Maraming salamat po sa inyong lahat 🥰
Audrey's POVSa condo ako ni Kuya umuwi dahil gusto kong makita ulit si Ate Emerald. Ngunit pagdating ko doon ay wala akong naabutan na tao. Nasabi na sa akin ni Kuya na male-late siyang makauwi. Si Ate Emerald naman ay hindi ko ma-contact. Kaya si Kuya na lang ang tinawagan ko."Audrey, nasa condo ka na ba?" bungad niya sa akin."Yes, Kuya. Pero wala pa si Ate Emerald," sagot ko naman habang tumitingin sa relo ko.Alas siyete na ng gabi. Ayoko mang mag-isip ng kahit ano ngunit nag-aalala na ako kay Ate Emerald. Nabanggit kasi niya sa akin na halos pagtangkaan na ni Brenna ang buhay niya. Kaya hindi ko maiwasan ang mag-isip at mag-alala ngayon."Pauwi na ako."Iyon lang ang sinabi ni Kuya bago niya ibaba ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at saka pabagsak na naupo sa sofa. Maraming pinagdadaanan ngayon sina Kuya lalo na si Ate Emerald. Kaya nga gusto kong maramdaman nila na kakampi nila ako sa ganitong sitwasyon. At gusto ko ring maramdaman ni Ate Emerald kung paano magkaroon ng
Emerald's POVMarahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame ang bumungad sa akin kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Nakita ko pa si Audrey na nag-aayos ng mga pagkain sa table sa hindi kalayuan."Audrey," pagtawag ko sa kaniya."Ate Emerald, kumusta ang pakiramdam mo? May gusto ka ba? Tatawagan ko ba ang doctor?" sunod sunod niyang tanong sa akin.Marahan akong umiling. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil bigla niya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon."Ate, huwag mo na akong tatakutin ng ganoon. Sobra kaming nag-alala sa 'yo ni Kuya," malambing niyang sambit sa akin.Hindi ko na napigilan ang mapaiyak ulit. Naalala ko na naman ang mga pinagdaanan ko kanina at laking pasasalamat ko na nandoon ang magkapatid upang tulungan ako. Kung hindi sila dumating ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.Buong buhay ko, pinaniwala nila ako na aksidente lang ang nangyari kay Mama. Tapos ngayon ay gi
Brenna's POV Naitapon ko ang cellphone ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Tumama sa pader ang cellphone at nagkadurog-durog ito. Malakas akong sumigaw habang pinagsusuntok ko ang mga unan ko. "Brenna, ano na naman ito?" bungad sa akin ni Mama na mabilis na nakarating sa kwarto ko. "We need to kill that woman," galit kong sagot kay Mama. Sukdulan na ang galit na nararamdaman ko sa babaeng iyon. Paniguradong sa oras na makita ko siya ay hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay niya. Masyado na siyang humaharang sa mga gusto ko. Siya ang malaking tinik sa buhay ko ngayon. "Huminahon ka nga, Brenna. Mabuti na lamang na wala pa rito ang papa mo. Baka marinig niya ang mga sinasabi mo," pagsaway sa akin ni Mama. Napaiyak na lamang ako sa galit. Nanginginig ang buong katawan ko at wala akong ibang maramdaman kundi galit lang. "Ibang iba na siya, Mama. Hindi na siya ang Emerald na umaayon lamang sa mga sinasabi ni Papa. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya. Imposibleng
Emerald's POV "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Trevor na hindi ko na namalayang nakapasok na pala sa kwarto. Tipid akong ngumiti sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina ay pinili ni Audrey na sumama sa mga magulang nila at umuwi sa kanila. Si Trevor naman ay nagpaiwan dito sa condo niya upang samahan ako. Matapos kasing magsalita ni Trevor kanina ay walang salitang umalis ang kaniyang papa. Sina Papa ay ganoon din. Lahat yata sila ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Trevor. "Nakauwi na raw sina Audrey. And tahimik naman daw sa bahay," dugtong na sabi pa ni Trevor sa akin. Huminga ako ng malalim habang iniisip ang mga nangyari kanina. Masyado nang nagiging kumplikado ang lahat. Noong makita ko nga si Tita Haidee kanina ay nanginig ako sa galit. Gustong gusto ko na siyang sumbatan ngunit hindi maaaring malaman niya na alam ko na ang ginawa niya. Wala pa akong nabubuong konkretong plano kung paano ako makakaganti sa kaniya. Alam ko namang sinadya nila na ipakita sa mga magulang n
THIRD POV"Makukuha ko na po ba ang approval niyo para pakasalan ko si Emerald?" walang emosyong sambit ni Trevor.Nasa mansion si Trevor ngayon dahil pinatawag siya ng kaniyang ama. Naiwan niya si Emerald sa condo dahil mahimbing pa ang tulog nito. Nag-iwan na lang siya ng note upang hindi maghanap ang dalaga sa oras na magising ito.Weekend ngayon at balak niya sanang ipasyal si Emerald upang makapag-relax sila. Ngunit dahil ngayon lang ulit sila magkakausap ng ama ay pinagbigyan nito ang gusto nito."Gusto kong maintindihan kung bakit atat kang pakasalan ang babaeng iyon," seryosong sagot ng kaniyang ama.Napatawa naman ng mapakla si Trevor. "Hindi po ba't kayo itong gusto na akong magpakasal kaya nga gusto niyo akong ipagkasundo kay Brenna," sabi pa niya.Huminga ng malalim ang kaniyang ama. "Ang gusto lang namin ay ang kabutihan mo. Your Mama chose Brenna because she knows who's best for you. And it's Brenna."Hindi makapaniwalang tumingin si Trevor sa kaniyang ina. Buong akala ni
Brenna's POV "Saan ka pupunta?" bungad sa akin ni Mama nang makita niya akong lumabas ng kwarto ko. "I need some air, Mama. Gusto kong mag-relax," mabilis kong sagot. Huminga naman ng malalim si Mama. Alam na alam naman niya na kapag gusto kong umalis, ibig sabihin no'n ay stress na stress na ako sa mga nangyayari. Wala akong magawa sa ngayon dahil pinag-lie low na muna ako ni Mama. Siya na raw ang gumagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal nina Trevor at Emerald kaya magpahinga na lang daw muna ako. "Ayusin mo ang sarili mo dahil tumawag sa akin ang mama ni Trevor. Gusto kang makilala ng Mrs. Mirasol, ang lola ni Trevor," seryosong sabi sa akin ni Mama. "Kailan daw po?" tanong ko naman. Magandang opportunity iyon upang kuhanin din ang loob ng lola ni Trevor. Kapag lahat ng myembro ng pamilya niya ay pabor sa akin, paniguradong si Emerald na mismo ang aatras sa kasal nila. "Mamayang gabi, doon tayo magdi-dinner sa kanila. Kaya umuwi ka ng maaga," sagot naman ni Mama. Mabi
THIRD POV"Handa na ba kayo?" seryosong tanong ni Ricky sa kaniyang mag-ina. Naghahanda na kasi sila para sa pagpunta sa mansion ng mga Carter.Bumaba ng hagdan si Brenna na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. Naka-dress ito na kulay maroon na tinernuhan ng 4-inch heels. Naka-make up din ito at nakaayos ang buhok. Pinaghandaan niya talaga ang dinner na iyon sapagkat makikilala na niya ang lola ni Trevor."Mag-behave kayong dalawa doon ha, dahil nakakahiya kay Mrs. Carter kapag nagkataon," dugtong na sabi pa ni Ricky.Napatawa naman si Haidee. "Kailan ka ba namin ipinahiya? Ang anak mo lang namang si Emerald ang bumabahid sa pangalan mo," deretsong sabi pa nito."Last na ito. Dahil Brenna, gusto kong simulan mo nang kalimutan si Trevor. Hayaan na natin sila ng kapatid mo," walang emosyong sabi pa ni Ricky.Ilang araw din niyang pinag-isipan ang desisyon na iyon. Na-realized niyang nagiging unfair na siya sa anak na si Emerald. At isa pa, ayaw niyang ipilit ang kaniyang anak na si Bre
Emerald's POV"Lola, paano niyo nakilala si Emerald?" tanong ni Trevor habang kumakain kami.Kung kanina ay hindi ako komportable dahil nandito rin pala sina Papa, ngayon ay medyo umayos ayos na dahil ang lola ni Trevor ang babaenv tumulong sa akin noon. Sadya yatang napakaliit ng mundo."Siya lang naman kasi ang dalagang tinulungan ko noon, anim na taon na yata ang nakakaraan. Nagkaproblema kasi siya kaya ako ang nagbayad ng mga pinamili niya noon," panimulang sabi ni Lola."Naku, Mrs. Carter, noon pa man po kasi ay pasaway na itong si Emerald. Laging nauubos agad ang allowance niya," nakangiting sabi naman ni Tita Haidee na halatang sinisiraan lang naman ako.Kumunot naman ang noo ni Lola Mirasol. "Hindi iyon ang sinabi sa akin ni Emerald. Ang sabi niya ay pinutol ng papa niya ang credit card niya," nagtatakang sabi ni Lola."Op--""Naku, minsan po talaga, mahirap maniwala sa kaniya dahil ilang beses na 'yang nagsinungaling sa amin," pagputol ni Tita Haidee sa sasabihin ko sana.Napa