Share

Chapter 8

 

“Almacen!”

“Pass,” mabilis na sagot ko bago sila iniwanan sa living room.

Naramdaman kong may bumato sa akin ng throw pillow, kasabay ng sunud-sunod na mura mula sa tatlo. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagkulong na sa kuwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at binuksan ang cellphone. Naka-receive ako ng text kay Terrence kahitRounded Rectangle 30 Rounded rectangle Ter:Tang ina mo, ma-busted ka sana! na nasa living room lang naman siya.

Rounded Rectangle 31 Rounded rectangle Me:Next time na lang, par. Labyu.

 

Rounded Rectangle 1073741827 Rounded rectangle Jin:Pinagpapalit mo na kami! Hindi mo na kami mahal!Idi-dial ko na sana ang number ni Savannah nang si Jin naman ang mag-text sa akin.

 

 

Natawa ulit ako bago nag-reply sa kan’ya.

Rounded Rectangle 1073741829 Rounded rectangle Me:Salamat sa paghahanap kay Savvy. :D

 

Rounded Rectangle 1073741831 Rounded rectangle Jin:Tigilan mo ako, tangina, hindi tayo bati ngayon!

 

Rounded Rectangle 1073741832 Rounded rectangle Me:Sorry na pare, next time sama ako sa inyo. Labyu.

 

Rounded Rectangle 1073741833 Rounded rectangle Al:Ikaw maglalaba ng damit namin bukas. :)Nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Akala ko, si Jin na ang nag-text. Si Aldrin naman ngayon.

 

 

Tumatawa akong nag-reply ng emoji na middle finger sa kan’ya bago tuluyan nang tinawagan si Savannah. Kanina pa sana ako tatawag pero na-delay na nang na-delay sa dami ng text ng mga kaibigan ko na akala mo naman, ang lalayo sa akin.

“Hi.”

Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Isang linggo na ang nakakaraan no’ng unang beses na nakapasok ako ng bahay niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan lahat ng nalaman ko sa kan’ya . . . at lahat ng ‘yon, nagustuhan ko.

“Hello. Kumain ka na ng dinner?”

“Oo, katatapos lang.” She chuckled. “Ikaw?”

Napangiti ulit ako. “Oo, tapos na rin. Aalis kasi sila kaya kumain na kami ng dinner.”

“Sila? Hindi ka sasama?” tanong niya.

“Hindi na. Bar lang naman ‘yon.”

“Ahh, bakit hindi ka sasama?”

“Wala ka naman.” I chuckled. “Mas gusto pa kitang kausap kaysa magpakalasing doon.”

She laughed. “Tss. Okay lang naman! Wala namang kaso sa akin. Hindi mo naman ako girlfriend.”

Lalo akong napangiti sa sinabi niyang ‘yon.

Hindi girlfriend . . .

“Hindi pa.”

Tumawa siya sa sinabi ko. “Paano mo naman nasabi na hindi pa? Baka hindi talaga.”

Instead of getting offended, natawa na lang ako dahil alam kong inaasar niya lang ako.

“Bakit? Wala ba akong pag-asa?”

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang itsura niya na nakahiga habang nakatapat ang hawak na cellphone sa tainga, at ang mga labing nagpipigil ng ngiti at tawa.

“Nanliligaw ka ba?”

Naipikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagngiti ko at pagtibok nang mabilis ng puso ko.

Damn, Connor. Are you whipped?

“Manliligaw na ako.”

Tuluyan na siyang tumawa. “Parang napilitan!”

“Sabi mo, mas gusto mo ang sigurado. Kaya hindi ko rin minadali ang sarili ko.”

She chuckled again on the other line. “Hindi ka pa rin ba sigurado?”

I scratched my smiling lips. “Sigurado ako. Ikaw na lang ang hindi.”

“Paano mo nasabing hindi ako sigurado?”

Inayos ko ang cellphone na nakatapat sa tainga ko bago sumagot. “Alam kong iniisip mo pa rin na lahat ng mga magagandang salita na sinasabi ko sa ‘yo, dala lang ng impulsive feelings na sinasabi mo.”

“Bakit, hindi ba?”

“Hindi.”

Matagal siyang natahimik. I was about to talk again when I heard her sigh before talking.

“Alam mo ba na ayon sa weather forecast, mamayang one AM bubuhos ang ulan?”

Tiningnan ko ang date sa desk calendar sa side table at nakita kong August na nga pala. August 2 bukas, ibig sabihin, kung uulan mamayang madaling-araw, August 2 ang unang pagbuhos ng ulan sa buwang ito.

Naalala ko ang pinag-usapan naming dalawa noong nakaraan sa sasakyan.

“Gising ka pa no’n?” tanong ko.

Bahagya siyang tumawa. “Oo naman. Lagi ko kayang inaabangan ang ulan.”

I smiled again. She loves the rain—the sound, smell, and the feeling it gives her. Pati tuloy ako, inaabangan na ang ulan ngayon, kahit na dati, naiinis ako kapag umuulan kasi nakakatamad kumilos, at lagi pang mahirap bumyahe.

Pero ngayong nakikita kong masaya siya kapag umuulan, parang nagugustuhan ko na rin ang pag-ulan.

“Anong gagawin mo mamaya kapag umulan?”

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga. “Maliligo.”

“Gusto ko rin maligo sa ulan.”

Tumawa siya sa sinabi ko. “Maligo ka r’yan. Ako, maliligo dito sa garden.”

Napatango ako at may naisip na kung ano.

Gusto ko siyang puntahan at makasama sa unang pagbuhos ng ulan ngayong August. ‘Yon ang sinabi ko sa kan’ya noon, na gusto kong magkasama kami kapag nangyari ‘yon. Hindi ko alam kung natatandaan niya, pero dahil natatandaan ko, gagawin ko ‘yon. Tutal, Biyernes naman at walang pasok bukas dahil Sabado.

Tamang-tama rin na magba-bar ang mga kaibigan ko kaya makakaalis ako nang tahimik ang mundo.

“Kaso madaling-araw, hindi ka ba magkakasakit niyan?”

She laughed. “Hindi, ‘no! I’ve always done that. Hindi naman ako nagkakasakit. I have a strong immune system, you know?”

Tumawa ako sa sinabi niya. “Ang liit mo kasi. Parang ang hina tuloy ng katawan mo.”

Humagalpak siya ng tawa. “Grabe ka naman sa akin! Anong kinalaman ng height ko sa immune system ko? I am very healthy, Mr. Lopez. Just so you know, I love eating vegetables and fruits.”

Lalo lang nadagdagan ng rason ang pagkakagusto ko sa kan’ya. Damn, girl. Why do you have to be so amazing?

“Let’s eat veggies some other days, then.”

“Really? Gusto mong ipagluto kita? Magaling akong magluto!”

Naramdaman ko ang pag-init ng tainga ko sa sinabi niyang ‘yon, kasabay ng pagtawa ko nang mahina, para humupa kahit kaonti ang bilis ng tibok ng puso ko.

Damn, Savvy . . . look what you turned me into. 

I chuckled. “Talaga? Gusto ko nang matikman. Kailan mo ako ipagluluto?”

Narinig ko ang pag-hmm niya na parang nag-isip, bago nagsalita. “Kapag nagpunta ka na lang dito.”

Lalo akong napangiti bago bumangon sa higaan ko tsaka naupo na lang, nakasandal ang likod sa unan na inilagay sa likod ko.

“Pupunta na ba ako?”

Tumawa siya sa sinabi ko. “Huwag na muna. Tapos ka naman nang kumain!”

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ngayon. Bakit ba ako nagkakaganito?

“Okay lang naman. Luto mo naman ‘yan.”

“Hmm . . . next time. Hindi ako prepared.” She laughed. “Basta . . . sabihan kita.”

“Hmm . . . okay.”

Iniba na niya ang usapan, at nagkuwento ng tungkol sa mga ginagawa niya sa course niya. Hindi ko maintindihan ang ibang jargons na ginagamit niya dahil puro tungkol ‘yon sa arts, pero sabi naman niya, next semester, magshi-shift na siya sa Interior or Exterior Designing.

“Bakit? Ayaw mo na sa Multimedia Arts?” tanong ko bago naupo nang maayos.

“Hindi naman . . .” She sighed. “You know. Arts are very underrated here in the Philippines. It’s a matter of your love for something or having a career that will make your future stable. Mas may pera kasi sa gano’n kaysa dito . . . sa totoo lang.”

Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya matapos niyang sabihin ‘yon. Pero kahit na alam kong baluktot ang iniisip niya, alam kong may punto pa rin siya. Kasi saksi ako sa kung gaano kababa ang tingin ng ilang mga tao sa Pilipinas sa mga taong kumukuha ng kursong related sa art.

“Kung magagawaan naman ng diskarte, bakit ‘di mo ituloy?”

“Hmm . . . pinag-iisipan ko pa naman. Okay lang naman kung mag-shift ako sa Interior Design. Art pa rin naman ‘yon.” Tumawa siya nang mahina.

Napabuntonghininga ako. “Sabagay. Pero mas mararamdaman mo ang art sa Multimedia Arts, Savannah. Mas malawak ‘yon.”

Tumawa siya nang mahina. “Ano ka ba? Everything about the world is art. Everything about me is also art. And everything about you . . .” Ilang segundo siyang tumigil sa pagsasalita, kasabay ng pakiramdam na parang tumigil din ang pagtibok ng puso ko. “Is also art. Hindi naman dahil art ang major ko, doon ko lang mas makikita ang art.”

Napalunok ako sa sinabi niyang ‘yon. Oo nga naman. Bobo ka talaga, Connor.

“I can even look at myself in the mirror and see the art that God has made for me.”

Napangiti ako sa sinabi niyang ‘yon.

She is the most beautiful art I have ever seen; the art that I will never bargain to anything. The art that I know that I will repeatedly ask for God just to have it only myself.

“Hello?”

Napatikhim ako nang magsalita ulit siya. Akala niya siguro, nawala na ako sa linya. Sa dami ng iniisip ko sa tuwing kasama ko siya, at sa ganda ng boses niya sa pandinig ko, mas gusto ko na lang pakinggan siyang magsalita kaysa sapawan ‘yon ng boses ko.

“Nakikinig ako . . .”

Bahagya siyang tumawa. “Am I boring?”

Napaawang ang bibig ko. “What? Hindi, ‘no.”

“Akala ko. Hindi ka kasi nagsasalita, eh . . .”

I chuckled. “That’s because I love hearing you talk about things. And I’m sorry if I made you feel like that, but there was never a dull moment with you, Savannah. Please believe me this time.”

‘Yon ang isa sa mga katotohanan na paulit-ulit kong sasabihin sa kan’ya. Sa dami man ng sabihin niya, sa dami man ng ikuwento niya tungkol sa mga interes niya sa bagay na hindi pa napapatunayan ng siyensiya, kahit isang beses, hindi ako nakaramdam ng inip habang kasama at kausap siya.

Sa halip, nahihikayat niya akong maging interesado sa mga bagay na, noon, wala naman akong pakialam. Natututo akong gustuhin at mas aralin ang mga bagay na sa tingin niya, may hiwaga o kababalaghan.

Ilang segundo siyang nanahimik . . . bago tuluyan nang sumagot.

“Naniniwala ako.”

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko, pagdududahan niya pa rin ‘yon. Lahat na lang ng magandang sinabi ko, pinagdududahan niya. Akala niya siguro, katulad ako ng iba na sa salita lang magaling.

“Salamat.”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Hindi ka naman mahirap paniwalaan.”

Napakunot ako ng noo. “Pero bakit hindi mo ako pinaniniwalaan minsan?”

Tumahimik siya ng ilang segundo bago sumagot.

“Natatakot akong maniwala.”

“Bakit?”

“Basta.”

Hindi na ako nagtanong pa. Naiintindihan ko naman siya, dahil tama lang na hindi siya basta magtiwala sa isang lalaki. Tama lang itong ginagawa niya, kasi, paano kung hindi ako ‘to? Paano kung ibang tao ang nagsabi sa kan’ya ng mga sinabi ko at pinaniwalaan niya? Paano nga kung hindi pure ang intens’yon nito sa kan’ya?

“Okay lang. Naiintindihan ko. Huwag ka nang mag-alala.”

Tumawa siya nang marahan bago ko narinig ang malalim na paghinga. “Never have I ever had dull moments with you, Connor. I just want you to know.”

I heaved a sigh, smiling, as I felt something on my stomach. Para akong nakikiliti.

“Sige na. I need to go. May kailangan pa akong gawin,” pagpapaalam niya.

Nakaramdam ako ng lungkot nang dahil doon dahil gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko pa siyang magkuwento.

“Matutulog ka na?”

Tumawa siya. “Hindi pa nga. Pero matulog ka na, Connor. Huwag mo na akong hintayin. Good night.”

Ngumiti ako at nagpaalam. “Okay.”

Matapos no’n, pinatay na niya ang tawag.

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status