Share

Chapter 29

 

It feels like I was lost, knowing that Savannah doesn’t have plans on coming back to me. Ang hirap . . . ang sakit. Ang daming dahilan para tumigil ako, pero hindi ko kaya. Gusto ko pa rin na ulitin ang lahat—ligawan ulit siya . . . pero hindi ko mapigilan yung sakit. Sa tuwing lalapit ako sa kan’ya, sumasaya ako, pero nalulungkot din sa tuwing maaalala na hindi na nga siya sa akin.

“Tama na muna,” sabi ni Jin matapos kong ik’wento sa kanila ang nangyari nang gumabi. “Hayaan mo muna siyang malayo sa ‘yo, at ganoon ka rin sa kan’ya. Baka gan’yan ang kailangan n’yo, pare?”

Sinalinan ko ang baso ko ng alak at mabilis ‘yong ininom habang kitang-kita ko ang tatlong pares ng mga mata na nanonood sa akin.

“Ayoko,” mabilis na sagot ko matapos ibaba ang baso.

“Tingnan mo nga ‘yang itsura mo,” iritadong sabi ni Terrence. “Gan’yan ka na lang? Magiging maayos panandalian, tapos babalik ka sa dati kapag nasaktan? Ayusin mo nga sarili mo, pare. Sa tingin mo, babalikan ka niya nang gan’ya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status