Share

Chapter 31 (Dwight)

"PARADISE!" masayang bulalas ni Syrellie habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin sa haciendang kinaroroonan. Dumipa siya at napapikit.

Kakarating lang nila ni Dwayne mula sa mahabang biyahe. Mahigit-kumulang tatlong oras ang iginugol nila sa pagpunta sa Hacienda Solivan. Hindi naman siya napagod sapagkat nakatulog siya. Ginising na lamang siya ni Dwayne nang malapit na sila. Ito na rin ang nagmaneho ng kotse.

"You like it here?" narinig niyang tanong ni Dwayne. Nasa likuran niya ito at nakasunod sa kaniya. Dala nito ang ibang bagahe nila.

"Yes! Yes!" Sunod-sunod siyang napatango. Nilingon niya ito. "Ang ganda pala rito, 'no? Kaya pala palagi mong sinasabi noon na dadalhin mo kami rito na hindi naman matuloy-tuloy." Napahagikhik siya.

Napapangiting napailing ito sa tinuran niya.

Muli niyang pinagmasdan ang paligid. Malawak ang haciendang sakop ng mga Solivan. Halatang hindi basta-basta ang pamilya ng mga ito. Halatang may kaya sa buhay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charie Ramos Garcia
ang haba ng kwento,front lang cna brix....anyway Ang Ganda ng story tagal NGA lang sa kasalukuyan....more update please!!!!....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status