NANG HUMINTO ang sasakyan ni Andrea Mikaela sa tapat ng sampung palapag na building ng Montreal Pharmaceutical ay agad niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan.
Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay taas noo siyang naglakad papunta sa entrada ng building. Agad namang binuksan ng guard ang double glass door pagkatapat niya roon.
"Good morning, Ma'am." bati nito sa kaniya.
Isang tango lang ang isinagot niya sa guwardiya at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa may receptionist area.
The whole area was very spacious. Sa tantiya niya ay nasa limang hektarya ang sinakop ng buong building, and it was made of transparent thick glass. Iniisip tuloy niya na baka obsess sa salamin si Mr. Yohan Everette Montreal.
Andrea couldn't help but smirk at her thought.
“Good morning, Ma’am. How may I help you?” The girl in the receptionist area asked her, nang huminto siya sa tapat n'yon.
“I’m Dra. Andrea Mikaela Del Rio,” pagpapakilala niya. “And I have an appointment meeting with the CEO at exactly 9 o’clock in the morning.” dugtong niya pa.
Tumango naman ang babae at agad na may tinipa ito sa computer na nasa harap nito.
“Okay, Doc, the CEO’s office was on the 10th floor.” Sabi ng babaeng receptionist. May pinindot itong number sa intercom, pagkuwan ay kausap na nito ang secretary ng CEO. “Miss Madrigal, Dra. Del Rio is already here at the ground floor.”
Nakita niya pang tumango-tango ito habang nakikinig sa sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya. "Noted, Miss." Muling sabi nito, pagkatapos ay pinindot ulit ang intercom at humarap ulit sa kaniya.
“Doc, Miss Madrigal will be expecting you at the CEO’s office.”
“Thank you.” Pasalamat niya at naglakad na patungo sa may lift.
Nang nasa tapat na siya ng elevator ay nakita niya ang pulang led arrow sa may gilid na nangangahulugan na pababa na ang lift kaya naghintay muna siya saglit.
Pero isang minuto na lang ang lumipas pero hindi pa rin tuluyang nakababa ang lift at nagsimula na siyang mainip.
Tumingin siya sa suot niyang wristwatch at ilang minuto na lang din ang natira bago mag-alas nuwebe ng umaga.
She hates to be a latecomer. That couldn't be a better impression. Not that she wants to impress the CEO of this big pharmacy, but she wants his yes to her proposal, kaya dapat lang na hindi niya ito paghihintayin. That's unprofessional too!
“C’mon…” mahinang sambit niya habang nakatingala sa lift na nasa itaas pa rin.
It was a circular glass lift, kaya kitang-kita niya kung saang palapag na iyon.
Huminga siya ng malalim at panay ang tingin niya sa pambisig niyang relo. She almost lost her patience when she heard the girl in the receptionist area greeted at someone.
"Good morning, Sir."
"Good morning." A man with a deep voice greeted back and it sends chills on her system.
Mabilis ang ginawang paglingon niya kung saan iyong boses na iyon. Isang matangkad na lalaki na parang haring naglakad sa may hallway ang nakita niya at patungo ito sa kung saan siya nakatayo.
Nakita pa niya kung paano ito sinundan ng tingin ng babaeng receptionist at nakita rin niya sa mukha ng babae ang sobrang paghanga sa lalaki.
The man was wearing a black leather jacket with a black V-neck t-shirt inside and was tucked in his jeans with a black belt.
Nakasuot din ito ng aviator kaya hindi niya alam kung sa kaniya ba ito nakatingin o sa dinadaanan nito.
The man's hair was unruly, and some strands fell to his forehead, but it made him more attractive.
Attractive? What the heck is she thinking? Napakurap siya at agad na iniwas ang tingin sa lalaki at itinuon na lang niya ang paningin sa elevator na na-stock na yata sa itaas.
Pero agad din niyang nahigit ang kaniyang hininga nang masamyo niya ang pabango ng lalaki nang dumaan ito sa likuran niya.
His manly scent was sent shiver down to her spine. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang huminto ito sa tapat ng isa pang lift.
Narinig niyang bumukas ang elevator sa tapat nito kaya agad siyang napalingon dito. Pumasok ang lalaki sa loob. Nang tingnan niya ang elevator sa harap niya ay hindi pa rin ito gumagalaw kaya mabilis siyang naglakad papunta sa kabilang elevator kung saan pumasok ang lalaki.
“Sandali!” pigil niya nang akmang pipindutin na sana nito ang elevator button para sumara.
Mabilis siyang naglakad at agad na pumasok sa loob ng lift.
“Damn! May elevator naman pala rito. Bakit pa ako naghintay sa pesteng lift na iyon na ang tagal bago bumaba?” Naiinis na litanya niya habang inaayos niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay nangarag na siya.
“Which floor are you going to, Miss?” tanong ng lalaki sa kaniya.
Napaigtad pa siya at bahagyang napalayo nang tumama sa likod ng leeg niya ang mainit nitong hininga.
Kinikilabutan siya at agad na dumadagundong sa kaba ang puso niya. Napalunok siya. She has this phobia, sa mga estranghero lalo pa at silang dalawa lang ang narito sa loob ng elevator.
She has developed this anxiety disorder when she and her siblings were kidnapped when they were five years old. Nagawa rin naman niyang labanan lalo na at madalas na humaharap siya sa mga estrangherong pasyente ng hospital.
But this time she felt it again with this stranger. Siguro dahil sila lang dalawa ang nandito sa loob ng elevator. Malalim na bumuntong-hininga siya.
“Ako na,” aniya. Nagpasalamat na lang siya at hindi nanginig boses niya.
Pero kabaliktaran naman sa kamay niyang nanginginig na pinindot ang floor number kung saan siya pupunta. Pasimple rin siyang lumayo sa lalaki ng ilang sentimetro.
Halos pigilan na rin niya ang sarili sa paghinga para matigil ang malakas na kabog ng puso niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nanalangin na sana makarating na siya sa palapag kung saan ang opisina ng CEO.
Nagsisisi talaga siya kung bakit pa siya sumabay rito. Sana naghintay na lang siya.
Kinuyom niya ang dalawang kamay at mariin niya iyong pinisil-pisil para matigil ang panginginig. Nagsimula na ring manlamig ang katawan niya at pinagpapawisan ang kaniyang noo.
Sh*t! Sana naghintay na lang talaga siya kung kailan bababa iyong lift na unang pinaghintayan niya kanina.
Bakit ba kasi hindi niya naisip na lalaki itong kasabay niya at sila lang din na dalawa?
“You’re going to CEO’s office?” tanong ng lalaki. Mahinang napasinghap siya at naimulat ang mga mata.
Kumunot ang noo niya at nanatili lang ang tingin niya sa harap niya. Hindi niya alam kung sasagutin ito o hindi. Hindi naman niya ito kilala, so why bothered answering him?
“Sorry, hindi ka ba nakakaintindi ng English?” tanong nito ulit.
Mas lalong kumunot ang noo niya at naniningkit ang mga matang nilingon na niya ito. Matangkad na siya sa kaniyang taas na 5 feet and 6 inches pero mas matangkad ito kaya kailangan pa niyang tumingala para makita niya ang mukha ng lalaki.
Pero agad din siyang napasinghap nang makasalubong niya ang mga mata nito. Tinanggal na kasi nito ang suot nitong aviator.
His eyes are so deep-set that his eyelashes touch the skin under his thick eyebrows. They were dark blue, dreaming, sleeping, waiting for color. Shit! Why the hell she's complimenting this man's eyes?
But he looks familiar most especially his eyes. Parang nakita na niya ito noon, hindi lang siya sure kung saan.
Ipinilig niya ang ulo at pinaningkitan niya ito ng mga mata.
“Excuse me?” mataray niyang tanong rito. Pinagtaasan pa niya ito ng isang kilay.
His mouth formed an O shaped, then he chuckled lowly. Mas lalong naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa lalaki.
"I thought—"
“You thought what? Na isa akong bobo at hindi makaintindi ng tagalog, yeah.” Putol niya sa sinabi ng aroganteng lalaki.
But he just smirked.
Nagtagis ang mga ngipin niyang agad na lang niyang iniwas ang tingin dito. This man reminds her of Mr. Brixton Alessandro Sanford. Arrogant and so full of himself. At baka nga mas malala pa ang lalaking ‘to sa lalaking ‘yon.
Pero kumpara sa lalaking ‘to, kaya niyang salubungin sa mga mata si Mr. Sanford.
Nang marinig niya ang pagtunog ng elevator ay halos umusal siya ng pasasalamat. Nang bumukas ang pinto ay kaagad siyang humakbang palabas. Gano’n din ang lalaki at ramdam pa niya ang pagsunod nito sa kaniya.
“My lady,”
Natigilan si Andrea nang maring niya ang sinabi ng lalaki.
Annoyed, she turned her back to face him again. Pero muntik na siyang bumunggo sa dibdib nito kung hindi lang kaagad niya natukod ang dalawang palad sa malapad nitong dibdib.
“Shit!” malutong niyang mura at mabilis na inalis niya ang dalawang palad na nakalapat sa dibdib nito. “Sinusundan mo ba ako?” iritang sikmat niya sa lalaki.
Kumunot ang noo ng lalaki. Pero agad din siyang natigilan nang makitang hawak nito sa kanang kamay nito ang phone at nakadikit iyon sa tainga nito.
“Okay. Nah, I just want to talk to him for some matters, so I thought he will be here today. Anyway, thanks for calling me, My lady.”
Shit! Hindi siya ang sinabihan nitong My lady!
Sa sobrang kahihiyan ay mabilis niya itong tinalikuran at tinahak niya ang kaliwang hallway pero tinawag siya ng lalaki. Pero hindi na niya ito nilingon at patuloy lang siyang naglakad.
"Miss, wait!" malakas na ang boses na pigil nito sa kaniya.
Huminto siya. Matalim ang mga matang nilingon niya ito.
"Ano ba'ng problema mo, ha?!" Naiinis na talagang tanong niya sa lalaki.
Nakakunot ng noo nito. Nakita pa niya ang paggalaw ng panga nito. Hindi yata nagustuhan ang pagtaas ng boses niya.
Kahit siya, ay hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito na lang siya kainis dito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong inis. Or maybe because, pinagkamalan talaga siya nitong bobo kanina. Sa hitsura niyang ito, bobo pa rin ang tingin nito sa kaniya?
Yes, she’s cold-hearted at madalas na wala siyang pake sa mga estrangherong katulad nito. Pero ni minsan ay hindi pa siya napagkamalang bobo, until this stranger in front of her—
“The CEO can’t come—"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang may babaeng biglang sumulpot sa harap nila. The woman was wearing a black coat and a white long sleeve as an inner. It was tucked in with a black pencil cut skirt and a black stiletto. Maganda ang babae at sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nilang dalawa.
Ito yata si Miss Madrigal, ang sekretarya ni Mr. Montreal.
"Good morning, Sir Logan.” Bati nito sa lalaki na Logan pala ang pangalan. Ang mga mata ay nakapirmi lang sa mukha ng lalaking kaharap. Mukhang aligaga pa ito at tila nagkaroon ng tension sa katawan.
“Ah, Sir. Your b—”
“I know.” Putol kaagad ng lalaki sa sasabihin pa sana ni Miss Madrigal. “Madeline called me a while ago.” sabi pa nito, pagkatapos ay binalingan siya. Saka lang din siya napansin ni Miss Madrigal.
“Dra. Del Rio?” gulat pa nitong sambit. “Ahm, Doktora, Mr. Montreal—" muling naputol ang pagsasalita nito nang tumunog ang phone ng lalaki.
“Excuse me.” Ani ng lalaki, saka naglakad pabalik sa lift kung saan sila nanggaling kanina.
Tila may magnet naman na humatak sa kaniya para sundan ng tingin ang lalaki. Gano’n din si Mis Madrigal. Nang tuluyan nang makapasok ang lalaki sa loob ng lift at humarap ito sa pinto.
She sucked her breath when he looked up at her and their eyes met again. Her heart beats erratically too. Nasa tainga pa rin ang phone nito at tila nakikinig lang sa kausap nito sa kabilang linya. Then the elevator door closed.
Napalunok siya. Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib niya sa sobrang pagkabog n’yon na tila tumakbo siya ng milya-milya.
Damn! What was that?
“I’m sorry, Dra. Del Rio for the short notice but the CEO can’t make it today.”
Napatingin siya kay Miss Madrigal na ngayon ay muli ng nakaharap sa kaniya.
“Pardon?”
“Hindi po makakarating si Mr. Montreal, Doc. Tumawag po siya kanina. He postponed the meeting and he said he will personally call you if he already finished studying the proposal you sent to him.”
“Again.” She said with gritted teeth. Hindi na rin niya maitago ang pagdilim ng hitsura niya. "Then bakit niyo pa ako pinapaakyat dito kung hindi rin naman pala siya makakarating?"
"Ngayon lang kasi siya tumawag, Doc. I'm sorry." sagot ni Miss Madrigal sa kaniya. She looks so sorry for her.
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi naman niya puwedeng ibunton dito ang inis niya sa unprofessional nitong boss.
“Tell him, he’s wasting my time. He’s unprofessional.” Naiiritang sabi niya. Napakurap ito saka napangiwi. “I have to go.” Paalam niya at tuluyan ng umalis.
“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.” Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the third time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisina nito.
“MISS DEL RIO,"Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II subject. Nakita rin niyang nakatingin na rin sa kaniya ang mga kaklase niya."What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora.Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya."You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga kaklase na natatakot ito para sa kaniya.Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa.Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa pan
"DOC, bumalik na po ang heart rate ng pasyente."Saka lang nakahinga ng maluwang si Andrea Mikaela nang marinig iyon sa isa sa mga nurse na nag-assist sa kaniya sa loob ng operating room.She's currently operating the patient, para alisin ang brain tumor nito nang bigla na lang huminto ang heart rate nito. Kaya kinakailangan nila muna itong i-revived at pabalikin sa normal ang tibok ng puso nito bago niya ipagpapatuloy ang operasyon dito. And thank God, the old woman’s heart rate came back.Hindi lang din naman siya ang nakahinga ng maluwag, pati na rin ang mga kasama niyang nasa loob ng operating room. After a couple of an hour, the operation was done, and it was successful."Thank you so much, Dra. Del Rio," puno ng pasasalamat na sabi ni Mr. Gregorio Villanueva nang sabihin niya rito na successful ang operasyon ng asawa nitong si Mrs. Evangeline Villanueva."She will be transferred at the recovery room, kung magtuloy-tuloy ang response ng kalusugan niya.""Thank you so much, Doc."
AFTER Andrea's encounter with Mr. Brixton Alessandro Sanford, the new investor of their company, she felt like she wants to see him again and talk to him despite with his attitude towards her.Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. He's arrogant and very full of himself but why she felt like—she felt like she wanted to know him more. Kahit napaka-arogante nito, may bahagi pa rin ng puso niya na gusto niya itong makasama.Damn! Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya para sa lalaking iyon? Shit! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon! This is absurd!"Okay lang po ba kayo, Dra. Del Rio?"Napakurap siya at nilingon niya ang katabi na si Dra. Venice. Pero ininguso lang nito ang mga kasamahan nilang doctor. Kaagad namang natuon ang pansin niya sa mga kasama niyang doctor sa loob ng meeting room.They had a meeting regarding the decreasing stock of medicines inside the hospital. At kailangan nila iyong masolusyunan bago pa man maubos ang mg
ANDREA was seating quietly in front of a large, triangular shaped conference table. Nakikinig lang siya sa mga board members na kanina pa naghahayag ng kanilang mga opinion at suggestions patungkol sa crisis na kinakaharap ngayon ng hospital.Ang lolo Alexander naman niya ay tahimik lang din na nakikinig sa mga ito. Pero hindi rin nagtagal ang pananahimik nito at nagsalita na rin.“This hospital remains as it is no matter what.”Natahimik ang lahat ng mga board members sa pinalidad ng boses ng kaniyang abuelo. Lalo na sina Dr. Villa at Dra. Seraspi na kanina pa iginigiit ang kagustuhang ibalik ang DRMC sa dating estado nito.Nasa Italy ang Abuelo kasama ni lola Annaliese para magbakasyon. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tuwing wedding anniversary ng mga ito ay umuuwi talaga ang lolo Alexander niya sa bansa kung saan ito ipinanganak.Pero dahil tinawagan ito ni Dra. Seraspi tungkol sa problema ng hospital kaya heto ito ngayon sa harap nila. Hindi man lang pinalipas ng isang araw mula