Share

Chapter 24

NAALIMPUNGATAN si Cassandra nang maramdamang tila nakalutang siya. Napatitig siya sa mukha ni Stefan. Buhat na siya nito at naroon sila sa kuwarto. Inihiga siya nito sa kama.

“S-Stefan,” paos niyang sambit.

“Sorry, I’m late,” anito.

“S-Saan ka ba nagpunta?”

“I talked to Janica.” Naghubad na ito ng coat.

“A-Ano’ng nangyari? Okay na ba kayo?”

“I just clarified some important things to her to stop chasing me.”

Iba na ang naisip niya, na baka wala na ngang balak si Stefan na balikan si Janica.

“Hindi mo pa siya pinatawad?” aniya.

“I have forgiven her, but things are different now. Maraming dapat isaalang-alang. And I don’t want my life to be complicated since we’ve just married.”

“Pero at least bigyan mo siya ng assurance kung balak mo pa siyang balikan. Para naman hindi umasa ‘yong tao.”

Marahas na humarap sa kaniya si Stefan. “Stop dictating to me what to do, Cass! I know naawa ka kay Janica, but it’s not your responsibility. Leave this mess to me and do your duty as part of
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status