NAALIMPUNGATAN si Cassandra nang maramdamang tila nakalutang siya. Napatitig siya sa mukha ni Stefan. Buhat na siya nito at naroon sila sa kuwarto. Inihiga siya nito sa kama. “S-Stefan,” paos niyang sambit. “Sorry, I’m late,” anito. “S-Saan ka ba nagpunta?” “I talked to Janica.” Naghubad na ito ng coat. “A-Ano’ng nangyari? Okay na ba kayo?” “I just clarified some important things to her to stop chasing me.” Iba na ang naisip niya, na baka wala na ngang balak si Stefan na balikan si Janica. “Hindi mo pa siya pinatawad?” aniya. “I have forgiven her, but things are different now. Maraming dapat isaalang-alang. And I don’t want my life to be complicated since we’ve just married.” “Pero at least bigyan mo siya ng assurance kung balak mo pa siyang balikan. Para naman hindi umasa ‘yong tao.” Marahas na humarap sa kaniya si Stefan. “Stop dictating to me what to do, Cass! I know naawa ka kay Janica, but it’s not your responsibility. Leave this mess to me and do your duty as part of
SINUBUKAN pa rin ni Cassandra na buksan ang link na pinadala ni Dr. Tobi, at napunta siya sa official website ng online consultation ng ospital. Inayos niya ang kaniyang upo habang hinihintay na magbukas ang video. Inilugay rin niya ang kaniyang buhok. Mamaya ay nagpakita na sa video si Dr. Guellera. “Good morning, Doc.!” nakangiting bati niya rito. “Good morning! You’re late,” anito. Matamis ang ngiti nito, nagpakita pa ng cute na dimples. “Ano kasi….” Lumingon siya kay Stefan na tumigil sa pagtugtog ng gitara. Nakatingin ito sa kaniya. “Are you at work?” tanong ni Tobi. “Ah, hindi po. Narito lang ako sa bahay,” mabilis niyang tugon. Ibinalik niya ang focus sa kausap. “Okay. Pero maiksi na lang ang oras natin kasi may isa pa akong pasyente na kakausapin, ha?” “Sige po.” “Sabi mo last time, biglang taas ang glucose level mo, then bumagsak kinabukasan kahit hindi ka nagturok ng insulin. Ano ba ang mga kinain mo?” sabi nito. “May kinain kasi akong candy na merong chocolate, sig
SA US pala nailibing ang labi ng daddy ni Stefan. Ang puntod lang ng mommy nito at lolo ang pinuntahan nila. At kuwento ni Lola Isabela, never pa umanong binisita ni Stefan ang puntod ng tatay nito. Pagkatapos mag-alay ng dasal ay umalis din sila kaagad. Dumidilim na rin kasi at lalong tumindi ang traffic. Dalawa na lang sila ni Stefan sa backseat dahil katabi ng driver si Lola Isabela. Wala pa rin silang imikan na mag-asawa. Aywan niya bakit pati siya ay pinagbubuntunan nito ng inis. “Kainis! Anong oras pa tayo makakauwi nito? Nagugutom na ako!” maktol ni Stefan. Hindi na maipinta ang mukha nito. “Ano’ng magagawa natin, nasa Pilipinas tayo, apo,” ani Lola Isabela. “Dapat kasi mas inagahan natin. Naligo pa kasi kayo sa swimming pool. Dapat pagdating ko ready na kayo.” “Nako! Kahit naman maaga tayong umalis, aabutan pa rin tayo ng traffic. Huwag ka na ngang magreklamo. Pagdating sa bahay, makapagpahinga ka rin.” “Kung sana makapagpahinga kaagad. Malamang anong oras na naman matut
HALOS madikit na ang katawan ni Cassandra sa kama sa bigat ng kaniyang pakiramdam. Tila ba siyang nabugbog at nanakit ang buong katawan niya. Alas nuwebe na ng umaga pero hindi pa siya makabangon. Wala na si Stefan sa kaniyang tabi, malamang ay nasa opisina na. Bahagya siyang nahilo kaya nagsumikap siyang bumangon at kinuha ang glucose monitor niya. Nang malamang bumagsak na ang glucose niya, kaagad siyang kumain ng chocolate. Mabilis naman ang epekto nito kaya nakakilos siya nang maayos. Naligo na siya pero dahil walang sinabi si Stefan na papasok siya sa opisina, hindi na muna siya aalis ng bahay. Pagdating sa kusina ay naghalungkat siya ng makakain. Merong garlic rice na naluto at da*ng na bangus. Hindi siya nag-alangang kumain nang maraming kanin dahil mababa ang glucose niya. Sira ulit ang kaniyang diet. Pagkatapos ng almusal ay pinuntahan niya sa hardin si Lola Isabela. Naglilipat na ito ng napunlang talong dahil malalaki na. “Ano ba ang sabi ni Stefan? Hindi ka pa rin magre
TUMAMBAY si Cassandra sa study room at nagbasa ng libro. Kailangan niyang mapakalma ang kaniyang sistema dahil napatunayan niya na nawawalan siya ng kontrol. Nakaupo lamang siya sa couch at hawak ang libro. Ngunit kahit anong pasok niya ng binabasa sa utak ay iba pa rin ang naghahari rito. Nag-iisip na siya ng mga negatibong bagay na wala naman sa plano. Dapat ay masaya siya kasi may chance na magkabalikan sina Stefan at Janica. Pero bakit biglang nasasaktan siya sa tuwing iniisip ang bagay na ‘yon? Nang maramdaman ang presensiya ni Stefan, nag-focus siya sa binabasa. Tuluyan itong lumapit at umupo sa kaniyang tabi, sa gawing kaliwa niya. “Ano ‘yong kanina? Why are you suddenly acted violently? “We had a deal, right? And don’t think I can’t give what I promised. Maayos naman kitang kinausap, ah,” sabi nito sa mahinahong tinig. “Wala,” tipid niyang tugon. “Anong wala? You’re obviously upset, Cass. Iba ang naramdaman ko sa galit mong tinig, and it has something deep meaning in it.
AKALA ni Cassandra ay hindi siya makilala ng kaniyang ama ngunit diretso ang tingin nito sa kaniya, walang pagdududa. “Cassandra?” sambit nito. Ang bilis nitong nakalapit sa kaniya. “Bakit po?” walang sigla niyang untag. Sinuyod pa siya nito ng tingin. “Tama nga si Laura, iba ka na ngayon. Totoo ba na nagpakasal ka sa mayamang negosyante?” Taas-noo niyang hinarap ang kaniyang ama. “Opo,” tipid niyang tugon. “Tama ba na dahil sa pera kaya ka nagpakasal? Ano naman ang kapalit, nagbenta ka ng katawan?” Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, ngunit nanatiling nakadungo ang kaniyang respeto sa ama. “Kailan ba nagkuwento ng maganda at tama ang anak n’yong panganay? At ano kung magbenta ako ng katawan? Sa iyon lang ang paraang alam ko para makaahon sa hirap na iniwan ninyo sa ‘kin!” may hinanakit niyang buwelta. “Huminahon ka, anak. Wala akong intensiyong pag-isipan ka ng masama. Alam ko naman na magaling magsinungaling si Laura. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya, pero kung magmumu
NAGPAHATID lang si Cassandra sa driver ni Stefan sa mismong clinic ni Doc. Tobi. Konti pa lang ang pasyente pero nagsisimula na ang pagtatawag ng staff. Pang-apat siya kaya hindi na siya naghintay nang matagal. Karamihan pa sa pasyente ay matatanda. Siya lang ang pinakabata roon. Nagkita pa sila roon ng dating amo niya sa restaurant na matandang dalaga at palaging nagsusungit sa kaniya. Diabetic din ito kaya nagkaintindihan sila. Noong bago siya umalis sa restaurant ay bumait ito nang malamang may sakit siya. Kaso dahil kailangang magbawas ng empleyado, humingi ito ng pasensiya sa kaniya dahil isa siya sa natanggal. Pagpasok niya sa tanggapan ng doktor ay naroon na si Tobi. Gusto niya ang outfit nito, hindi halatang doktor dahil nakasuot lang ng bughaw na polo-shirt. Wala itong eyeglasses kaya lalong attractive. Karamihan kasi sa doktor na nakaharap niya, may suot nang salamin sa mga mata. “Hi, Doc!” bati niya. “Oh, hello, Cassandra! Mabuti umabot ka,” nakangiting sabi nito. “Oo
MAY topak na naman si Stefan at nagsusungit. Hindi na ito kinausap ni Cassandra hanggang matapos ang hapunan. Aliw na aliw siya sa pagkuwento kay Lola Isabela dahil matanong ito tungkol kay Tobi. Iniwan na sila ni Stefan sa hapag at pumasok na sa kuwarto. “May problema na naman po ba sa opisina?” tanong niya sa ginang. “Ah, wala naman,” anito. Nagbukas ito ng red wine. “Masungit na naman ang apo n’yo.” “Nako, kanina pa ‘yan iritable dahil ilang oras naipit sa traffic. Nasira ang gulong ng kotse niya at nakisakay siya sa van ng kumpanya. Iyong driver kasi hindi kabisado rito kaya kung saan-saan pa lumusot.” “Bugnutin talaga si Stefan.” “Huwag mo na lang muna kausapin baka mag-away na naman kayo. Pero napag-usapan na namin kanina na matutuloy ang bakasyon ninyo sa US sa susunod na linggo.” Marahas siyang napalingon sa ginang. “Next week na po?” gilalas niyang untag. “Oo, para naman maiba ang hanging malanghap ninyo. At saka mas magkakaroon kayo ng time na mag-bonding na walang i