardiya at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa may receptionist area.The whole area was very spacious. Sa tantiya niya ay nasa limang hektarya ang sinakop ng buong building, and it was made of transparent thick glass. Iniisip tuloy niya na baka obsess sa salamin si Mr. Yohan Everette Montreal.Andrea couldn't help but smirk at her thought.“Good morning, Ma’am. How may I help you?” The girl in the receptionist area asked her, nang huminto siya sa tapat n'yon.“I’m Dra. Andrea Mikaela Del Rio,” pagpapakilala niya. “And I have an appointment meeting
“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.” Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the third time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisina nito.
“MISS DEL RIO,"Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II subject. Nakita rin niyang nakatingin na rin sa kaniya ang mga kaklase niya."What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora.Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya."You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga kaklase na natatakot ito para sa kaniya.Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa.Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa pan