Share

Chapter 30 (Dwight)

SUNOD-SUNOD na napahithit si Dwight sa hawak na vape. Isinandal niya ang dalawang siko sa barandilya ng kinaroroonang veranda. Naniningkit ang mga matang ibinuga niya ang usok.

Pilit niyang iniwasan si Syrellie. Halos hindi na nga siya nag-u-opisina sa Pasay Branch para lang hindi niya ito makita. Late na rin siya kung umuwi para lang hindi sila magpang-abot. Halos sa guestroom na lang siya natutulog na hindi naman nito napapansin dahil nga madaling araw na siya kung umuwi. Nababahala kasi siyang baka kung palagi niya itong kasama ay hindi na niya mapigilan ang sarili at mapakialaman ito.

Oo, nagbago ang plano niya. Wala na sana siyang balak na gawin sa babae ang nauna niyang plano na angkinin ito at gantihan. Nakokonsensya kasi siya. Lalo pa't nakikita niya ang pagmamahal na iniuukol nito para sa kakambal niya—na sa kaniya ibinubuhos sa pag-aakala nitong siya si Dwayne.

Balak na nga sana niyang tapusin ang lahat ng pagpapanggap at bumalik na ng Spain. Pero nan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charie Ramos Garcia
more update please!!!!!!!.....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status