ANDREA was seating quietly in front of a large, triangular shaped conference table. Nakikinig lang siya sa mga board members na kanina pa naghahayag ng kanilang mga opinion at suggestions patungkol sa crisis na kinakaharap ngayon ng hospital.
Ang lolo Alexander naman niya ay tahimik lang din na nakikinig sa mga ito. Pero hindi rin nagtagal ang pananahimik nito at nagsalita na rin.
“This hospital remains as it is no matter what.”
Natahimik ang lahat ng mga board members sa pinalidad ng boses ng kaniyang abuelo. Lalo na sina Dr. Villa at Dra. Seraspi na kanina pa iginigiit ang kagustuhang ibalik ang DRMC sa dating estado nito.
Nasa Italy ang Abuelo kasama ni lola Annaliese para magbakasyon. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tuwing wedding anniversary ng mga ito ay umuuwi talaga ang lolo Alexander niya sa bansa kung saan ito ipinanganak.
Pero dahil tinawagan ito ni Dra. Seraspi tungkol sa problema ng hospital kaya heto ito ngayon sa harap nila. Hindi man lang pinalipas ng isang araw mula ng makauwi at agad din na nagpatawag ng board meeting.
“Sa amin lang naman, Doctor Del Rio, na baka ang dahilan ng laging pagkansela ng CEO ng Montreal Pharmaceuticals ay dahil gusto nila na ang kanilang gusto ang masusunod.” Ani Dra. Seraspi. Hindi pa rin sumusuko sa kagustuhan nito at ni Dr. Villa.
“Mr. Montreal doesn’t exactly cancel our meeting, doktora. He just postponed the meeting for some important matters.” Hindi na rin niya napigilan na magsalita.
Nakausap din niya ang secretary ni Mr. Montreal. Talagang pina-postponed na muna ng boss nito ang appointment niya rito.
“Given, Dra. Del Rio. But how can you assure that you will convince the CEO with your proposals and terms?” Dr. Villa asked her.
Hindi siya agad nakasagot. Wala nga siyang assurance na mapapayag niya si Mr. Montreal sa kaniyang proposal.
“I understand all your concern about the hospital medicines’ demand but to end that idea, na gawing business ulit itong hospital, hindi iyon ang solusyon na nakikita ko hangga’t hindi pa natin nagagawa ang best natin para matugunan ang kakulangan ng mga gamot dito.” Sabi ni lolo ng hindi na siya nagsalita pa.
Nakita naman niya na napatango-tango ang ibang mga board members, sumasang-ayon ang mga ito maliban na lang kina Dr. Villa at Dra. Seraspi.
“And yes, there’s no assurance that Dra. Del Rio will convince the CEO of Montreal Pharmaceuticals with our proposals and our own term, but we need to try our luck. And if that luck doesn’t go well, then that’s the time I will decide for the betterment of this hospital.”
Nang matapos ang meeting ay nagpaiwan na muna siya sa conference room. Gusto niyang makausap ang abuelo at makahingi na rin ng paumanhin dahil naistorbo ang bakasyon nito kasama si lola Annaliese.
“I’m sorry, Lo,”
“For what? For not telling me the problem?” malumanay man ang boses nito pero naroon pa rin ang pormalidad.
Halatang hindi talaga nito nagustuhan na hindi niya sinabi rito ang problema na kinakaharap ngayon ng hospital.
“Yes po. Ayaw ko lang naman na masira ang bakasyon niyo ni lola Annaliese.”
Lolo heavily sighed. “Come here,” tawag nito sa kaniya.
Nakataas na ang dalawang braso nito para yakapin siya. Nangingiting agad naman siyang napatayo at pumaloob sa mga braso ng abuelo. Marahang tinapik nito ang likod niya.
“Apo, the last I checked, I’m still part of this hospital,” Kumuwala ito sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata. “Kaya kung ano man ang problema rito ay parte rin ako sa problemang ‘yon.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Guilty.
“Sasabihin ko naman po talaga sa inyo pero saka na pagdating niyo rito mula sa bakasyon.”
“I get your intension, Addie, and I appreciated it. Pero ayaw ko lang na ang lahat ng burden ay mapupunta sa’yo kung puwede naman nating pagtutulungan.”
Mas lalo siyang na-guilty.
“I know, na sinabi ko sa’yo na kapag nakita kong kaya mo ng pamahalaan itong hospital ay ibibigay ko na sa’yo ito pero that doesn’t mean, na solohin mo ang lahat para lang ipakita sa akin na kaya mo na. That’s not how it goes, Apo.”
“S-Sorry po, Lo,”
Lolo Alexander sighed again. “Now, can I read the proposal you make for Montreal Pharmaceuticals?” he asked.
Agad naman niyang binigay rito ang dala niyang folder kung saan naroon sa loob ang ginawa niyang proposal. Sinadya talaga niyang dalhin iyon para maipabasa niya rito, baka may maidadagdag din ito na makatutulong para mapa-oo niya si Mr. Montreal.
Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang speaker rito sa conference room.
‘Calling the attention of Dra. Andrea Del Rio, please go to the Intensive Care Unit.’
“I have to go, Lo,” paalam niya sa abuelo. Hindi na rin niya nakita ang pagtango nito dahil mabilis na siyang tumalikod at lumabas ng conference room.
Pagkapasok niya sa loob ng ICU ay nakita niya si Mrs. Evangeline Villanueva na gising na. Kinuha na rin ang ibang tube na nakakabit dito at kinakausap na rin ito ng nurse na naroon para i-check ang mga vital signs nito.
Kinuha niya ang chart ni Mrs. Villanueva mula sa nurse at tiningnan. She’s doing good. Stable na lahat ng vital signs nito kaya iniutos niyang puwede na itong ilipat sa recovery room.
Nakausap din niya ulit ang asawa’t mga anak ng ginang at muli ay nagpapasalamat ang mga ito sa kaniya.
Ang mga sumunod naman niyang oras ay iginugol niya sa iba pa niyang mga pasyente, kung hindi pa siya niyaya ng isa sa mga resident doctor ng lunch ay hindi niya namalayan na oras na pala ng tanghalian.
Sumama na siya sa mga itong kumain ng lunch sa canteen pero hindi pa man natapos nang tumunog ang speaker na naroon sa isang sulok ng canteen. Narinig niya at ng mga kasamahan niyang doctor na nangangailangan ng karagdagang doctor sa emergency room dahil maraming isinugod na mga pasyente.
Hindi na sila nagdadalawang-isip pa at tumayo na para pumunta sa emergency kahit hindi pa sila tapos na kumain.
Malapit nang mag-alas-seis ng gabi nang makabalik siya sa kaniyang clinic. Wala na si Lirah sa table nito kaya alam niyang umalis na ito para pumasok sa eskwela.
Nagtanggal siya ng kaniyang coat nang makitang umilaw ang kaniyang phone na nasa ibabaw ng kaniyang table. Kinuha niya iyon at tiningnan pero namilog ang mga mata niya sa dami ng miscalls ng kaniyang ina sa kaniya.
Binuksan niya ang message nito. Ang dami rin nitong message sa kaniya mula pa kaninang tanghali.
Mhie:
I know your busy, baby… but I just want to inform you that your father and I are home.
Suminghap siya. Nandito na sa Pilipinas sina Dhie at Mhie?
Mhie:
We arrange a family dinner in Belle of Dreams. Can you come after your work?
Mabilis ang naging kilos niya na niligpit ang gamit niya at agad na lumabas ng kaniyang clinic para pumunta sa restaurant ng Mommy niya kung saan ang mga ito.
“Good evening, Doc.” Bati ng lalaking guard sa kay Andrea, pagkapasok niya sa loob ng restaurant ng kaniyang Mommy Ysabella.
“Good evening. Are they here?” tanong niya. Ang tinutukoy ay ang Mommy at Daddy niya at ang mga kapatid.
“Yes, Doc,”
Tumango siya at nagpasalamat. “Thank you.” Saka dumeretso na kung saang VIP room naroon ang mga magulang niya. Sana kasama na ng mga ito si Andrei.
Pagbukas niya nang pinto ay agad bumungad sa kaniya ang pamilya niya. Magkatabing nakaupo sina Mhie at Dhie at sa harap ng mga ito ay ang na-miss niyang si Andrei. Agad sumilay ang mga ngiti niya at bahagyang uminit ang sulok ng mga mata.
Her brother is here. He is healthy as a horse again.
Napatayo ang Mommy niya nang makita siya. Lumapit siya rito at binigyan ng halik sa pisngi.
“Glad you made it, Anak.” sabi nito at niyakap siya.
Nang pakawalan siya ng Mommy niya ay bumaling siya sa ama. Ngumiti ito at inisa ang mga braso para yakapin siya. Nangingiting pumaloob naman siya sa mga bisig nito. Na-miss talaga niya ang mga ito.
Hinalikan siya sa noo ng ama bago pinakawalan at nang balingan niya si Andrei ay nakatayo na rin ito.
Nangingilid ang mga luhang nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.
Andrei chuckled. “You miss me that much, huh.”
She groaned. Hinampas niya ito sa braso na ikinatawa naman nito.
“Of course, you idiot.” Muli niya itong hinampas at tumama naman ang kamay niya sa dibdib nito.
Muli itong natawa at hinawakan ang kamay niyang ginamit niyang panghampas dito.
“Isang taon lang akong nawala, naging bayolente ka na,” he joked. Pero kita naman niya sa mga mata nito na hindi ito natutuwa sa sinapit nito noon.
Tsk. Sino ba namang gago ang matutuwa kung halos isang taon din itong nakatali sa wheelchair at hindi makalakad? And worst, muntik ng mawala ang Impero.
Inikutan niya ito ng mga mata.
“Kulang pa nga iyan sa lahat ng pagpapakatanga mo. Kapag nagpakatanga ka ulit, hindi lang hampas ang gagawin ko sa’yo.” Walang prenong sabi niya.
Hindi niya ito sinisisi sa nangyari noon sa Impero, wala siyang pakialam kung tuluyan mang nawala sa kanila ang kumpanya. Ang hindi lang niya in-expect dito at hindi niya mapaniwalaan ay ang pagkasangkot nito sa isang aksidente dahil lasing ito. Halos isang taon itong hindi makalakad at naging miserable. And that all because he falls in love with a con-artist woman.
She saw Andrei’s jaw clenched and tilted his head.
Napatikhim si Dhie. “Settle down, children.”
She sighed and obeyed their father. Gano’n din si Andrei at bumalik na sa kung saan ito nakaupo kanina. Nang makita niyang may tatlo pang upuan na bakante ay nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang mga magulang.
“Bakit nga pala napaaga ang pag-uwi niyo, Mhie, Dhie?” tanong niya sa mga ito.
“Well, Andrei already took care the problem in Impero when we arrived, so we’ve decided to go back home with him.” sagot ni Dhie.
“At para na rin ma-invite natin ng dinner iyong bagong investor natin sa kumpanya.” Nakangiting sabi ni Mhie. Nasa mukha nito na proud ito na nakuha niya ang yes ni Mr. Sanford.
So, this is why they held this family dinner huh?
Nang tingnan niya ang ama ay gano’n din ang hitsura nito. He’s proud of what she did. Nang balingan niya ang kapatid ay wala naman siyang makitang emosyon sa mukha nito kaya hindi niya alam kung proud ba ito sa kaniya.
“I don’t like him,” deretsang sabi niya sa Mommy at Daddy niya. Kung puwede nga lang na bawiin ang merging ng kumpanya ay gagawin niya.
Kumunot ang noo ng kaniyang ama. Nakuha rin niya ang atensyon ng kapatid na ngayon ay gaya na rin ni Dhie ay nakakunot na rin ang noo na nakatingin sa kaniya.
“Why Addie?” Mhie asked.
“He’s too arrogant and full of himself.” she answered, honestly.
Hanggang ngayon ay bitter pa rin talaga siya sa pagtanggi nito sa kaniya.
Dhie chuckled. “Is that because, he declined you for treating him a coffee?” Dhie asked, in an amused tone of voice.
She gasped. Si Mhie ay namilog ang mga matang napatingin kay Dhie.
“Dhie, where did you learn from—oh, damn—K!” bulalas niya. Nasapo pa niya ang noo.
Bakit ba nakalimutan niya na napaka-loyal ng kaibigan niyang iyon dito sa Daddy niya?
Mhie was confused at first pero nang sabihin ni Dhie rito ang tungkol sa ginawa niya at ang pagtanggi ng hambog ng lalaking iyon ay nangingiti na rin.
“You like him, Addie?” Andrei asked, his voice was serious, but his eyes say otherwise. May panunukso roon.
“Of course not. Duh!” tanggi kaagad niya at inikutan pa ito ng mga mata.
Dhie and Mhie laughed at her reaction. Andrei chuckled.
She groaned. Pasalamat na lang din siya at nalihis na ang usapan at napunta na sa problema ng hospital. Natigil lang sila sa pag-uusap ng dumating si Mr. Sanford. At katulad ng unang kita niya sa lalaki, he screams power and authority.
Nang lumapit ito sa kanila, nakita niya kung paano napako ang mga mata nina Mhie at Dhie rito. Lalo na si Mhie. At sa mga emosyong nakikita niya sa ina, alam niyang kagaya niya nang una niyang nakita ang lalaki ay gano’n din ang nararamdaman nito.
Dumating din si Karenina na inimbitahan din pala ng mga magulang niya. Medyo nahihiya pa ito dahil sa pag-aakalang late na ito.
Dahil inis pa rin siya kay Mr. Sanford kaya nang mag-usap ang mga ito tungkol sa merging ng kumpanya ay hindi siya nagsalita. She felt bored though. Pero dahil nakita niyang tila interesado si Mr. Sanford sa kaibigan niya ay pasimpleng tinukso niya ang dalawa.
Gusto rin niyang asarin si K, makabawi man lang sa panlalaglag nito sa kaniya sa mga magulang niya.
NANG HUMINTO ang sasakyan ni Andrea Mikaela sa tapat ng sampung palapag na building ng Montreal Pharmaceutical ay agad niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan.Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay taas noo siyang naglakad papunta sa entrada ng building. Agad namang binuksan ng guard ang double glass door pagkatapat niya roon."Good morning, Ma'am." bati nito sa kaniya.Isang tango lang ang isinagot niya sa guwardiya at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa may receptionist area.The whole area was very spacious. Sa tantiya niya ay nasa limang hektarya ang sinakop ng buong building, and it was made of transparent thick glass. Iniisip tuloy niya na baka obsess sa salamin si Mr. Yohan Everette Montreal.Andrea couldn't help but smirk at her thought.“Good morning, Ma’am. How may I help you?” The girl in the receptionist area asked her, nang huminto siya sa tapat n'yon.“I’m Dra. Andrea Mikaela Del Rio,” pagpapakilala niya. “And I have an appointment meeting
“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.” Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the third time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisina nito.
“MISS DEL RIO,"Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II subject. Nakita rin niyang nakatingin na rin sa kaniya ang mga kaklase niya."What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora.Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya."You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga kaklase na natatakot ito para sa kaniya.Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa.Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa pan
"DOC, bumalik na po ang heart rate ng pasyente."Saka lang nakahinga ng maluwang si Andrea Mikaela nang marinig iyon sa isa sa mga nurse na nag-assist sa kaniya sa loob ng operating room.She's currently operating the patient, para alisin ang brain tumor nito nang bigla na lang huminto ang heart rate nito. Kaya kinakailangan nila muna itong i-revived at pabalikin sa normal ang tibok ng puso nito bago niya ipagpapatuloy ang operasyon dito. And thank God, the old woman’s heart rate came back.Hindi lang din naman siya ang nakahinga ng maluwag, pati na rin ang mga kasama niyang nasa loob ng operating room. After a couple of an hour, the operation was done, and it was successful."Thank you so much, Dra. Del Rio," puno ng pasasalamat na sabi ni Mr. Gregorio Villanueva nang sabihin niya rito na successful ang operasyon ng asawa nitong si Mrs. Evangeline Villanueva."She will be transferred at the recovery room, kung magtuloy-tuloy ang response ng kalusugan niya.""Thank you so much, Doc."
AFTER Andrea's encounter with Mr. Brixton Alessandro Sanford, the new investor of their company, she felt like she wants to see him again and talk to him despite with his attitude towards her.Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. He's arrogant and very full of himself but why she felt like—she felt like she wanted to know him more. Kahit napaka-arogante nito, may bahagi pa rin ng puso niya na gusto niya itong makasama.Damn! Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya para sa lalaking iyon? Shit! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon! This is absurd!"Okay lang po ba kayo, Dra. Del Rio?"Napakurap siya at nilingon niya ang katabi na si Dra. Venice. Pero ininguso lang nito ang mga kasamahan nilang doctor. Kaagad namang natuon ang pansin niya sa mga kasama niyang doctor sa loob ng meeting room.They had a meeting regarding the decreasing stock of medicines inside the hospital. At kailangan nila iyong masolusyunan bago pa man maubos ang mg