Share

Chapter 2

 

Kinuha niya ang bote ng Tequila sa akin at siya na ang nagsalin ng alak sa mga baso naming dalawa. Para pa rin akong na-hypnotize sa tingin ng mga mata niya. Ngayon naiintindihan ko na. 

Nagiging dark blue ang mga mata niya kapag natatamaan ng liwanag o ng kahit na anong ilaw.

Enchanted ba ang tawag sa ganitong pakiramdam?

Ang hiwaga lang. Gusto ko pang tumawa nang makagawa ng joke sa sarili ko. Napakanta pa ako ng I was enchanted to meet you . . . ni Taylor Swift.

Putek, ang corny!

Iniusog niya ang baso sa akin at nakipag-cheers. Nang ngumiti siya, napalunok ako bago kinuha ang baso at nakipag-cheers sa kan’ya. Sabay naming ininom ‘yon.

“May . . . gusto ka raw pag-usapan? Sabi ng kaibigan mo . . .”

Nang marinig ko ang boses niya sa kabila ng ingay ng mga tao sa lugar, para akong ibinalik sa gabing ‘yon, na siya ang kasama ko. Pakiramdam ko, palaging may kakaiba kapag siya ang kasama ko.

Argh! Ano na naman ba ‘to?!

Ibinaba ko ang baso matapos kong mainom ang laman at nag-iwas ng tingin sa kan’ya.

“Wala.”

Hindi ko na nakita ang reaks’yon niya sa sinabi ko dahil itinuon ko na lang ang atens’yon ko sa pagsalin ng alak sa baso naming dalawa. Isa pang bumabagabag sa isip ko, bakit ganito ang tibok ng puso ko? Hindi normal ‘to; ito ang unang beses na nagkaganito ako sa isang babaeng hindi ko naman talaga kilala.

Hindi ko alam kung dahil ba sa alak ‘to o dahil may kakaiba akong kaba na nararamdaman ngayon kasama siya.

“Medyo masungit ka, ‘no?”

Nag-angat ako ng tingin sa kan’ya bago inilapag ang bote sa lamesa. Tumingin ako sa kan’ya at nakita ko ang bahagyang ngiti niya bago ininom ang alak na isinalin ko sa baso niya.

“Uh, hindi . . .”

Nag-iwas ulit ako ng tingin bago ininom ang laman ng baso ko. Parang pinagpapawisan nang malamig ang batok at noo ko. Fuck it, Connor! Dahil lang sa mata, ninenerbyos ka na?

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa sa kabila ng ingay ng lugar.

“Oh, sige. Kung wala naman tayong pag-uusapan—” mabilis akong napatingin sa kan’ya at nakita kong para na siyang naghahanda sa pag-alis. “Aalis na—”

“Ano, sandali . . .”

Teka, bakit ko siya pinigilan? Ayaw ko naman nang ipaalam pa sa kan’ya ang problema ko ngayon at wala naman siyang kinalaman dito! Bakit ko pinigilan? At bakit lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa titig niya sa akin ngayong pinigilan ko siya?

Her forehead creased before she chuckled. Napalunok ako sa ganda ng labi niya. Parang mas nalasing pa ako sa tawa niya kaysa sa alak na ininom ko magmula kanina. Normal pa ba ‘to?

Saan ba ako tinatamaan—sa alak o sa tunog ng tawa niya? Fuck.

“Ano?” tanong niya kasabay ng bahagyang pagtawa.

I smiled a little so that she’ll realize that I am not really the way she saw me as. Hindi ko rin alam bakit ganito ako ngayon sa kan’ya. Hindi ako komportable. Ito ang unang beses na hindi ako komportable sa isang babae.

And . . . why though, Connor?

“Ano, inom tayo . . .” Napaiwas ako ng tingin nang tumawa ulit siya nang mahina. “Hindi kita lalasingin, huwag kang mag-alala.”

Kinuha niya ang bote sa lamesa at sinalinan ang mga baso namin. “Hindi mo ako malalasing nang basta basta, kaya, sige. Mag-inuman tayo.”

Bahagya akong napangiti nang maramdaman ko na komportable naman pala siyang tao. Ako lang itong kung anu-ano ang nararamdaman ngayon at naiisip, nang dahil sa gabi na nagdala ng kung anong hiwaga o kakaibang pakiramdam ngayon sa pagkatao ko.

Alam ko namang labas na siya rito at wala siyang kahit na anong alam sa nangyayari sa akin. Kaya sa tingin ko naman, wala nang dahilan pa para sabihin.

Tahimik lang kaming nag-iinuman habang pinanonood ang ibang tao sa loob ng Padi’s Point. Hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong ilang o inip sa katahimikan dahil pakiramdam ko, komportable naman ang katahimikang mayroon sa pagitan naming dalawa ngayon.

I looked at her when I heard her heaved a deep sigh. She pursed her lips and smiled before talking. “Naalala mo ‘yong gabi na nawalan ka ng malay sa akin?”

I gulped before pouring our glasses with new shots. So, we’re thinking about the same thing . . .

She chuckled. “Kung tingnan mo ako no’n, parang kilala mo ako, o inaalala mo kung kailan at saan mo ako nakita. na parang . . . nakalimutan . . .”

Tumingin ako sa kan’ya at nakita kong hawak niya ang baso niya, bahagyang iniikot ang laman. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Bakit?” dagdag niya. “Bakit gano’n mo ako . . . tingnan?”

Bahagya akong ngumiti sa kan’ya. “Wala naman. Nagkamali lang ako.”

Umawang ang bibig niya, tumatango nang bahagya, sa naging sagot ko sa tanong niya. Ininom niya ang laman ng baso at bahagyang lumukot ang mukha sa pait nito, bago sumagot.

“Curious lang ako. P’wede ko bang malaman?” Hindi ako sumagot. Ilang segundo siyang hindi nagsalita bago dinugtungan ang tanong. “Uhm, k-kilala mo ba ako?”

Muli akong nagsalin ng alak sa mga baso namin hanggang sa nakita kong mahigit kalahati na ang bawas ng Tequila na bagong bukas ko lang bago siya dumating. Malalasing na yata ako.

“Okay lang naman kung hindi mo sasagutin. Na-curious lang talaga ako.”

Ipinakita ko ang bote ng alak sa kan’ya. “Pagkaubos nito,” sabi ko bago ako ngumiti at ininom ang alak na laman ng baso ko.

Hindi na siya nagtanong pa matapos niyang tumango at ngumiti. Tahimik na lang naming inubos ang natitirang alak.

I felt the heat on my body, probably because of the amount of alcohol I consumed since we arrived here tonight. Mabuti na lang talaga at nag-shirt lang ako. Kahit na papaano, may kaonting ginhawa, lalo na at open area naman ang lugar na ito.

“Uhm . . .” Lumingon ako sa kan’ya nang marinig ko siyang magsalita. “Labas? Lakad.”

I nodded before following her as we walked out of the Padi’s Point. I followed her until we arrived at the parking lot. May dala pala siyang sasakyan. Pinatunog niya ang car alarm nito tsaka sinenyasan akong pumasok na. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero bahala na.

Nang ini-start na niya ang engine, nagsalita ako. “Gusto mo bang ako na lang ang mag-drive?”

She chuckled a little. “Bakit? May destinas’yon ka ba?”

Napaawang ang bibig ko, hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan niya. Lalo akong naginhawaan.

“Ano . . . i-ikaw? May destinas’yon ka ba?”

Tumawa ulit siya bago umiling. “Wala.”

Hindi na ako nagtanong pa nang magsimula siyang mag-drive paalis. Gusto kong makialam sa sasakyan niya at buksan ang radyo nang magkaroon naman ng kahit na kaonting ingay.

Masiyado kaming tahimik.

Iba pala ang pakiramdam kapag dalawa na lang talaga kaming magkasama sa lugar. Para akong nauubusan ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na talaga ako sigurado kung para saan ba ito.

“Alam mo, mas masaya ang b’yahe na walang destinas’yon.”

I suddenly felt nervous when she broke the silence between us. I looked at her and saw that her attention is on the road while she’s driving.

Hindi ko na nakuhang sumagot pa nang muli siyang magsalita.

“Hindi ba nakaka-excite yung hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng sasakyan mo?” She chuckled. “Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa ‘yo sa lugar kung saan ka mapapadpad matapos ng walang destinas’yong b’yahe ng buhay mo.”

Itinuon ko ang atens’yon ko sa daan. Ilang sandali pa akong nag-isip bago tuluyang nakahanap ng isasagot sa kan’ya.

“Sa excitement, oo. Maganda nga ‘yan. Paano naman yung sarili mo? Handa ka ba sa aabutan mo? Sa kahaharapin mo sa lugar na mapupuntahan mo? Mas mainam pa rin na alam mo kahit papaano ang lalakbayin mo. Hindi yung hindi mo na lang aalamin dahil lang masaya ang wala kang alam at masaya ang walang destinas’yon . . . dahil lang nae-excite ka.”

Muli siyang tumawa. “You must be fun at parties!” I chuckled at her remark. “Pero tama ka naman.” Nagbuga siya ng buntonghininga. “Minsan kasi, magsisisi ka na may bagay kang inalam, gets mo? Na, sana nanatili ka na lang bulag sa katotohanan.”

Napalingon ako sa sinabi niya. Hindi naman nagbago ang expression ng mukha niya pero may iba akong naramdaman sa sinabi niyang ‘yon. Parang may kakambal na ibang ibig sabihin.

Parang malalim . . . parang masakit nga dahil sa lalim.

I was about to talk when he stopped driving. She parked her car near the High Grounds. Akala ko naman, napakalayo ng pupuntahan namin. Kanina pa siya nagmamaneho. Nito ko lang napagtanto na paikot-ikot lang kami.

Tinanggal ko ang seatbelt nang lumabas na siya ng sasakyan niya. Lumabas na rin ako at sumunod sa kan’ya.

Pumasok kami sa loob at dumiretso sa coffee shop. Naupo kami sa bakanteng table. Tatayo na sana siya para um-order nang inunahan ko na siya. 

Siya na nga ang nagmaneho, siya pa itong o-order para sa aming dalawa. Nakakahiya.

“Anong sa ‘yo?”

“Cheesecake latte. Iced.”

Tumango ako at umalis na para um-order. Kung tutuusin, p’wede naman naming hintayin ang waiter para kuhanin ang order namin, pero dahil maraming tao palagi rito, ako na ang nagkusa. Mukha rin kasing ganoon ang gagawin niya kanina. 

Um-order ako ng isang iced cheesecake latte at isang iced Americano. Nang mabayaran ‘yon, bumalik na ako sa lamesa.

Naupo ako ulit sa harap niya. Ngumiti siya sa akin at sumandal sa upuan niya bago humalukipkip.

“You look so uneasy towards me, Connor. May kasalanan ba ako sa ‘yo?” tanong niya, natatawa nang bahagya.

Napatikhim ako ro’n at napaayos ng upo. “Hindi naman. Wala. Ano lang. May . . . iniisip lang.”

Ngumiti siya nang kita ang ngipin bago bahagyang inilapit ang mukha. Pumangalumbaba siya habang nakapatong ang siko sa hita niyang nakadekwatro.

“Nagagandahan ka sa akin, gano’n?”

Napalunok ako sa tanong niya sa kaba at lamig ng pawis na nararamdaman ko ngayon na hindi ko pa rin maintindihan kung para saan talaga.

Maganda siya? Bakit itinatanong niya ang bagay na halata at kita naman?

“yung . . . mata.”

Her smile vanished a little. Pakiramdam ko, may nasabi akong hindi maganda, kaya dinagdagan ko.

“Maganda rin ‘yong mga mata mo.”

Bahagya siyang tumango bago sumandal sa upuan. Ilang sandali lang din, ini-serve na sa amin ang order namin. Narinig ko ang pasasalamat niya sa waiter.

“Sayang.”

Napalingon ako sa kan’ya. “Ang alin?”

Bahagya niyang iniangat ang kanang gilid ng labi niya at ininom ang order na inumin, bago nagsalita.

“Hindi ko gusto yung mga nagugustuhan ang mata ko.”

Sa sandaling ‘yon, pakiramdam ko, isang malaking misteryo ang taong nasa harap ko.

Sa sandaling ‘yon, na sabihin niya ang koleks’yon ng mga salita na bihira lang magsama sa isang pangungusap, pakiramdam ko, nalaman ko na kung para saan ang lahat ng nararamdaman ko.

At that moment . . . I knew that I’m interested.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status