Share

CHAPTER 60: Pain

SAMARA POV

Nanlalamig ang dalawa kong kamay habang nasa labas ako ng emergency room. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa bag ni Marco. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at pasilip-silip sa salamin ng pinto ng emergency room para i-monitor ang ginagawang operasyon sa kanya ng apat na doktor at limang nurses.

Gaya ng inaasahan, ay naging delikado nga ang kalagayan ni Marco. Nagdulot ng severe bleeding ang pagtama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. May posibilidad ring nasira ang electrical system ng puso niya, at maging ang normal rhythm nito.

I don't want to interpret things negatively, pero maaaring huminto ang pagtibok ng puso niya dahil sa traumatic injury na natamo niya.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa ideyang yun. Nagsisimula na naman kasing manikip ang dibdib ko at mangilid ang luha ko.

Shìt! Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Marco. Ikadudurog yun ng puso ko.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa ECG machine at kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status