Maximaze Park
Pagkakuha at pagkakuha ko sa mapa ay agad na akong umalis papunta sa aking dapat na puntahan. Dapat ay kakain pa ako ngunit naisip ko na maraming mga hangal sa gilid-gilid at agawan ako ng pagkain. Mas makakabuti kapag ako ay kumain pagkarating ko sa lugar.
Tumigil ako sa paglalakad nang aking makita ang isang tarangkahan. Mukhang ako’y naririto na kaya naman kumatok ako sa tarangkahan.
Maya’t maya pa ay may nagbukas nito. Nakita ko si Heneral. “Magandang tanghali, Maze!” bungad niya sa akin. Itinaas ko na lamang ang aking kaliwang kamay at hindi na nagsayang ng panahon upang lumingon dito bagkus ay tinuloy ko na lamang ang paglalakad papasok.
“Masyado ka yatang matrabaho sa paglalakbay, Maze. Umupo ka muna at mayroon akong sasabihin sa iyo.” Ipinakita niya ang isang lamesa at mga upuan. Agad naman akong sumunod sa kaniyang ipinag-uutos.
Nilapag ko muna sa lamesa ang aking dala-dalang ba
Maximaze Park“Ang ituturo ko sa iyo ngayon ay ang paggamit ng arnis. Una, hawakan mo ang arnis,” panimula nito. Hinawakan ko ang arnis gaya ng sabi niya. “Mali ang iyong pagkahawak, Maze. Huwag mong hawakan ang arnis sa pinakadulo. Itaas mo nang kaunti.” Itinaas ko nang kaunti ang pagkahawak ko sa arnis. “Ngayon, ganito ang simpleng pag-atake. Umatake ka sa taas sa bandang kanan tapos sa taas muli ngunit sa bandang kaliwa naman.” Sinunod ko ang kaniyang sinasabi. “Tapos umatake na naman sa babang kanan at saka sa babang kaliwa. Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa lamang iyan. Taas, taas, baba, baba. Ulit-ulitin mo iyon.”Taas, taas, baba, baba. Iyan ang aking ginawa sa pag-aarnis. Inulit-ulit ko iyon hanggang sa aking makabisado.“Kapag sinabi kong sugod ay gumalaw ka na para bang mananaksak ka. At hampas . . . Sa ulo! Taas, taas, baba, baba, sugod, hampas sa ulo! Gawin mo at uli
Maximaze ParkMuling nandilim ang aking paningin, nawawalan na naman ako ng pakiramdam. Naandito na naman ako sa isang madilim na lugar kung saan ang nakikita ko lamang ay ang puno. Bumagal ang tibok ng aking puso, malalakas ang mga pintig nito at rinig na rinig ko, ngunit hindi ako nagpasindak. Tatlong palaso ang aking pinakawalan. Rinig na rinig ko ang matulis tunog ng mga ito habang lumilipad patungo sa puno. Lahat ng panang aking pinakawalan ay tumama sa gitna, ngunit iisa nalamang ang nasa gitna dahil nasira ng isang palaso ang dalawa.“Magaling, magaling!” papuri sa akin ng heneral.Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kamay ng heneral na sobrang lapit sa mukha ko. Muntikan na niya akong matamaan. “Dapat ay alerto ka palagi, Maze, nang sa gayon ay maprotektahan o madepensahan mo rin ang iyong sarili,” turo niya. Hula ko ay tuturuan niya akong dumepensa. Hula ko lang naman. “Tuturuan kitang dumepensa ngunit bago ang pa
Maximaze ParkPumasok kami sa loob at nakitang napakaganda ng bahay. Ito ay gawa sa isang puno na sobrang tibay at sementong hindi basta-basta magigiba sabi ni Kuya Darius. Dinagdagan din ito ng mga dekorasyon gaya ng mga halaman, mga batong malilinis na mula pa yata sa pinakamalaking minahan dito sa Normous, mga obra maestra ng sikat na mga tagapinta, at malalambot na basahan na sa tingin ko na gawa sa gintong sinulid at magandang tela.“Maganda ang bahay, hindi ba?”Napalingon ako kay Tiyo. “Opo, Heneral,” sagot ko.“Kung gayon ay sumunod ka sa akin.” naglakad siya papalayo at sinundan ko ito. Dinala niya ako sa harapan ng isang pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang isang napakaganda at napakaayos na silid.“Nasa harapan mo ngayon ang iyong bagong silid. Ang iyong bagong kwarto.”Isang bagong silid, isang bagong tahanan kung saan hindi ko kasama si Ina sa unang pagk
Maximaze ParkBinuksan ko ang aking mga mata dahilan para masilaw ako ng liwanag. Kahit sa bagong tahanan ay nakakasilaw pa rin ang liwanag. Kung alam ko lamang na mayroon kaming panibagong tahanan ni ina ay hindi na ako nagpalagay ng bintana!“Maze, Anak. Bumangon ka na at mayroon tayong pupuntahan.” Bumukas ang pinto at iniluwal nito si ina.Ako’y lumingon sa kaniya. “Saan po, Ina?” At ito na naman ang pakiramdam at pag-asang pupuntahan namin si Ama kahit hindi naman talaga. Gusto kong pigilan ang pag-asang ito dahil ayaw ko nang masaktan.Kagabi ay nanaginip ako ng mag-amang nasa isang maalikabok at medyo madilim na lugar. Ang ama ng babae ay patay na at ang babae naman ay yakap-yakap siya habang sumisigaw at umiiwak sa sakit.Nagpakawala si Ina ng isang buntonghininga. “Naalala mo ba ang sinabi ng Emperor? Sinabi niya na pupunta tayo sa kaniyang palasyo at ngayon na tayo pupunta.” 
Maximaze Park“Maze, gising na.” Binuksan ko ang aking mga mata at kinusot ito, una kong natanaw ang aking ina.“I-ina . . . “Sinsero siyang ngumiti. “Masyado ka atang napagod kakasakay ng kabayo,” wika nito, “hinihintay na tayo ng Mahal na Emperor. Inaya niya tayong kumain dito sa kaniyang palasyo.” Tumayo siya at nagsimulang maglakad papalayo. Akin naman siyang sinundan.Nang aming marating ang kusina, nakita ko ang isang malaking hapag-kainan. Wala namang okasyon ngunit ang dating nito ay napakaengrande. Ang mga baso ay gawa sa ginto at ang mga platito naman ay babasagin. Ang telang bumabalot dito ay napakaganda. “Umupo na kayo,” aya sa amin ng kamahalan.Napansin ko na nakaupo na si tiyo. Bukod sa kanilang dalawa, ay wala nang nakaupo pa. Napakalaki ng lamesa ngunit aapat lamang kaming kakain.“Ang Empress ay nasa Xida Palacios. Kaniyang kinakausap
Maximaze Park“Maze, ito ang tinapay at ang gatas. Magpakabusog ka.” Bumungad sa akin ang napakalambing na tinig at mukha ni Ina. Inilapag niya sa hapag-kainan ang gatas at tinapay. Halatang pagod ito ngunit nagawa pa rin akong asikasuhin.“Salamat, Ina.” Ngumiti rin ako.“Walang anuman, Anak. Oh sya, ihahanda ko na ang iyong mga damit. Maiwan muna kita.” Naglakad ito papalayo at iniwan ako rito sa hapag-kainan.Ilang araw nadin ang lumipas noong nagpunta kami sa palasyo ng Mahal naming Emperor. Masasabi kong napakasaya ng araw na iyon sapagkat ako'y nahandugan ng isang kabayo. Napakabait nito at pinoprotektahan ako. May itinatago itong lakas sa kaniyang katawan at hindi ko iyon nakita noong una.Biglang tumatak sa aking isipan ang pag-aalaga sa akin ni Ina. Bahagya akong napangiti at naisip na napakasuwerte ko sa kaniya. Napakasuwerte ko na nagkaroon ako ng Ina gaya niya at hi
Maximaze ParkNgumiti ako. “Huwag po kayong mag-alala. Kaya ko po ang aking sarili.” Marahan akong napatawa dahil sa aking tinuran. Hindi ko dala ang aking arnis o kahit ang aking palaso at pana kaya maliit ang tiyansang maprotektahan ko ang sarili kapag wala si Liene. Aasa na lamang ako sa mga itinuro ni Heneral, ang pag-atake at pagdepensa. Sigurado naman akong mayroon akong natutunan.Ginulo niya ang aking buhok. “Kumain ka na. Huwag mo ring kakalimutan ang aking pagkain. Ako’y may kakausapin lamang.”Tumawa ako. “Opo, Tiyo!” Tumalikod ako sa kaniya at tumakbo papalayo kasama ni Liene.“Mag-iingat kayo!” pahabol na sigaw ni Tiyo.Dumeretso kami sa bayan. Kabisado ni Liene ang daan. Nang kami ay makarating sa tindahan ng mga pagkain, masasabi kong marami ngang masasarap na pagkain dito. Sa tingin at amoy pa lamang ay nakakabusog na ngunit iisa lamang ang aking hinahanap, ang
Maximaze ParkMabilis na natapos ang unang pagtutuos at ikinabigla ko iyon nang sobra. Hindi ako makapaniwala na hinampas lamang si makisig sa batok at hindi na ito nakabangon pa. Tulog na tulog kung kaya't nahihirapang ilabas ngcirculosi makisig. Sa kabilang panig, si payat ay bumalik sa puwesto nito. Nagpapahinga siya at muling ibinabalik ang lakas na sinayang nito.Akin lamang naisip, paano nalaman ni payat ang kahinaan nito sa napakaikling panahon? Hindi ko mawari kung paano, at dahil doon, ako ay nausisa kung paano iyon gawin. Malamang sa malamang, kailangang mabilis ka mag-isip at malawak ang iyong pagkakaunawa.Pagkatapos manood ng unang laban ay hindi na ako nakaimik. Ako ay nakulong sa malalim na pagmumuni-muni. Lumalakbay ang barko ng aking isipan habang gustong kumawala ng aking puso sa kaba.Ramdam na ramdam ko na may mangyayaring hindi kaaya-aya at ang aking tanging hiling, na sana ay hindi kasama si Ina sa kutob na iyon.