Share

Broken Sweetheart(Del Rio Siblings 3)
Broken Sweetheart(Del Rio Siblings 3)
Author: MSHOPELESSROMANTICA

Prologue

“MISS DEL RIO,"

Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II subject. Nakita rin niyang nakatingin na rin sa kaniya ang mga kaklase niya.

"What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora.

Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya.

"You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga kaklase na natatakot ito para sa kaniya.

Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa.

Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa pandinig niya?

Hindi lang naman siya ang nagrereklamo sa klase ng pagtuturo nito dahil lahat naman sila. It’s just that, she is the only one who has the guts to answer this old-fashioned professor in front of them.

"I heard what you were asking, Prof. But Miss Montreal answered it already, yesterday." aniya sa matandang propesora na nanlalaki na ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Am I right, Miss Montreal?" baling niya sa kaniyang kaklase na nasa unahan niya nakaupo.

"Yes, Prof. Natanong niyo na po iyon sa akin kahapon at nasagot ko na rin po," magalang na paliwanag ni Miss Montreal na mas lalong ikinalaki ng mga mata ng kanilang propesora.

She 'tsk' and shook her head in disbelief at her professor. Mukhang napahiya naman ito dahil namumula ang mukha nito.

What is research?

Really? Noong unang araw pa yata nito ng klase iyon natanong sa kanila at ngayon ay nasa kalagitnaan na sila ng semester at nasa ikatlong chapters na rin siya sa ginawa niyang research pero iyon pa rin ang naging tanong nito.

Damn! What a waste of time.

"O-Okay. That's it for now. Do your research, dismissed." anito at nagmamadaling lumabas ng research room ng medicine building.

She shook her head again. Pagkuwan ay ibinalik niya ang paningin sa labas ng medicine building.

Nasa ikatlong palapag ang room na kinaroroonan niya. Nakaupo siya malapit sa may glass window kaya kitang-kita niya ang mga estudyanteng kaniya-kaniyang nagkukumpulan sa ibaba.

May nagbabasa sa lilim ng naglalakihang mga puno ng kahoy. Meron ding nagpapa-cute lang sa boyfriend o di kaya'y sa mga lalaking gusto ng mga ito.

Napatingala siya. Mataas na rin ang sikat ng araw pero dahil sa mga punong nakapalibot sa loob ng school ay hindi iyon masyadong nakasisira ng balat. Prone pa naman ang skin cancer ngayon dahil sa unti-unti ng pagkakasira ng ozone layer.

Nasa ikatlong taon na siya sa kursong medisina. Gusto kasi niyang maging doctor para kapag may mangyari namang hindi maganda sa miyembro ng kanilang pamilya ay makakatulong siya.

Napapikit siya nang maalala na naman niya ang nangyari sa kanyang Mommy Ysabella, 23 years ago.

When she saw her mother unconsciously bathed her own blood. At wala siyang nagawa kundi ang umiyak lang nang umiyak noon. Pinahamak pa niya ang kaniyang kuya Luke. Her older brother died because of her…

"Kuya!" tili niya nang bigla na lang siyang hablutin ng mga taong nakamaskara ng itim. "Hmmm..." pagpapasag niya. Hindi na rin siya makasigaw dahil tinakpan ng malaking kamay nito ang bibig niya.

Takot na takot siya. Nag-iiyak. May busal na rin ang bibig niya.

"Hmmm!!" napatili siya, nang marahas nitong itinulak si Andrei kaya napasubsob ito sa kanya. Umiiyak na kaagad naman siya nitong niyakap.

"Let us go—hmm!" hindi na natuloy ni Andrei ang sinasabi dahil nilagyan kaagad ng busal ng lalake ang bibig ng kapatid niya.

Takot na takot siyang mahigpit na lang na niyakap niya si Andrei. Halos maalog din ang utak niya nang nabunggo ang sinasakyan nilang puting na van.

"Andrea, okay ka lang?"

Napakurap siya at agad bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig niya ang nag-aalalang boses ni Miss Montreal sa kanya.

Nang makitang hahawakan na sana siya nito ay kaagad siyang napatayo at napaatras.

"Don't touch me!" malamig at mariin niyang sabi sa babae. Nanlalaki naman ang mga matang naibaba nito ang kamay at napayuko.

"S-Sorry, I—" hindi na niya ito pinangkinggan at kaagad na siyang tumalikod, bitbit ang libro niya.

"Miss Del Rio—"

"Tabi!" singhal niya sa lalaking classmate na akmang haharang sa kaniya. Nakangiwing tumabi naman ito.

Nagpatuloy siya sa paglabas ng research room. Walang lingon-likod na naglakad siya sa may hallway pababa sa ikatlong palapag na kinaroroonan niya.

Sa tatlong taong pag-aaral niya ng medisina ay wala ni isa siyang naging kaibigan. Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya pero harap-harapan naman niyang sinasabi sa mga ito na ayaw niyang makipagkaibigan.

She totally shut them down. Nawalan na siya ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa kaniya maliban sa kaniyang pamilya at sa matalik niyang kaibigan.

Shit!

Hiyaw ng isip niya nang may bumunggo sa kaniya. Malakas at napaka-solid niyon kaya napaupo siya sa marmol na sahig ng building at nabitawan niya ang dalang medicine book.

"Sorry, Miss.” Sabi ng lalaking nakabunggo sa kaniya. Pero hindi naman kaagad siya nakasagot dahil natulala na lang siya habang nakatingala sa lalaki.

Ang guwapo nito. Napaka-perfect ng mukha—natigil naman siya sa iniisip nang magsalita ito ulit.

“Sorry, Miss. As much as I want you to stare at me like I am the most handsome in the world but I'm kinda in hurry, so I got to go!" He smirked, at mabilis na siyang tinalikuran. Agad namang nag-init ang pisngi niya sa pagkapahiya.

Nagtatagis ang ngipin at naniningkit ang kaniyang mga matang sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki.

Mukhang hindi ito tagarito sa medicine building dahil iba ang suot nito. Nakapang-aeronautical uniform kasi ito.

"May araw ka rin sa'kin, idiot!" hiyaw niya sa sobrang inis. Pero mas naiinis siya sa sarili at bakit gano’n na lang ang pagkakatulala niya sa lalaking iyon.

Tumayo siya at dinampot ang nabitiwang libro saka hinanap ng kaniyang mga mata ang sling bag niyang nabitiwan din niya kanina nang bungguin siya sa tatanga-tangang lalaking iyon.

"Pilot? Pero tatanga-tanga naman. Baka ibangga rin lang nito iyong eroplano." she murmured.

Umismid siya at pinulot ang kaniyang sling bag. Mabuti na lang hindi niya iyon naitapon sa pinaka-ibaba ng building. Kapag nagkataon ipapa-salvage talaga niya ang lalaking iyon.

Salvage talaga? Eh, natulala ka nga sa ka-gwapuhan niya? tuya ng ng isang bahagi ng isip niya.

Dali-dali siyang bumaba ng building at kaagad tinungo ang parking lot. Nagsisikip ang dibdib niya at gusto niyang huminga muna. At iisang lugar lang ang alam niya kung saan siya kampante at gagaan ang pakiramdam niya.

Nang makapasok siya sa loob ng mausoleum ay walang sali-salitang inilapag lang niya sa ibabaw ng puntod ng kaniyang kuya Luke ang dala niyang isang tangkay ng white rose.

She sighed at basta na lang sumalampak sa tabi ng puntod nito. Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay siyang pagtulo naman ng butil-butil na mga luha niya.

"I missed you, Kuya. Naiinis ako ngayon kasi may bumunggo sa aking tatanga-tangang pilot kanina. Hindi man lang nag-abalang tulungan ako." sumbong niya.

"Naiinis na nga ako sa matandang Prof namin, dinagdagan pa ng lalaking iyon. Makikita ko lang iyon ulit ipapasuntok ko talaga iyon sa mga bodyguards kong invisible." daldal niya pa.

Para siyang baliw. Ang daldal niya kapag puntod ni Luke ang kaharap niya pero kapag nasa school siya, daig pa niya ang isang robot. Bansag nga niya doon ay 'The Walking bossy, mute Princess'.

Para daw kasi siyang prinsesa na ayaw magsalita. Kung magsalita naman lagi pang nakasinghal o di kaya'y nang-uutos.

Well, she has a brain. A body to die for and a face who launched a thousand ship. Mayaman at sikat ang pamilya. Pero kung papipiliin siya mas mabuti pang wala siya noon pero kumpleto silang pamilya.

Nandito ang kuya Luke niya. Si Andrei at hindi na niya makikita ang Mommy at Daddy niya na malungkot kapag sasapit na ang birthday nilang tatlo. Hindi man ipinapakita ng mga ito sa kanila pero alam niyang hindi pa rin tanggap ng mga magulang niya ang nangyaring pagkamatay ni kuya Luke.

Mayaman nga sila. Sobrang yaman pero wala namang nagawa 'yang kayamanan na iyan para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila lalong-lalo na kay kuya Luke.

Madaldal at masayahin pa rin sana si Andrei. Hindi sana ito aalis nang bansa at pipiliing doon mag-masteral sa Europe. Hindi masakit ang dibdib niya sa tuwing may okasyon ang pamilya niya at makikita niyang hindi sila kumpleto.

"Alam mo ba, Kuya, na may gusto akong gawing kaibigan maliban kay Karenina?"

Yes. She wants to be friend with Miss Sierrah Montreal. Mabait kasi ito at lagi siyang kinakausap kahit hindi naman niya ito sinasagot. Pareho din sila ng gusto, ang magiging neurologist in the future.

Sa araw-araw na lagi niya itong kaklase sa lahat ng subjects at piliin nitong maupo sa tabi niya o di kaya'y sa kaniyang unahan para lagi nitong ikukuwento sa kaniya ang bunsong kapatid nitong nawawala raw.

She can relate her sentiments about what happened to Miss Montreal family pero kailanman ay hindi niya ito kinausap.

Maliban kanina. Tinanong niya ito for confirmation. Pero nasigawan niya sa huli. She doesn't want to be touch by someone. Lalo pa at hindi niya lubusang kilala. Pero kahit nga kilala niya ay tatraydurin pa rin sila.

Kagaya ng Yaya Elena nila.

"Talaga? May napupusuan ka nang maging kaibigan mo sa medicine school?" bigla siyang napabangon nang marinig niya ang boses ni Karenina.

"Hey, kanina ka pa nandiyan?" tanong niya sa kaibigan.

Tumango ito at naglakad palapit sa kanya. May bitbit itong isang basket na white roses. Kaagad naman nito iyong inilapag sa tabi ng puntod ng kanyang kapatid nang makalapit na ito. Pagkuwan ay naupo sa tabi niya.

Napatingin siya sa kanyang wristwatch. Alas y sinco na pala kaya pala narito na ito. Araw-araw ay narito rin ang kaibigan niya tuwing sumapit ang five p.m. Tatambay din kagaya niya at magkukuwento ng kung anu-ano sa harap ng pintos ni kuya Luke.

Hindi pa rin kasi ito naka-move on sa pag-ibig nito sa kapatid niya. Hayst! Sayang gustong-gusto pa naman sana niya na ito ang magiging asawa ni kuya Luke.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," basag nito sa katahimikan.

Tiningnan niya ito. "M-Magagalit ka ba?"

Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan pero ngumiti lang ito at umiling-iling.

"Why should I?" nakataas ang isang kilay nito. Ngumuso siya. "Hindi ako magagalit. Masaya nga ako at may napupusuan ka nang maging kaibigan mo, Addie."

Bumuntonghininga siya at napayuko. "But I want you to know that you're my only best friend."

Naramdaman niya ang pagyakap nito nang mahigpit sa kanya.

"I know." Karenina whisper.

Naluluhang niyakap niya ito pabalik. They promised to each other, through thick and thin they're still together as best friend.

When she was weak Karenina was her strength. When she was sad, Karenina was there to make her happy. Marami na rin silang pinagdadaanan bilang magkaibigan.

Days passed by and she and Sierah became friends. Hindi na sila mapaghiwalay sa isa’t isa. Kung nasaan siya ay naroon din ito, kung saan naman ito gusto ay sinasamahan din niya. Natoto na rin siyang makisama sa ibang friends pa nito. Dinala rin niya ito sa paboritong tambayan niya, ang mausoleum ng pamilyang Del Rio, ipinakilala niya ito sa kuya Luke niya bilang bago niyang kaibigan.

But something happened to Sierah that made her heart broken again. And like what happened to her mother, she didn't save her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status