THIRD PERSON POV“Oh, no, yung waiter, kawawa naman,” bulungan ng mga nakasaksing customers sa paligid nila Samara at Aldric.Nagtungo ang manager ng restaurant sa table nilang dalawa matapos mapansin ang nasabing kaguluhan.“I'm sorry for the inconvenience, sir. Hindi na po mauulit,” hinging paumanhin ng manager. Aligaga itong kumuha ng tissue para ipunas sa nabasang damit ni Aldric.Aldric hissed. “Just stop it, lumayo ka nga, mga bwìsit,” malutong nitong sabi.Napalunok ang mga staff sa paligid nilang dalawa.Natigilan ang manager. “H-H'wag niyo naman ho akong sigaw-sigawan, sir. Pati ang mga empleyado rit—”“What?” agad na pagputol ni Aldric sa sinasabi ng manager. Pinasadahan niya ng tingin ang kausap. “You're servers, ako pa ba mag-aadjust para sa inyo? Kung hindi dahil sa aming customers ay wala kayong kakainin. Palpak naman kasi talaga ang trabaho niyo. You deserve such treatment,” pangungutya ni Aldric.Mariin siyang tinitigan ni Samara dahil sa inasta niya. A thought instant
SAMARA POV“What's goin—”“IT'S A PRANK!” masiglang bungad ni Candice sa akin nang makapasok ako sa kwarto ni Marco. Nag-appear pa silang dalawa habang ako naman ay kamuntikan nang mapaiyak. Naghagikgikan sila.“Ha Ha,” hilaw akong natawa saka ko sila pinandilatan ng mga mata. “I'm leaving,” sambit ko sa kanila.Nataranta si Candice. “Hoy! Teka lang!” Mabilis siyang tumakbo para iharang ang sarili niya sa pinto. “D’yan ka lang, bawal lumabas,” utos niya sa ‘kin sabay turo sa direksyon ko.Nababagot ko siyang tinitigan. “Alam mo naman, di—”“Wala, wala akong alam, wala talaga,” bara niya sa ‘kin saka siya mabilis na lumabas ng pinto at sinirado iyon.Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Candice!” Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero kinandado niya pa talaga. Nakita ko siya sa salamin ng pinto na nakangisi habang binabalandra sa akin ang susi na hawak niya. Sinenyasan niya ako na lapitan si Marco. Mukhang nanunukso pa nga. Pinandilatan ko siya ng mga mata pero tanging pagsenyas lang ng
SAMARA POVIt's a bit funny. Plinano ko pa namang lumayo kay Marco pero parang kami na ata. We were lying on the bed, side by side, holding each other's hands. Napuno ng hickeys ang leeg namin. Nilingon ko siya sabay tawa nang mahina.Akala niya ata aatrasan ko siya. Ayan, hinang-hina siya. Nagparamihan ba naman kami ng kagat. “Ang wild mo pala, love,” sambit niya habang nakatulala sa kisame. Hindi pa rin siya makapaniwala.“Love,” bigkas ko. Parang kay sarap na ulit-ulitin. Inayos ko ang higa ko paharap sa kanya. “Do you promise to tell me everything?”Naningkit ang mga mata niya saka siya bumaling sa akin. "What would you like to know?" malambing niyang tanong.Mabigat akong napahinga. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nag-aalala rin kasi ako sa kanya kaya gusto kong malaman.“Why are you… poisoning yourself?” pagpapaamin ko sa kanya.Natigilan siya.Tila rumaragasang tren ang tanong kong yun sa kanya na hindi niya inaasahan.***MARCO POV“Why are you… poisoning yourself?”Nat
THIRD PERSON POVNakasandal si Aldric sa kotse niya habang malalim pa ring iniisip ang tuluyang pakikipaghiwalay sa kanya ni Samara. Naikuyom niya ang palad niya sa sobrang inis. Gusto niyang magbitaw ng sunod-sunod na mura dahil sa nangyari. Hindi ito ang plinano niya. Ang pinakanakakaasar pa ay natalo lang siya ng isang bulag.“Bullshit,” malutong niyang sabi sabay hampas sa kotse niya.Binuksan niya ang pinto nito at papasok na sana nang biglang may tumawag sa pangalan niya.“Aldric.”Napalingon siya at agad niyang nakilala ang babaeng nasa harapan niya.It's Mandy, ang best friend ng ex niyang si Samara. Ngayon pa lang sila mag-uusap na sila lang dalawa kaya medyo nanibago siya. Nacurious siya kung anong pakay nito sa kanya.“You need… anything?” nakakunot noong tanong ni Aldric kay Mandy.Ngumiti si Mandy at tinagilid ang ulo niya bilang pagsenyas na pumasok muna sila sa kalapit na café. “I’ll tell you something,” sambit ng dalaga bago siya pumaunang maglakad.Naguguluhan man a
MARCO POVAra is sleeping on my chest. Mag-iisang oras na rin. Ito ang unang beses na hindi ako gumamit ng gamot na pampabulag nang sobrang tagal kaya naninibago ako sa liwanag ng paligid. May mga pagkakataong sumasakit ang ulo ko o biglang nanlalabo ang paningin ko. Nahihirapan din akong mag-concentrate sa mga bagay-bagay.Kinapa ko ang secret pocket ng bag ko kung saan nakalagay ang maliliit na bote ng serum na siyang ini-intake ko. Naroon pa rin ang mga ito at kung hindi mo alam na may secret pocket ang bag ko ay hindi mo yun mapapansin. Matapos kong i-check ang bag ko ay hinalikan ko ang noo ni Ara.Ilang linggo na lang ay babalik na ako sa pamamahala ng Silvestre Business Empire.I want to secure my future for her and Lolly. I'll be away for months at hindi ko pa alam kung paano ko yun sasabihin sa kanya.Basta ang alam ko lang, kapag nakabalik na ako ay pakakasalan ko na siya.Hinawi ko ang buhok ni Ara nang bigla itong naalimpungatan at nagising.“Uhmm,” pag-ungol niya.Dali
THIRD PERSON POVInihiga ni Aldric ang sarili niya sa kama. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang sinabi ni Mandy sa kanya.‘Sinong bumarìl sa kanya?’ nag-aalala niyang tanong sa dalaga.Naikuyom ni Mandy ang palad niya. ‘It's Eli, your friend,’ diretsahan nitong tugon sa binata.Naipikit ni Aldric ang mga mata niya. Alam niyang medyo tuliro ang utak ni Eli pero tapat naman itong kaibigan. Kahit baliw na baliw ito sa ex niyang si Samara ay hindi siya nito ginawan ng masama. Malaki ang respeto nito sa pagsasamahan nila at gano'n din siya.Tatlong magkakasunod na tunog ng doorbell ang nagpahinto sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pinto ng living room upang buksan ito. Tumambad sa kanya ang apat na pulis na may hawak na mga dokumento. Agad na napakunot ang noo ni Aldric.“Kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” bungad na tanong ng isa sa mga pulis sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at medyo bugnutin ang itsura.Naningkit ang m
MARCO POVNaiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Lumabas kasi si Ara para salubungin sina Candice at Lolly dahil marami raw silang dalang pagkain. Hinabilin pa niyang bumili ang mga ito ng Korean Food kasi alam niyang paborito ko ‘yun.Napangiti ako sa pagiging maalaga niya. Hindi pa kami kinakasal ay pang-wife material na.Kinuha ko sa loob ng bag ko ang maliit na box na laman ang singsing na pinasadya ko pa talaga para sa proposal ko kay Ara. Gumaan ang pakiramdam ko habang patuloy ‘yung pinagkatitigan.Si Ara ang babaeng una kong minahal—at alam kong sa panghabang-buhay ay sa kanya lang ako nakalaan.Sumagi sa utak ko ang usapan namin ni Mr. Sanchez no'ng huli naming pagkikita.Napahinga ako nang malalim at bahagyang nalungkot sa nangyaring tagpuan.(FLASHBACK)‘Sir Marius, totoo ho ba ang sinabi niyo sa akin sa telepono? Magbabalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire?’ bungad na tanong ni Mr. Sanchez no’ng palihim kaming nagkita sa isang restaurant ng hotel na pagmamay-a
MARCO POVMariin kong tinitigan ang batang lalaki na tinawag ni Lolly kanina na EJ. Kumakain siya ng ramyeon sa tapat ko. Kasalo rin namin sina Ara, Candice at Lolly sa iisang mesa.Sa tingin ko ay nililigawan niya ang pamangkin ko, at dadaan muna siya sa butas ng karayom bago mangyari ‘yun. Kumukulo ang dugo kong talaga. Kailangan naming mag-usap nang masinsinan.“Hoy,” paninimula ko ng usapan. Tinuktok ko ang mesa nang tatlong beses para maagaw ko ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng ramyeon at tumitig siya sa akin. “Kompleto na ba ‘yang mga buto mo? Ha?” mariing tanong ko sa kanya.Napakurap-kurap siya na para bang inisip pa kung ano ang ibig kong sabihin. Agad na sumingit si Ara.“Hay, Love naman. ‘Wag ka ngang maraming tanong d’yan. Kumain ka na lang. Baka matrauma pa ‘yang bata dahil sa ‘yo at mareport ka for child abuse,” saway niya sa ‘kin at nilagyan ng gimbap ang plato ko. “May paligaw-ligaw na nalalaman, eh,” dahilan ko sa kanya.“Ay, hayaan mo na,” saway niya s